Share

The Selfless Moon
The Selfless Moon
Author: lux_acher

Prologue

Author: lux_acher
last update Last Updated: 2022-02-21 10:50:28

"Nyx, sigurado ka na ba dito? Alam kong ayaw mo sa ganitong environment. Inaalala lang kita."

"Sure na ako dito, Kim. Nagpapasalamat nga ako sayo dahil pinaki-usapan mo iyong manager mo na papasukin ako bilang serbidura." sagot niya sa kaibigan. Isang ngiti ang namutawi sa kanyang mga labi.

"Iyan ang spirit ng isang Nyx Artemis Olivers, palaban. You're welcome, by the way," ngising saad ng kaibigan, "At alam ko namang kailangan mo ng pera." dagdag pa nito.

"Hmm... Kailangan kong kumayod para sa kambal kong kapatid. Wala na silang maaasahan kung hindi ako na lang. Gusto ko silang mapagtapos ng pag-aaral." sagot niya sabay ngiti ng mapait.

Simula nang mamatay ang kanilang mga magulang sa isang aksidente, siya na ang tumayong ama't-ina ng kambal niyang kapatid. Labing-limang taon ang agwat niya sa dalawa, kaya kung susumahin ay sampong taon gulang pa lang ang mga ito.

Wala din siyang kilalang mga kamag-anak nila na pwedeng hingian ng tulong. Inaalala din niya kung tutulungan sila, kung meron man.

"Pero, paano ka Nyx? Hindi ba, hindi ka pa tapos mag- aral? Hindi mo ba ipagpapatuloy?" tanong ulit ng kanyang kaibigan. Isang iling lang ang isinagot niya.

"Sa ngayon ay ang kambal muna ang inaalala ko Kim. Bahala nang hindi ako makapagtapos basta sila ay makapag-aral, ayos na iyon sa akin."

"Sayang naman kung gan 'on. Pero para sa akin, ikaw ang da best na ate." lintaya nito sabay tawa ng pagkalakas-lakas. Mukha na itong nababaliw.

Baka nga nababaliw na ang kaibigan niya. Huwag naman sana.

Pero nagpapasalamat siya sa kaibigan dahil andiyan ito palagi sa tabi nila upang damayan sila. Kung hindi dahil kay Kim, baka nasa lansangan na sila pupulutin.

Biglang huminto ang sinasakyan nilang tricycle. Ibig sabihin ay nakarating na sila sa kanilang distinasyon.

Pagkababa nila ng tricycle, ang unang nakakuha ng kanyang atensiyon ay ang signage ng bar.

Rove's Bar, iyon ang nakasulat sa signage na neon light ang kulay. Ang sabi nang kaibigan niya, isang exclusive bar ito. Ibig sabihin ay ang mga may kaya lamang ang nakakapasok roon.

Nagulat siya ng bigla siyang hawakan ni Kim sa kamay, kaya napalingon siya sa kaibigan. Kanina pa kasi siya nakatingin sa signage ng bar. Masyado siyang namangha roon. Nangalay tuloy siya.

"Handa ka na ba? Kung handa ka na, tara na sa loob." Tumango naman siya bilang sagot.

'Ito na Nyx. Inhale, exhale. Wala ng atrasan ito. Para sa kambal. Para sa kambal. Aja! Fighting Nyx Oliveros. Kaya mo ito.' bulong niya sa sarili.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago sumunod sa kaibigan.

Malakas na ugong ng musika ang sumalubong sa kanya. Ano pa nga ba ang dapat sumalubong sa kanya? Pa welcome? Napa-iling nalang siya sa mga pinag-iisip niya.

Inikot niya ang kanyang paningin. Habang nililibot niya ang kanyang tingin, may mga tao siyang nakikita na may kanya-kanyang ginagawa. May mga grupo-grupo at meron ding nagsosolo lang. Pero karamihan talaga ay iyong may grupo.

Ano nga ba ang aasahan niya sa isang bar? Syempre mga taong nag-iinuman. Alangan namang nagjajack-empoy.

