"I'm sorry," ulit niya pa. Napairap na lang ako. "YAM."Tuluyang nag-derilyo ang sistema ko dahil sa endearment na iyon. Binibiro ko siya dati na gano'n ang magiging tawag ko sa kanya kapag sakaling maging kami. Parte lang naman iyon ng ilusyon ko noon. "You are mine," dagdag niya pa. Iyong tidal wave sa dibdib ko ay umaatake na naman. Pinapahina na naman ang sistema ko."Tumigil ka na, Faller. Baka mailaglag kita mula rito. Baka ikaw ang maunang mahulog kaysa sa falling star na hinihintay ko."Natawa naman siya. Sa tunog niyon ay alam kong natural iyon at hindi pilit. Gano'n na lang din ang pagpigil ko para lingonin siya."Tama, 'di ba? Iyon ang ibig sabihin ng YAM?" pangugumpirma niya pa."Tapos?" kaswal kong tanong para ipakitang wala akong pakialam sa sinasabi niya kahit ang totoo ay gusto ko na siyang suntukin. "Wala lang, I just remember it. Hindi mo ba naaalala?" Sa pagkakataong ito ay halatang nang-aasar na siya.Breath in, breath out. O alon na nambubulabog sa sistema ko,
Napaawang ang bibig ko nang ilapag ni Lovimer sa harap namin ni Trice ang sibuyas, luya, bawang, carrot at kung ano-ano pang kasangkapan.Oh my! Wag niyang sabihing kasali ako sa pagluluto? Sabi na kasing maganda lang ako pero inutil naman."Uhmm... What should I do with these?" alangang tanong ko pa. Si Trice naman ay nakatitig lang din doon. Gusto ko siyang batukan dahil parang walang balak na umalma o magsalita man lang. Oh, no! Huwag niyang sabihing magandang inutil lang din siya?! "Balatan mo ang sibuyas at luya. Pagkatapos ay hiwain mo," utos pa sa akin ng haduf kong pinsan. Nanlaki naman ang mata ko at parang gusto kong mapa-sign of the cross na lang. Napalunok ako at inaalala ang magiging kalagayan ng mga nabanggit ni Lovimer sa kamay ko. Wala akong tiwala sa aking sarili pagdating sa ganito. Bakit pa nga ba ako pumunta rito? Pwede naman sanang sa DH na lang tutal nandito rin naman ang taong gusto kong iwasan, eh.Lord, kailan pa ba matatapos ang karma ko?! Unti-unti nama
Puro kalokohan lang naman ang napag-usapan namin habang kumakain. Meron kaming sari-sariling topic na iniiwasang buksan kaya mas pinili naming mag-asaran na lang. Iniwasan ko ring magtanong ng mga personal na bagay kay Trice kahit gusto ko at interesado ako sa pagkatao niya. Masama at malandi, iyon ang pagkakakilala namin sa kanya noon dahil sa pangtitrip na ginawa niya kay Marciella noong nasa College pa lang sila. Pero lahat ng iyon ay para bang unti-unting napapalitan ng bago niyang pagkakakilanlan.Ang nakikita ko ngayon ay ang Beatrice na ibang-iba sa persona na ipinakilala niya sa lahat. Hindi ko kayang laruin at tantiyahin ang pagkatao niya, sa totoo lang."So, bakit kayo naging close? Hindi ba nga galit ka rin kay Beatrice noon dahil sa ipinamigay niya sa iba 'yong sport shoes na iniregalo mo kay Marciella?" usisa ko pa kay Lovimer nang nasa sala na kami at nagpapatunaw ng kinain. Napatitig naman sa kanya ang babae na para bang kinukumpirma kung may katotohanan ang sinabi k
