"Young Master, kumain ka na lang nang maayos, 'wag mo na akong gipitin."Tinitigan ni Mason si Eys sa salamin. "What are you doing standing at the door? Come here."Pumasok siya at tinitigan siya ni Mason na may hindi maipaliwanag na ekspresyon. "Close the door.""Gusto mo bang gamitin 'tong banyo? Lalabas na lang ako."Hinawakan ni Mason ang kanyang mga balikat at itinulak ang pinto gamit ang isa niyang kamay. Napakakinis ng galaw ng lalaki, at napadikit si Eys sa likod ng pinto.Yumuko siya, pinilit niyang manatiling nakasandal sa pinto ang babae, ang kanyang baba ay nasa ibabaw ng ulo ni Eys."I've tried it in your room, it's not bad. I want to try it here too."Nagsimula nang magpumiglas ang kanyang mga balikat."Huwag ka ngang magbiro ng ganiyan, magaling lang magluto ang nanay ko...""Just go in for a while, that's enough." Puno ng sensasyong bulong ng lalaki sa kaniya.Nagsimula nang uminit ang pakiramdam ni Eys. Bahay niya 'to—pa'no nagagawang maging ganito kawalang-galang si
Ang puting alak ay binili lang ng ginang mula sa supermarket sa ibaba—medyo maganda na iyon, coconut wine na nagkakahalaga ng dalawang daang piso.Umiling si Mason. "I don't drink.""Sige, juice na lang." Binigyan ni Carina si Mason ng bagong set ng mga plato at kubyertos, na lahat ay bagong bili ngayong araw lang."Eys, bakit nakatayo ka lang diyan na para kang poste? Umupo ka na."Naupo si Eys sa tabi ni Mason. Ang mga lutong bahay ni Carina ay masarap. Marami rin itong biniling nilagang pagkain para siguradong hindi mapabayaan ang bisita."Mason, huwag ka nang magtingin-tingin pa, kumain ka na.""Okay."Kumuha na ng kutsara at kubyertos si Mason. Hindi siya talaga malakas kumain, kaya nang itinaas ni Carina ang kanyang baso para mag-toast, nakinig ito nang maayos at ginamit ang disposable na paper cup."Mason, maraming salamat. Kung hindi dahil sa 'yo, hindi makakasama si Freya sa amin ngayon para kumain. Talagang salamat."Pero ang sagot ni Mason ay parang roller coaster para kay
Inilapag ni Mason ang kutsara niya sa mesa, mabigat ang tunog at napabusangot siya.Pasimpleng tiningnan ni Eys ang lalaki. Nakakunot ang noo nito, na para bang handa itong takutin ang lahat."Kalma ka lang.""You can let me calm down, just be obedient."Hindi alam ni Eys kung ano ang balak nito. Kaya bahagya kumunot ang noo niya. "Napakaganda ng tingin ni Mama sa ’yo. Iniisip niyang kagalang-galang at mabuti ang asal mo. Huwag mong gawin..."Huwag kang gumawa ng kabastusan."Open your mouth."Namula nang bahagya ang mukha ni Eys, at mas hinigpitan niya ang pagkakatikom ng kanyang mga labi.Tiningnan siya ni Mason nang may panunukso."What do you think I want you to eat? What can I give you to eat here?"Wala?Kung gano'n, ano 'yong ginawa nito sa kaniya sa banyo kanina?"Open your mouth quickly."Nakita ni Eys ang kanyang ina na naglalakad sa kusina, kaya wala siyang nagawa kundi sundin ang lalaki. Dahan-dahan niyang binuksan ang bibig."Mas malaki pa."Napangiti si Mason nang makita
