Napansin kong na mula nang pumasok kami sa bahay hanggang sa matapos kaming mag-dinner ay pasimpleng sinusulyapan ni Feih si Lovimer. Lihim din akong natatawa dahil alam kong ramdam din iyon ng butete at ni Trice. Hindi lang ako sure kung napansin din ito ni Faller. Mukhang crush pa yata ng dalagita ang pinsang kong haduf. "Akyat muna ako, titingnan ko lang kung okay na ba iyong kwarto mo," paalam niya pa sa akin. "Mo? Zsss, hindi ko inaangkin ang mga bagay na pansamantala lamang na mapapasaakin," nakangiwi kong saad. Gusto ko iyong panghabang buhay lang."You heard it right, Shane. Kwarto mo," nakangiti niyang sambit. Napatingin naman ako sa kanya. Ako ba ay pinagloloko ng isang ito?! Paano ako magkakaroon ng kwarto sa hindi ko naman bahay. Nagpapalakas lang yata ang lokong ito. "Paano ako nagkaroon ng kwarto dito, aber?" nanghahamon kong usisa. "Ipinagawa ni Lola Francia para daw kapag gusto kong magbakasyon dito ay may magagamit ka. Wala pang ibang nakakatulog doon. Totoo an
Pagkatapos kong pagdiskitahan na naman ang mga star sa kalangitan ay pumanhik na ako sa kwarto ko kuno. Hindi ko na pinasama pa si Faller sa labas dahil malalaman niya ang kahibangang ginagawa ko."Good night, Shane," sabi ng haduf na Faller. "Hmmm," tinatamad kong tugon. "Ayusin mo naman," reklamo niya pa. Parang namimiss ko tuloy ang pagsusungit niya sa akin. "Good night," mahinahon kong sabi. "Bakit ba ang cold mo?" usisa niya pa habang bahagyang nakabusangot ang mukha. "Hot ako at hindi cold." Pinilit kong ngumiti. Masaya naman ako pero ewan parang kanina ay nakaramdam ako bigla ng kakulangan sa set-up namin. O baka dahil iniisip ko lang ang mararamdaman ni Eli kapag nalaman niya ito? Bukas ay pareho kaming wala sa MHIS. Ipinapanalangin ko na lang na sana ay huwag madulas sina Silang na magkasama kami dito sa Pangasinan."Shane," tawag niya sa akin nang pinihit ko na ang door knob."Hmm?""I'm sorry.""For?""Sa lahat." Puno ng senseridad ang kanyang boses. Napasinghap nama
Walang imik na pumasok ako sa FR. It's Wednesday at dalawang araw kaming absent pareho ni Faller. Pagkatapos kasi ng kanyang birthday ay hindi agad kami pinaalis ng kanyang lola. Masama rin ang pakiramdam ng matanda sa loob ng araw na iyon kaya inalagaan din muna namin at pinagbigyan sa gusto nitong mangyari. Naggala din kami dahil marami naman kaming libreng oras doon.Well, worth it naman ang pagliban namin sa trabaho. Sinungaling ako kapag sinabi kong hindi ako nag-enjoy. Sinong hindi mag-e-enjoy kung kasama mo ang taong hinahabol mo sa loob ng walong taon? "Late ka, Kenshane Guieco," untag ng buteteng Faller sa akin. Bahagya ko lang siyang nilingon at saka pinanliitan ng mata. "Kung ginising mo ako ay sana mas nauna pa ako sa 'yo," kaswal kong sambit. Sinadya ko lang talagang magpa-late para hindi kami magkasabay. Ngumisi naman siya. Ngising nang-aasar. Pinandilatan ko siya ng mata dahil nasa kabilang side ko lang ang kanyang Eli bebe gurl. Hindi ko alam kung bakit hindi na ak