Siya lahat ang may gawa niyon at hindi ang mga Guieco. Naiumpog ko na naman ang ulo ko sa mesa ng DH. Sobrang aga kong nagising o tamang sabihing hindi talaga ako nakatulog dahil sa mga nalaman ko kahapon.From jars of stick-o, barbie pillows, flowers and the note... Siya ang may gawa. Shit! Bakit nga ba hindi ko napansin ang kakaibang salita sa note? Eh, siya lang naman ang pwedeng gumamit ng gano'n?! Ich Liebe Dich. It's a German language which means I love you.Oh, shit! Mababaliw na ako.Isa lang pala talaga ang galing kina Lovimer, iyong family note lang."Good morning, Baby Shane!" malakas na bati sa akin ni Lovimer. Napapitlag pa ako dahil sa gulat. Ang hilig-hilig talaga nilang magsalita nang hindi ako handa. "Ay butete! Ano ba? Nanggugulat ka naman, eh," angil ko pa sa pinsan ko. "Gulat agad? Binati lang naman kita, bha?""Kahit na. Alam mong may iniisip ako, eh. Ang lakas-lakas pa ng boses mo diyan."Naupo naman siya sa bakanteng silya na nasa harapan ko."Ano bang probl
"Ano yan?!"Bumalik ako sa katinuan ng umintrada si Silang. Akmang babawiin ko ang kamay kong hawak niya pero pinigilan niya dahilan para makita ni Silang ang matching tattoos namin."Wow, ha? Ang ganda, in fairness. Kailan lang 'yan?"Hindi ko na nagawa pang sumagot, nasa kamay ko lang ang titig ko."Matagal na." Siya ang sumagot. Naghuhumiyaw ang pagmamalaki at kumpiyansa sa tono niya."Gaano ba katagal ang matagal na 'yan?! Payapa naman itong kausap ba!""Nine years ago" sagot niya na naman at naramdaman ko ang titig niya. Nasa counter na kasi ang paningin ko, mukhang sa wakas ay may pagkain na. Sinundot pa ni Silang ang tagiliran ko. "Yiee," nang-aasar nitong saad. "Ano ba?!" asik ko pa. "Sus, kinikilig ka lang, eh. Paano 'yong kilig ulit? Iyong tidal wave ba?"Humalakhak pa siya. Bakit ko pa kasi na kwento 'yon sa kanya? Kaya ayaw ko talagang mag-share, eh!"Ewan ko sa 'yo.""Kaya pala, ha? May wave with matching moon and stars pala kayo. Masakit ba?"Napakunot-noo naman ako.
"Uy, uy! Saan ang punta niyo, ha?!" harang sa amin ni Trice. Nakahalukipkip pa ang haduf na akala mo ay siya ang nanay ko. Napangiwi na lang ako at napatingin sa bag kong na kay Faller. Dahil likas na maarte ako ay meron akong traveling bag na dala. Sakto lang naman ang laki niyon. "Pangasinan daw," tamad kong sagot. Namewang naman ito at idinuro si Faller. Halatang nagulat naman ang isa. "Hoy, bitch! Itatanan mo na ang haduf na ito?"Haduf? Tama ba ang pagkadinig ko? Natutop ko naman ang bibig ko. "Mi...nura mo ako?" hindi ko makapaniwalang sambit. Napangiwi naman siya. "Huwag mong ililihis ang usapan! Anong gagawin ninyo sa Pangasinan?!"Napakamot kami pareho sa batok ni Faller. Mukhang hindi kami makakaalis na hindi namin nasasagot ang tanong ng bruhang ito. "May dadalawin lang kami doon...""With that?!" Itinuro niya pa ang bag ko. Gusto ko na namang magpadyak sa inis. "Problem?! Sa madami akong kaartehan sa katawan, eh!""Galit na galit ka na niyan? Ang magkaibigan ay wala
"Mahal mo ako pero iba ang jinowa mo," mahina kong sambit. Napaayos siya ng upo, ang sunod niyang kilos ay 'di ko na napaghandaan pa. Agad na nabuhat niya ako at inupo sa kandungan niya.I feel something hard and ... Erase, shit!"Aayusin ko... Just... Wait for me Shane, please?"Napairap naman ako at pinanggigilan ang kanyang mukha."Matagal na panahon na akong naghihintay, Faller. Pakibilisan at baka masagad na talaga ang pasensiya ko sa 'yo. May naghihintay din sa akin kaya pakiayks ng desisyon mo sa buhay," direktang saad ko sa kanya. "Give me a week.""A month," nakangiti kong sambit. Ngumiti naman siya at mas humigpit ang yakap sa bewang ko. "Wala ka na bang balak na ituloy ang lakad nating ito?"Natawa naman siya. Dumukwang ako para gawaran siya ng halik na hindi niya nakuha kanina. "Okay na?" supladita kong tanong para itago na naman ang kilig sa sistema ko. Magiliw na tumango siya."Mamaya ulit?" May kakulitan ang kanyang tono. Natawa naman ako at bumalik na sa pwesto k
