Nakatayo sa harap ng malaking bintana na gawa sa salamin, mahigpit ang kapit ni Carnation sa puting kurtina ng bintana. Tanaw niya ang asul na dagat ngunit hindi niya magawang purihin iyon dahil sa galit na nararamdaman sa lalaking sapilitan na nagdala sa kanya sa isla kung nasaan siya ngayon.
“Handa na ang pagkain. Come on, samahan mo akong mag-agahan,” masuyo at puno ng lambing na alok sa kanya ni Luca na naroon lang nakatayo sa kanyang likuran.
“Hindi ako gutom,” matigas at matatag niyang sagot. Hindi niya ito sasabayan kumain kahit na ano ang mangyari. Kahit pa tutukan siya nito ng baril sa ulo. Mas mabuti nga siguro na mamatay na lang siya kesa ang makasalo itong kumain. Ganun katindi ang galit niya sa dito
“Hindi pwede. Hindi ka kumain ng hapunan kagabi kaya kailangan mong kumain ngayon. Tara na, kailangan magkaroon ng laman ang tiyan mo, huwag matigas ang ulo Carnation, baka magkasakit ka sa ginagawa mo.”
“
Mabilis na inagaw ng katulong ang tasa na hawak ni Carnation, sa gulat marahas niya itong nilingon. "Manang! G-ginulat mo ako.""Pasensya na ma'am. Ano ho ang gusto niyo? Ako na ang gagawa," presenta nito at hinila siya paupo sa high chair. "Gusto niyo ng kapi?""H-hindi na manang, okay lang ako." Tumayo siyang muli. "Kaya ko naman ang sarili ko, ako na po ang gagawa—""Ma'am… mahigpit na bilin po sa amin ni Sir Luca na pagsilbihan kayo.""Pero kaya ko po—""Mawawalan ako ng trabaho kapag hinayaan ko kayong gawin ang gusto niyo Ma'am." Hindi natuloy ni Carnation ang paglapit sa countertop para ipaghanda ang sarili ng kapi. Malalim siyang napasinghap. Hinarap niya muli ang katulong at tipid itong nginitian.“Mukhang wala na nga akong magagawa.” Pagsuko niya at hinayaan na itong ipagtimpla siya ng kapi. Pinagkasya na lamang niya ang sarili sa pag-upo sa high chair at inaliw ang sarili sa pagtingin sa mga gamit sa
Mapait ang ngiti ni Carnation na nakatitig sa full length mirror sa kanyang harapan. Hinaplos niya ang suot na bestida at dinama ang malambot nitong tela. Hindi na siya umasa na magkikita pa sila ni Luca, pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana.Sino ba naman ang mag-aakala na magagawa siyang dukutin ng binata para lang masolo sa isla na ito.“Nababaliw na siya,” bulalas ni Carnation sa sarili habang nakatitig pa rin sa sariling reflection sa salamin.Anong pa silbi ng ginagawa nitong panunuyo sa kanya gayong ikakasal na ito sa ibang babae? Hindi niya talaga maintindihan ang goal ni Luca. Alam ng lahat ang tungkol sa engagement nito sa anak ng isa sa mga board member sa kompanya ng ama nito, kaya ano ang balak nitong gawin sa kanya? Kailangan niyang malaman ang tunay na pakay ni Luca. Imposibleng basta na lang nitong talikuran ang dalawang taon na nilaan nito sa New York para makuha ang kompanya ng ama para lang makipagbalikan sa kanya.
