"Senyorito Dave, na korner na ng mga pulis ang sasakyan ng mga kidnaper ni Leslie." wika ni Mang Ben na sa harapan nito nakatingin."Lapitan mo Mang Ben." utos ni Dave.Pinausad ni Mang Ben ang sasakyan ngunit hindi sila gaanong nakalapit dahil pinatigil na sila ng mga pulis na nakapalibot sa lugar."Hindi na kayo pwedeng tumuloy. Mag ibang way na lang kayo." ani ng isang pulis sa kanila."Sir, ako ang asawa ng kinidnap ng mga kidnapers. I'm Dave Justin Alarcon, Ako ang tumawag at nag report sa inyo na nakidnap ang asawa ko. Please.., gusto kong malaman ang nangyayari at hayaan ninyo akong makalapit at makita ang asawa ko." Pagpapakilala ni Dave na kinuha sa wallet niya ang kanyang drivers license at ipinakita iyon sa pulis na kumausap sa kanila.Tinanggap ng pulis ang id ni Dave at tinignan iyon. Matapos ay ibinalik rin kay Dave."SP04 Ernesto Flores, Mr. Alarcon. Sorry.., pero hindi ka pwedeng lumapit. Costales, bantayan ninyo si Mr. Alarcon." pagpapakilala rin ng pulis kay Dave."W
Nakita nila Dave ng ilabas ni Maynard si Leslie sa sasakyan na tinutukan ng baril sa sentido at ang isang kasama pa ni Maynard ay tinutukan din ng baril ang tiyan ng asawa niya.Napapamura si Dave sa kanyang nasasaksihan. "No..., no.., no.. Fuck shit..!! Leslie.. oh god, please.. Leslie.." sambit ni Dave na sobra na ang pag aalala para sa asawa't magiging anak."Please..,, iligtas ninyo ang asawa ko. Damn shit..!! Leslie..!!" Pagsigaw ni Dave.Tatakbuhin na sana ni Dave si Leslie ng maagap siyang napigilan ng mga pulis. Napabaling ng tingin si Leslie sa pwesto nila Dave ng marinig niya ang pasigaw na pagtawag ni Dave sa pangalan niya."Dave.." umiiyak na bigkas ni Leslie na nakatingin sa direksyon nila Dave na mababanaag ang takot at pag aalala para sa kanya at sa baby nila."I'm sorry, Dave.., sorry.. Sorry.." usal ni Leslie na nakatitig sa asawang nagwawala.Ayaw naman papigil ni Dave sa mga pulis kaya sinigawan na siya ng isang pulis para tumigil na siya."Mr. Alarcon, Enough..!!"
Mabilis na nakarating ng ospital sina Dave. Nauna lang sila ng ilang minuto ni Leslie at nakasunod rin agad sina Mang Ben."Dave, ang baby natin?!" natatakot na iyak ni Leslie. Nang itinatakbo na siya papasok ng delivery room dahil patuloy pa rin ang pagtagas ng dugo sa kanyang mga hita."I know.., i know, Love. Hindi mawawala ang baby natin, Okay! Magiging okay si baby Dylan. Magiging okay ang anak natin, kayong dalawa." saad ni Dave na hawak pa rin ang kamay ni Leslie.Pagkarating nila sa labas ng delivery room ay pinigilan na si Dave ng nurse na makapasok sa loob."Sir, hindi kayo pwedeng pumasok sa loob ng delivery room." saad ng nurse ng harangan nito si Dave."Dave, wag mo kong iwan Dave, kailangan kita sa tabi ko." aning turan ni Leslie sa asawa ng marinig ang sinabi ng nurse."Sorry misis, pero hindi pwede si sir sa loob." ang doctor na ang sumagot kay Leslie na bagong dating.Napatingin si Dave sa doktora na nakikiusap ang kanyang mga mata ngunit inilingan siya ng ulo nito. T
