"Check her vitals." Utos ng nurse sa kasama niya na nasa silid, saka siya bumaling sa akin at nagtanong. "Are you alright?" Hindi ko alam kung ano ang nangyayari at nagkakagulo ang mga tao sa paligid ko nang magmulat ako ng aking mga mata. Lahat sila ay nagmamadali sa bawat kilos nila habang ako ay nananatili na nakatulala sa kanila at pilit na inaalala ang mga nangyari sa akin. Sinubukan ko na ilibot ang paningin ko sa aking paligid at doon ko napagtanto na kaya pala panay mga nagmamadali na nurse ang nabungaran ko at kung ano-ano ang tanong nila sa akin ay dahil nasa ospital pala ako. Pero bakit? Ano ang ginagawa ko rito? Naaksidente ba ako? Sinubukan ko na gumalaw pero hindi ko magawa dahil sa dami ng aparato na nakakabit sa akin. Sinubukan ko rin na igalaw kahit ang mga paa ko lamang pero hindi ko talaga magawa na maikilos ang halos buong katawan ko. Pagod na pagod ako na hindi ko maintindihan kung bakit gano'n nakahiga lamang naman ako rito. Ilan ulit pa ang naging paglapit
Walang magawa si Evan kung hindi ang lulugo-lugo na lumabas ng silid ni Harper sa suhestiyon na rin ng doktor upang makapagpahinga ang nobya niya. Masamang-masama ang loob niya pero wala siyang magawa kung hindi ang dumiretso na lamang sa presidential suite. He wanted to spend time with her, but as per the doctor, it would be better to give Harper enough time to remember things. Sinabihan niya rin si Ever na iwanan na muna siya at nais niya na mapag-isa. At habang nakaupo siya ay naikuyom na lamang niya ang kan’yang kamao. Galit na galit siya sa tao na gumawa nito sa nobya niya. Hindi kasalanan ni Harper kung hindi siya nito natatandaan, ang may kasalanan ay ang tarantado na naka-aksidente sa kasintahan niya, at sisiguraduhin niya na magbabayad ang tao na iyon sa kan'ya. Masayang-masaya pa naman siya kanina nang ibalita sa kan’ya ng nurse na nagising na si Harper. And he had hoped for the best for her. Umasa siya na maayos na ang lagay ng nobya niya matapos ang ilan araw na wala siy
Evan Ruiz. The name has haunted Harper since that day, when she saw his painful reaction when she denied knowing him. And after that day, she never saw him again. He never visited her or even initiated talking to her. At ngayon, hindi niya maikakaila na hinahanap-hanap niya ang lalaki na iyon kahit na isang beses lamang sila na nagkita. Ilan araw na rin ang nakalipas buhat ng araw na iyon. Nakalipat na nga rin siya sa isang regular na kuwarto, pero hanggang ngayon ay hindi na niya muli pa na nasilayan ang lalaki na nagpakilala na fiancé niya. Dalawang lalaki lamang ang nagsasalitan sa pagpunta sa kan’ya upang kamustahin siya maliban sa kan'yang mga magulang, at ang dalawa na iyon ay sina Ever at Tof. Si Ever, na nagsabi na kapatid siya ni Evan, at si Tofer na nagpakilala naman na matalik na kaibigan ng magkapatid na Ruiz. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya, because she feels frustrated for no reason at all. Naiinis siya na hindi niya maintindihan kung bakit. Hindi
"Aren’t you supposed to be leaving by now, Evan?" Taas-kilay na tanong ni Ever sa kan’yang kapatid. "Ilan beses ko nang sinabi sa'yo na ikaw ang pupunta roon ngayon, kuya, kaya baka nakakalimutan mo, uulitin ko sa'yo na ngayon ang nakatakda na paglabas ng girlfriend mo sa ospital." "If that is the case, then maybe you should go and see her. Marami pa ako na trabaho na dapat na asikasuhin dito sa opisina, kaya ikaw na muna ang bahala sa kan'ya." Alam ni Ever na mangyayari ito, kaya ngayon pa lamang ay naiinis na naman siya sa kapatid niya. "Bakit ako? Bakit ako na naman? Bakit hindi naman kaya ikaw, tutal ikaw naman ang fiancé niya. And besides, I still have a lot of work to do, considering that you passed on to me the responsibility of that deal that we snagged from the Torres. So between the two of us, it should really be you." "Inuutusan mo ba ako, Ever?" Tanong ni Evan sa kan’yang kapatid sa mataas na boses. He is dreading this day. Yes, he might have been excited to know that H