"Nagustuhan mo ba ang ipinahanda ko?" tanong agad ni Luca sa kanya pagkatapos nilang kumain ng tanghalian. Nagliligpit ito ng pinagkainan nila."Yes, masarap ang timpla ng mga pagkain. Paborito ko iyong ginataang alimango." Luca nodded. Nagpatuloy ito sa paglilinis."Aalis na ba tayo agad?"Mula sa ginagawa umangat ang tingin ng binata sa kanya. "Bakit? Gusto mo bang tumambay na lang muna tayo rito?" Umiling si Carnation. "Okay lang naman sa akin kung gusto mo na manatili muna dito. We can go anytime you want. This is your tour by the way.""Hindi na. Umalis na tayo after mo magligpit," walang emosyon na sagot niya at tumayo. Naglakad siya patungo sa cliff at tinanaw ang dagat sa ibaba niya.Napakaganda ng view. Makapigil hininga ang tanawin sa harap ng mga mata niya, pero 'di maiwasan ni Carnation na ituon ang tingin sa ibang tanawin, sa lalaking nasa nipa house at naglilinis ng kawayan na lamesa. Wala silang masyadong napag-usapan habang kumakain
Sunod-sunod na napamura si Carnation nang magsimulang pumatak ang ulan. Hirap man sa kanyang sitwasyon, pilit niyang pinalalakas ang loob. Binaling niya ang tingin sa paligid, at nakita niya ang isang bahay na gawa sa nipa, luma na ito pero wala siyang choice. Kailangan nila ng masisilungan. Matibay pa naman siguro ito para i-cater ang dalawang tao, bahala na. "What are you doing?" tanong ni Luca sa kanya pagkatapos niya itong tulungan na umupo sa papag. "Mukhang bubuhos ng malakas ang ulan, sumilong na muna tayo dito. Ano, kaya mo pa ba? Masyado bang makirot ang sugat mo?" Umiling ang binat. "I'm fine. I can handle it." "Sigurado ka ba? Natatakot ako, hindi kaya ahas ang kumagat sayo doon sa ilalim ng tubig?" Hindi naman kasi ganun ka init ang tubig sa spring kaya pwedeng may ahas doon. "Hindi. Ayaw ng ahas sa mainit na lugar. Baka isda or eel ang kumagat sa paa ko. I'm not sure. Don't worry, hindi naman masakit." "Sigurado ka?"
“Hey…” Nag-angat ng tingin si Carnation sa taong nakatayo sa gilid niya. Tipid ang ngiti niya nang makitang si Lizette iyon.“Pwede ba akong maupo?” tanong ng kaibigan. Tumango siya bilang tugon dito at agad naman na naupo sa buhangin ang babae, sa tabi niya.“Kumusta na siya?”“Si Luca? Tsh. Bakit hindi mo puntahan sa silid niya at itanong iyan? Pambihira.” Natawa siya sa walang kwentang tugon ng kaibigan. Pero may punto naman si Lizette, kung gusto niya na malaman ang kalagayan ni Luca, siya dapat ang kusang umalam nito.“Ang tanga naman kasi, maliligo na lang, kailangan pang ipakagat sa ahas ang paa.”“Ahas ba talaga ang kumagat sa kanya?” puno ng pag-aalala ng tanong niya. Wala kasi talaga siyang ideya sa kung anong klaseng hayop ang kumagat sa binata.“Not sure. Pero natetano yata ang kumag, ang taas ng lagnat at kaunti lang ang binaba ng temperat
“Saan niyo po dadalhin ‘yan manang?” tanong niya sa nakasalubong na katulong. May dala itong isang pitcher ng tubig at empty glass.“Ihahatid ko po sa kwarto ni Sir Luca. Ubos na kasi ang nilagay kong tubig niya kaninang umaga. Bakit ma’am?”“Pwede po bang ako na lang ang maghatid niyan sa kwarto niya? Kailangan ko rin kasi siyang makausap.”"Sige po, ma'am."Tulog si Luca nang pumasok si Carnation sa kwarto ng binata. Maingat niyang nilapag sa ibabaw ng center table ang dalang pitcher ng tubig at empty glass. Naglakad siya palapit sa kama nito at tumayo doon upang titigan ang mukha ng natutulog na lalaki.Sobrang peaceful ng itsura nito. Mukha itong walang problemang iniintindi at puro masaya lang ang panaginip. Now, she's wondering. Kasama kaya siya sa panaginip nito? O baka pati sa panaginip ng binata ay wala na siyang puwang? Nakakalungkot nangyari ito sa kanila."The moment he