Nagising si Leslie na nasa private room na at nakita niyang natutulog ang asawa sa mahabang sofa na naroon.Napansin naman siya ng biyenan niya ng bigla itong napasulyap sa kanya dahil sa nagawa niyang ingay ng kumilos siya ng makapa niya ang tiyan niyang lumiit na. Naalala niyang nanganak na nga pala siya."Gising ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo?" nakangiting tanong ni Digna sa manugang."Mom, ang baby ko? nasan ang baby ko?!" may kaba at pag aalalang tanong ni Leslie."Huminahon ka iha, your baby is safe. Nasa NICU ang anak mo, wag kang mag alala ang sabi naman ng doctor sa amin ay okay ang apo ko." mahinahong pagkausap ni Digna sa manugang."Mommy, gusto kong makita ang anak ko? please, pakisabi sa nurse na gusto kong makita ang baby ko." naluluhang turan ni Leslie dahil sa tuwa ng malamang maayos siyang nakapanganak at walang masamang nangyari sa anak nila ni Dave.Naalimpungatan naman si Dave ng marinig ang pag uusap ng ina at asawa niya."Love?! Leslie.. gising ka na, than
Makalipas ang dalawang araw ay nahawakan na rin ni Leslie ang katawan ni baby Dylan. Karga ito ng biyenan niyang babae, natatakot pa kase si Dave na buhatin ang anak nila na naiintindihan naman niya kung bakit. Napakaliit naman kase ng baby nila na natural lang dahil kulang pa sa araw ang baby nila ng ipanganak niya."Kamukha mo Leslie ang anak ninyo, tignan mo oh!" saad ni Digna na magiliw na ipinapakita ang mukha ng sanggol sa manugang."Mas mahal ko kase siya Mommy kaya ganon." komento ni Dave na natutuwa na pinagmamasdan ang ang ina niya, asawa at anak."Naniniwala ka sa ganong sabi-sabi? Parang hindi naman yun totoo. Mahal na mahal kaya kita.. Kaya dapat hawig natin dalawa si baby Dylan dahil pareho lang naman natin na mahal ang isat isa." malawak ang pagkakangiting saad ni Leslie."Sa ngayon mas kahawig ni Leslie si baby pero malalaman ninyo kung sino ang kamukha ng bata talaga sa paglipas pa ng ilang buwan. Kahit naman sino ang kamukha nitong baby ay napakaguwapo pa rin ng apo
"Grabe, ang bilis ninyong makabuo, kami ni Dailyn ay hindi pa rin masundan ang anak namin." saad ni Edward na naiinggit sa kaibigan."Sinong may sabi sayo na wala pang kasunod si Adrian?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Dailyn."A-anong ibig mong sabihin?!" takang tanong ng asawa ni Dailyn."Ibig sabihin ni Dailyn, buntis din siya at masusundan na ang inaanak ko." sagot ni Renz sa kaibigan na natutuwa."Hindi ikaw ang tinatanong ko, Bro." pasarkastikong wika ni Edward kay Clarenz.Tinawanan naman si Edward ng mga kaibigan nilang nakapaligid sa kanila."Hindi lang si Leslie ang buntis, ako rin. Dalawang buwan na akong buntis, Hon. Plano ko kaseng sabihin sana sa iyo sa birthday mo dahil malapit na rin naman na. Kaso nakikita ko sa mukha mo na naiinggit ka kay Dave." na kumapit sa braso ni Edward."Sorry.., Leslie, Dave, kung na spoil namin ang araw n'yo." dugtong pa ni Dailyn at masayang pagpapabatid ni Dailyn sa asawa na hindi naman nagpatalo kay Dave. Niyakap nito si Dailyn at
"Mamayang gabi na ang engagement party ninyo ni Aileen, Edward. Anong pakiramdam?" tanong ni Clarenz na nginitian lang ni Edward."Tinatanong pa ba yan, Renz? Alam naman natin kung gaano kamahal ni Edward si Aileen noon pa man. S'yempre sobrang saya ng kaibigan natin na 'to, dahil pagkatapos ng engagement nila ngayong gabi ay ilang linggo lang ang bibilangin ay ikakasal naman sila. Magiging asawa na niya ang babaeng kanyang pinakamamahal." masayang turan naman ni Colton na nilapitan si Edward at inakbayan.Malapad naman ang ngiti sa mga labi ni Edward dahil sa totoo lang ay masaya siyang talaga dahil ngayong gabi ay ia- announced na ang pagpapakasal nila ni Aileen. Pero sa isang banda ay nakakaramdam din siya ng kaba dahil batid n'ya ang pagtutol ni Aileen sa engagement party at lalo na sa pagpapakasal sa kanya.Lantaran naman kase iyong isinisigaw at ipinapakita sa kanya ni Aileen. Nasasaktan s'ya kapag itinataboy siya ng dalaga pero nahihirapan naman siyang layuan ito.High school p