Matapos kaming kumain ay agad din kaming bumalik sa FR. Last period na ako lumabas dahil iyon lang ang may session ako. Pagkatapos niyon ay ipinatawag kami sa MAPEH Department para sa practise. Totoo ngang ang buteteng Faller ang kapartner ko. Sila din ni Ma'am Almae ang magtuturo ng sayaw na tango. Halo na din ang high school at college department. Bali walong pares kaming lahat.Ipinakita nila ang kabuuan ng sayaw bago kami tinuruan. Napako ang tingin ko sa kanya habang nagsasayaw sila ni Ma'am Almae. Swabe ang bawat galaw at hindi nawawala sa timing ng kanta. Halata ding kinikilig ang mga dalagang professor na kasamahan namin. Sa labas ng practise room ay may mga estudyante ring nakatambay at nanunuod sa amin. Glass wall naman kasi ito."Okay, find your partner na. Move everyone."Lumapit sa siya sa akin at hinawakan ang kamay ko at iginiya ako sa gitna. Hindi naman sa nagmamayabang pero mabilis kung makabisa ang steps at pasikot-sikot ng sayaw. Kinakabisa ko na iyon kanina habang
"F-Fall," utal ko pang sambit. "Hmm?" kaagad niya namang sagot. "U-umayos ka nga. Ang bilis mo naman yata," nakanguso kong sambit at lumayo sa kanya. Pinakatitigan niya lang ako habang nakaangat na naman ang sulok ng kanyang labi."Namumula ka, Kenshane Guieco.""Malamang, ang init, eh," palusot ko pa at ipinaypay ang kamay ko sa sarili ko mismo."Binibiro lang naman kita. Sige, baguhin na lang natin," nakangising saad niya at umurong na naman palapit sa akin. Nagkadikit na naman ang aming mga balat. Tila ba may kuryenteng dumadaloy sa kaugat-ugatan ko.Jusko! Kuryente plus tidal wave, hindi ba ako ma-stroke nito?"A-Ano ang babaguhin?" utal ko pang sambit at hindi na makatingin sa kanya. Nakaligtas ako sa Pangasinan pero ngayon ay mukhang...No, hindi pa pwede! Tsaka hindi naman kami nakainom ng wine, ah? Pull yourself together, Kenshane! "Iyong kondisyon. MOEN.""Ha? Anong MOEN?" Nanginginit na talaga ang pisngi ko dahil sa klase ng titig at ngiti niya.Bakit ba ang daming alam
"Hindi ko alam kung kasal o sex ang pino-propose mo sa akin," direktang sabi sa naiinis na tono. Malakas naman siyang natawa. Halatang enjoy na enjoy siyang asarin ako gamit ang mga alien words niya. Mukhang tapos na siyang magluto. Bumaba na ako ng mesa at tinulungan na siyang maghain."Pwede namang both 'yon, sweetheart. Kasal muna bago 'yong isa, o kaya 'yong isa muna bago kasal."Ipinalo ko sa balikat niya ang service spoon na hawak ko."Ang dami mo talaga satsat. Ganyan ba kalalim ang HD mo sa akin?""HD?""Hidden desire," natatawa kong tugon."Bakit? Wala ka bang HD sa 'kin kahit konti?"Muntik ko pang mabitiwan ang pinggang hawak ko kaya tumawa na naman siya. "Hindi naman halatang sumasaya ka na sa akin, ha?" sarkastikong sabi ko at sinamaan siya ng tingin. Kung nakakabuntis nga lang ang pagnanasa ay baka dalawang dosena na ang anak ko at siya lahat ang ama, zsss."I'm really happy with you. That's true. Tsaka wala talaga? Kahit konti?" Nang-aasar ang kanyang tono at ipinak
———• 2 YEARS AGO •———[ "Hoy! Butete 'to! Anong ginagawa mo dito sa Expirement Room ko? Tsaka, umiiyak ka ba, Percylla?!"Hindi niya ako inimikan, tuloy ang hikbi at pag-agos ng kanyang mga luha. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at niyakap siya. Kahit hindi siya magsalita, alam ko na ang rason. Napabuntonghininga na lang ako. Alam niya na ang tungkol kina Marciella at Kuya Ashmer, nakita ko siya kahapon na nakasilip sa pinto ng flat ni Marci at pagkatapos niyon ay tumakbo siya habang pigil na ang iyak.Sobrang bait si Percylla kaya hindi ko maintindihan kung bakit ang lupit sa kanya ng tadhana. Mula sa pagkawala ng kanyang mga magulang hanggang sa lalaking mahal niya. "Percy, tahan na. Alam kong masakit pero kasi... Si Marciella talaga ang mahal ng Kuya Ashmer.""I know. But... Shit! Bakit hindi nila masabi, Shane?! Bakit... Bakit mas pinipili nilang pagtaksilan ako?! Mas pinipili nilang ilihim ang relasyon nila sa akin? Tatanggapin ko naman eh kahit masakit, kahit iyon pa ang dud
