PILIT NA KUMAKAWALA SA MGA BISIG NI DENVER si Jasmine ngunit tila walang conviction ang sarili niya para labanan ang ginagawa nito. Dahil sa totoo lang, unti-unting tinutupok ng mga halik nito ang inis na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Hanggang sa tuluyan na ring bumigay ang damdamin niya. Namalayan na lamang niyang nakapasok na sila sa loob ng kuwarto niya at hinuhubad na nito ang suot niyang damit. Ni wala na siyang nararamdaman kahit na katiting na pagtutol sa ginagawa nito. In fact, kusa na niyang tinutugon ang maalab nitong mga halik. Umigtad pa siya nang bumaba ang mga labi nito patungo sa kanyang leeg hanggang makarating iyon sa kanyang dibdib. Pinaglaruan ng dila nito ang dungot ng kanyang kaliwanag suso habang ang isang kamay naman nito ay binabaybay ang kanyang kahubdan. Binuhat siya ni Denver patungo sa kama. Nang maihiga siya ay nagmamadali itong naghubad ng mga kasuotan. Tahimik lamang siya habang pinapanuo
NANGANGATAL sa galit si Rosemarie nang pagbuksan ito ng pinto ni Denver. Nakita niya ang poot sa mga mata nito habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Si Denver naman ay parang hindi magawang tingnan ng diretso sa mga mata si Rosemarie. “Mga hayup kayo!!!” Sinampal nito si Denver saka lumapit sa kanya at sinabunutan siya, “Napakalandi mo talaga. Alam mong ikakasal na kami pero ayaw mo pa ring tumigil sa kalalandi sa kanya. Bakit, gusto mong paglaruan sina Damian at Denver kagaya dati?” Umiiyak siya ngunit hinahayaan lamang niyang saktan siya nito. Siguro ay para makabawi sa kasalanang ginawa niya dito. “Rosemarie, stop it!” Saway ni Denver dito, hinablot nito ang katawan ni Rosemarie palayo sa kanya. Lumuluhang hinarap nito so Rosemarie, “Bakit kailangan mong gawin ito, ha Denver? Ibinibigay ko naman saiyo ang lahat pero bakit kailangang hanapin mo pa sa babaeng yan ang mga bagay na kaya ko namang i
HANGGANG MAKARATING SA BAHAY ay umiiyak pa rin si Rosemarie kung kaya’t ginawa niya ang lahat para mawala ang sakit ng kaloobang ibinigay niya rito. Inutusan niya ang kanyang sekretarya na bumili ng bulaklak at alahas para dito. Kinahapunan ay nabalik na sa normal ang mood ni Rosemarie. Niyaya siya nitong manuod ng sine. Kahit wala siya sa mood ay pinagbigyan niya ito para hindi na ito magtampo. Ngunit hirap na hirap siyang magkunwari. Hindi mawala sa isipan niya si Jasmine. Damn, all these years ay hindi naman nawala ang pagnanasang nararamdaman niya para dito. Hindi niya mapangalanan itong damdamin na lumulukob sa kanya sa tuwing nakikita niya si Jasmine. Ganito katindi ang impact nito sa kanya. Hinahanap-hanap ng katawan niya ang katawan nito. At maski anong gawin ni Rosemarie, hindi nito kayang ibigay ang sarap na nadarama niya kapag si Jasmine ang katalik niya. Shit. Shit. Shit. Kahit paulit-ulit niyang mura
