"Anong ibig mong sabihin?" Napansin ni Zane ang pagkapahiya sa kanyang tinig. "Akala mo ba hindi ko kayang bayaran ang dalawang libong piso para sa alak?"Hindi karaniwang gumagawa ng ganitong bagay si Mason. Ipinanganak siya sa isang mataas na antas, at madalas siyang pumipilo ng mga tao batay sa kanilang estado. Ngunit ngayon, gumawa siya ng hakbang na ito... dahil kay Eys.Ininom ni Zane ang isang lagok ng alak, "Astrid Elaine, hindi mo pa rin ba ako pinapansin? Halika, Mimi, kumuha ka ng dalawang bote pa ng triple eight."Tinitigan ni Eys ang aroganteng mukha ni Zane. Kahit na tinanggihan na niya ito noon, hindi pa niya ito pinahiya. Wala lang siyang pakialam sa lalaki, hindi lang niya ito gusto. Kailangan pa bang gawing isyu?Ngunit ngayon, ang nasa isip ni Zane ay walang iba kundi ang pagpapahiya sa kanya."Mister Zane, you don't think the price of that bottle lf wine is eight hundred eighty eight, right?""Ano pa ba?" tanong ni Zane. Hindi naman siguro masyadong mahal iyon. P'w
"What are you worried about? Your sister's medicine will not be cut off."Tama nga, hangga't nariyan siya, makakaya pang mabuhay ni Freya ng isang araw. Dahil nauunawaan na ni Mason ang lahat, bakit nga ba niya huhusgahan ang "self-degredation" ni Eys?"Young Master, nag-order ka na ba ng alak? Ako na lang po ang maghahatid sa inyo."Binuksan ni Mason ang dalawang butones ng kanyang damit, bahagyang nakalabas ang kanyang collarbone, at lalong naging kapansin-pansin ang kanyang tikas. Bumalik siya sa sofa at muling umupo rito. Nagdesisyon siyang pumunta dito sa huling minuto, at hindi niya alam kung bakit pero hindi maikakaila, gusto niyang makita... ang babae.Pero ano bang meron sa dito?Hindi niya matiis si Eys na nahihirapan sa tuwalya, ngunit nang matuto ito sa tamang postura sa pagbuhos ng alak, lalo pa niya itong hindi matiis.Pinitik ni Mason ang kanyang mga daliri sa noo ni Eys at bigla niyang sinabi, "you can get a few bucks for drinking with others, why don't you just do it
"Okay, Mimi, yayaman ka na talaga."Talaga ba? Hindi inisip ni Eys na mangyayari ang ganitong "magandang bagay" sa kanya."This wine, just find someone to bring it in the future."Hinugot ni Mason ang sigarilyo sa bibig at ibinuga ang usok na galing dito, parang hindi naman naiintindihan ni Sister Bing kung ano ang ibig sabihin niya."Young Master, dahil ikaw ang nag-order ng alak, siya na lang ang magdadala nito rito. Kung hihingi pa tayo ng iba, hindi ba mapupunta 'yong malaking komisyon sa iba?"Kinagat ni Masom ang dulo ng sigarilyo gamit ang kanyang mga ngipin, at unti-unting lumabas ang puting usok mula sa kanyang bibig. "Don't you understand what I said?"Naintindihan ni Sister Bing na ang pera ay maaaring ibigay kahit kanino, pero hindi kay Eys?Nakaramdam siya ng awa, "pero 'yong komisyon..."Matapos uminom ng alak, nagsimula ulit maglaho ang init sa tiyan ni Eys. Ibinaling niya ang kanyang mata kay Sister Bing, wala siyang pakialam, hindi naman siya nandito para sa pera.Ngu
