Paglabas at pasok ni Eys, ang init sa kotse ay nawala. Hinila niya ang kanyang coat nang mas mahigpit, halos gusto niyang itago ang buong katawan niya rito.Hindi dumiretso ang kotse sa bahay niya kundi sa isang restaurant.“Eat something." Bumaba si Mason ng kotse pagkatapos niyang sabihin iyon.Pagkaupo sa lamesa ay mabilis na naihain ang mga pagkain, halatang inayos na nang maaga. Nilagay ng waiter ang isang mangkok ng sabaw sa harap niya, at nang buksan ang takip nito, umuusok pa ito.“Eat, and I'll take you home after you're done."Gutom na talaga si Eys, at pagkatapos uminom ng isang lagok ng mainit na sabaw, naramdaman niyang para siyang isang patay na tao na muling nabuhay.Naalala ni Mason na malakas kumain si Eys, kaya’t maraming pagkain ang in-order niya. Si Eys naman ay abala sa paghigop ng sopas, at nagulat nang marinig ang sinabi ni Yu Zhi.“If you really want to find a man, go back to find Kai Rylan, he's better than that man."Nasa kalagitnaan siya ng pagnguya ng malam
Nakaramdam si Mason ng malamig na hangin na gumapang sa likod niya bago siya lumapit sa pintuan at inutusan si Leonardo.“Turn on the surveillance at the gate, I want to know what's going on between Astrid Elaine ang that man.”Ang surveillance video, basta’t gustong makita ni Mason ay isang salita lang niya ang kailangan.Sa isang lugar kasing mamahalin tulad ng Hoemen club ay sagana sa pera, natural na ang mga surveillance footage na may pinakamataas na kalidad.Kahapon, wala pa ring kita si Eys, na lubos na ikinagalit ni Sandro.Natakot siyang magdulot ng gulo sa harap ng pintuan ng club kaya’t hinila niya si Eys papunta sa kanyang sasakyan. Mabuti na lamang at nasa sakop pa rin ng surveillance camera ito, kaya’t malinaw na nakunan ang pangyayari.Nakita ni Mason ang leather shoes ng lalaki na tumama sa mga buto ng binti ni Eys—malupit at walang awa. Nanigas ang katawan ng babae at hindi gumalaw pero bahagya ring umatras.Itinapon ni Sandro ang isang bagay mula sa bulsa nito sa lup
“Oo,” nilunok ni Sandro ang kanyang laway. “Wala akong kinalaman dito.”Tumingin si Mason sa bintana ng kotse, malamig ang simoy ng gabi. Kahit si Leonardo ay hindi alam kung ano ang iniisip ng amo sa mga oras na iyon.“What did she asked you to do?"“Sinabi sa akin ni Miss Lopez na pumunta dito araw-araw para mangolekta ng pera. Lahat ng pera ay mapupunta sa 'kin. Binibigyan niya din ako ng gamot araw-araw. Kung gusto ni Javier na gamitin ito upang humaba ang buhay ng kapatid, kailangan nitong sumunod.”Magulo ang kwelyo ni Mason habang nakasandal ang kanyang matangkad na katawan sa upuan. Dalawang beses niyang nilunok ang pait sa lalamunan.Matagal bago siya muling nagsalita.“Tomorrow, you should continue to come and deliver medicine, and don't reveal a word in front of Astrid Elaine."Bagamat nalilito si Sandro, tumango na lang siya, “opo.”“Don't let Cassie know, everything will remain the same."“Opo.”“Whick hand did you use to hit her? Which leg did you kick her?” Nagbago ang
Halatang gumaan ang pakiramdam ni Cassie, hindi na maitago ang tuwa sa kanyang mukha. "Marami akong gustong kainin. Pa'no mo nalampasan ang taon habang nasa coma ako? Mason, kung hindi lang sana nangyari ang aksidente, ang ganda na siguro ng lahat. Kung buhay pa 'yong mga magulang ko, mas maganda sana.""Bago ako nawalan ng malay, sinabi mong hindi mo 'ko iiwan, 'di ba?""Mason, natatakot ako na baka isiping mong mababa ako dahil sa ganitong kalagayan ko…"Nakita ni Mason na ang ngiti ni Cassie ay biglang napalitan ng mga luha. May mga bagay na kahit hindi sabihin ni Mason, hindi makakalimutan ng babae.Mahigit isang taon na ang nakalipas, nalaman ni Mason na nagpaplanong tumalon sa gusali ang mga magulang ni Cassie. Plano niyang dalhin ang babae roon, pero bago pa sila makarating, biglang sumulpot ang isang van. Itinulak ni Cassie si Mason para mailigtas siya, pero tila ibinigay ng babae ang sarili nito sa kamatayan.Hindi siya nakaligtas at malubhang nasugatan sa lugar mismong iyon.