Samantala sa bahay ng mga delos Santos ay mag isang nag inom ng wine si Dailyn sa kanilang beranda dahil hindi siya makatulog, habang ang kasambahay nila at ang kanyang ina ay kanina pa tulog. Naiisip n'ya kase ang ginawang pagtakas ng ate Aileen niya kanina.Iniisip din niya ang kung anong nararamdaman ni Edward ngayon dahil hindi natuloy ang engagement party. Naaawa s'ya sa lalaking matagal na niyang lihim na minamahal dahil alam niyang ang ate Aileen n'ya ang mahal nito kaya sinarili na lang niya ang nadarama para kay Edward.Una pa lamang n'yang nakita si Edward ng bumisita ito sa kanila upang manligaw sa kanyang ate Aileen ay may naramdaman na siya para sa lalaki na matatawag mong love at first sight. Kaya nga wala siyang pinapayagan na may manligaw sa kanya at binabasted niya rin agad dahil may itinitibok na ang kanyang puso na alam niya sa kanyang sarili na malabo namang masuklian ng lalaking kanyang itinatangi na sa tuwing ipinipilit ang sarili nito sa kanyang ate Aileen ay na
Nagpaalam si Dailyn kay Leslie na sasama na muna siya kay Edward at pupuntahan nila ang ate niya sa ospital.Nagpaiwan naman si Leslie sa mall at sinabing magkita na lang uli sila sa ibang araw.Pinuntahan nga nila Dailyn at Edward si Aileen sa ospital at kinausap."A-Ate.. Nagkausap na kami ni Edward. Okay na kaming dalawa, nagkaayos na kami. Ba-babalik na ko sa kanya, Ate.." nahihiyang saad ni Dailyn kay Aileen.Napabuntong hininga naman si Aileen."Napag isipan mo bang mabuti yan? sigurado ka bang hindi ka na paiiyakan ng lalaking yan?!" tanong ni Aileen sa kapatid na kay Edward ay seryosong nakatingin."Oh come on, Aileen. Alam ko namang nagkamali ako noon, pero pinagsisihan ko na yun at gusto kong bumawi sa kapatid mo lalo na ngayong magkakaanak na kami." angil ni Edward sa ate ni Dailyn.Sinamaan naman ng tingin ni Aileen si Edward. "Kapag sinaktan mo uli ang bunso namin Edward, tandaan mo hindi mo na siya uli makikita pa. Siraulo ka eh! katulad ka rin ng pinsan mong si Rodjun n
Pagkalapag ng eroplano sa Cebu at paglabas nila ng airport ay agad silang kumuha ng taxi at nagpahatid kung saang ospital naroroon si Aileen at kung nasaan si Dailyn ng oras din na 'yon. Hindi na sila nag aksaya pa ng oras dahil ang nais lang nila ay makita ng muli ang mga babaeng mahal nila.Nagpahatid na muna si Edward sa Sm seaside mall sa Cebu kung saan naroon ang kaibigan niyang nakasunod lang kay Dailyn. Habang sina Rodjun at Jasper naman ay nagpatuloy na sa Ospital kung saan nagtatrabaho si Aileen."Edward, naroon si Dailyn sa may seaside nakaupo. Nakikita mo yung dalawang babae na yon? yung isa may highlights sa buhok, si Dailyn ang kasama nun, lapitan mo na baka mawala na naman yan. Sige na, goodluck. Pagkakataon mo na ito, lapitan mo na." saad ni Dave nang makita na si Edward at ipinagtutulakan pa na lumapit na kay Dailyn.Huminga muna si Edward ng malalim bago naglakad palapit sa pwesto nila Dailyn at dahil nakaharap ang mga ito sa dagat habang nagkukwentuhan ay hindi agad