“DENVER, NALIGAW KA YATA SA OPISINA KO,” nakangiting sabi ni Damian nang puntahan niya ito sa opisina nito. Hindi man lang nagbago ang kanyang mukha. Seryoso pa rin siya nang tingnan ito, “I wont roam around the bush anymore,” pormal na sabi niya rito, “Ang sabi sa akin ng anak ko, magpo-propose ka raw kay Jasmine?” Bahagyang natawa si Damian saka napailing, “Akala ko nag-usap na kami ni Debbie na secret lang namin iyon. Hindi rin pala sya nakatiis na sabihin iyon saiyo.” “Syempre nasa akin ang loyalty ng anak ko,” katwiran niya. Huminga ito ng malalim saka kumunot ang nuo, “Wala naman sigurong masama sa gagawin ko. Binata ako at wala namang sabit si Jasmine. Besides, you’re getting married kaya wala akong nakikitang masama sa gagawin ko.” “Wala siguro para saiyo pero wag mo sanang kalilimutan na may anak kami ni Jasmine at gusto ko lang maging malinaw saiyo na iyong kalagayan ng anak namin ang mas ma
HABANG NASA OSPITAL at hinihintay ang naging resulta sa pagsusuri sa kanya ay hindi mapakali si Denver. Isang bagay ang narealize niya. Mahal pala talaga niya si Jasmine. And all these years, hindi pa rin niya ito nagagawang burahin sa kanyang puso at isipan. At napaka-unfair niya kay Rosemarie para gamitin ito para lamang mapagtakpan ang tunay niyang nararamdaman kay Jasmine. Kinain siya ng masyado niyang pride at galit dahil sa mga nangyari. Hindi niya matanggap ang nangyari. And yet, makakaya ba niyang tuluyang mawala sa kanya si Jasmine nang dahil sa kanyang galit? Sa loob ng nagdaang mga taon, akala niya ay nagtagumpay siyang kalimutan ito ngunit hindi maipagkakailang hindi naman niya ito tuluyang naiwaksi sa damdamin niya. Natabunan lang iyon ng galit ngunit buong-buo pa rin ang pagmamahal niya rito. Paano ba niya sasabihin kay Rosemarie na umaatras na siya sa kanilang nalalapit na kasal? Na kailanman ay hindi naman siya ma
“TAMA NA!” Sigaw ni Jasmine kay Denver at Damian, “Tumigil na kayong dalawa dahil pareho ko lang naman kayong hindi pinipili!” Natigilan sina Denver at Damian. Lumapit sa kanya si Denver ngunit mabilis siyang lumayo dito, “Pwede ba Denver, tama na. Bumalik ka na kay Rosemarie at huwag mo ng paglalaruan pa ang damdamin ko. . .alam ko namang sinasabi mo lang yan dahil natatakot kang kapag nagkatuluyan kami ni Damian, baka mapabayaan ko si Debbie. . .pero kailangan bang bumaba ka sa ganitong paraan?” aniya rito saka bumaling naman kay Damian, “I’m sorry Damian pero wala akong nararamdaman para saiyo. Kaya sana, umalis na kayong dalawa. Kung mag-aaway man kayo, just make sure na hindi dito sa loob ng pamamahay ko. At pwede ba, wag nyo na akong isali sa gulo ng pamilya nyo!” “Jasmine. . .” “Hindi nyo baa ko naririnig, umalis na kayo!” Sigaw niya sa dalawang lalaki. Nagkatinginan pa sina Denver at Damian, waring naghihintay
NAGULAT SI DENVER nang magising ay nasa kuwarto na siya, nakahubot hubad at nakatali ang mga kamay at mga paa. Sa tabi niya ay si Rosemarie nakatitig na nakatitig sa kanya. Pakiramdam niya ay kakaibang babaeng ang nakatingin sa kanya ng mga sandaling iyon. “Bakit mo ako itinali?” Aniya habang nagpupumilit makawala sa pagkakatali nito. “Nagtatanong ka pa. Ano bas a palagay mo, bakit ko ginagawa ito?” Inis na sabi nito sa kanya, “Palagay mo papayagan kitang umalis dito para puntahan ang babaeng yon?” Kumunot ang nuo niya. Naalala niyang bigla na lamang sumakit ang ulo niya at nanlabo ang paningin niya. “Nilalason mo ako, hindi ba?” “Hah? Sa palagay mo, magagawa ko saiyo iyon?” Sabi ni Rosemarie habang lumamlam ang mga mata, “Mahal na mahal kita, Denver. Hindi kita magagawang saktan kahit pa sinasaktan mo ako,” sabi nito sa kanya. “Kalagan mo ako,” pakiusap niya rito. “Para ano? Para ki