Napansin kong na mula nang pumasok kami sa bahay hanggang sa matapos kaming mag-dinner ay pasimpleng sinusulyapan ni Feih si Lovimer. Lihim din akong natatawa dahil alam kong ramdam din iyon ng butete at ni Trice. Hindi lang ako sure kung napansin din ito ni Faller. Mukhang crush pa yata ng dalagita ang pinsang kong haduf. "Akyat muna ako, titingnan ko lang kung okay na ba iyong kwarto mo," paalam niya pa sa akin. "Mo? Zsss, hindi ko inaangkin ang mga bagay na pansamantala lamang na mapapasaakin," nakangiwi kong saad. Gusto ko iyong panghabang buhay lang."You heard it right, Shane. Kwarto mo," nakangiti niyang sambit. Napatingin naman ako sa kanya. Ako ba ay pinagloloko ng isang ito?! Paano ako magkakaroon ng kwarto sa hindi ko naman bahay. Nagpapalakas lang yata ang lokong ito. "Paano ako nagkaroon ng kwarto dito, aber?" nanghahamon kong usisa. "Ipinagawa ni Lola Francia para daw kapag gusto kong magbakasyon dito ay may magagamit ka. Wala pang ibang nakakatulog doon. Totoo an
"Bakit ba kasi hindi ako ang best man?!" maktol ni Lovimer. Kanina pa ito paulit-ulit sa kanyang tanong. Kinakabahan na nga ako at lahat pero siya ay napakakulit. Ewan ko ba kung bakit nasa dressing room ito ng mga babae eh?Matapos ang tatlong buwang paghahanda sa kasal namin ay ito na nga, ikakasal na kami ni Fall sa araw na ito. Magkahalong kaba at tuwa ang nararamdaman ko. Ganito din siguro ang naramdaman nina Kenya at Marciella noong sila ang ikakasal.Kahapon pa kami hindi pinagkikita ni Fall dahil bawal daw. Kinakabahan din kaya siya?"Kasi si Harvey ang gusto kong best man at hindi ikaw," pabalang na sagot ko sa kanya. Mas napanguso pa ito."Eh bakit si Trice ang ginawa niyong maid of honor? Gusto ko siyang maka-partner eh."Kinunotan ko naman ito ng noo. Para siyang batang nagmamaktol dahil hindi nakuha ang gusto niyang laruan."Kasi si Bitch lang naman ang kaibigan ko. Tsaka ano naman kung si Harvey ang ka-partner niya? Tapatin mo nga ako cous, nagseselos ka ba?" nang-aasa
"Kuya Ashmer! Happy birthday!" agad na intrada ko nang pumasok ako sa opisina ng pinsan kong robot. As usual ay seryoso na naman siya. Mag-iisang linggo na rin na hindi kami nagpapansinan eh kaya heto ako at mangungulit sa kanya at pormal na hihingi ng tawad dahil sa paglilihim na ginawa ko. Isusunod ko na rin si Marciella na ni tingnan ako ay hindi ginagawa. Alam kong malaki talaga ng impact ng katotohang buhay si Percylla na niluksaan pa nila. Pero nangyari na iyon at wala naman na kaming magagawa kundi tanggapin na lang ang pangyayaring iyon. Period."Hindi ko birthday," pagsusungit niya naman agad. Napangiwi na lang ako. Wala talagang sense of humor sa katawan ang isang ito."Ay? Oo nga pala. Kuya Ash, bakit ang gwapo mo?"Hindi naman ito kumibo. Sinilip ko ang kanyang ginagawa pero wala naman akong maintindihan. "Kuya Ash, pahingi naman ng mission. I'm bored."Wala pa rin akong nakuhang tugon mula sa kanya. Ano kayang gagawin ko para paganahin ang pusong robot ng isang ito? H