Isang buwan ang lumipas ay wala pa rin naging balita kay Dailyn at gabi-gabi na lang ay nag iinom si Edward, upang makatulog. Halos pinabayaan na ni Edward ang sarli niya, mabuti na lang at may co owner na manager siyang katulad ni Renz kaya kahit na hindi siya magtrabaho ay ayos lang din. At mula rin ng umalis si Dailyn sa bahay ng mga Cristobal ay hindi na maayos ang pakikitungo sa kanya ni Mayor. Sa nakalipas na mga araw mula ng umalis si Dailyn ay mas napatunayan pa niyang mahal na nga niya ang asawa. Oo, asawa na niyang tunay si Dailyn dahil ipinaayos na niya ang Marriage Contract na pinirmahan nilang dalawa. Naipanotaryo na niya ito at nakarecord na ang kasal nila sa munispyo, ganun din sa PSA. ( philippine statistic authority.). Laking pasalamat niya na itinago lamang niya ang papel at hindi niya pinunit.Lumipas pa ang ilang linggo na nanatili pa rin sa Cebu ang magkapatid na Aileen at Dailyn. May umbok na ang tiyan ni Dailyn na nasa tatlong buwan na, kaya halata ng nagdadal
Magkasama na ang magkapatid sa apartment na tinutuluyan ni Aileen. Inanyayahan nila na sumama si Leslie sa kanila ngunit tumanggi ito para raw magkasarilinan muna silang magkapatid kaya naman hindi na rin nila pinilit pa si Leslie."Kailan ka pa narito sa Cebu, Dailyn?" panimula ni Aileen sa usapan."Ilang araw pa lang ate Aileen, galing akong Singapore, 2 days ako roon kasama nang kaibigan kong si Chris. Tanda mo pa ba yung classmate ko nung college?""Oo, alam mo bang hinahanap ka ni Edward? Alam ko na ang naging problema ninyo. Sinabi ni Edward. Pinuntahan niya ako at nakiusap na sabihin ko kung nasaan ka. Ano naman ang sasabihin ko sa kanya, hindi ko nga alam kung nasaan ka at hindi ko akalain na makikita kita rito." litanya ni Aileen.Napahinga ng malalim si Dailyn ng maalala si Edward."Bakit ka nga ba umalis? sabihin mo sa akin ang totoo." curious na tanong ni Aileen dahil gusto niyang marinig ang side ni Dailyn."Ganito kase ang nangyari nung umalis ka nang araw ng engagement
Nakarating ng Cebu si Dailyn at magkasama na silang dalawa ni Leslie sa bahay ng lolo at lola ng kaibigan.Ipinakilala siya ni Leslie sa Lola Esmeralda at lolo Arturo nito at sa pinsan din nitong si Danilo.Nasa iisang kwarto lang silang dalawa at pareho ng nakahiga sa kama."Leslie, buntis ako." pagtatapat ni Dailyn.Napabangon naman ng upo bigla si Leslie sa sinabi ni Dailyn."Ows talaga?!""Oo, nalaman kong buntis ako ng nasa eroplano na kami ni Chris papuntang Singapore. Nakapagpacheck up na rin ako kahapon at isang buwan na nga akong nagdadalang tao.""Pinaalam mo na ba sa nakabuntis sa'yo Dailyn na magiging ama na siya?""Hindi pa, hindi pa ko makapagdesisyon, Leslie. Naguguluhan pa rin ang isip ko. Mahal ko si Edward pero kapag naalala ko ang ginawa niya ay naninibugho ako sa kanya.""Ano ba kase ang nangyari at nagkakaganyan ka? sabihin mo kaya sa akin para mapayuhan kita." wika ni Leslie.Napahingang malalim si Dailyn at nagsimulang ikwento kay Leslie ang lahat."Kung ibang t
Nang makalapag ang eroplanong kinalululanan ni Dailyn ay napabuntong hininga siya. Napahawak pa siya sa kanyang tiyan ng maalala niya ang mukha ni Edward. Hindi pa rin siya handang makita ang ama ng kanyang ipinagbubuntis.Ayaw pa rin niyang bumalik sa kanila sa Batangas, ayaw rin niyang tawagan ang Ate Aileen niya at ipaalam kung nasaan siya. Iniisip niya kase na baka malaman agad ni Edward kapag kay ate Aileen niya siya pupunta o humingi ng pabor. Nahihiya pa rin kase siya sa ate Aileen niya kahit alam niyang mauunawaan naman siya.Nang may nakatabi siyang pinay na nakasabayan niyang maglakad patungong immigration at marinig niya itong may kausap sa cellphone nito na ang gamit na lengguwahe ay salitang bisaya ay napangiti siya sa kanyang naisip dahil naalala niya ang kaibigang si Leslie na alam niyang kasalukuyang nasa Cebu.****Sa kabilang dako naman ay hindi pa rin tumitigil si Edward sa paghahanap kay Dailyn. Sinubukan na rin niyang kumuha ng Private Investigator upang mapadali
