"Ang lugar na ito ay para sa high-end customization." Tiningnan ni Shane ang mga gown at nagtanong, "Ikaw ba ang nagdisenyo ng lahat ng mga evening gown na ito?" "Oo," sagot niya. "Ang gaganda nila." Puri ni Shane. HIndi niya alam, kung totoo iyon o hindi. Sabi ni Roselle, "Ate Shane, naaalala k
"Mr. Lauren, anong-- anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Maureen sa bisita. Nagulat siya na dumalaw ito bigla doon sa kanilang studio."Gusto ko lang masilip ang inyong studio. Kumusta na ang kamay mo?" Tumingin si Brix sa kanyang kaliwang kamay, "masakit pa ba hanggang ngayon?""Hindi na ,Sir." Sa
Sa Studio Ibinigay ni Maureen ang cake sa mga empleyado para kainin, at pagkatapos ay dinala niya si Brix sa lugar ng display para sa mga panglalaking disenyo. Naka-display rin dito ang maraming mga natapos na produkto, na lahat ay idinisenyo niya. Isa-isa itong tiningnan ni Brix, may paghanga s
Medyo natulala si Maureen. Sa huli, binili ni Brix ang madilim na kulay abuhing suit. 80,000 Nakapagbigay ito ng malaking kita para sa studio. Pinanood niya ang pag alis ni Brix., at ang puso niya ay napakatahimik. Si Brix ay kilala din sa kanyang larangan. Mukha itong isang perpektong nil
Nagulat si Maureen, "Anong nangyari? Hindi ba't may malubhang mysophobia ka? Ako mismo ang gumawa ng rice ball na ito, at nahawakan ito ng palad ko." Habang sinasabi niya iyon, sadya niyang binuksan ang kamay upang pandirihan siya. Hindi inaasahan, natigilan lang si Zeus ng isang segundo, pagkatap
Si Zeus, na nasa labas ng pinto, ay hawak ang tiyan at mukhang medyo maputla. "Mukhang hindi malinis ang mga rice ball ngayong gabi. Masakit na masakit ang tiyan ko ngayon. Pwede mo ba akong hanapan ng gamot?" Natigilan siya, "Malala ba?" "Dalawang beses na akong nagpunta sa banyo, sa tingin mo?"
“Huwag ka nang maghintay ng mamaya, magsimula ka nang magtrabaho nang mabuti ngayong gabi!” utos ng matandang lalaki. “Sige.” Niyakap ni Zeus si Maureen at ngumiti, “Simulan na nating magtrabaho nang mabuti para gumawa ng mga bata ngayong gabi.” Nasa mga bisig nito si Maureen, hindi siya komportab
Nalaman niya na bilang kaibigan ni Zeus, tinawag siya nito upang kwestiyunin siya tungkol sa kanyang pangangaliwa. Ngumiti siya, “Hindi ba’t nangaliwa rin si Zeus? kinabit nga niya si Shane ,hindi ba?” “Iba iyon. Lumaki silang magkasama at may kakaibang damdamin.” “Oh, nangaliwa si Zeus, at ti
"Maureen, naririnig mo ba ang boses ko?" Biglang narinig ni Maureen ang boses ng lalaki, at siya ay nagulat. Hindi na siya nakainom ng afternoon tea at nanatili siyang nakatigil sa kanyang kinatatayuan. Sa sandaling ito, si Brix ay nakatayo sa balkonahe, hawak ang miniature bug sa kanyang kamay,
Ang mga araw ay dumaan nang paisa-isa. Isang linggo ang lumipas nang tahimik. Isang umaga, habang nag-aalmusal si Maureen, tumanggap siya ng tawag mula kay Vince Lauren. "Sabi niya, pumutok ang isyu tungkol sa lupa." "May nangyari ba kay Brix?" Tanong ni Maureen na puno ng pagtataka. "Oo!" Sagot
Wala silang damit sa ilalim ng kumot. Parehong magulo ang itsura nila, kaya mas nakakahiya talaga. Sa ilalim ng kanyang mapanganib na tingin, tinampal ni Maureen ang kanyang braso ni Zeus. "Bitawan mo na ako. Nasaktan ang aking bukung-bukong, at tiyak na aakyat ang mga kasambahay para magdala ng
"Mommy, gising ka na ba?" Biglang narinig ang boses ni Eli mula sa pintuan ng kwarto. Kasunod nito ay ang boses ni Levi, "Kuya, gising na kaya si tita Maureen?" "Sa tingin ko, tulog pa rin siya. Maghintay ka dito, kukunin ko lang ang mga laruan ko," sagot ni Eli, sabay tulak sa pintuan. Pagbuk
"Hmm..." Ungol ni Maureen nang walang malay. Lumiit ang puso ni Zeus, at biglang tumalon ang apoy sa kanyang katawan. Paano niya ito mapipigilan? Mukhang hindi na niya kayang kayanin pa. Bigla niyang ibinaba ang ulo niya at hinalikan si Maureen. Hinahamon ng kanyang dila ang dila ni Maureen. An
Labinlimang minuto ang lumipas at lumabas siya mula sa banyo, nakasuot ng maayos at eleganteng kasuotan, tila isang tao na puno ng dangal at nakakaakit na karisma. "Uuwi na ako." paalam niya kay Maureen Hindi man lang siya tiningnan ng babae at basta umungol ng "hmmm.." Tiningnan niya si Maure
Sinabi ni Vince "Well, tinalakay ko ito sa lola mo kanina at nakipagnegosasyon kami para sa mataas na presyo." "Maayos ba?" medyo excited na siya sa resulta. "Oo, maayos naman. Nilalagdaan na namin ang kontrata." Tuwang-tuwa siya at halos magpasigaw. Nang malapit na siyang magsalita, si Zeus n
Sumagot si Maureen, "Hindi." Si Eli ay isang bata, paano nito gagamitin ang tuwalya ng bata? Eh di kalahati lang ng katawan nito ang kaya nitong takpan. Matapos mag-isip ng ilang sandali, lumapit siya sa aparador para kumuha ng malaking tuwalya, "ikukuha na lang kita ng malaking tuwalya." Luma
Huminga ng malalim si Zeus, niyakap ang kanyang payat na bewang, at ipinaalala niya sa isang mahinang tinig, "Huwag ka nang mag-ikot-ikot, bantayan mo ang iyong mga paa." "Ano pa ba ang magagawa ko?" namumula si Maureen na parang kamatis. Sa posisyong ito, magka-face to face sila. Para silang ma