That night, we made it and after waking up he have his things kaya naman bahagya akong nalungkot dahil nasanay ako sa presensya niya. “Matagal tagal ulit tayong magkikita dahil aasikasuhin ko ang kaso ng mommy mo.” Paalala niya at binigyan ako ng head pat. “I’ll watch you win my mom’s case, Eros.” Nakangiting sabi ko. “Thank you,” lumapit ako sa kaniya at yumakap. “If ever you need me, call me.” Paalala niya at tinapik tapik ang likuran ko kaya kinawayan ko siya. Ngumiti siya bago umalis, ang nangyari ay ginawa ko ang mga kailangan kong gawin upang magamit si Rocco Santiago, mapasunod siya sa buong linggo na ‘yon ay tagumpay naman. Lumipas ang ilang mga araw ay nginitian ko si Rocco na nasa harapan ko, ngunit nangunot ang noo ko ng makita si Baron na kasunod niyang lumapit sa akin sa table namin. “Why is he with you?” Kalmadong tanong ko. “Well, he’s my brother. Classmates naman kayo noon so I’m sure okay lang?” Tumango ako at tinitigan si Baron. “You’re beautiful aga
Nang makapasok ay sinaraduhan na ako ni Isaiah ngunit nakita ko ang kuya nilang lahat, si Kuya Ashanti. “Isaiah!” Malakas na tawag nito sa nakababatang kapatid dahilan para bumalik si Isaiah sa loob. Napatitig ako kay Eros ng makita ko na may bandage ang gilid ng noo niya dahilan para lumapit ako. “N-Napano ka?” Tanong ko. “Nauntog lang.” Sagot niya at dahan dahan na naupo. “Anong nangyari?” Tanong ni Kuya Ashanti kay Isaiah. “May nalagay na sila sa iniinom ni Mayi, kaya pinasuka ko siya dahil gumana kaagad yung gamot. She was almost near to that,” explain ni Isaiah na hindi ko buong naunawaan. “Almost to what?” Tanong ko. “I’m sure you know what it is,” napatitig ako kay Kuya Ashanti na seryoso ang mukha at alam ko naman ang plano kung bakit ako pinaiinom ng ganoon. Siguro ay matutulad ako sa mommy ko pag nagkataon. “Ako na mag-eexplain, panigurado hindi mo sasabihin ang katotohanan.” Sagot ni Ashanti. “You don’t have to,” pigil ni Eros. “Ano ‘yon kuya?” Tanong ko.
Nang makarating sa bahay ay hindi mapakali ang daddy ko na pabalik balik sa lakad. “Dad.” Tawag ko.Sana ay hindi nila pinarating. “You heard what happened to Eros?” Huminga ako ng malalim at tumango.“Kagagaling ko lang po doon,” sagot ko.“Mga demonyo talaga,” dama ko ang galit sa tinig ni daddy ng sabihin niya ‘yon.“Patay na yung abogadong kinausap niyo nang nakaraan anak,” tinitigan ko si mommy.“Gumagalaw na ang mga Santiago, pumunta rin sila dito kanina.” Napatitig ako kay daddy sa sinabi niya.“May ginawa po ba sila?”“Binantaan nila ako, hindi ko alam kung anong plano nila pero anak naiintindihan ko kung gaano mo kagustong ipanalo ang kaso ng mommy mo pero ilang abogado na ang namatay dahil sa kaso ng mommy mo.” Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.“Hindi ba’t isa pa lang?”“Si Rocco na lang ang buhay sa mga naging abogado natin, lahat ng pagkamatay nila alam kong sila ang may kagagawan dahil ‘yon rin ang banta na ibinigay nila kay Eros.” Kumuyom ang kamao ko sa narinig.“Pag
Napaatras ako at nagtalukbong ng kumot. “Anak.. Mayi,” napaalis ako mg kumot ng marinig si mommy.Bakit?Tumayo ako at lumapit sa pinto ko, binuksan ko ‘yon at mukhang nagising lang si mommy. “Bakit po?” Ngumiti siya.“Gising pa siya, pasok ka na.” Nangunot ang noo ko at sinilip ang kinakausap ni mommy at halos nanlaki ang mata ko ng makita si Eros.Ang naka-benda niyang kamay ay nanatili doon habang ang isa ay may hawak na paper bags. “Good morning,” nakangiting bati niya napalunok akong tinitigan siya, nakasuot lang siya ng T-shirt na puti at itim na jogging pants tapos ay slides in slipper na gucci.“Papasukin mo na ang bisita mo,” nakangiting sabi ni mommy.“O-Opo,” sagot ko at binuksan ang pinto ko.“Hindi ka raw makatulog kung kaya’t samahan mo na muna Eros ha.”“Sure thing, tita.” Nang magpaalam na si mommy ay pumasok ako sa loob, isinarado ko naman ang pinto at ni-lock ‘yon.“B-Bakit ka nandito?” Tanong ko gulat na gulat.“I messaged it?” Tanong niya, nangunot ang noo ko at ki