"Welcome back, Kenshane and Faller!" sigaw ni Ma'am Laura nang pumasok kami sa FR. After two months ay nakabalik din kami dito sa MHIS. Noon ay nagdalawang isip pa akong bumalik dahil sa nahihiya ako pero kalauna'y napagtanto ko rin na wala naman akong dapat ikahiya. At least, ang taong mahal ko ang kasama ko sa video na siyang kahalikan ko at hindi kung sino-sino lang. "Thank you," sabay naming saad. Iginiya niya ako papunta sa aking table bago pumunta sa pwesto niya. Gano'n pa rin naman pala ang arrangement ng tables at magkatabi pa rin kami.Nakakamiss talaga ang ganitong klase ng trabaho lalo na ang mga makukulit naming kasamahan at mga estudyante na kanina ay nagtitili pa nang makita kami ni Faller na magkahawak kamay habang papasok ng campus. Iyon nga lang, hindi pa rin talaga mawawala sa komunidad ang mga chismosa.Naging magaan lang din naman ang maghapon ko. Sabay-sabay na din kaming umuwi sa camp. Inihatid niya pa ako sa flat ko. Wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam na na
"Oh, tapos tinanggap mo naman? Handa ka na ba uli? Sure na ba 'yan? Wala ng bawian? Hindi lang yan isang biro kundi commitment. Gosh, commitment, isa sa nakakatakot na salita, alam mo ba 'yon?" sunod-sunod na tanong ni Gabriella. Nasa flat niya ako ngayon at namamalimos ng makakain. May gwapong cook naman siya kaya no problem. Kakaalis nga lang ni Jinro, eh. "Hindi," tipid kong sagot habang ngumungaya. Ipinagluto din kasi ako ng fried chicken ni Jin, hindi nga lang maanghang dahil buraot din ang isang iyon katulad nitong Silang na ito."What?!" nakapamewang nitong singhal, inirapan ko nga. Over reaction na naman, eh. Magkasalungat talaga sila ni Marciella. Bakit kaya? Magkambal naman sila."Bakit hindi mo tinanggap ang proposal? Coleman na iyon eh, Faller bebe mo na iyon. Niyayaya ka na ng kasalanan eh, ayaw pa rin? Ganda mo gurl, ha? Sobra. Halika nga at kaladkarin natin yang mahabang buhok mo, sabay na natin iyang bangs mong mahaba-haba na rin! Pabebe ka pa, eh!"Pasmado talaga a
"Shane." Hindi ko siya pinansin. Kunwari ay hindi ko siya narinig. Ipinagpatuloy ko lang ang pagbabasa ko. Nanghiram lang ako ng libro kay Marci at tumambay dito sa benches."Sweetheart."Napapitlag pa ako dahil ibinulong niya pa iyon sa akin. Hindi na nakontento at niyakap pa ako mula sa likuran ko."Lumayo ka," ytos ko sa kanya pero sa halip na sundin ako ay mas lalo niya pang isiniksik ang kanyang sarili. Pinigilan kong mapasinghap. Halos hindi na ako makakilos pa. "Faller, isa!""Dalawa!" dugtong niya din. Naitiklop ko na lang ang librong hawak ko."Huwag mo akong inisin!""Hindi naman kita iniinis, ah? Ang bango mo naman.""Hindi ako natutuwa sa ginagawa mo. Lumayo ka sa akin."Ipinatong niya ang kanyang panga sa balikat ko tapos dumukwang pa sa akin. Pilit ko namang inilalayo ang mukha ko pero nahihirapan lang ako. Tuluyang dumampi ang kanyang labi sa pisngi ko."Namimiss na kita. Namimiss ko na ang dating ikaw." Bakas sa kanyang tono ang lungkot. Tuluyan na akong napasingha
Halos linggo na rin akong nagkukulong sa flat ko. Hindi na rin naman ako pumapasok pa sa MHIS dahil nga sa punyetang scandal kuno na iyon. Wala din akong kinakausap na kahit na sino sa kanila. Wala din akong pakialam kung nalaman na ba nina Kuya Ashmer na minsang akong nabuntis. Ang sakit-sakit lang kasi, eh. Umasa pa naman ako na makikita ko pa ang anak kong lumaki. Excited akong makita siya actually pero bakit sa isang iglap lang ay nawala agad siya. Ni hindi ko man lang nga nalaman kung babae ba o lalaki.Wala na palang mas sasakit pa kung sarili mo ng laman at dugo ang mawala sa'yo. Handa kang isumpa ang buong mundo. Hindi na rin nga ako kumakain sa DH, lagi akong nasa S-Area kapag nagugutom ako. Sinisiguro ko rin na wala akong makakasabay na PA kapag pumupunta ako doon. Lahat sila ay iniiwasan ko. Lahat sila ay walang kwenta sa paningin ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ihihiwalay ang sarili ko sa kanila. Hindi naman ako galit, frustrated lang ako sa nangyari at sa sar