'Utak mo Nyx, saan mo ba nilalagay?' sita niya sa sarili.

Dati kapag naririnig niya ang salitang bar, ang akala niya ay puros mga babaeng labas na ang kaluluwa. Iyong mga babaeng akala mo ay kinulang ang tabas ng tela ang damit. In short, mga naka-panty at bra na lang. Pero nang makita niya ang bar na iyon, nagbago ang description niya. May mga katanungan sa utak niya ang biglang nabuo na ipinagsawalang bahala niya.

Isang tikhim ang nagpagising sa kaluluwa niyang natutulog na ata. Isang babaeng tantiya niya ay nasa mid-30's na. Medyo matangkad ito pero syempre mas matangkad siya. Maputi at may mahabang buhok.

'Ito siguro ang manager.' bulong niya sa sarili.

Pinakatitigan siya ng babae na para bang sinusuri siya. Ano bang klaseng tingin iyon? Naiilang siya sa mga titig nito. Para bang binubusiksik ang kaluluwa niya.

"Siya ba iyong tinutukoy mo Kim?" tanong ng babae sa kanyang kaibigan, na ngayon lang niya nalaman na nasa tabi na pala niya.

"Opo, Ma'am Lanie." sagot naman ng kaibigan. Tango ang isinukli nang babae, na tinawag na Ma'am Lanie ng kaibigan.

"You can go Kim. I'm going to interview your referred applicant." utos nito bago bumaling sa kanya at sinabing sumunod siya.

Bago siya tuluyang sumunod ay nagpaalam siya sa kaibigan. They bid their goodbye's before turning their back.

Sumunod siya sa kausap niya kanina. Tumambad sa kanya ang isang pinto na sa tantiya niya ay iyon ang opisina nito. Pumasok siya sa loob at nakitang naka-upo ang babae sa swivel chair nito.

"You can seat, Ms.?"

"Nyx Artemis Olivers po. Pero pwede niyo naman akong tawaging Nyx." pakilala niya. Tumango-tango lang ito na para bang sang- ayon.

"And I'm Shalanie Reyes. I'm the manager of Rove's Bar. You can call me, Ma'am Lanie. Everyone call's me that name." pakilala din nito.

Nagpatuloy sa pagsasalita ang manager ng bar habang siya ay nakikinig ng maayos. Pinaliwanag nito ang patakaran ng bar at ng kung ano-ano pa.

"Hindi ko alam kung saan ka galing pero maganda ka para maging serbidura lamang. Huwag kang mag-alala dahil nirerespeto kita at sa kung saan ka nanggaling. I'm just wondering, you're too much beauty. By the way, here's the contract. Permahan mo siya at makakapagsimula ka na bukas ng gabi. Alas otso ang bukas ng bar kaya dapat andito ka na ng alas syete or 7:30. Bawal ang late. You're going to serve the costumer but I saw you're resume that you know how to mixed a drink, so basically pwede kitang ilagay sa bar counter." paliwanag nito. Tumango naman siya upang maiparating na naintindihan niya.

Totoo ang sabi ng kanyang manager. Marunong siyang maghalo ng alak dahil itinuro iyon sa dati niyang trabaho.

"Here's your uniform.Hindi masyadong maiksi ang palda niyan. Ayaw ng big boss na may nababastos na empleyado. At kung mababastos ka man, please inform me at ng masabi ko sa big boss. We don't tolerate those kind of person here. Kaya naman, you don't have to worry. You're safe here." mahabang paliwanag nito sabay ngiti, ngiting may assurance na safe talaga siya.

Sinuklian niya iyon ng isang matamis na ngiti. Sana lang talaga ay walang tinga ang ngipin niya dahil kahihiyan ang aabutin niya. Tumayo na siya at nagpasalamat sa pagtanggap sa kanya sa trabaho. Bago siya tuluyang lumabas, paulit-ulit siyang nagpasalamat. Narindi na ata ang manager nila sa kanya.

