"F-Fall," utal ko pang sambit. "Hmm?" kaagad niya namang sagot. "U-umayos ka nga. Ang bilis mo naman yata," nakanguso kong sambit at lumayo sa kanya. Pinakatitigan niya lang ako habang nakaangat na naman ang sulok ng kanyang labi."Namumula ka, Kenshane Guieco.""Malamang, ang init, eh," palusot ko pa at ipinaypay ang kamay ko sa sarili ko mismo."Binibiro lang naman kita. Sige, baguhin na lang natin," nakangising saad niya at umurong na naman palapit sa akin. Nagkadikit na naman ang aming mga balat. Tila ba may kuryenteng dumadaloy sa kaugat-ugatan ko.Jusko! Kuryente plus tidal wave, hindi ba ako ma-stroke nito?"A-Ano ang babaguhin?" utal ko pang sambit at hindi na makatingin sa kanya. Nakaligtas ako sa Pangasinan pero ngayon ay mukhang...No, hindi pa pwede! Tsaka hindi naman kami nakainom ng wine, ah? Pull yourself together, Kenshane! "Iyong kondisyon. MOEN.""Ha? Anong MOEN?" Nanginginit na talaga ang pisngi ko dahil sa klase ng titig at ngiti niya.Bakit ba ang daming alam
"Hindi ko alam kung kasal o sex ang pino-propose mo sa akin," direktang sabi sa naiinis na tono. Malakas naman siyang natawa. Halatang enjoy na enjoy siyang asarin ako gamit ang mga alien words niya. Mukhang tapos na siyang magluto. Bumaba na ako ng mesa at tinulungan na siyang maghain."Pwede namang both 'yon, sweetheart. Kasal muna bago 'yong isa, o kaya 'yong isa muna bago kasal."Ipinalo ko sa balikat niya ang service spoon na hawak ko."Ang dami mo talaga satsat. Ganyan ba kalalim ang HD mo sa akin?""HD?""Hidden desire," natatawa kong tugon."Bakit? Wala ka bang HD sa 'kin kahit konti?"Muntik ko pang mabitiwan ang pinggang hawak ko kaya tumawa na naman siya. "Hindi naman halatang sumasaya ka na sa akin, ha?" sarkastikong sabi ko at sinamaan siya ng tingin. Kung nakakabuntis nga lang ang pagnanasa ay baka dalawang dosena na ang anak ko at siya lahat ang ama, zsss."I'm really happy with you. That's true. Tsaka wala talaga? Kahit konti?" Nang-aasar ang kanyang tono at ipinak
———• 2 YEARS AGO •———[ "Hoy! Butete 'to! Anong ginagawa mo dito sa Expirement Room ko? Tsaka, umiiyak ka ba, Percylla?!"Hindi niya ako inimikan, tuloy ang hikbi at pag-agos ng kanyang mga luha. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at niyakap siya. Kahit hindi siya magsalita, alam ko na ang rason. Napabuntonghininga na lang ako. Alam niya na ang tungkol kina Marciella at Kuya Ashmer, nakita ko siya kahapon na nakasilip sa pinto ng flat ni Marci at pagkatapos niyon ay tumakbo siya habang pigil na ang iyak.Sobrang bait si Percylla kaya hindi ko maintindihan kung bakit ang lupit sa kanya ng tadhana. Mula sa pagkawala ng kanyang mga magulang hanggang sa lalaking mahal niya. "Percy, tahan na. Alam kong masakit pero kasi... Si Marciella talaga ang mahal ng Kuya Ashmer.""I know. But... Shit! Bakit hindi nila masabi, Shane?! Bakit... Bakit mas pinipili nilang pagtaksilan ako?! Mas pinipili nilang ilihim ang relasyon nila sa akin? Tatanggapin ko naman eh kahit masakit, kahit iyon pa ang dud
Agad na nag-iba ako ng daan nang makita kong makakasulubong ko si Fall. Pasalamat ako at isang session lang ang meron ako at last period pa iyon, mamayang hapon pa ako straight sessions.Nakakatamad talaga kapag thursday morning, eh. Hinintay ko na lang na mag-recess. Palabas pa lang ako ng FR nang makasalubong ko ang dalawa. Napayuko si Eli habang si Fall naman ay naglalambing ang tingin sa akin, sarap dagukan, eh."Kenshane Guieco." "Bakit?" usisa ko pa. Inosente niya naman akong tinitigan."Ang ganda mo," nakangisi niyang saad. Napangiwi na lang ako at ibinaling ang tingin kay Eli na tahimik lang."Nag-usap na ba kayo?" usisa ko pa. Umiling lang ang babae kaya napasinghap naman ako."Okay. Mag-usap na kayong dalawa. Faller Coleman, hihintayin at rerespituhin ko ang desisyon mo," direktang deklara ko at nilagpasan sila. Hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay may humablot na ng kamay ko. Isang haduf lang naman ang naglalakas-loob na hawakan ako kahit nasa school kami. "Bakit?" na