“Nandoon sila Shobe at ang mga kaibigan ko.” Sagot ko. “Does your condo building have an available pad to buy?” Huminga ako ng malalim sa tanong niya. “Fine, to my condo. We’ll ask about that, attorney.” Ngiwing sabi ko, hindi na siya sumagot at nang makarating sa condo ko ay pumunta kami sa information lobby to ask. “Uhm excuse me,” pag-agaw pansin ko sa babae. “Yes ma’am, how may I help you?” Nakangiting sabi nito kaya matipid akong ngumiti. “Do you have available condominium pads that are ready for a buyer?” Sandali itong tumigil at hinarap ang computer. “I’ll look into it ma’am, wait a minute. I’ll be back in a sec,” ngumiti ako at hinintay siya while Eros is standing behind me waiting like a freaking child. “We have a standard pad, the normal one. It has one big aircon, one bedroom and one bathroom.” Kasabay nito ay ang pagpapakita niya sa amin ng mga litrato kaya naman napatango tango ako, double standard pala ang samin kung ganoon dahil dalawang bedroom at dalawan
“Napano ka attorney?” Lumabas si Espi na bahagya pang basa ang buhok kaya naman ngumisi ako. “Accident,” nakangiting sagot ni Eros. “Hala, car accident? Buti hindi ka nagka-amnesia? Ganoon sa palabas eh—“ “Oh that’s in dramas, not in reality. You could even bump your head hard or break your skull but still you can’t forget your heartbreak.” Isaiah explained which made Espi roll her eyes. “Fine,” sagot ni Espi at tsaka ngumiti kay Eros. “Attorney, baka naman pa-pirma na ng clearance.” Parinig ni Espi. “You passed late, tapos na ang pirmahan.” Masungit na sabi ni Eros kaya naman pinanood ko lang sila. “Luh attorney, parang ‘di kaibigan oh—“ “I don’t recall being friends with you, and even if so I won’t accept you.” Ngumuso si Espi at lumapit sa akin. “Huwag mong jojowain ‘yan, hindi ako boto sa kaniya—“ “Unless you don’t want to graduate law Espiranza.” “Luh attorney, ‘di na mabiro oh.” Patawa tawang sabi ni Espi pero alanganin. Sandaling nanatili si Isaiah at E
Lumipas ang ilang oras ay nakaayos na kaming magkakaibigan at dahil alam ko na kung saan ang condominium pad niya ay hindi na ako nagpasundo pa lalo na’t may dala akong parrot, ang mga kaibigan ko ay tinulungan akong buhatin ang kulungan ng parrot na kanina pa salita ng salita. “Sexy..” “Sexy.” “Manyakis ba ‘to?” Bulong ni Espi. “Tinuruan raw ni Isaiah,” natatawang wika ko na mahinang ikinatawa ni Shobe at Savi. Nang makarating sa tenth floor ay dumeretso kami sa condo ni Eros at mabuti na lang pagka-bell ay binuksan kaagad ‘yon. Isang matangkad na lalake at akala mo ay may galit ito sa mundo. “Thanks.” Sabi ko na lang ngunit ang tugon niya ay matipid na tango, may problema ba ‘yon sa akin? Napakasungit amp. Sobrang dami na kaagad ang tao, well kasya naman dahil malaki ang condo ni Eros at ang wala lang tao ay sa itaas. Halos twenty people na ang nandito ay may mga hawak na red cups. Nakita ko naman ang mga pamilyar na mukha, at ang iba ay ngayon ko lang nakita. Napan
Panigurado ay magtataka siya, “Uy Mayella.” Natigilan ako at nakaharap ko ang kaibigan noong college ako, isa siyang engineer at nagkakilala kami dahil kay Savi. Isa siyang modelo sa sports brand, ngumiti ako. “Engineer.” Bati ko. “It’s nice meeting you again, buti na lang inaya ako ng junior ko si Isaiah.” Ngumiti ako at kakamayan sana siya pero pasimple siyang yumakap bagay na ikinatuwa ko. “Hindi mo naman ata ako namiss ng sobra niyan engineer?” Asar ko at natawa. “Sakto lang, isang taon rin. Nalipat kasi ng branch kailan lang bumalik, naging instructor.” Sagot niya kaya tumango ako. “Nakita mo na ba si Savi?” Tanong ko. “Of course, tara.” Anyaya niya kaya naman naglakad kami pabalik sa table at tahimik ng nakaupo si Eros doon, blangkong nakatitig sa sarili niyang alak. “So you’re really friends with Mayi, engineer?” Tanong ni Isaiah. “Yes, I told you. We hang out when we’re still in college. I'm friends with them because of Savelina.” Sagot nito at nginit