Miguel P.O.V.
Kaagad nilang nahanap ang punong pinagtalian nang mga panggal. Ethan immediately got his pocket knife and went straight to the tree. Wala itong inaksayang oras at mabilis nang kinalag isa-isa nang binata ang pagkakatali nang mga iyon mula sa sanga.
Dahil sa may kalakihan ang mga iyon at punum-puno pa nang mga naglalakihang alimango ay hindi nila basta-basta madadala ang mga panggal nang sabay-sabay. One of them has to make two trips to be able to get them all.
And not to mention he needed to find the other one. Sana nga lang ay hindi pa iyon tuluyang tinatangay nang malakas na agos nang tubig.
Nang matanggal na ni Ethan sa pagkakatali ang mga iyon ay pinagtulungan na nilang hilahin an
“I just received a text message from Jax.” Hindi napigilang mahigit ni Sky ang hininga nang marinig ang sinabing iyon ni Ava. She clung to the duffle bag on her lap for dear life. Kasalukyan silang on the way na patungo sa ospital nang mga oras na iyon. “Nasa room 107 na raw si Miguel. He was finally able to fall asleep after the nurses gave him some pain reliever and sedative. Hinihintay na lang daw ang mga resulta nang X-ray at laboratory exams niya. Si tatay Temyong naman daw ay kasalukuyang nasa operating room at nilalapatan nang lunas ni Dr. Lagro.” Ani Ava na nakaupo sa front seat. “Mga ate… ano bang nangyari? Papaanong nagkaganoon at napahamak sila kuya Migz at tatay Temyong?” Pagsasaboses ni Maymay nang mga katanungang nasa isip din ni Sky nang mga oras na iyon.
“Kitang-kita nang dalawang mata ko kung paanong tumama ‘yung kidlat sa kalapit na puno. Nagkaground pa nga ‘yung lupa malapit sa kinatitirikan nung’ puno, eh. It was the first time I saw something like that… something so deadly yet beautiful.” Kwento ni Ethan sa kanila habang inaalala nito ang nangyari kanina sa kanila ni Miguel.It was already past 3 pm that time. Natapos na rin sa wakas ang operasyon kay tatay Temyong at nailipat na rin ito sa kwartong inuukopa ni Miguel. Mahimbing na itong natutulog ngayon sa kaninang bakanteng higaan malapit sa may bintana.“Kung sana hindi na lang binalikan ni kuya Migz ang mga panggal, sana hindi na siya nasaktan nang ganyan. Pwede namang bumili na lang ulit nang ganoon. Mas importante pa rin ang kaligtasan niya.” Himutok ni Kaloy.
Katatapos lang niyang punasan nang bimpong may malinis na tubig at may halong alcohol ang mukha, braso, at mga binti ni tatay Temyong. Ngayon naman ay si Miguel ang isusunod niya. Sky moved the plastic chair beside Miguel’s bed. May nakapatong roong isang plangganita may bagong palit na tubig. Muli na niyang hinaluan iyon nang alcohol at isinawsaw roon ang panibagong bimpo. Maingat na niyang hinawi ang hospital gown nito upang simulan itong punasan. She already voluntered to the nurses na siya na ang gagawa niyon sa dalawang pasyente niya. Kesa naman tumunganga siya buong maghapon doon sa ospital, mas maigi nang may mapaglibangan din siya. Pinapasok na rin niya si Kaloy sa eskwela at tutal naman ay maalwan na ang panahon. Kahit pa labis ang pagtutol nang binatang umalis sa tabi nang dalawang lalaki ay hindi siya pumayag na lumiban ito.