NASA OSPITAL na si Denver nang magising siya. Sa gilid ay nakita niya si Jasmine, natutulog habang nakaupo, ang ulo ay bahagyang nakapatong sa kama. Si Debbie naman ay nakabaluktot sa couch, mahimbing na mahimbing rin ang tulog. Hinaplos niya ang ulo ni Jasmine. Bigla itong nagising, bakas ang pag-aalala sa mga mata nito nang tingnan siya. “Hindi pa dumadating iyong result ng pagsusuri sa iyo. Mamaya pa raw tanghali dadating si doctor. Hindi ako makapagdesisyon kung ipapaalam ko bai to sa pamilya mo. Hindi ko naman alam ang number ni Rosemarie kaya hindi ko sya matawagan.” Sunod-sunod na sabi nito sa kanya. Nang mga sandaling iyon ay parang wala siyang naririnig, nakatitig lang siya sa mukha ni Jasmine. Tiyak na tiyak niya, mahal na mahal niya ang babaeng ito. “Bakit ba napapadalas ang. . .” “Mahal kita,” sabi niya rito. “Denver, hindi ito ang oras para dyan. Ano bang nangyayari saiyo, bakit palag
“MASAYANG-MASAYA AKONG NATAGPUAN MO RIN ANG PAG-IBIG na para saiyo, apo ko.” Tuwang-tuwang sabi ni Don Teodoro kay Kevin habang hinihintay nila papalapit sa altar si Debbie.Ngayon ang araw ng kasal ng mga ito at masaya ang lahat para sa dalawa. Nagpaikot-ikot man ang kwento ng pag-iibigan ng mga ito, at least ay sa simabahan rin nauwi ang mga ito.Samantala ay wala namang pagsidlan ng kanyang kaligayahan si Kevin habang nakamasid kay Debbie na inihahatid ng ama papalapit sa kanya. Mangiyak-ngiyak siya habang inaalala ang lahat ng kanilang mga pinagdaanan ni Debbie bago nila marating ang ganito.Masaya siya na nakinig siya sa kanyang Lolo. Ito na yata ang pinakamasayang araw para sa kanya. Sa wakas ay nakamit na rin niya ang kanyang pinakaasam. Ang mahalin ng babaeng kanyang pinakamamahal.“Salamat po, Lolo,” bulong niya sa kanyang abuelo.MASAYANG-MASAYA SI DENVER habang inihahatid nilang mag-asawa ang kanilang panganay patungo sa altar kung saan naghihintay dito si Kevin. Akala
“MASAYA AKO PARA SAIYO, KEVIN,” MASAYANG sabi ni Debbie kay Kevin nang puntahan siya nito para magpaalam, “At least mababalikan mo na ang mga pangarap mo.”Tinitigan siya ni Kevin, saka niyakap siya nito nang mahigpit, “Salamat Debbie.” Halos paanas lamang na sabi nito sa kanya, “Tinuruan mo ako ng tunay na kahulugan ng pagmamahal.”Napakurap-kurap siya at somehow ay may namuong mga butil ng luha sa sulok ng kanyang mga mata.Hanggang umalis ito ay tahimik lamang siya sa gilid ng pool. Panay ang tukso sa kanya nina Alexa. Kung gusto raw niyang umiyak, umiyak siya. At ewan kung bakit parang gusto nga niyang umiyak ng mga sandaling iyon. Masaya siyang tutuparin ni Kevin ang mga pangarap nito ngunit sa pinakasulok ng puso niya, hindi niya maipaliwanag kung bakit may naramdaman siyang kalungkutan.Naalala na ba niya ang damdamin niya para dito?Napapailing na tumalon siya sa pool at lumangoy ng lumangoy. Hanggang maramdaman niyang naninigas ang kanyang mga binti. Iwinagayway niya an