Nang tuluyan na siyang makalabas sa kwartong iyon, hinanap ng kanyang mga mata ang kaibigan. Nakita niya itong nagseserve ng alak sa isang grupo ng mga lalake. Hindi niya maaninag ang mukha ng pinagseserbihan ng kaibigan dahil pawang mga nakatalikod ito sa kanya.

Nagtungo siya sa may bar counter para doon na lang hintayin ang kaibigan at nang makapagpa-alam siya rito. Isang ngiti ang pumaskil sa kanyang mga labi ng mamataang palapit na ang kaibigan sa kanya.

Nang makalapit ito sa kanya ay kung ano-ano ang tinanong nito. Feeling niya ay ito ang manager ng bar. Dinaig pa kasi sa dami ng tanong. Nagkwentuhan muna sila saglit bago tuluyang magpaalam sa kaibigan.

As they bid their goodbye's, tumalikod na siya at naglakad palabas. Bago tuluyang makalabas sa bar ay inikot muna niya ang kanyang tingin sa kabuuan ng bar. Malawak ito at dalawang palag din ito. Sa ikalawang palalapag ang nagsisilbing VIP room at kita ang kabuuan ng bar.

Halos malibot na ng paningin niya ang kabuuan ng bar nang dumako ulit ang kanyang paningin sa mga kalalakehang pinagserbihan ng kaibigan niya kanina.

Ngayon ay nakita na niya ang mga mukha ng ibang lalake doon. Ang iba kasi ay nakaside- view at ang iba ay nakatalikod. Kung susumahin ay lagpas sampo ang mga kalalakehang iyon. Agaw pansin na nga ang grupong iyon sa kadahilanang, ang gwagwapo nila. She can say that all of them has a look. They are all gorgeous man.

Dumako ang kanyang tingin sa lalakeng may hawak na baso ng alak. Isa lang ang masasabi niya, gwapo ito at gwapo nga ito. Biglang tumingin ang lalake sa kanyang direksyon at nagulat siya nang magtama ang kanilang mga paningin.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang bigla itong ngumisi. Napanawan na ata siya ng ulirat dahil sa ginawa nito. Nakatitig pa rin ito sa kanya at ganoon din siya. Bigla siyang napakurap.

'Hala ang gaga mo selp. Jusko naman Nyx, ano bang ginagawa mo? Talikod na! Talikod na kasi!!'

At iyon nga ang kanyang ginawa. Tumalikod siya at tuluyan nang lumabas ng bar. Pumara siya ng taxi at sumakay doon. Bago lumarga ang sinasakyan niya ay lumingon ulit siya sa bar. Rove's Bar. Simula bukas ay dito na siya magtratrabaho. Ano kaya ang magiging kapalaran niya? Magtatagal kaya siya? Napa-iling nalang siya at sinabi sa driver na pwede ng lumarga.

Related chapters

  • The Selfless Moon   Chapter One

    Nakatunganga si Nyx sa loob ng kanyang kwarto. Alas kwatro pa lang ng madaling araw pero heto siya, gising na gising. Kaunti lang ang kanyang tulog sa kadahilanang, excited na siyang magsimulang magtrabaho mamaya. Hindi naman ito ang unang trabahong pinasukan niya kaya naman may alam siya tungkol sa pagseserve.Iyong una niyang trabahong pinasukan ay noong bago palang sila sa Maynila. Taga bantay siya noon ng tindahan ng tinapay. Mababa lang ang sahod kaya sapat lang para sa isang araw ang pera na sinasahod niya. Nakakabayad naman siya ng renta ng bahay. Para nga sa kanya ay malaki na isang libong renta ng bahay. Tumagal siya doon ng limang buwan. Nagtatrabaho siya sa bakery kapag umaga at kapag gabi naman ay naglalaba siya. Tumatanggap siya ng mga labahan ng kanyang mga kapitbahay. Pangdagdag na rin iyon para sa mga kailangan nila.Ang pangalawa niyang pinasukang trabaho, pumasok siya bilang dishwasher ng isang restaurant. Mala