Pero hindi natuwa si Sandro at halatang naubos ang pasensya nito. Kinuha nito ang gamot mula sa bulsa noto at inihagis ito sa lupa. Inabot ito ni Eys kahit nahihirapan, pero sinadyang tapakan ni Sandro ang likod ng kanyang kamay. "Kung ganito ulit bukas, tingnan natin kung makakaligtas ka pa."Hindi maigalaw ni Eys ang kanyang mga daliri, at sinubukan niyang protektahan ang gamot sa kanyang palad. Paulit-ulit itong tinapakan ni Sandro, ibinubuhos ang galit sa kanya."Hoy! Anong ginagawa mo?" Isang pigura ang biglang lumabas mula sa mamahaling club at tinangkang itulak si Sandro. Pero nang makita ang laki ng lalaki, nauutal itong nagsalit, "huwag kang magulo... Lahat ng security guard namin ay mas malalaki pa sa 'yo, at... at kaya ka nilang talunin!"Tinanggal ni Sandro ang kanyang paa paalis sa kamay ng babae. "Nakikialam na ba ngayon ang mga security guard sa away ng magkasintahan?""Ano?!" Pinagmasdan siya ng babae na gulat na gulat, tapos tiningnan si Eys. "Boyfriend mo siya?""Ano
May isa pang lalaking lumabas mula sa pribadong silid.Ang lalaking medyo mataba at may malaking tiyan ay nagliwanag ang mukha nang makita si Eys. "Maganda itong babae. Halika, pasok tayo sa silid para maglaro."Habang sumasakit pa rin ang tiyan ni Eys, napakuyom siya ng kamao at sa higpit ng hawak ng lalaki sa kanya, hindi siya makapalag.Tinangka siyang tulungan ni Fiona, pero itinulak ito ng lalaki gamit ang malaking braso nito.Bago pa man maipasok ng matabang lalaki si Eys sa pribadong silid, bigla itong hindi makagalaw. Lumingon ito at nakita nitong may nakahawak sa kanyang balikat. "Sino ka?" Sigaw nito.Hinila ni Leonard ang braso ng matabang lalaki palayo at si Eys naman ay napaurong ng ilang hakbang mula sa lakas ng puwersa. Tumunog ang boses ni Masom sa kanyang tenga."I haven't come for three days and you can't stand the loneliness, right? You come out to find customers by yourself?"Masakit pa rin ang puson ni Eys, kaya hindi siya makapagsalita. Kung kaya niya lang talaga
Agad niyang tinakpan ang kanyang bewang gamit ang kanyang kamay.Hinila naman ito ni Mason paalis, "did Kai Rylan do this too?""Wala talaga siyang kinalaman dito." Sa sobrang hirap ng sitwasyon ni Eys ngayon, kalahati nito ay kasalanan ni Kai Rylan. Pa'no pa niya idadagdag dito ang sisi? "Nadulas lang ako.""You are still protecting him."Dala ng madaming nararamdaman hindi niya maiwasang mapatawa at mapaiyak, "napagtanto ko na napaka-miserable ko. Sa tuwing nagsasabi ako ng totoo, wala namang naniniwala.""Because you look so fake when you lie."Talaga ba? Mukhang hindi pa siya bihasa sa pagsasabi ng totoo at kasinungalingan."Does it hurt?" biglang tanong ni Mason.Gustong sabihin ni Eys na ayos lang pero sinabi na nitong hindi siya magaling magsinungaling.Pero paano kung sabihin niyang sobrang sakit na ng nararamdaman niya? Pero pinili na lang niyang lunukin ang gustong sabihin. Alam niyang hindi siya makakakuha ng simpatiya mula kay Mason, kaya hindi na niya sinayang ang laway n
"Pa'no kung dalhin ko na lang 'to sa dry cleaner? Papalabhan ko tas ibabalik ko na lang sa 'yo.""It's windy outside, wear it."Muling ibinalot ni Mason ang coat sa kanya. Naisip ni Eys na malamang wala na siyang gamot na makukuha ngayong gabi, pero buti na lang may ilang araw pa siyang stock sa bahay.Sabay silang lumabas sa Hoemen Club at agad na nakita ni Eys ang sasakyan ng lalaking nagbibigay mg gamot na nakaparada sa harap.Si Sandro, na espiya ni Cassie Lopez, ay nakaupo sa loob ng sasakyan nito at nagyoyosi. Kapag nakita nitong magkasama sila ni Mason...Halos hindi maisip ni Eys kung ano pang bagong paraan ng pagpapahirap ang maiisip ni Miss Lopez sa kaniya.Tumigil ang sasakyan ni Mason at nauna itong sumakay.Si Sandro, na abala sa paglalaro sa cellphone, ay napatingin at napansin si Eys.Ang aga namang natapos ngayon?Hindi siya nag-isip nang malalim at bumaba sa sasakyan. Nakita ito ni Eys, kaya't nagmadali siyang sumakay sa kotse. Pero bago niya pa maisara ang pinto, may