Ang kanyang buhok ay nakatali pataas, suot ang lumang istilo ng makalumang kasuotam na may mahabang na slit.Tinanggal ni Mason ang palamuti sa buhok nito at itinapon sa sahig.Hindi inakala ni Eys na ganito kalupit ang mangyayari. Nahuli siya sa mismong unang araw na balak niyang maghanap ng dagdag na kita."Who are you pretending to be a ghost for?""Ah, Young Master, anong ginagawa niyo rito?" Hindi tumayo ang lalaking nakaupo sa sofa. Ang bata at gwapo nitong mukha ay maputla, at ang kanyang boses ay mahina.Hinatak ni Mason si Eys paalis sa entablado, puno ng galit ang boses niya, "Shan Reyes, you can play with others, but do you dare to touch my people?"Tila nagulat si Shan Reyes at tumingin kay Mason. "Sa 'yo siya?""Open your eyes and look carefully next time."Mas humigpit ang pagkakahawak ni Mason sa pulso ni Eys na halos madurog ang maliit niyang katawan.Tumitig si Shan kay Mason, "hindi ba siya isa sa mga babae dito? Young Master, hindi ba sapat si Cassie Lopez para sa ’
Bumigat ang tono ni Mason at lalong natakot si Eys. "He found you. Look, doesn't this outfit look like it was made for you?"Nipalunok ng laway si Eys dahil sa kaba. "Tapos ano?""Then," sinadya ni Mason na patagalin ang sagot, dinidiin ang bawat salita, "siguradong kukunin ka niya balang araw. Sinabi niya na kapag nahanap na niya ang tamang tao, iuuwi niya na ito.""Lived in the old house where his mother lived, sleep in the bed where her mother slept, and never let her step out of the house for the rest of her life."Tumulo ang pawis sa ilong ni Eys. "Niloloko mo lang ako eh, 'di ba?""Why don't you go back with him and swe he has prepared a big red sedan."Red sedan?Biglang pumasok sa isipan ni Eys ang isang eksena mula sa horror movie—masyadong nakakatakot. Hindi, hindi bagay sa kanya ang damit na ito. Hindi ito akma sa kanya, kahit kailan!Agad na hinubad ni Eys ang damit, at sa oras na iyon, parang naipamalas ang kagandahan ng tagsibol, na kanina lang ay tila natatakpan at tina
Pinahina ni Fiona ang kaniyang boses bago nagsalita, hinawakan ang braso ni Eys, at sinenyalan na ibaba ang ulo."Tiningnan ko ang surveillance video sa entrance at nakita ko ang boyfriend mo na binubugbog ka. Nagtago ako at pinanood ito. Matagal na itong nangyari, nagkita silanng boyfriend mo at kinabukasan, basag na ang mga braso at mga binti nito...""Totoo?" Naramdaman ni Eys ang pagkabigla sa puso niya. "Ibig sabihin, alam na niya ang lahat."Basta’t may gustong malaman si Mason, wala ni isa ang makakapagtago rito.Alam niyang wala siyang magagawa kundi pumunta rito, na si Sandro ay nasa ilalim ng utos ni Cassie Lopez, at pati na rin na binubugbog siya ni Sandro."Tas pagkatapos?"Pareho pa rin ang lahat. Patuloy siyang nanatili sa kwebang ito ng mga lobo, at ang gamot ni Sandro ay ibinibigay pa rin sa kanya araw-araw.Pagbalik ni Eys sa kahon, suot pa rin niya ang damit, at si Mason ay napakunot-noo. "Do you like to dress like this? Why won't you change it?"Umupo siya sa sofa,