    Last Updated : 2022-02-21
  • The Selfless Moon   Chapter Two

    Putok na ang gabi kaya naman dagsa na talaga ang mga tao sa bar. Pasado alas-nuebe na ng gabi kaya pa-roon, pa-rito na ang mga serbidor ng bar. Halos sunod-sunod na nagsisdatingan ang mga gustong magsaya at mga taong gustong makalimot.Napa-iling nalang si Nyx. Bakit kaya may mga taong gustong makalimot at ang sulosyon nila ay pumunta ng bar at magpakalasing? Sinawalang bahala na lang niya ang katanungan sa isip. Hanggang utak niya lang iyon.Ang sabi sa kanya ng kaibigan, sobrang sikat daw talaga ang tinaguriang bar. Kilala daw ito at may iba't- ibang branches sa loob at labas ng bansa. Wow, as in wow. Sobrang nakakamangha. Napakayaman na siguro nang may-ari ng bar.May isang lalake ang nagtaas ng kamay at tinawag siya. Isa lang ang ibig sabihin nito, mag-oorder iyon.Nang makalapit siya, bigla siyang kinilabutan sa tinging iginagawad nito sa kanya. Isang pekeng ngiti ang ibinigay niya sa lalake."What can I do for you, Sir?" tanong ni

    Last Updated : 2022-02-21
  • The Selfless Moon   Chapter Three

    Pagod siyang humilata sa kanyang kama. Alas kwatro na ng madaling araw at kadarating niya lang galing sa trabaho niya.Inaantok na siya ngunit na-alala niyang may pasok pa ang kambal mamaya. Iidlip na lang siguro siya saglit, pero sure siyang bangag siya mamayang pagkagising niya.Ipinikit niya ang kanyang mata, kasabay nito ang paglitaw ng isang imahe. Imahe nang lalakeng kaibigan ng Sir Lucas niya.Ang mala-abong mga mata nito, matangos na ilong, at ang mga mapulang labi nito, na para yatang masarap halikan. Perpekto, napaka-perpekto nito. Pero teka lang, anong sabi niya?'Ang mapulang labi nito na para yatang masarap halikan''Na para yatang masarap halikan.'Mabilis siyang napabalikwas ng bangon nang magreplay sa utak niya ang mga pinagsasabi niya.Jusko, mahabaging Pedro Calungosd, patawarin niyo po siya sa kanyang mga pinagsasabi. Sana ay papasukin niyo siya sa tarangkahan ng langit.Gaga talaga siya. Bakit ni

    Last Updated : 2022-02-21
  • The Selfless Moon   Chapter Four

    Her POVAng mahabang katahimikang namayani sa opisina ni Sir Lucas ay nabasag ng magsalita si Sir Lancer."How's your house, by the way?"tanong ni Sir kay Sir Tyrus.Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kanila kaya naman iyong first name na lang nila."Done for the renovation,"sagot nito sa kausap."May ibabahay ka na ba? Ako kasi nakita ko na ang ititira ko sa bahay ko""Back off, Calderon."galit na usal ni Sir Tyrus na ikinatawa lamang ng kausap."Actually, mayroon na akong ibabahay doon. She's the goddess of darkness but also, she's the moon, who emitts the light to my darkest world."dugtong nito.Habang binibigkas niya ang mga salitang iyon ay nakatingin lang siya sa akin, na para bang sa akin niya iyon ipinapahiwatig.Maganda siguro iyong ibabahay ni Sir Tyrus, mayaman rin. Perfect sila. Magandang combination, kaya maganda at gwapo