ISANG BUWAN na hindi nagpakita si Kevin kay Debbie. Ni tawag or pangungumusta ay hindi nito ginawa at naisip niyang mainam na nga ang ganun kesa naman nakikita lang niya itong nagmumukhang kawawa sa panunuyo sa kanya.Tinigilan na rin niya ang pakikipagdate. Nang mag-start ang semester ay pumasok na siya at muling nanumbalik ang interes niya sa pag-aaral. Nanumbalik na rin ang sigla niya as if parang walang nangyari or namagitan sa kanilang dalawa ni Kevin.Samantala si Kevin naman ay unti-unti nang natatanggap na wala na siyang babalikan pa sa piling ni Debbie. Pero wala siyang pinagsisihan. At least ay sinubukan niyang magmahal. Kung hindi man iyon naging matagumpay, wala na siyang magagawa pa.Masaya siyang malaman na normal na ulit ang takbo ng buhay ni Debbie. Siguro ay hanggang duon na lang talaga sila. Ngunit hindi siya magsasawang maghintay kahit abutin pa iyon ng magpakailanman.But for the meantime, kailangan niya ring magmove on at tuparin ang kanyang first love whi
“DEBBIE, ANO itong ginagawa mo? Nakikipagdate ka sa ibang lalaki habang si Kevin, matiyagang naghihintay sa pagbabalik ng mga alaala mo? Talaga bang nakalimutan mo na kung gaano mo siya minahal? Ano bang nangyayari saiyo?” Tanong ni Sophie kay Debbie nang hilahin niya ito palayo sa lalaking kasama nito.Napangisi si Debbie, “Wala akong obligasyon kay Kevin! Ni hindi ko nga alam kung talaga nga bang minahal ko siya kagaya ng paulit-ulit ninyong sinasabi sa akin. Saka pinahirapan nya ako dati, hindi ba?”“So, gusto mong gumanti?”“No. It’s just that kahit anong pilit ang gawin ko, wala akong maramdaman para sa kanya,” paliwanag ni Debbie.Napahinga ng malalim si Sophie saka nilingon ang lalaking kasama nito, “At san mo naman nakilala ang lalaking yan?” Kunot nuong tanong niya.“Sa online dating app.” Nakangising sagot ni Debbie, “Ang guwapo nya, hindi ba?”“Ewan ko saiyo,” napapailing na sabi niya rito, “Naguguluhan na ako. Dati, halos ilagay mo si Kevin sa pedestal. Ngayon naman
"Pano kung sabihin ko sa iyong ni Isa sa mga kwento mo wala akong maalala?" Sabi ni Debbie kay Kevin habang nakatitig siya rito. Pilit niyang nirerecall ang lahat ng memories niya with Kevin pero wala talaga siyang matandaan kahit na isa.Ramdam niya Ang disappointment ni Kevin habang matiyaga itong nagkwekwento sa kanya ng mga nangyari sa kanila.hinawakan into ang mga kamay niya. Pinilit niyang kapain sa dibdib niya kung may kilig na hatid iyon sa kanya pero wala talaga. In fact may awkwardness si yang nadarama kaya mabilis niyang binawi ang kanyang mga kamay mula dito.Dinukot ni Kevin sa bulsa ang phone nito at binasa ang Ilan sa mga messages niya."Hindi ako magsasawa at mapspagod hintayin ang yung pagbabalik kahit bumilang pa iyon ng ilang taon. Dahil alam ko sa puso ko, darating ang araw na Muli tayong pagtatagpuin ng kapalaran. Ngayon pa lang ay tinitiyak ko ng Ikaw ang lalaking para sa akin. Kung Hindi man sa ngayon, baka sa susunod kong buhay. . ."Napakurap kurap si Debbie
“UNDER OBSERVATION pa sa ngayon ang pasyente. We can’t tell kung ito ba ay transient global amnesia or ang tinatawag na temporary memory loss o pemanent na ba ang nangyaring ito sa kanya. Sa ngayon ay kailangan niyang sumailalim sa ilang eksaminasyon para matantiya ang pinsalang dinulot ng traumatic events sa kanya. Bukas ay naka-schedule na siya para sa Cerebral angiography,” paliwanag ng doctor sa kanila, “Sa ngayon, ang tanging magagawa natin ay huwag bigyan ng stress ang pasyente.”Tahimik lamang si Kevin habang pinapakinggan ang sinasabi ng doctor. Napakasakit para sa kanya na sa lahat ng taong naroroon, bukod tanging siya lamang ang hindi nito nakikilala.Ngunit alam naman niyang hindi iyon kasalanan ni Debbie. Nagkaroon raw ng trauma ang utak nito kaya may mga bagay itong hindi maalala sa ngayon. Natatakot siyang baka tuluyan na siya nitong hindi maalala. Kasabay niyon, makakalimutan na rin nito ang damdamin nito para sa kanya.WALANG KIBO SI DEBBIE habang pinagmamasdan
