Hindi nagdalawang-isip si Carnation na lisanin ang bahay ni Wren. Hindi pa man niya naririnig ang lahat-lahat, nagpasya na siyang umalis. Lulan ng taxi na pinara niya sa labas ng subdivision ng bahay ni Wren, nagmadali siyang bumalik sa kanilang bahay. Walang ibang laman ang isip ni Carnation kundi ang mga salitang binitawan ng ina ni Wregan. Ano ang ibig sabihin ni Francoise nang sabihin nitong older brother nila si Wren? Ang ibig sabihin ba ay kapatid niya si Wregan?
Hinilot ni Carnation ang sumakit na sintido. Akala niya tapos na ang mga nakakagulat na rebelasyon ng buhay niya. Akala niya p'wede na niyang simulan ang pagpapatawad sa magkapatid na Leath, at putulin ang masama at masalimuot na ugnayan niya sa mga ito, ngunit hindi pa pala natatapos ang lahat. Ang hindi niya maintindihan. Paano siya nagkaroon ng relasyon sa mga Leath?
"Daddy! Daddy!" tawag niya agad sa ama nang pumasok siya sa kanilang bahay. Kung may nakakaalam man ng totoo niyang pagkatao, at ng ko
Hindi nakaimik si Carnation. Nakatayo lang siya sa gilid ng daan at nakatitig sa mukha ng binatang nakalahad ang kamay. Hindi niya inaasahan na makita ito dito. Bakit narito ang boss niya sa harap ng bahay nila?"Carnation!!" Mula sa loob ng bahay narinig niya ang boses ng kanyang ama. Isang beses na nilingon niya ang kanilang bahay, pagkatapos ay muli niyang hinarap si Luca. Ngumiti ito sa kanya, 'di pa rin binababa ang nakalahad na kamay. Narinig niyang muli ang pagtawag ng ama sa pangalan niya, ngunit bago pa man siya maabutan nito sa labas ng bahay, inabot na niya ang nakalahad na kamay ni Luca. Mabilis ang mga kilos na inakay siya nito papasok ng shotgun seat, nang makasakay sa driver's seat ang binata agad nitong pinaharurot palayo sa bahay nila ang sasakyan.Pareho silang tahimik lang sa biyahe, hindi siya kinakausap ng binata. Wala rin siyang lakas ng loob para kausapin ito. Isa pa, sobrang gulo ng isipan niya dahil sa mga nalaman. Wala siyang ibang gusto ngayo
"Did you like the food?" tanong ni Luca habang nagpupunas siya ng bibig gamit ang tissue. "Hindi ako sigurado kung nabusog ka sa niluto ko."Bahagya siyang natawa sa sinabi nito. Hindi naman siya pihikan sa pagkain, 'di rin naman siya matakaw pero nabusog talaga siya sa niluto nitong dinner."Yes. Akalain mo 'yon? Masarap ka pa lang magluto?" biro niya at uminom ng tubig sa basong naroon sa harapan niya."Yeah… Pero mas masarap akong magmahal, baka naman gusto mong tikman—""Kahit gaano pa iyan kasarap, hindi ko nakalimutan na pangit kang ka-bonding." Putol niya sa sasabihin pa ng binata. Sumimangot ito sa kanya at tumayo mula sa sariling upuan. Kumuha ito ng wine sa mini bar at dalawang goblet."Ano 'yan? May balak kang lasingin ako, tapos ano? Plano mo talaga ito eh, no?""What?" Natawa itong nilapag ang mga dala sa ibabaw ng dining table. "Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo. I'd just like to invite you to join me in the o
"I want you to meet Lilith." Luca pressed the black button on the wall. Gumilid pakaliwa ang napakalaking painting ng ahas sa salas ng bahay. Bumungad sa mata ni Carnation ang, 2-foot-tall by 3-foot-wide by 8-foot-long cage. "Wow. . . ," hindi napigilan na bulalas ni Carnation sa labis na pagkamangha sa nakita. "She's a white albino reticulated python," tukoy ni Luca sa malaking ahas na nasa harap nila. Si Carnation ay hindi nagawa na tanggalin ang tingin sa alaga na python ng binata. The huge snake is really beautiful. Napaka ganda ng kulay nito, na pinaghalong puti at dilaw, talagang ang laki at ang ganda ng ahas. "Ang ganda niya. . . ," bulalas niyang muli at humakbang palapit sa glass ng cage. "Ano nga pala ang pangalan ng alaga mong anaconda sa Maynila? Hindi ko naalala na nabanggit mo." "Oh, the green anaconda you mean. Her name is Eve." Tinanguan niya ang binata at nginitian. "Did you know, when I was young, I had a snake named Adan. Hi