    Last Updated : 2022-04-17
  • The Selfless Moon   Chapter Five

    Her POVIlang oras na akong nakatitig sa sarili ko sa salamin, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan ang hindi isipin ang nangyari kagabi. Nakakahiya talaga.Ang akala ko kasi ay hahalikan ako ni Tyrus. Yeah, Tyrus. Walang 'sir' o kahit anong ka-echusan ang dugtong sa pangalan niya.Kahit kasi hindi ako nakatingin sa kanya kagabi sa sasakyan, halatang nakangisi siya sa buong byahe. Nagbago lang ata ng expression ng mukha niya noong bumaba na ako ng sasakyan.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Ayoko ng isipin pa, masyadong embarrassing.Naglakad na ako paalis ng bahay. Nauna ng umalis ang kambal sa akin, since alas otso pa ang pasok ko.Sumakay na ako ng tricycle at nagpahatid sa Rove's restaurant.Ito ang unang araw ko sa restaurant at sana naman, wag na akong malipat pa dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.Makalipas ang ilang minutong byahe ay dumating n

    Last Updated : 2022-04-19
  • The Selfless Moon   Chapter Six

    Her POV Tatlong linggo na magmula ng magtrabaho ako sa restaurant ni Sir Lucas. Wala naman akong naging problema, kaya naging maayos ang trabaho ko. Sinagot din iyong dasal ko, na huwag malipat pang ulit sa ibang trabaho. Naging kasundo ko na rin kasi ang mga tao sa restaurant. Sa loob din ng tatlong linggo, may mga costumer pa rin naman na kung umasta, ay akala mo'y mga santo na dapat sambahin. Alam kung hindi iyon maiiwasan, pero nakakainis na rin. Pinaalalahanan na din kami ni Sir Lucas, na kung maaari ay huwag na daw naming patulan ang mga ganoong klaseng mga costumer. Nalaman kasi niya iyong huling nangyari. Sinabi niya sa amin, kung maaari lang iwasan, iwasan na lang ito. Lalo na daw ako na malaki nga daw iyong pasensya, pero pagnapikon, mukhang sasabak ng gyera. Habang pinupunasan ko ang lamesang iniwan ng costumer ay biglang tumunog ang chime sa may pinto, at pumasok doon si Tyrus, wearing his usual face— the emotionless one. Sa loob ng tatlong linggong pagtratrabaho ko d

    Last Updated : 2022-04-20
  • The Selfless Moon   Chapter Seven

    Naalimpungatan ako nang mag-ring ang alarm clock ko. Sabado ngayon kaya wala akong pasok pati na rin ang kambal. I did my usual morning rituals, before I headed to the kitchen.Pagdating ko sa kusina, nandoon na ang kambal. Palagi naman. Every weekend kasi, sila iyong nauunang gumising kaysa sa akin. Siguro, na-iipon iyong pagod ko, kaya late na akong nagigising kapag weekends.Napangiti naman ako sa ginagawa nila, they're making a breakfast. Si Nykko ang nagbabate ng itlog. Madami na iyong bula, for sure kanina niya iyon binabate, habang si Nykky naman ang nasa harapan ng kalan."Nykko, akin na iyong itlog." Inabot naman ni Nykko ang itlog sa kakambal niya.Napa-iling nalang ako sa ginagawa nang kambal. I find it sweet. Sa loob ng tatlong linggo ay ganyan ang ginagawa nila. Nagpaturo sila sa aking magluto ng itlog. Noong una ay umayaw pa ako, pero kalaunan ay pumayag na rin ako. Mga mapilit kasi, ang katwiran nila ay pagod daw ako.

    Last Updated : 2022-04-21
  • The Selfless Moon   Chapter Eight

    "Hoy, anong nangyari sa 'yo? Bakit ka namumutla?" tanong sa akin ng pinsan ko. Nalunok ko ang sarili kong laway. Alangan naman sa kanya di ba."Huh? A-ano, w-wala lang ito." Kinakabahang sagot ko."Sure ka ba?" Tumango ako bilang sagot ko. Kinakabahan ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. May namumuo nang pawis sa noo ko. Bakit ba ako kinakabahan? Napalunok ulit ako nang matandaan ko ang halik na pinagsaluhan naming dalawa ni Tyrus. Hindi ako palamurang babae, pero shit lang. Halos hindi maka-usap nang maayos ng mga katrabaho ko nang oras na iyon, dahil masyado akong tulala at distracted. Bigla akong namula sa pinag-iisip ko. Kinuha niya ang first kiss ko."Nyx, okay ka lang ba talaga?" Ang boses ni Grace ang pumukaw sa pagbabalik-tanaw ko."Uuwi na tayo kung hindi ka okay. Sabihin mo lang." Dagdag pa nito. Sasagot na sana ako, nang may umakbay sa pinsan ko. Iyong lalakeng kasama nila Tyrus kanina."Hi, Do