Gigil na gigil si Evan habang hawak ang kan'yang telepono at patuloy na napapakuyom ng kamao niya. Nakaalis na ang kapatid niya at iniwan na talaga siya para humanap ng solusyon sa problema niya kay Harper. Ang gago na si Ever ay hindi man lamang natinag sa kan'ya at sinunod pa rin ang nais nito. And of course, there is only one thing left for Evan to do: call Harper’s parents to come pick her up at the hospital. "We’re really sorry about this, Evan. Hindi talaga namin alam na ngayon ang labas ni Harper sa ospital. Your brother told us that you’re still waiting for the tests, and he mentioned that it’s okay for us to go on this business trip, tutal naman daw ay nariyan kayo para bantayan si Harper." "You haven't even visited her that much. Can't you do it for her this time? Abala lang talaga ako sa trabaho ngayon, baka kahit isa sa inyong dalawa ay makauwi para man lamang na mailabas siya sa ospital." "Pasensya na talaga, Evan, hindi kami makakabalik dahil na-confirm na namin ang me
Nang makita siya nito na dumilat na ay mabilis na umayos sa pagkakatayo ang lalaki at tipid na ngumiti sa kan’ya. Hindi alam ni Harper kung masaya ba si Evan na narito kasama niya o napipilitan lamang na puntahan siya ngayon. Hindi kasi kababakasan ng pagkasabik ang lalaki na kaharap niya ngayon. "I’m sorry kung nagising kita. Hinahanda na ang mga papel mo para makauwi ka na." seryoso na sabi pa nito. Nangunot ang noo niya sa mga sinabi nito. Para makauwi na siya? Saan ba siya uuwi? Sa bahay ba ng kan'yang mga magulang? Paulit-ulit na lamang ang mga tanong na iyon sa kan’ya, pero kahit paulit-ulit na, hanggang ngayon ay wala pa rin siya na sigurado na sagot para roon. "H-hi, Evan." Nahihiya na bati niya sa lalaki. Dumadagundong ang puso niya sa kaba at pagkasabik na makaharap niya muli si Evan Ruiz. Nanatili ang tipid na ngiti nito sa kan’ya. "The nurse will be coming in to assist you in changing your clothes. You’ll be discharged today, as they have probably already told you, but
"Ano na ang nangyari? May balita na ba tungkol sa kan’ya? I need to see her." "She got out of the hospital a couple of days ago. She is, as expected, staying with her fiancé. Wala akong makuha na impormasyon sa tunay na lagay niya sa ngayon. Masyado na mahigpit ang seguridad ng mga Ruiz sa kan’ya, at kahit na ano pa na impormasyon ay wala kami na makalap maliban na lamang sa nakita namin na paglabas niya sa ospital na kasama niya si Evan Ruiz. But she seems to be doing okay at that time when she was discharged." "Fuck it! Natural si Evan na naman ang nakabantay sa kan’ya! Hindi na ba talaga lulubayan ng lalaki na iyan si Harper? Nasaan ang mga magulang niya?" "Ang mga magulang niya ay pareho na nasa labas ng bansa para sa isang business trip." "Fuck! I want complete reports, at hindi ganyan lamang. Huwag mo na ibigay pa ang mga impormasyon na alam ko na at mga impormasyon na walang saysay. Kailangan ko ng mga bago na detalye, kaya huwag mo sayangin ang ibinabayad ko sa’yo sa paulit