Paglabas at pasok ni Eys, ang init sa kotse ay nawala. Hinila niya ang kanyang coat nang mas mahigpit, halos gusto niyang itago ang buong katawan niya rito.Hindi dumiretso ang kotse sa bahay niya kundi sa isang restaurant.“Eat something." Bumaba si Mason ng kotse pagkatapos niyang sabihin iyon.Pagkaupo sa lamesa ay mabilis na naihain ang mga pagkain, halatang inayos na nang maaga. Nilagay ng waiter ang isang mangkok ng sabaw sa harap niya, at nang buksan ang takip nito, umuusok pa ito.“Eat, and I'll take you home after you're done."Gutom na talaga si Eys, at pagkatapos uminom ng isang lagok ng mainit na sabaw, naramdaman niyang para siyang isang patay na tao na muling nabuhay.Naalala ni Mason na malakas kumain si Eys, kaya’t maraming pagkain ang in-order niya. Si Eys naman ay abala sa paghigop ng sopas, at nagulat nang marinig ang sinabi ni Yu Zhi.“If you really want to find a man, go back to find Kai Rylan, he's better than that man."Nasa kalagitnaan siya ng pagnguya ng malam
Binanggit niya ang isang mahabang numero, saka nagpatuloy, “ipinapahayag ko gamit ang tunay kong pangalan na ang anak ni Zon Reyes na si Shan Reyes ay inaabuso ang kapangyarihan ng pamilyang Reyes para gipitin ang ibang tao. Ilang beses niya rin akong tinangkang piliting sipingin at sinubukang pwersahin sa pamamagitan ng mga pekeng utang. Hinihiling ko sa mga kaugnay na ahensya na mahigpit na imbestigahan si Shan Reyes at ang buong pamilyang Reyes.”Halos magdilim ang mukha ng matandang Reyes sa narinig niya sa prerecorded video. Kaya agad na inabot ni Chen ang cellphone ni Eys at dinelete ang video. Pero nanatiling kalmado lang si Eys habang tinitingnan ang ginawang pagdelete ni Chon. "May backup ako sa laptop at email. Alam ko kung ga'no kalaki ang impluwensya ni Mr. Reyes, pero kapag kumalat ito, siguradong magkakaroon 'to ng malaking epekto sa negosyo niyo man o sa personal na buhay."Tahimik lang si Mason habang pinapakinggan ang sinasabi ni Eys. Kalmado ang boses nito, pati na
Hinila ni Reyes ang lubid sa bintana at nasugat ang mga palad niya dahil sa pagkiskis nito dahil sa pag-anagat niya kay Eys.Hindi alintana ni Mason si Reyes na nahihirapan at agad na lumapit siya sa bintana at inilabas ang kanyang kalahating pang-itaas na katawan at dahan-dahang hinila ang lubid din pataas.Walang suot na kahit anong tela si Eys para makahawak ang kahit na sino na hihila sa babae pataas. Mahigpit na hinawakan ni Mason ang bintana gamit ang isang kamay at habang ang kabila naman ay nakayakap sa baywang ng babae para maiangat ito.Ang katawan ni Eys ay sobrang lamig na parang niyayakap ang isang bloke ng yelo si Mason ng mahawakan niya ang katawan nito. May mga yabag sa labas ng pinto pero hindi niya iyon pinansin at inasikaso ang babae. Inilagay ni Mason si Eys sa kama at mabilis na kinuha ang kumot para ibalot ito sa kanya.Bang!Mabilis na sumara ang pinto ng kwarto at pumasok ang matandang Reyes at ang kanyang stepson.Nakatayo lang si Shan malapit sa bintana at na
