Ngumiti si Zeus, ibinuka ang kanyang bibig upang kainin ang broccoli, sabay dinilaan niya ang daliri ni Maureen. Parang natupok ng apoy si Maureen at agad niyang binawi ang kamay niya, mukhang balisa. Kahit kailan talaga, may kalokohan ang lalaging ito.. Ang dila nito ay mainit pa sa sabaw na dala
Dalawang oras na ang nakalipas mula nang matanggap niya ang balita. Sa sobrang galit, nanlilisik ang kanyang mga mata, at may bahid ng pananakot sa kanyang boses. "Nasa kamay na ngayon ng mga pulis ang mga tauhan ko, kailangan mong tulungan akong palayain sila." Palayain sila? Hindi nga niya kayan
Papunta rito, napagtanto na ni Colleen ang lahat. Dinukot niya si Eli at nag-iwan ng ebidensya. Tuluyan na siyang natalo. Ano pa ang magagawa niya bukod sa paghingi ng tulong ni Emie? Kailangan niya ito para makaalis siya ng bansa kasama ang kanyang ina. Ngayon, wala na siyang ibang hangad kundi ma
"Ako ang nagsakripisyo ng lahat.. ako ang nagmamalasakit sa inyo noon pa man.. Nangako ka sa akin na mapapangasawa ko ang anak mo, pero sa huli, ako na lang ang magdurusa? kami na lang ng mommy ko? wala kang utang na loob!" para ng baliw si Colleen. Halos hindi makahinga si Emie habang hawak siya s
"Mama, ano po ba yang sinasabi niyo?" tanong ni Maureen sa kanyang biyenan.Ngayon, tumawag si Rex sa kanya at sinabi, na malapit ng dumating ang huling sandali ni Emie. Hindi daw nito makontak si Zeus, kaya siya ang pinakiusapang sumilip sa matanda. Marahil ay nasa meeting si Zeus ngayon kaya hindi
Dinala si Colleen palayo, at bumalik ang katahimikan sa pasilyong iyon."Okay ka lang ba?" tanong ni Zeus kay Maureen, "masakit ba ang kamay mo? nakakatakot ka. Parang hindi ako dapat gumawa ng mali, daig mo pa si Manny Pacquiao!" naiiling na sabi ni Zeus habang hinihimas ang kanyang mga kamay."Tal
Tatlong araw ang lumipas, at ginanap ang libing ni Emie... Dumalo ang mga kamag-anak ni Zeus, mga matagal nang kaibigan, at mga kasosyo sa negosyo. Isa itong napakabigat na libing. Isa-isa, lumapit ang lahat upang yumuko sa harap ng larawan ni Emie at magbigay galang sa naging madam ng pamilya Ac
Inabot ito ng isang oras.---------- Pagkatapos ng isang oras, oras na para sa isang pamamaalam. Lumipat ang lahat sa Reen Lake upang kumain. Dumating si Aimee noong tanghali at dumiretso sa Reen Lake. Nakasuot siya ng itim na bestida at agad na lumapit kay Maureen. "Maureen, pagod ka na ba?" "Ka
Natahimik siya ng ilang segundo bago nagtanong sa lalaki, "Sabi mo gusto mo akong pakasalan? Bakit? Hindi yata tayo magkakilala ng lubusan." Naisip niya, paano siya mamahalin ni Rex ng basta na lang ganun sa maiksing panahon? Bumulong si Rex sa kanya,"Aimee, ikaw ang nagligtas sa akin at nagbigay
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumalikod na siya. "Actually, wala kang ginawang masama. Tinulungan mo pa nga ako. Kasalanan ko ang lahat. Masyado akong love-brained at madaling magkaroon ng feelings sa tao. Ang sakit lang isipin na parang ako ang nag uumpisa, pero ako ang nasasaktan.." Naisip ni
Kinagat ni Rex ang kanyang mga labi at sinabi, "Okay lang kahit na gamitin ko ang sa iyo. Wala namang problema iyon." Walang pakialam si Rex kahit pa nagamit na ni Aimee ang tuwalyang naroroon. Muling namula ang mukha ni Aimee matapos marinig ang sinabi ni Rex. Kinakabahan siya at hindi niya mawar
Umupo si Rex sa gilid ng kama, maamo ang kanyang mga mata, "Aimee, nag-aalala lang ako na hindi ka komportableng matulog suot ang dress na iyan, kaya gusto kong tulungan kang magpalit ng damit mo." Nakita ni Aimee ang mga pajama sa dulo ng kama, naunawaan niya na nagsasabi ito ng totoo, at tahimik
Nagtataka pa rin si Rex sa nangyayari kay Aimee. Hindi niya mawari kung bakit ito nagalit at hindi niya alam ang dahilan.Lumabas na sila sa hall upang harapin ang mga bisita at upang ipagpatuloy ang toasting para sa bagong kasal. Magkasama silang dalawa na may matatamis na ngiti sa mga labi. Paran
Naliwanagan ng liwanag ang nakatulala na mukha ni Raymond. Tila ba hindi nito mapaniwalaan ang kayang mga sinabi, "Aimee, huwag kang gagawa ng anumang bagay na ikakasakit mo dahil lang sa pagkabigo mo sa akin o gusto mong maghiganti sa akin. Alam kong galit ka.. Kung ganito na lang.. babalikan na la
Nagtanong siya kay Raymond, "di ba, nobya mo si Aimee Ilustre? bakit kay Rex siya magpapakasal ngayon? anong nangyari?" "Naghiwalay na kami," tugon ni Raymond sa kanya. Sa totoo lang, mahal talaga ni Raymond si Aimee. Sa dami ng naitulong nito sa kanya, unti unti niyang natutunang mahalin ang baba
"Kahit wala ako, naniniwala akong ikaw mismo ang makakalutas nito, pero bilang asawa mo, gusto ko lang maibsan ang mga alalahanin mo sa sandaling ito." Pagkatapos noon, hinawakan ni Rex ang kanyang kamay. Pakiramdam ni Aimee, may kaligayahang bumalot sa kanyang puso. Isang taos pusong kalaigayahan
Sa Ikalawang Araw.... Hiniling ni Rex sa kanyang assistant na dalahin ang mga alak na inorder niya sa ina ni Aimee upang makapamili ang mga ito. Dahil hindi makakainom ng wine si Aurora, kay Aldrin niya ipinatikim ang alak at pagkatapos ng kaunting diskusyon ng magkapatid, napili nila ang isang F