"Are you alright?" Ilang beses na napakurap si Carnation sa tanong na iyon ng fiancé. Mula sa kanyang pagkain, nag-angat siya ng tingin kay Wregan.
"O-oo naman. Bakit mo na itanong?"
"You've been like that since last night. Tahimik ka lang at hindi nagsasalita. May problema ba?" Alam ni Carnation na kagabi pa napapansin ni Wregan ang bigla niyang pananahimik, ngunit ngayon lang naglakas loob ang binata na magtanong. Siguradong naghihintay lang ito na siya mismo ang magsabi, ngunit hindi na nakatiis pa.
Napasinghap siya ng malalim. "Ayos lang ako. Siguro ay pagod lang, buong araw kasi akong nag-alaga kay daddy," dahilan niya at tumango naman sa kanya ang binata.
"How's your dad?"
"He's getting better and better. Thanks to you, Wregan." Nginitian niya ang fiancé ngunit taimtim lang na tumitig sa kanya ang binata.
"Bakit? May dumi ba sa mukha ko?" Umiling ang binata bilang sagot at saka lang gumanti ng ngiti.
"Let's visit your dad
"Carnation, right?" Kinakabahan man pilit ngumiti si Carnation sa ina ni Wregan. Para siyang ewan, ramdam na ramdam niya ang panginginig ng labi sa ngiti niyang iyon. "Opo," magalang niyang sagot. "I'm Francoise Leath, Wregan's mother." Lalong bumilis ang kabog ng dibdib niya na parang lalabas na ito sa katawan niya. Lumunok ng malaki si Carnation. Ang babaeng ito sa harap niya ay ang ina ng fiancé niya. . . sobrang ganda nito at— talagang nakakatakot. "I-I'm very pleased to meet you po Ma'am." Walang ginagawa ang mommy ni Wregan. Nakatingin lang ito sa kanya na parang pati kaluluwa niya ay sinusuri. 'Di niya mapigilan ang sarili na matakot. Nakakakaba ito kung tumingin, nasaan na ba si Wregan? Hindi niya alam kung hanggang saan siya tatagal kasama ng ina ni Wregan. "Pasok ka hija. . ." Ngumiti sa kanya ang ina ng fiancé, pero hindi man lang nabawasan ang kaba sa dibdib ni Carnation. "Come in, dito ka muna sa living area habang hinihin
Nang dinner na, binalita ng mommy ni Wregan sa kanila na hindi raw makakarating ang daddy ng fiancé niya. Ang sabi ay may importante raw itong gagawin. Biglaan kaya hindi nito na ipaalam sa ina ni Wregan, tuloy ay apat lang silang nagsalo sa malaking dining table. Katabi ni Carnation ang fiance, ang mommy naman ng binata ay nasa unahan— sa kaliwa ni Wregan— at si Kara naman ay mag-isang nakaupo sa kabilang bahagi ng dining table— sa mismong harap ni Wregan.“Wala pa rin bang balak ang Daddy Brian mo na bumisita ng Pilipinas?” tanong ng ginang kay Kara habang kumakain silang apat.“I don’t know tita. Dad and I never talk like we usually did before. After what happened to the twins hindi na tulad ng dati si daddy. He’s different.” Sunod-sunod na tumango ang mommy ni Wregan.“I see. Hindi pa rin pala siya nakaka-move on sa nangyari sa mga kapatid mo.”“What happened wa
“What do you mean you’re the legal son?”Pakiramdam ni Carnation tumigil sa pagtibok ang puso niya sa sinabi ni Wren. Narinig niya na tinawag nitong bastardo si Wregan, pero hindi niya akalain na gano'n nga ang ibig nitong sabihin.“Unfortunately, Wregan’s mother is my father’s mistress.” He took a deep breath. “They had an affair and things happened and. . . boom! Nagkaroon ng Wregan behind my mom's back," he tells between chuckles. Hindi alam ni Carnation kung seryoso ba ito sa mga sinabi kasi parang wala lang kay Wren na niloko ng daddy nito ang kanyang mommy. Parang hindi kwento ng pamilya nito ang ibinahagi ng binata sa kanya dahil napaka kaswal lang nitong i-kwento sa kanya."I didn’t know how my dad manage to hide his other family. Basta nang malaman ni mommy ang tungkol sa mommy ni Wregan. The kid is almost five.” Pinausad nito ang sasakyan dahil nag-green light na. “Imagine! Dalawan