Ibinaba ni Freya ang tingin, pilit na pinapakalma ang sarili para hindi mag-alala ang kanyang pamilya. Pero ang aso nilang kasama niya nang matagal ay hindi niya makalimutan, kaya mabilis ang paghinga niya.Hindi matiis ni Eys na gawing kasangkapan ang kanyang pamilya sa ganitong paraan. Plano niyang dalhin si Freya pabalik sa kwarto, pero hinawakan ng lalaki ang kanyang balikat.Mabilis niyang inalis ang kamay nito."Ano pa ang gusto niyo? Tinawagan ko na ang pulis. Ang ginagawa niyo ay iligal—pumasok kayo nang walang pahintulot.""Pero wala naman kaming ginawa sa inyo.""May sinaktan ba kami? Wala. May ninakaw ba kami? Wala. Nagbibiro lang kami sa kapatid mo, pero natakot siya."Nawala si Ginoong Javier, kaya si Carina, bilang ina, ay dapat sana ang tumayo para ipagtanggol ang pamilya. Pero duwag siya at araw-araw na nabubuhay sa takot, parang isang daga sa kalsada.Ang tanging nagtatanggol sa pamilya ay si Eys.Sinubukang hilahin ng lalaki si Eys, pero hindi siya nagpaawat. Ang mga
Agad na sinarado ng mga bodyguard ang pinto.Hinubad ni Mason ang kanyang itim na coat, at bumungad ang suot niyang itim na suit. Inihagis niya ang coat kay Leonardo."This man's mouth is too dirty, he needs to wash it.""Naiintindihan ko."Tumingin si Mason kina Carina at Freya, na nanginginig pa rin habang magkayakap. "Let them stay in the room first."Mabilis na inakay ni Eys sina Freya at Carina papunta sa silid. Hindi pa rin naiintindihan ng mga lalaki ang sitwasyon. "Sino ka? Huwag kang makialam sa hindi mo laban!"Narinig ni Freya ang mga hiyawan mula sa labas ng silid, kaya't bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa takot. "Ate..."Ngumiti si Eys sa kapatid, "ayos lang. May tumutulong sa atin. Kung natatakot ka, takpan mo na lang ang mga tenga mo.""Sige po."Isinara ni Eys ang pinto at bumalik sa sala. Masyadong maliit ang kwarto, kaya't siksikan ang lahat ng tao sa loob.Tinanong siya ni Mason, "gusto mo bang tapusin na dito, o ilabas sila?"Alam ni Eys na hindi matatapos nan
"It's okay," sagot ni Mason. Dagdag pa niya, "you cook delicious dishes.""Totoo? Nagustuhan mo? Kumain ka pa." Nagmadaling inalok siya ni Carina ng pagkain.Pero ayaw nang kumuha ni Mason ng kutsara. "But I'm already full.""Kaunti lang ang kinain mo kanina."Mabilis na kumuha si Eys ng pagkain para kay Carina. "Ma, konti lang talaga siya kumain sa gabi, nagpapapayat kasi siya.""Nagpapapayat pa siya?" Napatingin si Carina kay Mason habang tinitignan ang kanyang payat na baywang.Samantala, nananatiling maputla si Freya, tila hindi pa nakakabawi sa nangyari. Tiningnan siya nang nag-aalala ni Eys, "Freya, ayos ka lang ba?"Pakiramdam ni Freya ay napakasakit ng mga sinabi ng mga tao kanina. "Ate, totoo ba na maaga akong mamamatay?""Anong kalokohan 'yan!" Medyo bumigat ang tono ni Eys, pero nanatili siyang banayad habang kinakausap ang kapatid. "Freya, huwag mong dibdibin ang sinabi ng mga walang kwentang tao na 'yon.""Sige." Inisip ni Freya na naroon pa si Mason, at kahit masama ang
"Uy, may naghahalikan," sabi ng isang boses mula sa hindi kalayuan.Napadilat si Eys sa takot at tumingin. Dalawang kapitbahay nila mula sa itaas ang nakita niya. Ang batang babae ay nasa junior high school pa lang. Nang makita ang eksena, agad nitong tinakpan ang mga mata nito gamit ang mga kamay.Ang kasama naman nitong kaklase ay namula ang mukha. "Ang tapang ng mga tao sa lugar niyo."Ayaw ni Eys na makita ng iba kaya siniksik niya ang kanyang balikat na parang pagong at ibinaon ang ulo sa dibdib ni Mason.Parang naramdaman niyang wala iyong epekto, kaya't hinila niya ang suit ni Mason at idinikit pa ang mukha roon.Ang dalawang batang babae, kahit tinatakpan ang mga mata, ay tumitingin pa rin ng pasimple sa pagitan ng mga daliri. Hindi nila makita ang mukha ng babae, pero ang gilid ng mukha ng lalaki ay kahanga-hanga at sobrang gwapo, lalo na siguro ang harap nito.Nang dumaan sila kay Mason, dahan-dahan ang lakad nila."Hurry up," sabi nito na puno ng inis.Para itong yelo sa la
