SUGAL NAKAHINGA nang maluwag si Yvonne nang makalabas siya sa labas ng hospital pagkatapos niyang ibilin sa isang nurse muna si Leonardo. Kukuha siya ng mga gamit nito sa bahay niya dahil marami pa naman gamit d'on si Leonardo. "Saan tayo?" tanong sa kaniya ni Archie. Hindi na nito nakuhang umuwi kahit anong taboy niya rito kanina pa. Hindi rin ito sumama sa loob ng silid ni Leonardo kanina para daw mabigyan sila ng magandang panahong makapag-usap. Halos madaling araw na at nakaramdam na rin siya ng antok at pagod. "Kung saan ako makakahinga..." tugon niyang makabuluhan dito. Pinagbuksan siya ng pinto ni Archie. "I know where it is." "Saan?" "Church? Magsumbong ka sa kaniya, baka sakaling magkaroon ng kasagutan lahat ng tanong mo sa isip mo." Sasampa na sana siya sa sasakyan ni Archie nang tumunog ang message tone ng cellphone niya. Nagkatinginan silang dalawa. "Baka si Leo, hanap ka.." Tiningnan niya lang si Archie at patay malisyang hindi pinansin ang na-recieve na
DESPERADO "WHAT MAKE CHANGE YOUR MIND, HUN?" tanong ni Leonardo kay Yvonne. Nasa veranda sila ng bahay niya, halos katatapos lang nilang pagsaluhan ang ginawa ni Leonardo na carbonara para sana sa kaniya. Ngumiti siya rito. Sa harap niya ito nakaupo. "Sinabi ko na ba sa iyo ang tungkol kay Archie?" Napakunot-nuo ito sa sagot niya rito. Ngumiti siya. "A-Archie.." "P-pinsan mo." "What about him?" "Binago niya ang isip ko, Leo. And, I think he's right. Hindi mo naman kasi talaga malalaman ang resulta nang mga bagay na kinatatakutan mo kung hindi ka tataya.." tugon niya itong pinaglipat-lipat ang tingin sa mga mata nito. "Kailan pa?" "K-kailan pa?" "Kailan pa kayo n-nagkikita. Nakauwi na ba siya?" Kinuwento niya rito ang mga ginawang pabor ni Archie para sa kaniya. Tumango-tango lang ito. Napakunot-nuo siya dahil wala man lang itong emosyon sa pagbabalik ng bansa ni Archie. Halos limang taon din ito sa Dubai, kung gaano katagal ang relasyon nila ganoon din siguro ito nawala
ESCAPE + BREAKDOWN "BAKIT PARANG ANG TAHIMIK NYO? NAKAKAPANIBAGO.." aniya ni Yvonne sa tatlong kaibigang Celine, Ellyse at Janice. Niyaya niya itong magkape sa isang mamahaling coffee shop malapit sa munisipyo nila. "Why do you have to push the wedding, Yvonne?" Napatingin siya kay Janice nang itanong ito sa kanya. Kanina niya pa napapansing kaniya-kaniyang hawak ito sa cellphone ng mga 'to. "Sayang iyong five years, tsaka love is lovelier in second time around naman." "Pinag-isipan mo ba to? Baka kasi pabigla-bigla ka lang." "Kinalkula ko, pinag-isipan ko naman iyong pros and cons ng desisyon kong 'to eh." "Pero.. Yvonne." Nagtatanong ang mga mata niyang tumingin kay Ellyse. Mukhang may mga tinatago ang mga ito sa kaniyang hindi niya maintindihan. "What's happening.. Anong mayroon? May kailangan ba akong malaman? May pasabog pa ba? May aftershock pa ba iyong pain na nararamdaman ko until now?" nagtatampo niyang turan sa mga ito. Napasinghap siya. Hindi ganito ang mga
The Scandal | Chapter 26 The Day Of The Wedding "GOOD AFTERNOON. KAMUSTA KA?" Boses ni Archie ang nabungaran ni Yvonne. Sinipat niya ang oras sa cellphone niya.Bigla siyang napabangon nang mag-a-ala-una na. "Ano'ng nangyari? Oh my god!" Nasapo niya ang sariling nyo nang maalala ang lahat nagdaang gabi. "Hindi na kita ginising kanina, ang sarap ng tulog mo eh. Gutom ka na ba? Kumain ka na, bumili ako ng pagkain para sa iyo," ani ni Archie. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa may nilabas itong dalawang styrofoam. Bumalik ang tingin sa kaniya ni Archie, pagkatapos nitong ilagay sa round table ang inalok nito. Sinipat niya ang sarili, hindi man lang pala niya nakuhang magpalit ng damit nagdaang gabi bago siya matulog. Wala naman sigurong nangyari sa kanilang dalawa ni Archie, sigaw ng isip niya. "Hindi mo pa sinasagot ko, if how are you? Okay ka na ba?" Natigilan siya. Mukhang sa tanong sa kaniya ni Archie, pinaalala lang nito ang lahat ng nalaman at nakita niya. "It's m