Hindi mapakali si Carnation, palakad-lakad siya sa living area ng flat ni Wregan. Madaling araw na pero hindi pa rin nakakarating ng bahay ang fiance niya. Posible kayang sa bahay ito ng magulang nito natulog?Hindi niya ma-contact ang number nito kahit anong gawin niya. Sobrang nag-aalala na siya kay Wregan. Ang sabi ni Wren p'wedeng hindi umuwi si Wregan ngayon dahil sa nangyari kanina. Marahil nakulong na iyon sa mansion ng mga magulang at ayaw paalisin ng mommy nito. Pero kahit na sinabi sa kanya ni Wren, hindi pa rin siya mapalagay, hindi siya makatulog kahit anong gawin niya.Pinili niyang maupo sa single seater couch. Binuksan niya ang TV para aliwin ang sarili sa panunuod habang naghihintay, pero hindi naman niya maintindihan ang pinanood kaya pinatay na lang niya ang TV at tumayo. Nagtungo siya sa kusina at naghanap ng makakain sa ref, bigla kasi siyang nakaramdam ng gutom.Walang ibang nakita si Carnation kundi tira-tirang pizza na paboritong-pab
I'm finding ways to express the feelings I'm having, but I can't say I don't love you.' Because I adore you, yeah~It's difficult for me to express my feelings, but I'm going to let you know tonight. Let me tell you the truth, baby~The time and distance that separates us. It will never change my mind, because baby, I'd die for you~Minasahe ni Luca ang batok nang makaramdam siya ng pangangalay. Ipinikit niya ang mga at mahigpit na humawak sa baso ng rum habang patuloy na nakikinig sa kantang 'di niya alam kung bakit niya pinakikinggan.I try to think of a reason to keep us apart. But I'm afraid that I'll miss you.~Finding out how to manipulate this feeling I'm going through. But I'm not holding it against you.~Siguro nga nababaliw na siya para magdamdam ng ganito. Ilang linggo na ba mula nang umalis siya ng Pilipinas ngunit i
“Here you are.” Madiin na pinikit ni Luca ang mga mata para kalmahin ang sarili nang marinig ang boses ni Samantha. Bakit ba hindi matahimik ang gabi niya sa party na ito? Kaliwat kanan ang mga magugulong babae. Hinarap niya ito. “What now?" he barked. "Are you planning to annoy me here? Please Sam, not now. Wala ako sa mood para sa mga kalokohan mo," he frankly said to her. “Duh! Kahit kailan ang suplado mo talaga sa akin. . . kaumay na stepson.” Tumabi ito sa kanya sa railing. “Leave me alone. Umay ka na pala, eh," suplado niyang tugon at hinarap muli ang mailaw na buildings ng New York City. “Nope. . . never. Tanda mo iyong sinabi ko sayo na friend ko? Iyong model? She's here." “Don’t care," walang gana niyang sagot kay Samantha. Ito na naman ang stepmother niya sa pagre-reto ng kung sino-sinong babae sa kanya. Kung p'wede lang talagang isako itong makulit na si Samanta, matagal na niyang ginawa! Ang liit-liit pa
Two month later. . . ."Oy, walang halong biro. Kaya ko nga!" giit ni Tilaine sa kanya. "Gusto mo pakitaan kita? Ano?" hamon pa ng dalaga sa kanya. Halakhak ni Luca ang pumuno sa tahimik na sala sa mansion ng mga Lindenhurst."Sige, next time kapag nakabalik na tayo ng Pinas. Pakitaan mo ‘ko," tugon niya dito pero hindi pa rin nawala ang pagtawa."Kainis to! Sabi ng kaya ko nga! Kapag ikaw tinalo ko sa race kakainin mo iyang mga sinabi mo!""Ikaw na lang kainin ko." Agad nanlaki ang mata ni Tilaine sa biglang banat niya. Mabilis siya nitong sinabutan at tawa lang naman siya nang tawa"Halaka ang bastos ng bibig Lindenhurst ah!" angil pa nito. Hindi maitago ang namumula na magkabilang pisngi. Lalo tuloy siyang natutuwa sa expression sa mukha ni Tilaine."Oh, bakit? Ano ba ang iniisip mo na kakainin ko?" Gatong pa niya kaya buong mukha na ni Tilaine ang naging kulay rosas sa hiya!"Mga tanong mo Luca!