⚠️—SPG SCENE AHEAD—⚠️Ipinatawag ako ni Kuya Ashmer at sinabing naipasa niya kay Lite at Nite ang misyon ko. Kinuha niya pala ang folder kaninang umaga sa flat ko pero kailangan kong maging back-up ng dalawa dahil parte ito ng training nila para maging ganap na rin na PA.Nagmadali akong maghanda at sinamahan ang dalawa papuntang Pinky Bar. Naka-stand by lang ako sa labas hanggang sa matapos sila. Mabuti na lang atnaging successful naman ang misyon ng dalawa.Pagkauwi ay agad akong pumanhik sa flat at diretso sa kwarto. Pabagsak na nahiga ako sa kama tsaka tinabunan ko ng unan ang aking mukha. Kanina pa talaga mabigat ang kalooban ko, eh. Hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha na kumawala. Hindi ako galit o what, naiinis lang ako sa sitwasyon at pagkakataong ito.Ang buong akala ko pa naman ay magiging okay na ang lahat pero mukhang mas naging komplikado pa. Wala ng sasakit pa sa ideyang makakasama ng taong mahal mo ang babaeng mahal din siya. Naiintindihan ko naman nga pero na
"Sweetheart," untag niya sa akin at humigpit pa ang yakap sa akin."Hmm?""Ayaw mo ba talagang pigilan ako?"Natigilan naman ako. Hindi agad ako nakaimik.Gustong-gusto kitang pigilan, Fall, sweetheart pero sa nasabi ko na kailangan ka ni Eli at may usapan na kayo. Konting sakripisyo lang ito para sa taong mamaalam na sa mundo."Nakapagdesisyon ka na, ayokong baguhin mo iyon. Tsaka para kang tanga diyan, kanina lang ay sinasabi mong anim na buwan lang naman iyon tapos ngayon aarte-arte ka. Haduf ka," sermon ko sa kanya. Hinaplos-haplos niya lang ang buhok ko."Kasi naman..." putol niyang saad."Kasi?""Parang tanga ka din kasi."Napataas-kilay naman ako. "Ako pa?""Eh kasi, bakit mo ko tinukso?" reklamo niya pa. "Nagpatukso ka naman nga," natatawa kong saad. Wala akong pagsisising nararamdaman."Scammer ka," nakanguso niyang sambit."Bakit na naman? Butete 'to.""Sabi mo kasal muna bago ML.""Ako may sabi niyon? Sa pagkakaalala at pagkakaalam ko ay ikaw.""Ako ba?""Gusto mo rewind
"S-Shane."Hindi ko siya pinansin, nagkunwari na 'di ko narinig dahil naka-earphone na ako pero hindi naman naka-on ang music player ko sa cellphone."Uy, Kenshane Guieco. Aalis na si Bebe Fall mo," bulong sa akin ni Gab sabay hablot ng earphone. Sinamaan ko siya ng tingin nang bumagsak sa sahig ang cellphone ko at nabasag pa ng konti ang screen."Gabriella," may halong pananaway sa kanya ni Marci. Nag-peace sign lang ang gaga."Sorry, huwag ka kasing pabebe diyan, magpaalam na kayo sa isa't-isa. Baka mamaya ay magsisi ka lang. Ganyan ka pa naman."Tila ba isang matalim na kutsilyo iyon na tumarak sa puso ko. Pinigilan ko ang aking mga luha na pumatak. Tumayo ako at taas noo pang tiningnan si Silang."Kapag ikaw ang nagmahal nang ganito, tsaka malagay sa sitwasyong ganito, hindi mo maaasahan ang tulong ko, ni comfort ay hindi ko 'yan ibibigay sa'yo, mark my words."Bakas sa aking tono ang galit at sakit. Napalunok pa ang gaga. Bago pa siya makapagsalita ay tumalikod na ako."Sumpa ba
Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari at kung ano ba ang nangyayari sa akin. Namalayan ko na lang na nasa loob ako ng kwarto ni Trice.Nakita ko siyang hindi mapakali, lakad dito, lakad doon ang ginagawa niya. Parang mas nahihilo ako habang tinititigan siya. "Hoy! Anong ginagawa mo?" nakakunot-noo ko pang tanong. Agad naman siyang napatingin at lumapit sa akin."Gising ka na pala. Ayos ka na ba?" Sa kauna-unahang pagkakataon ay nabakasan ko ang kanyang boses ng totoong pag-aalala.. "Medyo. Baka stress lang ako.""Sana nga gano'n lang," wala sa sarili niyang sambit. Nagtataka ko naman siyang tinitigan. Hindi ko rin maiwasang kabahan dahil sa awra at pananalita niya. "Bitch, bakit?" usisa ko pa."Wala naman. Magpahinga ka lagi nang maaga. Huwag kang magpupuyat. Tsaka obserbahan mo ang sarili mo, ha? Wala kang pagsasabihan sa mga nararamdaman mo lalo na sa kay Lovimer.""Bakit ba? Hindi kita maintindihan.""Basta, gawin mo na lang ang sinasabi ko kung ayaw mong magkagulo.