Nagbibiro ka lang, 'di ba?” tanong ni Carnation, hindi makapaniwala sa sinabi ng binata. Siguradong mali lang siya ng dinig kanina. “My fiancee is impotent. We both agreed, na bago maging final ang date ng aming kasal, kailangan muna naming makahanap ng surrogate. It’s good that I remember you, and we had a relationship before. Ikaw ang naisip kong gawing surrogate at pumayag naman si Armadyl. Literal na umawang ang labi niya sa sagot ng binata. Hindi talaga ito nagbibiro? Talagang siya ang inaalok nitong maging surrogate? Anong kalokohan to? "Hindi ko alam kung manhid ka lang ba talaga o sira na ang kukute mo dahil sa aksidenteng nangyari sayo." Nagtangis ang bagang ni Carnation. "Hindi ako magiging surrogate mo at ng babae mo!! Never!!" madiin niyang tanggi at tinalikuran ang binata, pero makulit ito. Hinawakan ni Luca ang kaliwang braso niya para pigilan siyang umalis. Ngunit dahil sinapian na ng sampung demonyo si Carnation, marahas na sinaboy niya sa mukha nito ang alak na lam
Madiin na pinikit ni Carnation ang mga mata saka nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Ayaw niya sanang gawin ito pero parti ng trabaho niya ang maging substitute ng kapatid sa mga appointment nito sa trabaho."Walang hocus-pocus." Pagpapakalma niya sa sarili. It's just a simple dinner meeting with their new business partner. "I'll kill him kapag may sumulpot na namang tao na ayaw kong makita," saad ni Carnation sa sarili. Wala talaga siyang tiwala sa dinner na ito, lalo pa at si Wren ang nag-set-up gayong hindi naman nito trabaho iyon."Hindi pa ba kayo baba ma'am?" tanong ng sekretarya niya na nakaupo sa shotgun seat.Binigyan niya ng mapanuring tingin ang sekretarya. "Mabuti pa bumalik ka na lang ng opisina. Ako na ang bahala sa client na ito.""Po? Pero hindi niyo ba kakailanganin ang tulong ko?" May pag-aalala sa tingin nito. Palagi niya kasi itong kasama sa lahat ng dinner meeting niya."I'll be fine….""Pero ma'am—"
Sloan’s POV "This is Wregan Leath and Gludox Portoni, my fuck'n bestfriends. Sila 'yong sinasabi ko sa iyong malupit sa chicks!" I examined the two gorgeous men Primus introduced to me. Una kong napansin ang halos perpektong mukha ng lalaking tinawag niyang Wregan. Tulad ko, matangkad ang ito pero sigurado akong mas mataas ako sa kanya ng ilang sentimetro. Meron itong mata na parang sa fox at tigre, mabangis, matalim at tila maraming tinatago ngunit mukha din naman puno ng kasiyahan kung kumislap ang mata nito. Matangos ang ilong niya may maliit na nunal sa ibabang dulo. Hindi na ako magtataka kung totoo man na malupit ito pagdating sa mga babae. Halata sa datingan… Sunod ko namang na sinuri ang lalaking tinawag ni Primus na Gludox. Hindi tulad namin ni Wregan, may kaliitan ang tangkad ng lalaki pero mas maliit pa rin tingnan si Primus dito. Napakaputi ng balat nito na tinalo pa yata si snow white sa kaputian. Mukha naman itong pusa, cute pero hindi katiwa-tiwala. Yung tipo ng cute