Kung trabaho at bahay lang ang pinaglalaanan ni Luca ng oras noon, kasama na sa araw-araw na activity niya ngayon ang i-date ang nililigawan na si Tilaine Doukas. Ang dalaga ay anak ng kilalang composer at music producer na si Xander Doukas—isa ito sa pitong apo ng Underground Society Founder, si Senior Klimt True Knight dela Vega. Syempre, hindi alam ng dalaga ang dating buhay ng namayapa nitong lolo at wala rin namang balak si Luca na ipaalam iyon sa dalaga. Maging ang pagiging kasapi niya sa samahan ay balak niyang ilihim dito. Tilaine is kind and friendly, tulad ng ama ng dalaga, nakikita ni Luca ang talent nito sa larangan ng musika. Isang beses na niya itong narinig na kumanta at talaga namang napabilib siya ng dalaga sa mala anghel nitong boses. Tinanong niya ito kung bakit napili nito ang maging modelo gayong nakikita niya na mas magaling ito sa larangan ng musika. Ang sagot naman ng dalaga, “wala pang model sa pamilya namin, para din maiba.” Tapos sa
Sloan’s POV "This is Wregan Leath and Gludox Portoni, my fuck'n bestfriends. Sila 'yong sinasabi ko sa iyong malupit sa chicks!" I examined the two gorgeous men Primus introduced to me. Una kong napansin ang halos perpektong mukha ng lalaking tinawag niyang Wregan. Tulad ko, matangkad ang ito pero sigurado akong mas mataas ako sa kanya ng ilang sentimetro. Meron itong mata na parang sa fox at tigre, mabangis, matalim at tila maraming tinatago ngunit mukha din naman puno ng kasiyahan kung kumislap ang mata nito. Matangos ang ilong niya may maliit na nunal sa ibabang dulo. Hindi na ako magtataka kung totoo man na malupit ito pagdating sa mga babae. Halata sa datingan… Sunod ko namang na sinuri ang lalaking tinawag ni Primus na Gludox. Hindi tulad namin ni Wregan, may kaliitan ang tangkad ng lalaki pero mas maliit pa rin tingnan si Primus dito. Napakaputi ng balat nito na tinalo pa yata si snow white sa kaputian. Mukha naman itong pusa, cute pero hindi katiwa-tiwala. Yung tipo ng cute
Carnation’s POV “Sigurado ka?” tanong ni Samantha nang tanggihan ko ang offer niyang ihatid ako sa sakayan ng bus. “Hindi na, dadaan pa kasi ako ng library. Kailangan kong manghiram ng books report ko kasi sa Friday,” paliwanag ko at ngumiti sa kanya. Sumimangot ito at napilitan na tumango. “Sige, basta bukas ihahatid ka namin sa inyo, okay? Ingat ka sa daan ah? Alam mo naman ang panahon ngayon maraming manyak!” Tumango ako at kumaway sa kanya. Pumasok naman ito sa service niya bago kumaway sa akin sa bintana. Bumalik ako sa building ng school para magtungo sa library. Totoong may report ako sa Friday at kailangan ko ng materials na magagamit. Saglit lang naman ako sa library, nanghiram lang ako ng books pagkatapos ay umuwi din. “Uulan pa yata…,” sabi ko sa sarili at tumingala sa langit. Sana naman hindi tumuloy ang ulan at wala akong dalang payong. Huminga ako ng malalim bago matulin na tumakbo patungo sa gate 2 ng school, mas malapit kasi sa bus stop kung doon ako dadaan. Hi