Agad na nag-iba ako ng daan nang makita kong makakasulubong ko si Fall. Pasalamat ako at isang session lang ang meron ako at last period pa iyon, mamayang hapon pa ako straight sessions.Nakakatamad talaga kapag thursday morning, eh. Hinintay ko na lang na mag-recess. Palabas pa lang ako ng FR nang makasalubong ko ang dalawa. Napayuko si Eli habang si Fall naman ay naglalambing ang tingin sa akin, sarap dagukan, eh."Kenshane Guieco." "Bakit?" usisa ko pa. Inosente niya naman akong tinitigan."Ang ganda mo," nakangisi niyang saad. Napangiwi na lang ako at ibinaling ang tingin kay Eli na tahimik lang."Nag-usap na ba kayo?" usisa ko pa. Umiling lang ang babae kaya napasinghap naman ako."Okay. Mag-usap na kayong dalawa. Faller Coleman, hihintayin at rerespituhin ko ang desisyon mo," direktang deklara ko at nilagpasan sila. Hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay may humablot na ng kamay ko. Isang haduf lang naman ang naglalakas-loob na hawakan ako kahit nasa school kami. "Bakit?" na
"Bakit ba kasi hindi ako ang best man?!" maktol ni Lovimer. Kanina pa ito paulit-ulit sa kanyang tanong. Kinakabahan na nga ako at lahat pero siya ay napakakulit. Ewan ko ba kung bakit nasa dressing room ito ng mga babae eh?Matapos ang tatlong buwang paghahanda sa kasal namin ay ito na nga, ikakasal na kami ni Fall sa araw na ito. Magkahalong kaba at tuwa ang nararamdaman ko. Ganito din siguro ang naramdaman nina Kenya at Marciella noong sila ang ikakasal.Kahapon pa kami hindi pinagkikita ni Fall dahil bawal daw. Kinakabahan din kaya siya?"Kasi si Harvey ang gusto kong best man at hindi ikaw," pabalang na sagot ko sa kanya. Mas napanguso pa ito."Eh bakit si Trice ang ginawa niyong maid of honor? Gusto ko siyang maka-partner eh."Kinunotan ko naman ito ng noo. Para siyang batang nagmamaktol dahil hindi nakuha ang gusto niyang laruan."Kasi si Bitch lang naman ang kaibigan ko. Tsaka ano naman kung si Harvey ang ka-partner niya? Tapatin mo nga ako cous, nagseselos ka ba?" nang-aasa
"Kuya Ashmer! Happy birthday!" agad na intrada ko nang pumasok ako sa opisina ng pinsan kong robot. As usual ay seryoso na naman siya. Mag-iisang linggo na rin na hindi kami nagpapansinan eh kaya heto ako at mangungulit sa kanya at pormal na hihingi ng tawad dahil sa paglilihim na ginawa ko. Isusunod ko na rin si Marciella na ni tingnan ako ay hindi ginagawa. Alam kong malaki talaga ng impact ng katotohang buhay si Percylla na niluksaan pa nila. Pero nangyari na iyon at wala naman na kaming magagawa kundi tanggapin na lang ang pangyayaring iyon. Period."Hindi ko birthday," pagsusungit niya naman agad. Napangiwi na lang ako. Wala talagang sense of humor sa katawan ang isang ito."Ay? Oo nga pala. Kuya Ash, bakit ang gwapo mo?"Hindi naman ito kumibo. Sinilip ko ang kanyang ginagawa pero wala naman akong maintindihan. "Kuya Ash, pahingi naman ng mission. I'm bored."Wala pa rin akong nakuhang tugon mula sa kanya. Ano kayang gagawin ko para paganahin ang pusong robot ng isang ito? H