"Tinalian mo na nga ako, anong silbi ng pagsigaw? P'wede mo namang takpan ang bibig ko, o 'di kaya’y higpitan mo pa ng todo."Nang maisip iyon ni Shan, pumayag siya.Kahit pa sigaw siya nang sigaw, sino bang tutulong sa babae?Tinali ni Shan nang mahigpit si Eys at siniguro ang buhol. Nang matapos, ngumiti ito nang may kasiyahan."Hintayin mo ako."Pero 'di na ito makapaghintay.Pumasok si Shan sa banyo para maligo. Ayaw niyang gumamit ng bathrobe sa lugar na 'yon sa isipang madumi ito kaya lumabas siyang naka-shorts lang.Hindi mapakali si Eys. Alas-dos na.Tiningnan niya si Shan habang papalapit ito. Medyo kinakabahan siya. "Mr. Reyes, p'wede mo na bang ibigay ang IOU ngayon?""Mamaya na pagkatapos natin.""Dinala mo ba? Ipakita mo nga sa ’kin."Gustong yakapin ni Reyes si Eys pero mabilis itong umakyat sa kama. Maliit lang ang kwarto at halos katabi ng kama ang bintana.Napapaatras si Eys papunta sa gitna ng higaan, halatang kinakabahan. Pero hinila siya ni Shan gamit ang lubid par
Mabilis siyang hinila ni Eys papasok at isinara ang pinto. "Mr. Reyes, hindi mo ba naiisip na mas masaya dito? Lagi ka na sigurong nasa mga five-star hotel. Eh, pa'no kung medyo wild ang mangyari? Ayaw mo namang mapahiya, 'di ba?" Rason ni Eys.Tinitigan lang siya ni Shan. Sa bawat salitang binibitawan ng babae, halatang may halong panunukso rito.At nadala siya.Hinila niya si Eys papunta sa kanya at sinubukang halikan ang babae. "Eh, bakit nakatayo ka pa?"Sinubukan siyang itulak ni Eys pero dumampi na ang labi niya sa pisngi nito.Ang bango ni Eys—para itong natural na pamapalibog. Tuluyan nang nawala sa kontrol si Shan."Mr. Reyes, sandali lang!""Hindi ko na kayang maghintay!"Nagpumiglas si Eys mula sa mga bisig nito. "May inihanda ako para sa 'yo.""Ano 'yon?" tanong ni Shan habang bahagyang lumuwag ang pagkakahawak niya sa babae.Naglakad si Eys papunta sa kama at binuksan ang dala niyang bag. Mula rito, inilabas niya ang makapal na lubid.Tumaas ang kilay ni Shan. "Itatali mo
Sa ganitong bagay, mataas ang pamantayan ni Mason. Bukod sa magandang mukha, gusto niya ng malalambot na kamay at balingkinitang katawan—katulad ng kay Astrid.Nawala ang init na nararamdaman ni Cassie, kaya hindi na niya itinuloy ang ginagawa.Samantala, ang mga marka sa katawan ni Eys na gawa ni Mason ay hindi pa rin nawawala kahit ilang araw na ang lumipas, kaya napilitan siyang magsuot ng mga turtle neck na mga damit araw-araw kahit sobrang init sa Pinas.Mainit sa opisina, kaya tumutulo ang pawis sa noo ni Eys habang nagta-type sa laptop niya. Habang abala at naiinis sa nararamdamang init, biglang may narinig siyang papalapit na mga yabag."Sa wakas, nahanap rin kitang bruha ka," sabi ni Vincent nang tumigil ito sa tabi niya.Tumigil si Eys sa ginagawa at tumingin sa kaibigan. "Sabihin mo na agad."Nagmasid si Vincent sa paligid bago bumulong kay Eys.Mahinang pinisil ni Eys ang kanyang palad. "Sigurado ba 'yang balita mo?""Oo naman! Ginamit ko lahat ng koneksyon ko para dito,"
"Alam mo kung bakit ginawa ni Mason ang mga bagay na 'yon sa 'yo? Para kanino? Para sa 'kin! Para ipakita sa 'kin na kaya ka niyang kunin sa isang pitik niya lang ng daliri!"Narinig ni Eys bawat salita ni Shan, pero hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit ito."Hindi naman ako umaasa sa kanya at hindi na ako nangangarap ng isang Mason Hunter Sy na luluhod sa 'kin para damputin ako sa lupa gaya ng pagpulit niya kay Miss Lopez," sagot ni Eys, kalmadong tumatawa nang sarkastiko. "Nakakatawa 'yang mga salitang 'hindi makalimutan' at 'hindi kayang bitawan' kung gagamitin sa 'kin."Alam niyang ang tanging hindi kayang bitawan ni Mason ay si Cassie."Kita mo naman kung ga'no kahalaga si Miss Lopez para sa kanya, 'di ba? Iniwan niya ako rito nang hindi man lang iniisip kung anong kahihiyan ang haharapin ko. Kahit mag-iwan ng isang damit para takpan ang sarili ko, wala siyang binigay sa 'kin. Kulang pa ba ang pagaparamdam niya na madumi ako at kaladkarin para hindi pa manuot sa kala