Napatili si Carnation nang ihagis siya ni Luca sa super king size bed ng silid. Matalim na tingin ang ibinato niya sa binata. "Hindi ba pwedeng dahan-dahan lang? Kailangan ba talaga na itapon mo ako!" naiinis na sigaw niya sa binata na nakatayo sa harap niya."I'm sorry," tangin nasabi ng binata kaya lalo sumimangot si Carnation."Bakit mo ba ako dinala dito?" tanong niya at nilibot ang tingin sa paligid. Ngayon lang niya na pagmasdan ng maigi ang silid ng dakilang Mr. Lust, noong unang beses kasi na pumasok siya sa silid na ito hindi man lang niya nagawa na tignan ang silid. "Ano ang ginagawa mo?""Naghuhubad?""Alam ko! Ang ibig kung sabihin, bakit ka naghuhubad sa harap ko!" Bigla-bigla na lang nagtanggal ng damit ang binata sa harap niya ng walang paalam. Hindi niya tuloy alam kung saan itutuon ang tingin. "Ano ba! Magdamit ka nga Luca!""Masyado namang boring kung tatambay lang tayo dito ng walang ginagawa," sabi pa nito na hindi tumigil sa pa
"Likewise," palaban na sagot ni Carnation kay Tilaine at nilabanan ang masama nitong tingin sa kanya. Oo, mas maganda si Tilaine, sexy at mayaman, pero hindi siya magpapatalo dito! Ito nga ang almost perfect… Na kay Tilaine na lahat ng pwedeng hilingin ng isang katulad niya na pinagkaitan ng mundo sa maraming aspeto ng buhay. Pero buo ang loob niya na labanan ang babae dahil alam niyang sa huli siya ang nakasungkit ng puso ni Luca. Isang nanunuya na ngisi ang tugon ni Tilaine sa kanya. Pinag-cross nito ang mga braso sa harap ng dibdib. "That's good to hear. Hindi natin kailangan magustuhan ang isa't-isa. Sa tingin ko, alam mo na ang tunay na relasyon namin ni Luca." Sandali siyang natigilan ngunit marahan na tumango bilang tugon sa babae. "At kampante ka na niyan?" makahulugan na tanong ni Tilaine. Nakunot ni Carnation ang noo. "Huwag ka munang magdiwang dahil sa nalaman mo. Malay natin may gawin ako at magbago ang ihip ng hangin…" Hindi napigilan ni Carnatio
"Kanina pa. Nasaan ka na?" nakasimangot na tanong ni Carnation sa kabilang linya. Anong oras na, wala pa rin ito sa pinag-usapan nila na lugar. "Akala ko ba 4pm? Anong oras na, oh! Meron akong duty sa CDL ng 6pm!" "Bakit ako wala? May performance tayo ni Lizette 'di ba? Wait mo lang, malapit na kami!" sagot naman ni RJ sa kabilang linya. May usapan sila ng kaibigan na magkikita ngayon, kasama nito si Vinn, ang kaibigan din nila na matagal na niyang hindi nakikita. "Oo na, pahamak ka naman eh!" "Duh… Hayaan mo na. Malakas ka naman kay Big Boss! Hindi ka na dapat nagtatrabaho ng Casa de Lujuria, dapat nga eh madam ka na," biro pa nito. "Tigilan mo na nga ako, sige na. Bye. Kita na lang tayo. Hintayin ko kayo sa loob." Pumasok na siya sa loob ng Café pagkatapos ibaba ng tawag. Sa counter agad nagtungo si Carnation para mag-order ng maiinom, natawa pa siya nang makita ang gulat na gulat na itsura ni Angelo, ang dati niyang katrabaho. "Hala! Kumust
Mabilis na bumaba si Carnation ng taxi at tumakbo sa loob ng hospital, sa emergency room agad siya itinuro ng nurse sa reception nang itanong niya ang tungkol sa binata. Hindi malaman ni Carnation ang gagawin, nanginginig ang kamay at tuhod niya sa sobrang pag-aalala, sana ay hindi fatal ang kondisyon ni Luca. Ilang hospital bed na ang tinignan niya, pero hindi nakita ni Carnation ang boss. Tumindi pa ang kaba niya dahil dito, pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa pag-aalala, ilang nurse na ang tinanong niya ngunit pare-pareho lang ang sinasabi ng mga ito, sa emergency room daw niya makikita ang hinahanap na binata. Pagod na siya sa pagtakbo ng matagal at ramdam niyang bibigay na ang tuhod niya, hindi na niya kayang maglakad. Naupo siya sa upuan na nakita sa gilid ng lobby. Hapo at habol ang hininga, nag-angat ng tingin si Carnation nang may nakitang sapatos ng lalaki sa harap niya. "Hey," sabi nito. Sumimangot agad siya at sinipa ng malakas ang tuh
"Let's go…" Hindi na hinayaan ni Carnation na magsalita ang binata na kaharap. Kinuha niya ang hand bag at tinalikuran ito.Si Luca naman natauhan sa galit at agad na hinabol ang umalis na dalaga. Ang bilis nitong maglakad. Naabutan niya lamang si Carnation sa parking area. Hiningal pa siyang inabot ang siko nito at hinaharap sa kanya."I'm sorry. Hindi ko lang talaga nagustuhan ang ginawa niya kaya hindi ko mapigilan ang sarili na suntukin siya," paliwanag niya sa mata lang ni Carnation nakatingin. Ang totoo ay uminit talaga ang ulo niya, nang insultuhin nito ang dalaga. Hindi naman siya bayolente na tao, pero kusang kumilos ang katawan niya kanina at sinapak ang matanda. That old man hit a nerve."Hindi mo kailangan mag-sorry," malumanay na sagot ni Carnation. Nakunot ni Luca ang noo nang mag-iwas ito ng tingin, ngunit 'di pa rin naitago ang luha sa mga mata."Hey, why are you crying?" malambing na tanong niya at marahan na inangat ang mukha ng d