Madilim-dilim pa nang lumakad na sina Selena paalis ng tribu. Natapos na nilang ayusin ang mga nasirang bahay. Pati ang nasunog na bahay na iyon ay muli silang nagtayo ng binata. She already memorized the structure of the house. Kaya naman kung ano ang hitsura ‘nun ay ganun din ang ginawa nila. Walang naging sagabal sa kanilang trabaho kaya naman agad nila itong natapos. Pinaganda pa nila ang ibang bahay at nagtanim ng bulaklak sa harap ng mga ito.At habang nagtatrabaho sila ay nabanggit nito ang bahay na pinasukan ng dagger nito noong unang araaw nila rito. Ang mga nakalagay daw doon ay mga kalansay ng mga tao. At isang wild na hayop lang ang pala ang gumawa ng ingay. Kaya naman gumawa sila ng mga libingan sa likod ng mga bahay at doon nila inilibing ang mga iyon. Hindi man nila kilala ang mga tao rito ay nagbigay sila ng tribute.Malayo na nag nilakad nila. Oo, naglakad lang talaga sila sa halip na gamitin nila ang speed na taglay nila. Sinasamyo nila ang malamig at malinis na hang
Nakamasid si Selena sa binata nang umagang ito. Alam niyang hindi ito tulog at nakapikit lang. Aware ito na pinagmamasdan niya ito. Pero wala siang pakialam. Bakit pa siya makakaramdam ng hiya kung nagawa na nila ang mainit na tagpong iyon kagabi. Nais lang niya itong titigan. Dahil habang ginagawa niya ito ay nababalotan siya ng hindi matatawarang saya. Naghahatid din ito ng mga alaala ng lahat ng maliligayang panahon simula nang ligawan siya hanggang sa kasalukuyan.Binigay ng binata sa kanya ang matagal na niyang minimithi. Ang taong magiging tapat sa kanya at hindi siya tatalikuran. O kaya ay ippagkakanulo katulad ng mga mortal na naging kaibigan niya. Naging totoo siya sa kanila pero ang naging sukli ay ang pagtatraydor nila. At hinangad ang buhay na mayroon siya. Maliban kay Yuan noon na anak talaga ng isa sa mortal na naging tapat sa pamilya nila. Lahat ay naging taksil pa rin sa kanya at umanib sa kaaway nila.Pero si Elmhurst na kahit nagalit ito at inignora siya ay hindi pa
Selena imposingly entered their house. She even flipped her hair and then snorted. At nang makita niya ang mga kuya niya na hinihintay ang pag-uwi nila ni Elmhurst ay napaarko ang kilay niya. Animo iinaasahan na talaga nila na ngayon oras mismo sila makakarating.Lumipat ang tingin niya kay Roland na seryosong nakatingin sa kanya. Itinaas niya ang noo at nilabanan ito ng tingin. Pero kapuna-puna sa reaksyon nito na wala naman talaga itong balak na makipagtalo sa kanya.“Istupido!” she chastised. Nakita niya na nahihirapan din ito sa kinasusuungan nitong sitwasyon at hindi rin pala niya magawang kutyain ito ng labis.“Kararating mo pa lamang ay iyan ang agad na lalabas sa bibig mo,” ang may disgustong wika ng kanyang kuya Arlon.“Bakit, hindi ba tama naman ako? His stupidity will bring disaster to his life,” masungit na ganti niya. “Noong sinabi ni Mama na may isa sa atin ang may taglay ng pinakamalambot na ugali ay siya agad ang unang pumasok sa utak ko. At tama ako, ‘di ba?”Tumayo s
Nakaupo si Halen sa sahig at nakasandal sa dingding ng sandaling ito. Hindi siya hinang-hina katulad noong unang ikinulong siya rito. Simula nang isaksak ni Roland ang dugong iyon sa dibdib niya ay napansin na niya ang kakaibang pagbabago sa kanyang katawan. At dahil half-blood siya ay kailangan niyang uminom ng dugo sa tuwing nagugutom siya. Hindiniya kayang kontrolin ang thirst niya. Subalit ngayon lamang nakaraang dalawang araw ay may bagay na nagbago sa kanya.She's not as thirsty as she was used to be. Even her senses became stronger unlike in the past. Noon kasi aware siya na mahina pa rin siya. At ang alam niya ay dahil nga sa dugo nilang pagiging half-blood. Ipokrita siya kung sasabihin niyang hindi rin niya hinangad na maging katulad ng mga Madrid. Strong and has abilities. Pero suntok sa buwan lamang ang umasang mangyayari ito.Her parents never hope that one day she will do something they can be proud of. Dahil nga mahina siya at hindi katulad ni Rowena. Sa isang undergroun