"Young Master," sabi ni Shan na may bahid ng hilaw na ngiti, "lumabas ka rin sa wakas."Dumaan lang si Mason sa tabi nito at sinabihan si Leonardo ng isang salita. "Go."Hindi na kailangang magtaboy ng tao. Nagmamadali na siyang umalis.Naiwan si Eys sa kwarto. Nang sipain ni Shan ang pinto pabukas, nakita niya ang likod ni Eys na nagmamadaling papasok sa loob."Ang tapang mo palang gawin ang ganyan, pero wala kang mukhang maiharap para lumabas?"Ang mabigat nitong boses ay narinig ni Mason kahit ilang hakbang na siyang lumayo. Sandali huminto ang mga paa ng lalaki pero hindi na siya lumingon.Kalahati na ng mga tao ang napaalis ni Leonardo, pero may ilan pa rin ang nasa labas at nakikiusyuso."Master, hahanapan ko ng paraan para palabasin si Miss Javier.""Cassie is here, right at the door."Tumango si Mason at tuluyang lumabas.Si Eys naman ay takot na baka pumasok ang grupo ni Reyes, kaya tumakbo siya sa bintana at nagtago sa likod ng kurtina.Dalawang lalaking kasunod ni Shan ang
"If you asked me to save you, I might agree if my heart softens. But if it's someone else, bakit ko naman gagawin?"Parang gumuho ang mundo ni Eys. Bago pa makapag-isip si Mason kung bakit niya nasabi 'yon, nakita niyang pilit ngumiti ang babae at umiwas ng tingin."I just asked casually, I'm afraid that one day it will really happen.""Eh 'di hayaan mo siyang mamatay."Nanlamig si Eys sa sinabi ni Mason. Parang tumigil ang pagdaloy ng dugo sa katawan niya.Dapat nga siguro nagpapasalamat siya na hindi niya ibinuhos lahat kay Reyes o naglagay ng malaking tiwala kay Mason. Hirap na nga itong tumulong sa kanya, paa'no pa kaya kay Fiona?Nagpatuloy ang ingay sa labas, kaya napatingin si Eys kay Mason. "P'wede bang gumawa ka ng paraan para paalisin 'yong mga tao?"Naiiritang tumayo si Mason. He didn't want to be blocked like this, so annoying and ridiculous.Kinuha niya ang cellphone niya at tatawagan sana si Leonardo para ayusin ito, pero naunahan siya ng tawag ni Cassie.Tinitigan niya
Biglang malakas na pinukpok ni Shan ang pinto. “Eys, lumabas ka diyan!”Ang kanyang malalaking galaw ay nagsimulang makaakit ng pansin mula sa mga taong naroroon.May mga tao nang lumalapit. “Mr. Shan, anong nangyayari?”Hinithit ni Shan ang sigarilyo. “May nakakita sa kasama kong babae na kinaladkad papasok dito. Ngayon, sabihin niyo nga, nakita niyo ba ako?”Nagtinginan ang lahat sa isa’t isa. “Wala kaming nakita.”Itinapat ni Shan ang camera sa sarili. “Cassie, pupunta ka ba o hindi? Kapag nagtagal ka pa, baka tapos na ang ginagawa nila sa loob, at baka ulitin pa nila. Do you believe it?”Sa loob, binitiwan ni Eys ang kanyang mga kamay habang nakatitig sa mukha ni Mason.Ang mga mata nito ay malalim, puno ng kadiliman na parang isang demonyo.Nakakatakot talagang tingnan ang lalaki sa ganitong estado.Inangat ni Eys ang pilak na kwintas na dumulas mula sa kanyang balikat habang nakikita niyang magbubukas ng pinto si Mason.Agad niyang hinawakan ang braso nito at bahagyang umiling.