“I really like this place. Ilang taon na ang bahay na ito?” tanong niya at ginala ang tingin sa buong cave house. Kababalik lang nila ni Luca ng Pilipinas after ng honeymoon nila sa Istanbul at Georgia, at dito agad sila dumeretso sa cave house nito sa Cagayan Valley.“7 years? Pinagawa ko ito pagkatapos kong ipatayo ang bahay ko sa Luzon. You want wine?” Tumango siya bilang tugon sa tanong nito. Nasa kusina ito at siya naman ay nasa sala pinagmamasdan ang mga painting sa wall. Ang sabi sa kanya ng asawa nabili nito ang mga painting sa isang underground auction.“Matagal na rin pala,” komento niya at hinarap ang pinaka malaking larawan. Bigla niyang naalala doon nga pala nakatago sa likod ng larawan ang tank ng isa sa mga alagang ahas ni Luca. Gamit ang buong tapang, lumapit siya sa painting at pinindot ang buton doon para makita ang cage.“Sino ang nag-aalaga sa kanya noong nasa New York ka?” tanong niya pag
"What happened to Balkin?" tanong niya kay Lizette na naghahanda ng pagkain niya. Ibinaba nito ang hawak na plastic wear at tumingin sa kanya.“I don’t know. He’s under the custody of the underground society committee. Wala akong balita sa kanya since the night na nahuli siya, and I don’t care. Mabulok na sana siya sa kulungan.” Ipinagpatuloy nito ang ginagawa. Si Carnation naman ay umupo sa hospital bed niya at inayos ang sariling kumot."Gising na ba sila?" Tukoy niya sa tatlong lalaki na katulad niya ay na confine sa hospital pagkatapos ng nangyaring sagupaan sa mansion ni Mr. Sandoval at nabaril ang mga ito."Gising na si Enver, kaso ang dalawa hindi pa rin nagkamalay. Malalim ang pagkakabaon ng bala sa tagiliran ni Luca, muntik ng may tinamaan na organ niya. Si Wregan naman may tama ng bala sa braso at likod na salamat sa diyos at hindi tumagos o kahit man lang nakarating sa puso niya." Nagpakawala ito ng buntong-hininga.
“Luca!!!” matinis ang sigaw ni Carnation. Dinaluhan agad si Luca na natumba sa lupa at may tama ng baril sa tagiliran. Nilibot niya ang paningin, hinanap ang taong bumaril kay Luca, ngunit wala siyang nakita. Galing sa mataas na direksyon ang bala, marahil ay nasa ikatlong palapag ng bahay naroon ang shooter.“H-hey… look at me… I need to get you out of here. Can you walk? I-I can’t carry you,” mahinahon na sabi niya at marahan na tinatapik ng nanginginig na kamay ang pisngi ng binata. She’s trying her best to calm down. Pero ang takot niya ang siyang nagpapanginig sa buong systema niya. She can’t think straight.“I can manage. D-daplis lang naman…”“C-come on, I’ll help you.” Tinulungan niyang tumayo si ang binata at inalalayan itong maglakad. They keep their head down, hiding behind the tall wall of plants. Mabuti na ang nag-iingat, hindi nila alam kung kailan ulit aat
Malapit na sa kinaroroonan niya ang mga bantay, at handa na si Carnation na mahuli ng mga ito. Ngunit, may swerte pa rin talaga siya kahit anong malas ng buhay niya. Just when the guards got there, biglang may humila sa kanya papasok sa loob ng makapal at mataas na halaman."Are you alright?""Luca!" Mahigpit niyang niyakap ang binata na para bang nakasalalay dito ang kanyang buhay. She had no idea he'd show up like this or save her from the people who were after her. “I’m f-fine. Ikaw?”“Ayos lang ako.”“Paano mo ako ginawa iyon?” curious at namamangha niyang tanong sa binata. Paano siya nito nahatak mula sa kabila, patungo sa kabilang bahagi na kinaroroonan nila?“That one is fake.” Tinuro nito ang parti ng wall ng mga halaman. “Sinadya kong ilagay para hindi nila tayo matunton dito sa center ng labyrinth.”“That's a wise move....”“Yeah&hellip