To My Dear Readers,VIRTUAL HUUUUUUGXX!!You guys are my happy place uwu <3 POSITIVE VIBES... POSITIVE VIBES...Kamusta? Kamusta? Kamustaaaaaa? How is everything going so far? Sana safe na safe pa rin tayo and marami pang blessings na dumating now and sa future. Lab you all!So, ayun na nga po mga valued readers of my story, salamat po sa support! Naka 1.2K views na po tayo. Salamat po ulit! Sa mga nacocomment and nagbibigay nang gems, special thank you from the bottom of my heeeeaaaart!Isang malupit na segway: Magpapahinga lang po muna ako nang mga 5 days hahaha sorry na... sana pagbalik ko nandiyan pa rin kayo mwahahaha Update po ulit ako by December 1, 2021. Mag-iipon again nang mga chapters pang update heheheCliff-hanger muna for now. Comment na lang kayo kung anong chapter kayo kinilig. Nagrereply ako, promise hahaha I'm just lurking around... So ayun, kita-kits by December, ah!(^.^)Lun
“Ang akala ko talaga, hindi na kita makikita pang muli, Nelia.” Madamdaming pahayag ni Mang Carlos habang mahigpit na nakakapit sa kamay ni Nanay Nelia.“Ligtas ka na, Carlos… ayos na ang lahat. Yaman din lamang at naririto sina Temyong at Miguel ay dadalhan na lang rin kita nang pagkain dito. Bibisitahin kita araw-araw kaya magpagaling ka.”Tama nga ang sinabi sa kanilang kwarto ni Mang Ben. Natagpuan nila ang matandang lalaki sa room 130 kung saan kasalukuyan itong nakaadmit kasama ang lima pang pasyenteng damay din sa disgrasya. Nakapatong ang nakasementong paa nito sa isang unan habang may ilang galos at tapal nang gauze pad sa ibang katawan. Pero sa kabutihang-palad, mukhang kagaya rin ni Mang Ben ay wala nang iba bang grabeng pinsala itong natamo.Sky couldn’t help but have
So he’s finally awake. Lihim na napangiti si Sky sa naisip. Hindi na niya mapigilan ang pusong pakiwari niya ay patuloy na sa pagsisirko-sirko sa kanyang dibdib. It’s already been a day since he’s been in a deep slumber, kaya sobrang nangulila siya sa asawa. Namimiss na niya itong makausap at makakulitan. Her eyes immediately darted towards the closed door of the bathroom. This has already happened before at tila alam na niya kung nasaan ito. Marahan na siyang humakbang palapit doon making sure her footsteps made no sound. Huminga pa siya nang malalim nang tuluyan nang makarating sa labas nang pinto nang banyo. She felt a bit whimsical as she gripped the knob of the door tightly. Pigil ang tawa niya habang naiimagine ang magiging itsura nito pagkabukas niya nang pintuan.
Si Maymay na noo’y nakauniporme pa rin at galing pa sa eskwela ay nakaupo sa pagitan nang mga magulang nito. Kasama nitong dumating kani-kanina lang si Kaloy na noo’y kasalukuyang naiwan kasama nang tatay nitong mahimbing pa ring natutulog. Kanina pa pati walang imik at nakatulala lang ang dalaga habang nakahilig ang ulo sa balikat ni Mang Imo. Ang dalawang mag-asawa naman, na naunang dumating mga isa o dalawang oras na ang nakalilipas ay ganoon din at kapwa nakatitig lang sa kawalan. Si Nanay Nelia naman niya ay panaka-nakang hinahaplos ang kanyang kamay na hawak nito. Isang nakabibinging katahimikan ang bumabalot ngayon sa pagitan niya at nang mga taong kaharap. Tanging ang ingay na nagmumula sa mga pasyente at ilang kaanak nang mga ito ang pumapailanlang sa paligid. No one dared to speak up fearing that it might do more harm than good.
“Oh my god… I think we ought to report this to the authority. We should have this investigated at once. Your husband could be in danger, Sky.” Nag-aalalang pahayag ni Chiena. “Or like Jax had said, he could be the danger, himself.” Ani Julienne habang naihalamos ang sariling palad sa mukha. Katatapos lang niyang ikwento sa mga ito ang nakaraan ni Miguel. Panaka-naka ay sumisingit din si Kaloy para punan ang ibang detalyeng hindi alam ni Sky. Katulad niyong mga pangyayari bago pa sila magkakilala nang binata. “Pero nakilala niyo naman si Kuya Migz hindi ba? Sa tingin niyo ba talaga ay masamang tao siya?” Hindi nakatiis nang singit ni Maymay. Iginala pa nang dalaga ang mga mata nito sa kanila. Her eyes were watery from the tears threatening to spill. Maging ang m