UNCONCIOUS pa rin si Debbie nang datnan ni Kevin matapos ng naging operasyon nito sa ulo. Ni hindi na siya umaalis sa tabi nito. Araw-araw rin ay binabasa niya ang mga ipinapadala nitong messages sa kanya na ni hindi niya nagawang basahin nuong nasa Sicily pa siya dahil naging abala siya para sa kanyang gaganaping exhibition. Iyon naman pala ay iiwanan rin niya nang dahil kay Debbie.“Dearest Kevin, nandito lang ako. Naghihintay saiyong pagbabalik. At kahit na walang kasiguraduhan kung kailan iyon, palagi mong tatandaan na hindi ako mapapagod kahit na kailan.” Napahinto siya sa pagbabasa ng mensahe nito nang waring gumalaw ang isang kamay ni Debbie.Ginagap niya iyon at hinalikan, “Please Debbie. . .gumising ka na.”Wala siyang ibang hangad ngayon kundi ang kaligtasan ni Debbie. Kaya niyang iwanan ang lahat alang-alang sa babaeng ito. Nakakatawa ngang ngayon lamang niya napagtanto kung gaano niya ito kamahal. Napakalaking gago niya para iwanan ang babaeng sobrang espesyal sa k
PAKIRAMDAM NI KEVIN ay huminto ang pag-ikot ng mundo ng mga sandaling iyon. Para siyang nanghihinang napakapit sa silya, “Debbie. . .” mahinang usal niya habang binabasa ang mensahe ng kanyang lolo. Unti-unti ang mahinang usal ay nauwi sa isang napakalakas na sigaw, “Debbie. . .” tumakbo siyang palabas ng gallery. Nagtataka ang mga spectators na naroroon para sa kanyang exhibitions ngunit sa ngayon, ang tanging concern niya ay ang kaligtasan ni Debbie. Kaagad niyang tinawagan ang kanyang Lolo Teodoro.Ilang sandali pa at kausap na niya ito sa telepono, “Anong nangyari kay Debbie?” Puno ng pag-aalalang tanong niya. Hindi pa man ay nangingilid na ang kanyang mga luha.“Nabangga siya ng humaharurot na motor sa tapat ng condominium na tinutuluyan ninyo. Ang sabi ng Mommy nya, halos araw-araw raw bumibisita dun si Debbie kahit sa labas lang ng building.”“Lolo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Debbie. Uuwi na ako, Lolo,” pagkasabi niyon ay nagmamada
MULING NAGSEND NG NOTIFICATION ang cellphone ni Kevin bilang reminder na may natanggap muli siyang messages mula kay Debbie. Actually, excited na rin siyang muli itong makita but since busy siya sa darating niyang exhibit ay hindi muna niya sinasagot ang mga messages nito. Ayaw niyang madistract siya.Ang mahalaga, masigla nang muli si Debbie. Bumalik na rin ang pangangatawan nito sa huli nitong ipinadalang larawan sa kanya.Pagkatapos ng exhibit, magbabalik na siyang muli sa Pilipinas. Narealize niyang tama ang kanyang Lolo Teodoro. Tama na ang denial. Hindi siya maaring mabuhay sa kanyang nakaraan. Mas lalong hindi niya dapat pairalin ang pride at ang takot dahil kahit na kailan ay hindi siya magiging masaya kung palaging ang nakaraan ang buhay sa kanyang mga alaala.Mas lalong hindi na niya kayang takasan pa ang tunay niyang nararamdaman para kay Debbie. In fact he was planning a surprise proposal for her. Ngayon lang siya naging ganito kasigurado sa isang babae at ayaw na