Carnation’s POV “Sigurado ka?” tanong ni Samantha nang tanggihan ko ang offer niyang ihatid ako sa sakayan ng bus. “Hindi na, dadaan pa kasi ako ng library. Kailangan kong manghiram ng books report ko kasi sa Friday,” paliwanag ko at ngumiti sa kanya. Sumimangot ito at napilitan na tumango. “Sige, basta bukas ihahatid ka namin sa inyo, okay? Ingat ka sa daan ah? Alam mo naman ang panahon ngayon maraming manyak!” Tumango ako at kumaway sa kanya. Pumasok naman ito sa service niya bago kumaway sa akin sa bintana. Bumalik ako sa building ng school para magtungo sa library. Totoong may report ako sa Friday at kailangan ko ng materials na magagamit. Saglit lang naman ako sa library, nanghiram lang ako ng books pagkatapos ay umuwi din. “Uulan pa yata…,” sabi ko sa sarili at tumingala sa langit. Sana naman hindi tumuloy ang ulan at wala akong dalang payong. Huminga ako ng malalim bago matulin na tumakbo patungo sa gate 2 ng school, mas malapit kasi sa bus stop kung doon ako dadaan. Hi
“I really like this place. Ilang taon na ang bahay na ito?” tanong niya at ginala ang tingin sa buong cave house. Kababalik lang nila ni Luca ng Pilipinas after ng honeymoon nila sa Istanbul at Georgia, at dito agad sila dumeretso sa cave house nito sa Cagayan Valley.“7 years? Pinagawa ko ito pagkatapos kong ipatayo ang bahay ko sa Luzon. You want wine?” Tumango siya bilang tugon sa tanong nito. Nasa kusina ito at siya naman ay nasa sala pinagmamasdan ang mga painting sa wall. Ang sabi sa kanya ng asawa nabili nito ang mga painting sa isang underground auction.“Matagal na rin pala,” komento niya at hinarap ang pinaka malaking larawan. Bigla niyang naalala doon nga pala nakatago sa likod ng larawan ang tank ng isa sa mga alagang ahas ni Luca. Gamit ang buong tapang, lumapit siya sa painting at pinindot ang buton doon para makita ang cage.“Sino ang nag-aalaga sa kanya noong nasa New York ka?” tanong niya pag
"What happened to Balkin?" tanong niya kay Lizette na naghahanda ng pagkain niya. Ibinaba nito ang hawak na plastic wear at tumingin sa kanya.“I don’t know. He’s under the custody of the underground society committee. Wala akong balita sa kanya since the night na nahuli siya, and I don’t care. Mabulok na sana siya sa kulungan.” Ipinagpatuloy nito ang ginagawa. Si Carnation naman ay umupo sa hospital bed niya at inayos ang sariling kumot."Gising na ba sila?" Tukoy niya sa tatlong lalaki na katulad niya ay na confine sa hospital pagkatapos ng nangyaring sagupaan sa mansion ni Mr. Sandoval at nabaril ang mga ito."Gising na si Enver, kaso ang dalawa hindi pa rin nagkamalay. Malalim ang pagkakabaon ng bala sa tagiliran ni Luca, muntik ng may tinamaan na organ niya. Si Wregan naman may tama ng bala sa braso at likod na salamat sa diyos at hindi tumagos o kahit man lang nakarating sa puso niya." Nagpakawala ito ng buntong-hininga.
“Luca!!!” matinis ang sigaw ni Carnation. Dinaluhan agad si Luca na natumba sa lupa at may tama ng baril sa tagiliran. Nilibot niya ang paningin, hinanap ang taong bumaril kay Luca, ngunit wala siyang nakita. Galing sa mataas na direksyon ang bala, marahil ay nasa ikatlong palapag ng bahay naroon ang shooter.“H-hey… look at me… I need to get you out of here. Can you walk? I-I can’t carry you,” mahinahon na sabi niya at marahan na tinatapik ng nanginginig na kamay ang pisngi ng binata. She’s trying her best to calm down. Pero ang takot niya ang siyang nagpapanginig sa buong systema niya. She can’t think straight.“I can manage. D-daplis lang naman…”“C-come on, I’ll help you.” Tinulungan niyang tumayo si ang binata at inalalayan itong maglakad. They keep their head down, hiding behind the tall wall of plants. Mabuti na ang nag-iingat, hindi nila alam kung kailan ulit aat