"Welcome back, Kenshane and Faller!" sigaw ni Ma'am Laura nang pumasok kami sa FR. After two months ay nakabalik din kami dito sa MHIS. Noon ay nagdalawang isip pa akong bumalik dahil sa nahihiya ako pero kalauna'y napagtanto ko rin na wala naman akong dapat ikahiya. At least, ang taong mahal ko ang kasama ko sa video na siyang kahalikan ko at hindi kung sino-sino lang. "Thank you," sabay naming saad. Iginiya niya ako papunta sa aking table bago pumunta sa pwesto niya. Gano'n pa rin naman pala ang arrangement ng tables at magkatabi pa rin kami.Nakakamiss talaga ang ganitong klase ng trabaho lalo na ang mga makukulit naming kasamahan at mga estudyante na kanina ay nagtitili pa nang makita kami ni Faller na magkahawak kamay habang papasok ng campus. Iyon nga lang, hindi pa rin talaga mawawala sa komunidad ang mga chismosa.Naging magaan lang din naman ang maghapon ko. Sabay-sabay na din kaming umuwi sa camp. Inihatid niya pa ako sa flat ko. Wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam na na
"Oh, tapos tinanggap mo naman? Handa ka na ba uli? Sure na ba 'yan? Wala ng bawian? Hindi lang yan isang biro kundi commitment. Gosh, commitment, isa sa nakakatakot na salita, alam mo ba 'yon?" sunod-sunod na tanong ni Gabriella. Nasa flat niya ako ngayon at namamalimos ng makakain. May gwapong cook naman siya kaya no problem. Kakaalis nga lang ni Jinro, eh. "Hindi," tipid kong sagot habang ngumungaya. Ipinagluto din kasi ako ng fried chicken ni Jin, hindi nga lang maanghang dahil buraot din ang isang iyon katulad nitong Silang na ito."What?!" nakapamewang nitong singhal, inirapan ko nga. Over reaction na naman, eh. Magkasalungat talaga sila ni Marciella. Bakit kaya? Magkambal naman sila."Bakit hindi mo tinanggap ang proposal? Coleman na iyon eh, Faller bebe mo na iyon. Niyayaya ka na ng kasalanan eh, ayaw pa rin? Ganda mo gurl, ha? Sobra. Halika nga at kaladkarin natin yang mahabang buhok mo, sabay na natin iyang bangs mong mahaba-haba na rin! Pabebe ka pa, eh!"Pasmado talaga a
"Shane." Hindi ko siya pinansin. Kunwari ay hindi ko siya narinig. Ipinagpatuloy ko lang ang pagbabasa ko. Nanghiram lang ako ng libro kay Marci at tumambay dito sa benches."Sweetheart."Napapitlag pa ako dahil ibinulong niya pa iyon sa akin. Hindi na nakontento at niyakap pa ako mula sa likuran ko."Lumayo ka," ytos ko sa kanya pero sa halip na sundin ako ay mas lalo niya pang isiniksik ang kanyang sarili. Pinigilan kong mapasinghap. Halos hindi na ako makakilos pa. "Faller, isa!""Dalawa!" dugtong niya din. Naitiklop ko na lang ang librong hawak ko."Huwag mo akong inisin!""Hindi naman kita iniinis, ah? Ang bango mo naman.""Hindi ako natutuwa sa ginagawa mo. Lumayo ka sa akin."Ipinatong niya ang kanyang panga sa balikat ko tapos dumukwang pa sa akin. Pilit ko namang inilalayo ang mukha ko pero nahihirapan lang ako. Tuluyang dumampi ang kanyang labi sa pisngi ko."Namimiss na kita. Namimiss ko na ang dating ikaw." Bakas sa kanyang tono ang lungkot. Tuluyan na akong napasingha
Halos linggo na rin akong nagkukulong sa flat ko. Hindi na rin naman ako pumapasok pa sa MHIS dahil nga sa punyetang scandal kuno na iyon. Wala din akong kinakausap na kahit na sino sa kanila. Wala din akong pakialam kung nalaman na ba nina Kuya Ashmer na minsang akong nabuntis. Ang sakit-sakit lang kasi, eh. Umasa pa naman ako na makikita ko pa ang anak kong lumaki. Excited akong makita siya actually pero bakit sa isang iglap lang ay nawala agad siya. Ni hindi ko man lang nga nalaman kung babae ba o lalaki.Wala na palang mas sasakit pa kung sarili mo ng laman at dugo ang mawala sa'yo. Handa kang isumpa ang buong mundo. Hindi na rin nga ako kumakain sa DH, lagi akong nasa S-Area kapag nagugutom ako. Sinisiguro ko rin na wala akong makakasabay na PA kapag pumupunta ako doon. Lahat sila ay iniiwasan ko. Lahat sila ay walang kwenta sa paningin ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ihihiwalay ang sarili ko sa kanila. Hindi naman ako galit, frustrated lang ako sa nangyari at sa sar