Inilapit ni Eys ang gunting sa labi ng lalaki, tila nilalagari ito. Wala namang sugat o dugo, pero may tunog na matinis at nakakapangilabot.Halos mawalan ng ulirat ang lalaki.Nanginig ito at biglang napahikbi habang bumaba ang gunting ni Eys. "Palalayain kita, basta ba 'wag ka nang magpakita sa bahay namin, ayos ba?"Agad na tumango ang lalaki.Narinig din ni Mason ang sinabi ni Eys. Is that it? Still want to let him go like this?Nakatayo si Eys na nakatalikod kay Mason, bahagyang nakayuko, at ang tunog ng bumabagsak na gunting ay umalingawngaw sa kwarto.Nanlaki ang mata ng lalaki at sa wakas ay napasigaw. "Ahhh—"Huwag mong guntingin!"Hinding-hindi na kita guguluhin! Hindi na ako magpapakita sa 'yo! Ahhh—"Tila bumabawi ng galit si Eys. Takot na takot ang lalaki, nanginginig ang buong katawan nito. Nang matantiya ni Eys na sapat na iyon, ibinalik niya ang gunting.Tumalikod siya at naglakad palabas. Binuksan ni Mason ang pinto. Ang lalaki ay halos mawalan ng ulirat sa sobrang ta
Binanggit niya ang isang mahabang numero, saka nagpatuloy, “ipinapahayag ko gamit ang tunay kong pangalan na ang anak ni Zon Reyes na si Shan Reyes ay inaabuso ang kapangyarihan ng pamilyang Reyes para gipitin ang ibang tao. Ilang beses niya rin akong tinangkang piliting sipingin at sinubukang pwersahin sa pamamagitan ng mga pekeng utang. Hinihiling ko sa mga kaugnay na ahensya na mahigpit na imbestigahan si Shan Reyes at ang buong pamilyang Reyes.”Halos magdilim ang mukha ng matandang Reyes sa narinig niya sa prerecorded video. Kaya agad na inabot ni Chen ang cellphone ni Eys at dinelete ang video. Pero nanatiling kalmado lang si Eys habang tinitingnan ang ginawang pagdelete ni Chon. "May backup ako sa laptop at email. Alam ko kung ga'no kalaki ang impluwensya ni Mr. Reyes, pero kapag kumalat ito, siguradong magkakaroon 'to ng malaking epekto sa negosyo niyo man o sa personal na buhay."Tahimik lang si Mason habang pinapakinggan ang sinasabi ni Eys. Kalmado ang boses nito, pati na
Hinila ni Reyes ang lubid sa bintana at nasugat ang mga palad niya dahil sa pagkiskis nito dahil sa pag-anagat niya kay Eys.Hindi alintana ni Mason si Reyes na nahihirapan at agad na lumapit siya sa bintana at inilabas ang kanyang kalahating pang-itaas na katawan at dahan-dahang hinila ang lubid din pataas.Walang suot na kahit anong tela si Eys para makahawak ang kahit na sino na hihila sa babae pataas. Mahigpit na hinawakan ni Mason ang bintana gamit ang isang kamay at habang ang kabila naman ay nakayakap sa baywang ng babae para maiangat ito.Ang katawan ni Eys ay sobrang lamig na parang niyayakap ang isang bloke ng yelo si Mason ng mahawakan niya ang katawan nito. May mga yabag sa labas ng pinto pero hindi niya iyon pinansin at inasikaso ang babae. Inilagay ni Mason si Eys sa kama at mabilis na kinuha ang kumot para ibalot ito sa kanya.Bang!Mabilis na sumara ang pinto ng kwarto at pumasok ang matandang Reyes at ang kanyang stepson.Nakatayo lang si Shan malapit sa bintana at na