Nang gusto ni Eys na ibaba ito, huli na ang lahat. Parehong may pasa at kulay lila ang kanyang mga tuhod, at sigurado siyang may iba pang mga sugat sa kanyang katawan.Inilayo ni Mason ang kanyang kamay na para bang walang pakialam. Tinakpan ni Eys ang kanyang mga binti. Naiisip niya na dati, may plano siyang gawing taktika ang pagpapahirap sa sarili sa harap ng lalaking ito.Buti na lang at iniwan niyang buo ang natitira niyang dangal. Para kay Mason, ang isang patak ng luha mula kay Cassie ay kayang punan ang mga sugat sa kanyang katawan. Pa'no nga ba siya makakakuha ng simpatya mula kay Master Sy?"Let's go."Nakita ni Eys na tumayo si Mason, kaya tumayo na rin siya para ihatid ito palabas.Lumabas ang lalaki mula sa silid pero hindi sumunod si Eys. Dumilim ang kanyang paningin at naramdaman niyang humina ang kaniyang buong katawan. Mahirap man, pero dahan-dahan siyang sumandal sa pader at nagsimulang mag-slide pababa sa sahig."Astrid Elaine?"Parang narinig niya ang isang boses n
Binanggit niya ang isang mahabang numero, saka nagpatuloy, “ipinapahayag ko gamit ang tunay kong pangalan na ang anak ni Zon Reyes na si Shan Reyes ay inaabuso ang kapangyarihan ng pamilyang Reyes para gipitin ang ibang tao. Ilang beses niya rin akong tinangkang piliting sipingin at sinubukang pwersahin sa pamamagitan ng mga pekeng utang. Hinihiling ko sa mga kaugnay na ahensya na mahigpit na imbestigahan si Shan Reyes at ang buong pamilyang Reyes.”Halos magdilim ang mukha ng matandang Reyes sa narinig niya sa prerecorded video. Kaya agad na inabot ni Chen ang cellphone ni Eys at dinelete ang video. Pero nanatiling kalmado lang si Eys habang tinitingnan ang ginawang pagdelete ni Chon. "May backup ako sa laptop at email. Alam ko kung ga'no kalaki ang impluwensya ni Mr. Reyes, pero kapag kumalat ito, siguradong magkakaroon 'to ng malaking epekto sa negosyo niyo man o sa personal na buhay."Tahimik lang si Mason habang pinapakinggan ang sinasabi ni Eys. Kalmado ang boses nito, pati na
Hinila ni Reyes ang lubid sa bintana at nasugat ang mga palad niya dahil sa pagkiskis nito dahil sa pag-anagat niya kay Eys.Hindi alintana ni Mason si Reyes na nahihirapan at agad na lumapit siya sa bintana at inilabas ang kanyang kalahating pang-itaas na katawan at dahan-dahang hinila ang lubid din pataas.Walang suot na kahit anong tela si Eys para makahawak ang kahit na sino na hihila sa babae pataas. Mahigpit na hinawakan ni Mason ang bintana gamit ang isang kamay at habang ang kabila naman ay nakayakap sa baywang ng babae para maiangat ito.Ang katawan ni Eys ay sobrang lamig na parang niyayakap ang isang bloke ng yelo si Mason ng mahawakan niya ang katawan nito. May mga yabag sa labas ng pinto pero hindi niya iyon pinansin at inasikaso ang babae. Inilagay ni Mason si Eys sa kama at mabilis na kinuha ang kumot para ibalot ito sa kanya.Bang!Mabilis na sumara ang pinto ng kwarto at pumasok ang matandang Reyes at ang kanyang stepson.Nakatayo lang si Shan malapit sa bintana at na
"Tinalian mo na nga ako, anong silbi ng pagsigaw? P'wede mo namang takpan ang bibig ko, o 'di kaya’y higpitan mo pa ng todo."Nang maisip iyon ni Shan, pumayag siya.Kahit pa sigaw siya nang sigaw, sino bang tutulong sa babae?Tinali ni Shan nang mahigpit si Eys at siniguro ang buhol. Nang matapos, ngumiti ito nang may kasiyahan."Hintayin mo ako."Pero 'di na ito makapaghintay.Pumasok si Shan sa banyo para maligo. Ayaw niyang gumamit ng bathrobe sa lugar na 'yon sa isipang madumi ito kaya