    Last Updated : 2022-04-22

Latest chapter

  • The Selfless Moon   Chapter Nineteen

    Hindi makapaniwalang nakatitig sa 'kin si Tyrus ngayon. Nababakas pa rin sa mga mata niya ang gulat ang kakaibang saya sa inamin ko kanina. His eyes was glistening with so much delight.Nasa dalampasigan kami at naka-pwesto sa lilim ng puno nang niyog habang ang mga kaibigan niya ay bumalik sa bahay ni Knox para daw maghanda ng tanghalian. Sasama na nga dapat ako kung hindi lang umarte 'tong lalaking kasama ko. Ang mga kamay niya ay parang sawa na nakalingkis sa baywang ko at parang takot na tumakbo ako palayo sa kaniya. Kapag susubukan ko namang tanggalin ay lalo niya lang hinihigpitan. I mentally chuckled. Clingy and possessive, eh."Hindi ka pa ba bibitaw?" nagbabakasakaling tanong ko. Baka magbago ang isip at bumitiw na sa pagyakap sa 'kin.He shook his head and placed his head on the crook of my neck. "No. Don't want to let you go," he said.My faced flushed when he bit my neck. My butterflies in my stomach become wild. He gives tiny kisses on my neck and shoulder blades since

  • The Selfless Moon   Chapter Eighteen

    Halos lumuwa ang mata ko sa sobrang ganda ng islang ito. Yeah, it is an island wherein there's a lot of expensive houses. Para siyang exclusive subdivision ang pinag-kaiba nga lang ay nasa Isla ito.Hindi ko maiwasang mamangha sa sobrang ganda ng lugar. The salty wind breeze hit a different calmness in my system, along with the clear blue ocean with it's white sand really gives me a calmness. Sobrang napakaganda niyon sa 'king paningin. Sobrang tahimik ng lugar na ito at tanging huni ng ibon at ang paghampas ng mga alon papunta sa baybahin.Hindi pa rin ako makapaniwalang makakatapak ako sa islang ito. Parang dati lang ay pangarap ko lang makatutungtong sa islang ito. Tanaw kasi ang El Paraiso sa Sambawa Island kung saan kami nanirahan ng mga kapatid ko. El Paraiso. Ang alam kong ang islang ito ay exklusibo lamang para sa hindi ko kilalang magkakaibigan. "Anong ginagawa natin dito, Tyrus?" tanong ko sa kaniya nang makababa kami sa helipad at nasa isang rooftop ng bahay kami ngayon.

  • The Selfless Moon   Chapter Seventeen

    Hindi maipinta ang mukha ngayon dahil sa lalaking prenteng naka-upo sa single couch na nandito sa loob ng opisina ni Sir Lucas. He's lazily looking at me. Ang isang kilay niya ay naka-taas na. Putrages! Siya pa talaga ang may ganang pagtaasan ako ng kilay, e siya iyong kaagang-agang nambulabog sa trabaho namin.Hindi ko alam kung anong trip niya at pinapunta niya ako rito sa opisina ni Sir. May ideya na ako at tama nga ang hila kong mangbwebwesit lang ang lalaking 'to. Ang sarap niyang paliparin.I rolled my eyes ay nameywang sa harapan niya. Naiinis talaga ako sa pagmumukha niya ngayon."What are you doing here?" inis kong tanong sa kaniya."Visiting you, I guess." walang kaamor-amor nitong sagot.Dahil sa sobrang inis ko sa kaniya ay sinipa ko ang kaniyang paa. Simula nang manligaw kuno siya sa 'kin ay trip niya palaging asarin ako o di kaya 'y barahin ang bawat tanong ko sa kaniya.Paiba-iba rin ang ugali nito. Sometimes his sweet then later on magiging bugnutin tapos biglang mang-