Malapit na sa kinaroroonan niya ang mga bantay, at handa na si Carnation na mahuli ng mga ito. Ngunit, may swerte pa rin talaga siya kahit anong malas ng buhay niya. Just when the guards got there, biglang may humila sa kanya papasok sa loob ng makapal at mataas na halaman."Are you alright?""Luca!" Mahigpit niyang niyakap ang binata na para bang nakasalalay dito ang kanyang buhay. She had no idea he'd show up like this or save her from the people who were after her. “I’m f-fine. Ikaw?”“Ayos lang ako.”“Paano mo ako ginawa iyon?” curious at namamangha niyang tanong sa binata. Paano siya nito nahatak mula sa kabila, patungo sa kabilang bahagi na kinaroroonan nila?“That one is fake.” Tinuro nito ang parti ng wall ng mga halaman. “Sinadya kong ilagay para hindi nila tayo matunton dito sa center ng labyrinth.”“That's a wise move....”“Yeah&hellip
"I'm going to check her," anunsyo ng Balkin. Tinambol ng malakas ang dibdib ni Carnation ng marinig ang sinabi nito. F*ck! Mahuhuli siya nito sa ganitong estado. If Balking went up the stairs, he'd definitely see her hiding behind the massive vase. Damn it! Ano ang gagawin niya?"Mabuti pa nga," sang-ayon naman agad ng secretary niya. Balkin walk towards the stairs direction, at lalong bumilis ang tibok ng puso ni Carnation. Pakiramdam niya lalabas na ang puso niya sa ribcage niya. Anong pwede niyang gawin? Hindi siya pwedeng mahuli ng lalaking ito. Masisira ang plano nila Luca kapag nahuli siya ng mga kalaban.Palapit na si Balkin sa hagdanan, sa malaking vase na pinagtataguan niya. Carnation is now ready to be caught or run somewhere for her life nang biglang…"Sir, katatapos lang kumain ni Miss Villagracia…" Biglang dumating ang lalaking naghatid ng pagkain niya kanina. Nakatayo ito sa punong hagdan sa itaas at pababa na. "Natutulog na po siya n
"Kaninong bahay po ito?" tanong ni Carnation sa matandang lalaki na nagdala ng haponan niya. "Bahay po ba ito ni Mr. Sandoval?" pangungulit niya. She needs to get some information. Pero ayaw magsalita ng mga tao sa bahay na ito. Kahit na ang matandang kaharap niya ay hindi sinasagot ang mga tanong niya. "Manong, hindi niyo ba alam na mali ang ginagawa ng amo niyo? Kidnapping po ito. I'm sure alam niyong kasama kayong makukulong kapag hindi niyo ako pinakawalan dito," ngayon naman ay pananakot niya, pero hindi pa rin talaga ito nagsalita, patuloy lang ito sa pag-aayos ng kung ano sa food cart na dinala nito, ang matapos ay lumapit ito sa kanya. "Mabuti pa kumain ka na ng hapunan, upang makapag-pahinga na. Tawagin mo na lamang ako kung tapos ka ng maghapunan," sabi nito at agad na umalis ng silid. Sumimangot siya nang wala man lang siyang nahita na kahit anong impormasyon mula sa lalaki. Kainis! Naupo si Carnation sa gilid ng kama kung saan naroon
Carnation woke up dizzy and had a headache. Hindi niya alam kung saang lupalop ng Pilipinas siya naroon. All she knows is that she was hit by a car and someone carried her in the backseat of a car and then put her in this room. Bukod doon ay wala na siyang maalala, hindi rin niya nakita ang mukha ng taong may gawa nito sa kanya."F*ck!" napamura siya dahil sa sakit ng katawan. Sino ba naman ang hindi masasaktan kung binangga ka ng kotse? Nabali pa yata ang tadyang niya dahil sa nangyari.Pilit na binangon ni Carnation ang sarili mula sa kama, doon niya lang napansin na nakatali pala ang kanang paa niya sa kanang poste ng kama. Damn! Bihag na naman siya ngunit sa pagkakataong ito nakakasiguro siyang kalaban ang may hawak sa kanya. Posible kayang ang taong iyon ay ang taong hinahanap nila?Nilibot niya ang paningin sa buong silid. Nakakapagtaka na sa halip na sa isang marumi at madilim na silid siya dalhin ng taong iyon, dito pa siya kinulong. The room is nice, pa