lumabas siyang naka-shorts lang.Hindi mapakali si Eys. Alas-dos na.Tiningnan niya si Shan habang papalapit ito. Medyo kinakabahan siya. "Mr. Reyes, p'wede mo na bang ibigay ang IOU ngayon?""Mamaya na pagkatapos natin.""Dinala mo ba? Ipakita mo nga sa ’kin."Gustong yakapin ni Reyes si Eys pero mabilis itong umakyat sa kama. Maliit lang ang kwarto at halos katabi ng kama ang bintana.Napapaatras si Eys papunta sa gitna ng higaan, halatang kinakabahan. Pero hinila siya ni Shan gamit ang lubid par
Mabilis siyang hinila ni Eys papasok at isinara ang pinto. "Mr. Reyes, hindi mo ba naiisip na mas masaya dito? Lagi ka na sigurong nasa mga five-star hotel. Eh, pa'no kung medyo wild ang mangyari? Ayaw mo namang mapahiya, 'di ba?" Rason ni Eys.Tinitigan lang siya ni Shan. Sa bawat salitang binibitawan ng babae, halatang may halong panunukso rito.At nadala siya.Hinila niya si Eys papunta sa kanya at sinubukang halikan ang babae. "Eh, bakit nakatayo ka pa?"Sinubukan siyang itulak ni Eys pero dumampi na ang labi niya sa pisngi nito.Ang bango ni Eys—para itong natural na pamapalibog. Tuluyan nang nawala sa kontrol si Shan."Mr. Reyes, sandali lang!""Hindi ko na kayang maghintay!"Nagpumiglas si Eys mula sa mga bisig nito. "May inihanda ako para sa 'yo.""Ano 'yon?" tanong ni Shan habang bahagyang lumuwag ang pagkakahawak niya sa babae.Naglakad si Eys papunta sa kama at binuksan ang dala niyang bag. Mula rito, inilabas niya ang makapal na lubid.Tumaas ang kilay ni Shan. "Itatali mo
Sa ganitong bagay, mataas ang pamantayan ni Mason. Bukod sa magandang mukha, gusto niya ng malalambot na kamay at balingkinitang katawan—katulad ng kay Astrid.Nawala ang init na nararamdaman ni Cassie, kaya hindi na niya itinuloy ang ginagawa.Samantala, ang mga marka sa katawan ni Eys na gawa ni Mason ay hindi pa rin nawawala kahit ilang araw na ang lumipas, kaya napilitan siyang magsuot ng mga turtle neck na mga damit araw-araw kahit sobrang init sa Pinas.Mainit sa opisina, kaya tumutulo ang pawis sa noo ni Eys habang nagta-type sa laptop niya. Habang abala at naiinis sa nararamdamang init, biglang may narinig siyang papalapit na mga yabag."Sa wakas, nahanap rin kitang bruha ka," sabi ni Vincent nang tumigil ito sa tabi niya.Tumigil si Eys sa ginagawa at tumingin sa kaibigan. "Sabihin mo na agad."Nagmasid si Vincent sa paligid bago bumulong kay Eys.Mahinang pinisil ni Eys ang kanyang palad. "Sigurado ba 'yang balita mo?""Oo naman! Ginamit ko lahat ng koneksyon ko para dito,"
"Alam mo kung bakit ginawa ni Mason ang mga bagay na 'yon sa 'yo? Para kanino? Para sa 'kin! Para ipakita sa 'kin na kaya ka niyang kunin sa isang pitik niya lang ng daliri!"Narinig ni Eys bawat salita ni Shan, pero hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit ito."Hindi naman ako umaasa sa kanya at hindi na ako nangangarap ng isang Mason Hunter Sy na luluhod sa 'kin para damputin ako sa lupa gaya ng pagpulit niya kay Miss Lopez," sagot ni Eys, kalmadong tumatawa nang sarkastiko. "Nakakatawa 'yang mga salitang 'hindi makalimutan' at 'hindi kayang bitawan' kung gagamitin sa 'kin."Alam niyang ang tanging hindi kayang bitawan ni Mason ay si Cassie."Kita mo naman kung ga'no kahalaga si Miss Lopez para sa kanya, 'di ba? Iniwan niya ako rito nang hindi man lang iniisip kung anong kahihiyan ang haharapin ko. Kahit mag-iwan ng isang damit para takpan ang sarili ko, wala siyang binigay sa 'kin. Kulang pa ba ang pagaparamdam niya na madumi ako at kaladkarin para hindi pa manuot sa kala