  • The Selfless Moon   Chapter Sixteen

    "Ate, tama na pagod na kami," pagod at tumatawang pagpapatigil sa 'kin ng kapatid kong si Nykko pero patuloy pa rin ang pagtakbo. Kanina pa kami naglalaro ng habulan at kita ko nga sa mga mata nila na pagod na sila pero hindi 'yon dahilan para tumigil sa paghabol sa kanila. Patuloy ko silang hinahabol hanggang maabutan ko silang dalawa. Una kong nadakip ay si Nykko at kasunod nito ay ang kambal na si Nykky. Marahan ko silang dinamba at niyakap. Kinikiliti ko sila kaya napuno ng tawanan ang bakuran namin."Tama na Ate, hahahahah." saway sa 'kin ni Nykky habang panay ang ilag sa pangingiliti ko. Panay ang tawa namin at parang walang kapaguran.Nang makaramdam ng pagod ay tinigilan ko na sila. Humiga ako sa damuhan at ini-unat ang dalawang kamay. Nasa taas ang tingin ko at pinagmamasdan ang kulay kahel na kalangitan. Sabay na humiga ang kambal sa magkabilang braso ko at pinagmamasdan rin ang magandang kalangitan. Napakapayapa talaga kapag papalubog na ang araw."Ate talaga bang aalis

  • The Selfless Moon   Chapter Fifteen

    Napa-nganga ako sa lalaking nagpupuyos ng galit at kulang na lang ay magbuga ng apoy. His eyes say's it all. He's really mad.Pero dahil nga kilala ko si Void, hindi siya nakinig kay Tyrus at lumapit pa lalo sa 'kin. Matunog na ngumisi si Void nang makitang umuusok na sa galit si Tyrus."Don't try my patience fucktard," inis na lintaya ni Tyrus."What's your problem being near to Nyx. You're not her boyfriend after all," naka-ngising saad ni Void. Mas lalong nagpuyos ng galit si Tyrus dahil sa sinabing 'yon ni Void.Sa itsura ngayon ni Tyrus, anytime soon ay masusuntok na niya si Void pero itong lalaking nasa tabi ko ay walang pake. I know that his just pissing Tyrus off. Mapang-asar kasi ang lalaking 'to.I gasped when Tyrus grabbed me away from Void. His eyes shouts danger now while Void creased his forehead at mukhang hindi nagustuhan ang ginawa ng kaibigan. Parang may nakikita na rin akong kuryente sa dumadaloy sa pagitan ng masamang titigan nila.Napalunok ako at naumid ang dila

  • The Selfless Moon   Chapter Fourteen

    Naniningkit ang mga mata ni Grace nang makita niya ako. Nasa trabaho ako ngayon at hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng babaeng 'to dito sa restaurant na pinagtratrabahuan ko. Alam ko namang kakain siya pero for sure akong may ibang pakay si Grace kaya narito siya ngayon. May naiisip na ako at alam kung ang pinunta niya. Makiki-chismis! Binalewala ko na lang ang pinsan ko at pinagpatuloy ang pagtratrabaho. Habang inaasikaso ko ang mga costumer ay hindi ko maiwasang mailang dahil parang may tumititig sa 'kin. Kanina ko pa siya nararamdaman pero pinagsawalang-bahala ko lang 'yon dahil akala ko wala lang 'yon kaso nakaka-ilang na talaga siya. Dali-dali akong pumasok sa kusina at sumandal sa pader na malapit sa sink."Ayos ka lang ba, Nyx? Bakit ka namumutla?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Dianne. Mukhang napansin niya ako."Oo. Medyo pagod lang," naka-ngiting sagot ko."Sure ka ba? Ako muna sa labas kung hindi ka okay,""No, I'm good. No need to worry." I assuredly said. Mabuti na