"Tinalian mo na nga ako, anong silbi ng pagsigaw? P'wede mo namang takpan ang bibig ko, o 'di kaya’y higpitan mo pa ng todo."Nang maisip iyon ni Shan, pumayag siya.Kahit pa sigaw siya nang sigaw, sino bang tutulong sa babae?Tinali ni Shan nang mahigpit si Eys at siniguro ang buhol. Nang matapos, ngumiti ito nang may kasiyahan."Hintayin mo ako."Pero 'di na ito makapaghintay.Pumasok si Shan sa banyo para maligo. Ayaw niyang gumamit ng bathrobe sa lugar na 'yon sa isipang madumi ito kaya lumabas siyang naka-shorts lang.Hindi mapakali si Eys. Alas-dos na.Tiningnan niya si Shan habang papalapit ito. Medyo kinakabahan siya. "Mr. Reyes, p'wede mo na bang ibigay ang IOU ngayon?""Mamaya na pagkatapos natin.""Dinala mo ba? Ipakita mo nga sa ’kin."Gustong yakapin ni Reyes si Eys pero mabilis itong umakyat sa kama. Maliit lang ang kwarto at halos katabi ng kama ang bintana.Napapaatras si Eys papunta sa gitna ng higaan, halatang kinakabahan. Pero hinila siya ni Shan gamit ang lubid par
Mabilis siyang hinila ni Eys papasok at isinara ang pinto. "Mr. Reyes, hindi mo ba naiisip na mas masaya dito? Lagi ka na sigurong nasa mga five-star hotel. Eh, pa'no kung medyo wild ang mangyari? Ayaw mo namang mapahiya, 'di ba?" Rason ni Eys.Tinitigan lang siya ni Shan. Sa bawat salitang binibitawan ng babae, halatang may halong panunukso rito.At nadala siya.Hinila niya si Eys papunta sa kanya at sinubukang halikan ang babae. "Eh, bakit nakatayo ka pa?"Sinubukan siyang itulak ni Eys pero dumampi na ang labi niya sa pisngi nito.Ang bango ni Eys—para itong natural na pamapalibog. Tuluyan nang nawala sa kontrol si Shan."Mr. Reyes, sandali lang!""Hindi ko na kayang maghintay!"Nagpumiglas si Eys mula sa mga bisig nito. "May inihanda ako para sa 'yo.""Ano 'yon?" tanong ni Shan habang bahagyang lumuwag ang pagkakahawak niya sa babae.Naglakad si Eys papunta sa kama at binuksan ang dala niyang bag. Mula rito, inilabas niya ang makapal na lubid.Tumaas ang kilay ni Shan. "Itatali mo
Sa ganitong bagay, mataas ang pamantayan ni Mason. Bukod sa magandang mukha, gusto niya ng malalambot na kamay at balingkinitang katawan—katulad ng kay Astrid.Nawala ang init na nararamdaman ni Cassie, kaya hindi na niya itinuloy ang ginagawa.Samantala, ang mga marka sa katawan ni Eys na gawa ni Mason ay hindi pa rin nawawala kahit ilang araw na ang lumipas, kaya napilitan siyang magsuot ng mga turtle neck na mga damit araw-araw kahit sobrang init sa Pinas.Mainit sa opisina, kaya tumutulo ang pawis sa noo ni Eys habang nagta-type sa laptop niya. Habang abala at naiinis sa nararamdamang init, biglang may narinig siyang papalapit na mga yabag."Sa wakas, nahanap rin kitang bruha ka," sabi ni Vincent nang tumigil ito sa tabi niya.Tumigil si Eys sa ginagawa at tumingin sa kaibigan. "Sabihin mo na agad."Nagmasid si Vincent sa paligid bago bumulong kay Eys.Mahinang pinisil ni Eys ang kanyang palad. "Sigurado ba 'yang balita mo?""Oo naman! Ginamit ko lahat ng koneksyon ko para dito,"
"Alam mo kung bakit ginawa ni Mason ang mga bagay na 'yon sa 'yo? Para kanino? Para sa 'kin! Para ipakita sa 'kin na kaya ka niyang kunin sa isang pitik niya lang ng daliri!"Narinig ni Eys bawat salita ni Shan, pero hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit ito."Hindi naman ako umaasa sa kanya at hindi na ako nangangarap ng isang Mason Hunter Sy na luluhod sa 'kin para damputin ako sa lupa gaya ng pagpulit niya kay Miss Lopez," sagot ni Eys, kalmadong tumatawa nang sarkastiko. "Nakakatawa 'yang mga salitang 'hindi makalimutan' at 'hindi kayang bitawan' kung gagamitin sa 'kin."Alam niyang ang tanging hindi kayang bitawan ni Mason ay si Cassie."Kita mo naman kung ga'no kahalaga si Miss Lopez para sa kanya, 'di ba? Iniwan niya ako rito nang hindi man lang iniisip kung anong kahihiyan ang haharapin ko. Kahit mag-iwan ng isang damit para takpan ang sarili ko, wala siyang binigay sa 'kin. Kulang pa ba ang pagaparamdam niya na madumi ako at kaladkarin para hindi pa manuot sa kala