The Scandal | Chapter 27 CAR CRUSHED MUGTO ang mga mata ni Liezel nang datnan ito ni Yvonne sa hospital na sinabi ng katiwala nito. Nang magtangka siyang puntahan ito sa sariling bahay nang makatanggap siya ng tawag mula rito. Pero hindi niya na ito naabutan. Ilang minuto na siyang nakatayo sa may paanan ng hospital bed ni Liezel. Parang wala lang itong nakita o naramdaman na nandoon siya. Wala rin naman siyang mahagilap na mga salitang pwedi niyang sabihin dito. Galit pa rin siya kay Liezel. Pero hindi siya masaya sa nangyayari at posibleng nararamdaman nito ngayon. Tatalikod na sana siya nang bigla itong magsalita. "I-I l-lost m-my c-child..." simula nito. "I lost someone na akala ko makakasama ko na habangbuhay. Iyong hindi ako iiwan! Iyong hindi ako huhusgahan kahit na ano pang eskandalo ang gawin ko't mangyari sa akin!" Sa gitna ng paghikbi nito. "I lost m-my c-child, Yvonne! At ang s-sakit s-sakit!" Narinig niya ang malakas na pagbuntong-hininga nitong nakan
THE SCANDAL | CHAPTER 28 FRACTURED MABILIS na nakarating si Archie kasama si Yvonne sa isang hospital na sinabi ni Janice na posibleng pinagdalhan kay Leonardo. Abot langit pa rin ang kaba na nararamdaman ni Yvonne hanggang sa mga sandaling iyon. Kahit na anong pilit ang gawing pagpapakalma sa kaniya ni Archie ay hindi niya maibsan ang parang namamanhid na pakiramdam dahil sa masamang balitang sinabi sa kanya ni Janice. Lakad takbo ang ginawa nilang dalawa hanggang sa makarating sa information desk ng isang pribadong hospital para itanong kung ano ang totoong kalagayan ni Leonardo. Tsaka niya na lamang naisip na, sa hospital din na 'to; ay nandito si Liezel na kanina lang ay binisita niya kasama ang lalaking nasa tabi niya hanggang ng mga sandaling iyon. "Relax!" ang sabi sa kaniya ni Archie. "How can I relax? Archie, p-pinsan mo iyon. Naisip mo ba? Naisip mo ba kung wala na nga siya?" aniya kay Archie. Hindi niya hinintay ang iba pang sasabihin nito nang lumap
The Scandal | Chapter 29 OBRA MAESTA HINATID ni Yvonne at Archie si Liezel sa silid nito. Nagpaalam sila dito na kukuha lang ng ilang gamit na pweding kakailanganin ng dalawa sa pamamalagi nila sa hospital na iyon habang nagpapagaling. "Yvonne.." untag sa kaniya ni Archie habang naglalakad silang dalawa. "I don't want to take you for granted. Pero pwedi bang lumabas muna tayo tonight? I want you to be free from everything. Kahit mamayang gabi lang." Nagtatanong ang mga mata niya nang lingunin niya ito. "Bakit? Anong mayroon? Birthday mo ba? May okasyon ba?" Ngumiti ito sa kaniya. Sabay na may kinuhang isang sobre sa bulsa sa suot nitong pantalon. "It's my exhibit tonight. Gusto sana kitang imbitahin." Napatingin siya sa cellphone na dala niya. Mag-a-alas-cinco na ng madaling araw. "Okay, Chie. Sure." "So! Pwedi bang umuwi ka muna at magpahinga?" aniya sa kaniya. "Pero.." "Please. Baka kung ikaw iyong magkasakit, mas walang mag-aalaga sa kanila." Alam niya kung sin
The Scandal | Chapter 30 FREEDOM "DAD..." Lumingon agad ang daddy niya sa gawi niya nang tawagin niya ito. Nagpasya siyang umuwi ng Zambales para makita ang ama. Tinawagan niya si Danilo ang kaibigan ni Leonardo na agad naman nagbigay ng sasakyan para magamit niya. Pagkatapos n'on nagpresinta itong bantayan si Leo sa hospital. "Y-Yvonne.. A-anak," ani sa kaniya ng daddy niya. Hindi niya hinayaang tumayo ito sa paborito nitong upuan kung saan naging paborito rin n'on ng mommy niya nang nabubuhay pa ito. Umupo siya sa paanan at sumandal ang ulo sa mga binti nito. "Bakit parang ang sama sa akin ng tadhana, Dad? It keeps teasing me.." "Sinaktan ka na naman na ng gagong iyon, Hija?" Si Leonardo ang tinutukoy nito alam niya. Napabuntunghininga siya. Ayaw nyang muling magalit ang daddy niya kay Leonardo at maging dahilan nang muling pagpapakaama nito sa kaniya. "L-lumpo na siya," sumbong niya. "Na-aksidente siya. And, he can't able to walk again." Tumawa ito. Nagtaas siya ng