  • The Selfless Moon   Chapter Thirteen

    Naalimpungatan ako ng gising nang maramdaman ko ang init na tumatama sa 'king katawan. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mata at tumama sa 'kin ang nakakasilaw na sinag ng araw na nanggagaling sa labas ng bintana. Hindi pa masyadong mataas ang sikat ng araw kaya kung susumahin ay nasa alas-syete pa lang ng umaga at tumama nga ang hinala ko ng dumako ang paningin ko sa orasang nasa side table.Takte, alas-syete na pala. May mga kapatid pa akong aasikasuhin. Ang ingot mo talaga, Nyx.Agaran akong napabalikwas ng bangon na pinagsisihan ko dahil sa sakit ng nasa pagitan ng mga hita ko. Parang may kung anong dambuhala ang pumasok sa loob ko.Napalunok at namula naman ako ng matandaan kung ano ang nangyari kagabi. Did we really do it?Ang tanga naman, Nyx. Ebidensya na nga 'yang pananakit ng nasa pagitan ng hita mo nagdududa ka pa.Kinutusan ko naman ang sarili na hindi talaga ako nanaginip na nangyari na talaga 'yon kagabi.Dahan-dahan akong bumangon. Napahinga ako ng malalim ng maka-upo

  • The Selfless Moon   Chapter Twelve

    Halos kasing laki na yata ng kwago ang mga mata ko. Hindi ako makahuma sa ginawang paghalik sa 'kin ni Tyrus. Alam kong hindi ito ang unang halik na natikman ko galing sa kaniya pero nagulat pa rin ako dahil iba ang intinsedad nito. Sobrang nagulat ako at hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Hindi ko rin mahuma ang sarili ko. Ayaw magsink-in at iproseso ng utak ko ang nangyayari ngayon. Hanggang ngayon ay magkahugpong pa rin ang mga labi namin at bahagya iyong gumagalaw."Open your mouth and kiss me back," utos niya na akin namang sinunod. I open my mouth and welcome his tongue. Parang may kung anong kayamanan ang hinahanap ang dila ni Tyrus sa loob ng aking bibig. Parang may sariling utak ang aking mga kamay at ikinawit ang mga iyon sa batok ni Tyrus habang ang kamay naman niya ay nasa aking baywang at mas lalong hinapit niya pa ako papalapit sa kaniya at pinalalim ang aming paghahalikan. Ang kamay nito ay pumipisil-pisil sa baywang ko na nagbibigay ng kakaibang sensasyon. Nakakab

  • The Selfless Moon   Chapter Eleven

    Her PovHalos mabilaukan ako nang sarili kong laway dahil sa tanong niyang ‘yon. Mukha bang may ginawa na kaming milagro ni Tyrus?Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kaniya.“What? I am just asking,” inosenteng saad nito.“Seriously, Grace mukha bang may nangyari na sa ‘min?”“Malay ko ba.” mataray nitong sagot.Babatukan ko n asana siya nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko at sumilip doon ang ulo ng kapatid kong si Nykky.“Nasa baba na Ate si Kuya Tyrus,” pagpapaalam nito sa akin.“Sige, baba na kamo ako.” Sagot ko naman na ikinatango lamang niya at tuluyang nilisan ang aking kwarto.Sinulyapan ko si Grace at nakita ko na naman ang mapaglarong ngisi na nakapaskil sa kaniyang labi.Shit!Bakit ba may pinsan akong katulad ni Grace? Paki-remind sa ‘kin na batukan ang pinsan kong ‘to.“Stop smirking, will you? inis kong paki-usap na ikinahalakhak niya lang. Lalo lamang akong nainis sa babaeng ito.Seriously? Mukhang natuluyan na ang babaeng ‘to.”“You know what, bumaba na ta

DMCA.com Protection Status