"Young Master," sabi ni Shan na may bahid ng hilaw na ngiti, "lumabas ka rin sa wakas."Dumaan lang si Mason sa tabi nito at sinabihan si Leonardo ng isang salita. "Go."Hindi na kailangang magtaboy ng tao. Nagmamadali na siyang umalis.Naiwan si Eys sa kwarto. Nang sipain ni Shan ang pinto pabukas, nakita niya ang likod ni Eys na nagmamadaling papasok sa loob."Ang tapang mo palang gawin ang ganyan, pero wala kang mukhang maiharap para lumabas?"Ang mabigat nitong boses ay narinig ni Mason kahit ilang hakbang na siyang lumayo. Sandali huminto ang mga paa ng lalaki pero hindi na siya lumingon.Kalahati na ng mga tao ang napaalis ni Leonardo, pero may ilan pa rin ang nasa labas at nakikiusyuso."Master, hahanapan ko ng paraan para palabasin si Miss Javier.""Cassie is here, right at the door."Tumango si Mason at tuluyang lumabas.Si Eys naman ay takot na baka pumasok ang grupo ni Reyes, kaya tumakbo siya sa bintana at nagtago sa likod ng kurtina.Dalawang lalaking kasunod ni Shan ang
"If you asked me to save you, I might agree if my heart softens. But if it's someone else, bakit ko naman gagawin?"Parang gumuho ang mundo ni Eys. Bago pa makapag-isip si Mason kung bakit niya nasabi 'yon, nakita niyang pilit ngumiti ang babae at umiwas ng tingin."I just asked casually, I'm afraid that one day it will really happen.""Eh 'di hayaan mo siyang mamatay."Nanlamig si Eys sa sinabi ni Mason. Parang tumigil ang pagdaloy ng dugo sa katawan niya.Dapat nga siguro nagpapasalamat siya na hindi niya ibinuhos lahat kay Reyes o naglagay ng malaking tiwala kay Mason. Hirap na nga itong tumulong sa kanya, paa'no pa kaya kay Fiona?Nagpatuloy ang ingay sa labas, kaya napatingin si Eys kay Mason. "P'wede bang gumawa ka ng paraan para paalisin 'yong mga tao?"Naiiritang tumayo si Mason. He didn't want to be blocked like this, so annoying and ridiculous.Kinuha niya ang cellphone niya at tatawagan sana si Leonardo para ayusin ito, pero naunahan siya ng tawag ni Cassie.Tinitigan niya
Biglang malakas na pinukpok ni Shan ang pinto. “Eys, lumabas ka diyan!”Ang kanyang malalaking galaw ay nagsimulang makaakit ng pansin mula sa mga taong naroroon.May mga tao nang lumalapit. “Mr. Shan, anong nangyayari?”Hinithit ni Shan ang sigarilyo. “May nakakita sa kasama kong babae na kinaladkad papasok dito. Ngayon, sabihin niyo nga, nakita niyo ba ako?”Nagtinginan ang lahat sa isa’t isa. “Wala kaming nakita.”Itinapat ni Shan ang camera sa sarili. “Cassie, pupunta ka ba o hindi? Kapag nagtagal ka pa, baka tapos na ang ginagawa nila sa loob, at baka ulitin pa nila. Do you believe it?”Sa loob, binitiwan ni Eys ang kanyang mga kamay habang nakatitig sa mukha ni Mason.Ang mga mata nito ay malalim, puno ng kadiliman na parang isang demonyo.Nakakatakot talagang tingnan ang lalaki sa ganitong estado.Inangat ni Eys ang pilak na kwintas na dumulas mula sa kanyang balikat habang nakikita niyang magbubukas ng pinto si Mason.Agad niyang hinawakan ang braso nito at bahagyang umiling.