Kinuha ko ang aking phone at hinanap ang number ni Fall at tinawagan. Kapag sinagot niya ay sasabihin kong buntis ako pero kapag hindi ay huwag na lang din. Nakailang ulit na ako pero palaging out of coverage ang linya. Napabuntonghininga na lang ako. Fine, hindi ko na muna sasabihin sa'yo. Let's take our time. Ang mga sumunod na araw ay mas naging mahirap para sa akin. Naranasan ko na ang sinasabi nilang paglilihi, mabuti na lang din at hindi ako pinabayaan nina Lovimer. Sila din ang gumagawa ng paraan para hindi mapansin nina Kuya Ashmer ang kalagayan ko.Palagi din akong pagod. Binalak kong mag file ng leave sa MHIS pero magiging boring lang ang bawat araw ko. Muli na namang lumipas ang araw, linggo at buwan, isang buwan na din ang anak ko, week lang kasi nun ng malaman kong buntis ako. Ganun kabilis ang mga pangyayari, kung iisipin ko nga ay baka nabaliw na ako eh. Mas pinili kong maging positibo sa kabila ng hirap ng kalooban na nararamdaman ko dahil natatakot akong maapektuh
"L-Lovimer, anong ginagawa mo rito?" alangang tanong ko pa sa haduf kong pinsan. Abot-abot ang kabang nararamdaman ko. Nag-aalala kung narinig niya ba ang naging usapan namin ni Trice sa loob."Where's Beatrice?" Mas lalong nanilim pa ang kanyang awra. Hindi ko tuloy alam kung ako o si Beatrice ang problema niya."Bakit?" Si Trice iyon na nasa likuran ko na nagsusumiksik. Mukhang siya nga ang pakay nitong isa at hindi ako.Nakahinga ako nang maluwag. Praning lang talaga ako. Eh sa natatakot pa rin ako kapag nalaman nilang buntis ako eh tapos hinayaan ko pang umalis si Fall knowing na may nangyari sa amin. Paniguradong magagalit talaga sila.Lumabas na kami at dumiretso sa sala. "What is the result?" galit pa rin ang isa. Nagtaka naman ako."Anong result ang pinagsasabi mo diyan?" asik naman ni Trice. Tahimik na nakikinig lang ako habang prenteng nakaupo at nakasandal sa sofa. Mukhang naniwala talaga ang ugok na ito na si Beatrice ang gagamit ng PT. I smell something fishy with this
Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari at kung ano ba ang nangyayari sa akin. Namalayan ko na lang na nasa loob ako ng kwarto ni Trice.Nakita ko siyang hindi mapakali, lakad dito, lakad doon ang ginagawa niya. Parang mas nahihilo ako habang tinititigan siya. "Hoy! Anong ginagawa mo?" nakakunot-noo ko pang tanong. Agad naman siyang napatingin at lumapit sa akin."Gising ka na pala. Ayos ka na ba?" Sa kauna-unahang pagkakataon ay nabakasan ko ang kanyang boses ng totoong pag-aalala.. "Medyo. Baka stress lang ako.""Sana nga gano'n lang," wala sa sarili niyang sambit. Nagtataka ko naman siyang tinitigan. Hindi ko rin maiwasang kabahan dahil sa awra at pananalita niya. "Bitch, bakit?" usisa ko pa."Wala naman. Magpahinga ka lagi nang maaga. Huwag kang magpupuyat. Tsaka obserbahan mo ang sarili mo, ha? Wala kang pagsasabihan sa mga nararamdaman mo lalo na sa kay Lovimer.""Bakit ba? Hindi kita maintindihan.""Basta, gawin mo na lang ang sinasabi ko kung ayaw mong magkagulo.