“What did he say?” tanong ni Selena kay Elmhurst nang makasalubong niya ito. Pababa ito ng hagdan papunta rito sa basement at hawak pa nito ang cellphone na ginamit nitong pangtawag ng police warden sa kulungan.Madilim ang mukha nito at halatang masamang balita ang narinig nito. Hinintay niyang makababa ito ng hagdan bago hinawakan ang kamay nito. Salubong ang kilay nito at taas baba ang dibdib sa pinipigilang galit. Narinig niya ang pag-crack ng nasirang bagay. At ng kanyang tignan ay ang cellphone pala na hawak nito ang nagkapira-piraso.“Kaninang umaga ang sabi ng warden may nagsabi raw na patay na ang aking ama. Kaya naman dinala siya sa morgue. Pero ng kanilang tignan muli ay bakante na iyon at wala na siya. Sinubukan nilang hanapin pero wala silang makita. Selena, alam mo ba kung ano ang agad na pumasok sa utak ko. Pinagtagpi-tagpi ko lahat. Two months ago nangyari ang aksidente ni Mama. Ang buwan din na iyon nag-drop si Reese—”“Si Reese at si Rojas ay iisa,” pagtatapos niya s
Laganap na ang gabi nang bumalik si Selena sa menowa. Sa kuweba lang naman siya nanatili habang kinakalma ang sarili. Dahil sa totoo lang nahihiya siya kay Elmhurst. Lalo pa at nasaktan na naman niya ito. Kung sana lang ay kaya niyang kontrolin ang abilidad niya ay wala siyang masasaktan na mga kapatid niya.Dahil isa ito sa pinag-aalala ng magulang nila noon. Ang darating ang ganitong senaryo na mawawalan siya ng kontrol at masasaktan ang lahat ng nakapaligid sa kaniya.Nangyari na kasi ito minsan noon. She was still young that time. They were having fun. Nagpapalakasan sila ng kanilang sariling kakayahan. She was proud and unbeatable. Tapos isama pa na siya lamang ang nag-iisang babae at palaging pinuputi ng karamihan. Lumaki ang ulo niya at naging mayabang. Ayaw niya ang natatalo at nauungusan. At kapag may nanghahamon noon sa kanya ay pakiramdam niya'y tinapakan nila ang buntot niya. Kaya kapag ganun ay hindi siya mangingiming pumayag na mapakitang gilas.Kaya nang araw na iyon ay
Nakatayo lamang si Selena sa sulok habang pinapanood si Elmhurst na hinuhubad ang suot nitong leather jacket. Nandito sila sa treatment room kasama ang mga kuya niya. At sa halip na kagatin ito sa leeg o kamay para sa dugo nito ay siya ang nagsuhestyon na gumamit sila ng syringe para kumuha ng dugo sa pulso nito sa kamay. Sa mata kasi niya ay parang hinahalikan nila ang thiramin niya kung iyon ang gagawin nila.Nang maupo ito sa silya at kumuha si Roland ng syringe ay naningkit ang mata niya. Kahit aware siya na hindi masasaktan ang binata ay napangiwi pa rin siya. Lalo na nang makita niyang itinusok na ito ng kuya niya sa balat ng binata.“Selena, hindi ba talaga magbabago ang disisyon mo?” nababagot na sabi ni Arjoe. “Baka sumikat na ang araw ay hindi pa tayo nakakuha ng sapat na dugo sa kanya.”“Magrereklamo ka pa at hindi kita papayagan na uminom ng dugo ni Elmhurst!” nagbabantang angil niya rito.“Can we just cut his wrist? It's easy if we do that,” hirit pa nito kaya dumilim ang
Habang lumilipad ang aircraft sa himpapawid ay nakatanaw si Selena sa labas ng bintana. Medyo maulap ang panahon at animo nagbabantang may malakas na bagyong paparating. Ngunit sa kanila ay ganitongg klema ay mas gusto nila noon pa man. Subalit ngayon na hindi na sila matatakot sa sikat ng araw ay parang nakakasira sa magandang view kung nandito ka sa mataas na altitude.Ngunit hindi ang magandang view ang nasa isip niya sa oras na ito kundi ang pupuntahan nilang magkakapatid. At sa tuwina ay sinusulyapan niya ang mga ito. They wore a black overall camouflage and combat boots. They were all expressionless. Hindi man lang kinakabahan na ang pupuntahan nila ay ang hideout ni Fenrir. Dahil sa kanila ay mga mahihinang bampira lamang ang kanilang grupo. At sino ba ang mga kapatid niya? Sila ang mga elite warriors ng kanilang kaharian.Na kahit ang council ay agad na matatakot kapag sila na ang binabanggit sa usapan. Ngunit noong nanatili na sila rito sa mundo ng mga mortal ay maraming nagb