"Young Master," sabi ni Shan na may bahid ng hilaw na ngiti, "lumabas ka rin sa wakas."Dumaan lang si Mason sa tabi nito at sinabihan si Leonardo ng isang salita. "Go."Hindi na kailangang magtaboy ng tao. Nagmamadali na siyang umalis.Naiwan si Eys sa kwarto. Nang sipain ni Shan ang pinto pabukas, nakita niya ang likod ni Eys na nagmamadaling papasok sa loob."Ang tapang mo palang gawin ang ganyan, pero wala kang mukhang maiharap para lumabas?"Ang mabigat nitong boses ay narinig ni Mason kahit ilang hakbang na siyang lumayo. Sandali huminto ang mga paa ng lalaki pero hindi na siya lumingon.Kalahati na ng mga tao ang napaalis ni Leonardo, pero may ilan pa rin ang nasa labas at nakikiusyuso."Master, hahanapan ko ng paraan para palabasin si Miss Javier.""Cassie is here, right at the door."Tumango si Mason at tuluyang lumabas.Si Eys naman ay takot na baka pumasok ang grupo ni Reyes, kaya tumakbo siya sa bintana at nagtago sa likod ng kurtina.Dalawang lalaking kasunod ni Shan ang
"If you asked me to save you, I might agree if my heart softens. But if it's someone else, bakit ko naman gagawin?"Parang gumuho ang mundo ni Eys. Bago pa makapag-isip si Mason kung bakit niya nasabi 'yon, nakita niyang pilit ngumiti ang babae at umiwas ng tingin."I just asked casually, I'm afraid that one day it will really happen.""Eh 'di hayaan mo siyang mamatay."Nanlamig si Eys sa sinabi ni Mason. Parang tumigil ang pagdaloy ng dugo sa katawan niya.Dapat nga siguro nagpapasalamat siya na hindi niya ibinuhos lahat kay Reyes o naglagay ng malaking tiwala kay Mason. Hirap na nga itong tumulong sa kanya, paa'no pa kaya kay Fiona?Nagpatuloy ang ingay sa labas, kaya napatingin si Eys kay Mason. "P'wede bang gumawa ka ng paraan para paalisin 'yong mga tao?"Naiiritang tumayo si Mason. He didn't want to be blocked like this, so annoying and ridiculous.Kinuha niya ang cellphone niya at tatawagan sana si Leonardo para ayusin ito, pero naunahan siya ng tawag ni Cassie.Tinitigan niya
Biglang malakas na pinukpok ni Shan ang pinto. “Eys, lumabas ka diyan!”Ang kanyang malalaking galaw ay nagsimulang makaakit ng pansin mula sa mga taong naroroon.May mga tao nang lumalapit. “Mr. Shan, anong nangyayari?”Hinithit ni Shan ang sigarilyo. “May nakakita sa kasama kong babae na kinaladkad papasok dito. Ngayon, sabihin niyo nga, nakita niyo ba ako?”Nagtinginan ang lahat sa isa’t isa. “Wala kaming nakita.”Itinapat ni Shan ang camera sa sarili. “Cassie, pupunta ka ba o hindi? Kapag nagtagal ka pa, baka tapos na ang ginagawa nila sa loob, at baka ulitin pa nila. Do you believe it?”Sa loob, binitiwan ni Eys ang kanyang mga kamay habang nakatitig sa mukha ni Mason.Ang mga mata nito ay malalim, puno ng kadiliman na parang isang demonyo.Nakakatakot talagang tingnan ang lalaki sa ganitong estado.Inangat ni Eys ang pilak na kwintas na dumulas mula sa kanyang balikat habang nakikita niyang magbubukas ng pinto si Mason.Agad niyang hinawakan ang braso nito at bahagyang umiling.