"I'm going to check her," anunsyo ng Balkin. Tinambol ng malakas ang dibdib ni Carnation ng marinig ang sinabi nito. F*ck! Mahuhuli siya nito sa ganitong estado. If Balking went up the stairs, he'd definitely see her hiding behind the massive vase. Damn it! Ano ang gagawin niya?"Mabuti pa nga," sang-ayon naman agad ng secretary niya. Balkin walk towards the stairs direction, at lalong bumilis ang tibok ng puso ni Carnation. Pakiramdam niya lalabas na ang puso niya sa ribcage niya. Anong pwede niyang gawin? Hindi siya pwedeng mahuli ng lalaking ito. Masisira ang plano nila Luca kapag nahuli siya ng mga kalaban.Palapit na si Balkin sa hagdanan, sa malaking vase na pinagtataguan niya. Carnation is now ready to be caught or run somewhere for her life nang biglang…"Sir, katatapos lang kumain ni Miss Villagracia…" Biglang dumating ang lalaking naghatid ng pagkain niya kanina. Nakatayo ito sa punong hagdan sa itaas at pababa na. "Natutulog na po siya n
"Kaninong bahay po ito?" tanong ni Carnation sa matandang lalaki na nagdala ng haponan niya. "Bahay po ba ito ni Mr. Sandoval?" pangungulit niya. She needs to get some information. Pero ayaw magsalita ng mga tao sa bahay na ito. Kahit na ang matandang kaharap niya ay hindi sinasagot ang mga tanong niya. "Manong, hindi niyo ba alam na mali ang ginagawa ng amo niyo? Kidnapping po ito. I'm sure alam niyong kasama kayong makukulong kapag hindi niyo ako pinakawalan dito," ngayon naman ay pananakot niya, pero hindi pa rin talaga ito nagsalita, patuloy lang ito sa pag-aayos ng kung ano sa food cart na dinala nito, ang matapos ay lumapit ito sa kanya. "Mabuti pa kumain ka na ng hapunan, upang makapag-pahinga na. Tawagin mo na lamang ako kung tapos ka ng maghapunan," sabi nito at agad na umalis ng silid. Sumimangot siya nang wala man lang siyang nahita na kahit anong impormasyon mula sa lalaki. Kainis! Naupo si Carnation sa gilid ng kama kung saan naroon
Carnation woke up dizzy and had a headache. Hindi niya alam kung saang lupalop ng Pilipinas siya naroon. All she knows is that she was hit by a car and someone carried her in the backseat of a car and then put her in this room. Bukod doon ay wala na siyang maalala, hindi rin niya nakita ang mukha ng taong may gawa nito sa kanya."F*ck!" napamura siya dahil sa sakit ng katawan. Sino ba naman ang hindi masasaktan kung binangga ka ng kotse? Nabali pa yata ang tadyang niya dahil sa nangyari.Pilit na binangon ni Carnation ang sarili mula sa kama, doon niya lang napansin na nakatali pala ang kanang paa niya sa kanang poste ng kama. Damn! Bihag na naman siya ngunit sa pagkakataong ito nakakasiguro siyang kalaban ang may hawak sa kanya. Posible kayang ang taong iyon ay ang taong hinahanap nila?Nilibot niya ang paningin sa buong silid. Nakakapagtaka na sa halip na sa isang marumi at madilim na silid siya dalhin ng taong iyon, dito pa siya kinulong. The room is nice, pa