Kinuha ko ang aking phone at hinanap ang number ni Fall at tinawagan. Kapag sinagot niya ay sasabihin kong buntis ako pero kapag hindi ay huwag na lang din. Nakailang ulit na ako pero palaging out of coverage ang linya. Napabuntonghininga na lang ako. Fine, hindi ko na muna sasabihin sa'yo. Let's take our time. Ang mga sumunod na araw ay mas naging mahirap para sa akin. Naranasan ko na ang sinasabi nilang paglilihi, mabuti na lang din at hindi ako pinabayaan nina Lovimer. Sila din ang gumagawa ng paraan para hindi mapansin nina Kuya Ashmer ang kalagayan ko.Palagi din akong pagod. Binalak kong mag file ng leave sa MHIS pero magiging boring lang ang bawat araw ko. Muli na namang lumipas ang araw, linggo at buwan, isang buwan na din ang anak ko, week lang kasi nun ng malaman kong buntis ako. Ganun kabilis ang mga pangyayari, kung iisipin ko nga ay baka nabaliw na ako eh. Mas pinili kong maging positibo sa kabila ng hirap ng kalooban na nararamdaman ko dahil natatakot akong maapektuh
"L-Lovimer, anong ginagawa mo rito?" alangang tanong ko pa sa haduf kong pinsan. Abot-abot ang kabang nararamdaman ko. Nag-aalala kung narinig niya ba ang naging usapan namin ni Trice sa loob."Where's Beatrice?" Mas lalong nanilim pa ang kanyang awra. Hindi ko tuloy alam kung ako o si Beatrice ang problema niya."Bakit?" Si Trice iyon na nasa likuran ko na nagsusumiksik. Mukhang siya nga ang pakay nitong isa at hindi ako.Nakahinga ako nang maluwag. Praning lang talaga ako. Eh sa natatakot pa rin ako kapag nalaman nilang buntis ako eh tapos hinayaan ko pang umalis si Fall knowing na may nangyari sa amin. Paniguradong magagalit talaga sila.Lumabas na kami at dumiretso sa sala. "What is the result?" galit pa rin ang isa. Nagtaka naman ako."Anong result ang pinagsasabi mo diyan?" asik naman ni Trice. Tahimik na nakikinig lang ako habang prenteng nakaupo at nakasandal sa sofa. Mukhang naniwala talaga ang ugok na ito na si Beatrice ang gagamit ng PT. I smell something fishy with this
Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari at kung ano ba ang nangyayari sa akin. Namalayan ko na lang na nasa loob ako ng kwarto ni Trice.Nakita ko siyang hindi mapakali, lakad dito, lakad doon ang ginagawa niya. Parang mas nahihilo ako habang tinititigan siya. "Hoy! Anong ginagawa mo?" nakakunot-noo ko pang tanong. Agad naman siyang napatingin at lumapit sa akin."Gising ka na pala. Ayos ka na ba?" Sa kauna-unahang pagkakataon ay nabakasan ko ang kanyang boses ng totoong pag-aalala.. "Medyo. Baka stress lang ako.""Sana nga gano'n lang," wala sa sarili niyang sambit. Nagtataka ko naman siyang tinitigan. Hindi ko rin maiwasang kabahan dahil sa awra at pananalita niya. "Bitch, bakit?" usisa ko pa."Wala naman. Magpahinga ka lagi nang maaga. Huwag kang magpupuyat. Tsaka obserbahan mo ang sarili mo, ha? Wala kang pagsasabihan sa mga nararamdaman mo lalo na sa kay Lovimer.""Bakit ba? Hindi kita maintindihan.""Basta, gawin mo na lang ang sinasabi ko kung ayaw mong magkagulo.