Sa Singapore naman ay nakarating na ang magkaibigang Dailyn at Chris ginawan na lang ng paraan ng staff ng eroplanong sinakyan nila kanina na ilipat na lang ng upuan si Dailyn at ganun na rin si Chris upang mabantayan nito ang kaibigan na panay ang pagduduwal."Andito na tayo Dai, gusto mo bang dumiretso tayo ng clinic? para makasigurado tayo kung buntis ka nga." ang sabi ni Chris na hila-hila pa ang mga maletang dala nila ni Dailyn. Hindi na niya hinayaan na mag bitbit pa ng mabigat ang kaibigan dahil sa nahihilo pa rin kase ito."Pwede ba na umuwe na lang tayo sa tinitirahan mo? mas gusto kong mag pahinga Chris." saad naman ni Dailyn."Oo, sige tara, doon tayo sa may taxi stand maghintay ng masasakyan." sagot ni Chris.Tahimik lamang sila na bumiyahe hanggang sa makarating sa inuupahang bahay ni Chris kasama ang Tita nito."Kanina ka pang tahimik Dailyn, ano bang iniisip mo?" basag sa katahimikan na tanong ni Chris."Kase Chris, malaki ang posibilidad na buntis talaga ako. Isang buw
Samantala naglakas loob na tumungo si Edward sa condo ng pinsan nitong si Rodjun. Ang lalaking sinamahan ng ate ni Dailyn nung tumakas ito sa araw ng engagement sana nila."Babe, may tao sa labas tignan mo muna kung sino yon." utos ni Aileen sa kasintahang si Rodjun."Sino kaya yan? ang aga namang mang istorbo eh!" napapakamot pa sa likod ng ulong saad ni Rodjun na inayos pa muna nito ang sarili bago lumabas ng kanilang kwarto.Dumiretso na ng pintuan ng condo si Rodjun ng hindi na sinilip sa peep hole kung sino ang tao sa labas at nang makita niya ay natigilan naman siya dahil hindi niya inaasahan na makikita roon ang pinsan."Pwede ba kitang makausap?" tanong ni Edward sa kanya na seryosong tingin naman ang ipinakita niya rito."Pasok ka, anong kailangan mo? bakit gusto mo ko makausap?" turan ni Rodjun sa pinsan na seryoso lamang sa kanyang pakikipag usap rito."Papasukin mo ba ko o hindi?" pormal na tanong ni Edward sa pinsan.Pinapasok naman din siya ni Rodjun sa loob at naglakad
Kinabukasan ay nagtungo na sa airport ang magkaibigan. Alas diyes ng umaga ang flight nila pero ala syete pa lang ay naroon na sila."Mamaya pa tayo makakapagcheck in ng mga luggage natin, gusto mo ba munang mag coffee tayo, Dailyn? " tanong ni Chris."Sige tara, maaga pa naman eh!" aniya at naglakad na patungo sa nadaanan nila kaninang coffee shop sa loob mismo ng airport."Anong gusto mong kainin?" tanong ni Chris ng makapasok at makaupo na sila sa coffee shop at iniabot sa kanya ang menu."Mocha latte na lang at ham and egg sandwich, Chris. Thanks.""Okay, lapit lang ako sa counter para makapag- order."Habang hinihintay ni Dailyn na bumalik si Chris sa pwesto nila ay inilibot niya ang kanyang mga mata at nang mapansin niya ang isang babae na papasok ng coffee shop ay pinakatitigan niya iyon at sinipat ng mabuti ang itsura. Tumayo siya at naglakad palapit rito. "Leslie? Leslie, ikaw nga!" turan niya sa babaeng kaharap na niya. "Dailyn?! narito ka rin, kumusta? long time no see..,