It had been days since she had been out of the hospital. And in between the kisses and the hugs that we usually share, she still hasn't remembered me at all. And this is why, no matter how much I wanted to take her, I just couldn't. Even though I wanted to make love to her, I just couldn't because I knew she wasn't ready for that again. How can she even give herself to me again if she can’t even remember me? And do I like this situation of ours? Of course not! Because the reality that she doesn't even remember me stinks big time. Hanggang ngayon kasi ay patuloy ko pa rin na iniisip kung bakit sa dinami rami ng maaari niya na makalimutan at maaari na mawala sa memorya niya, bakit naman ako pa? Hindi pa ba sapat ang pagmamahal na ipinaparamdam ko sa kan'ya kaya hindi niya ako matandaan man lamang? Ang daming tanong na hanggang ngayon ay tumatakbo sa isipan ko, mga katanungan na walang kasagutan, kaya naman mananatili na isang hiwaga para sa akin ang katotohanan kung bakit ako pa ang naw
Another story has come to an end, and thank you so much for the support. Maraming salamat po at hindi ninyo iniwan ang istorya nina Harper at Evan. Pasensya na po at natagalan lang sa pag-update dahil naging busy po sa work. Sobrang thank you po at sana nagustuhan po ninyo ang kuwento nila. Pa-follow po and pa-support din po ng iba ko pa na stories kay GN: Completed Stories: The Invisible Love of Billionaire (Taglish) Married to the Runaway Bride (Taglish) Falling for the Replacement Mistress (Taglish) My Back-Up Boyfriend is a Mafia Boss (English) Ongoing Stories: Entangled to the Hidden Mafia (Taglish) The Dragster's Mafia Heiress (English) The Runaways' Second Chance Mate (English) In Love with His Brother's Woman (Taglish)
"Sign the papers, Harper. This is it. This is the end." Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko nang marinig ang mga sinabi na iyon ni Evan. Hindi ko napaghandaan ang mga bagay na ito kaya hindi ako nakasagot at nanlalaki lamang ang mga mata ko na nakatitig na lamang sa dokumento na ipinatong niya sa lamesa sa harapan ko. Gulat na gulat ako sa desisyon niya na ito. Bakit may ganito? Ano ang naisipan niya at bigla na may ganito na dokumento sa harapan ko? I am just a few weeks into my preganancy, tapos ay may ganito pa? "A-ano ang ibig sabihin nito, Evan?" Ito lamang ang tanging salita na nabanggit ko sa nauutal na paraan ilang minuto matapos ko na mahimasmasan sa sinabi niya. "Bakit may ganito? Ano ang ibig sabihin nito?" "Kung ano ang nakikita mo, iyon na ang ibig sabihin niyan. Don't ask me further quest
Pagpapatawad. Isang salita na madaling sabihin pero mahirap na gawin. Sa isang tao na lubos na nasaktan ang bagay na ito ang pinaka mahirap na ibigay, pero kapag nagawa naman ay siya rin pinakamasarap sa pakiramdam na matamo. Hindi ko akalain na kakayanin ko pa na magpatawad matapos ang nangyari sa aking pamilya. I was overwhelmed by the anger that I felt when I thought that Harper purposely turned her back on our supposed marriage. Binulag ako ng galit na nararamdaman ko para sa kan’ya kaya wala akong ginawa kung hindi ang planuhin ang paghihiganti ko, but seemingly, fate had other plans for us. Ang dapat na paghihigantihan ko ay natutunan ko na mahalin. At wala akong pinagsisisihan ngayon sa naging desisyon ko na iyon na aminin sa sarili ko ang espesyal na emosyon na iyon. If you genuinely loved that person, it would be much easier to forgive them. Hindi mahirap ang salitang pagpapatawad kung ibibigay mo iyon sa taong mahal mo. At kahit na paulit-ulit pa ang sakit na maramdaman mo,
Days had passed since Harper made peace with her past. Tinapos na niya ang galit sa puso niya at tuluyan na niya na pinalaya ang kan’yang sarili sa lahat ng hinanakit at sakit ng kalooban niya. Matapos ang naging pag-uusap nila ng mga magulang ni Brent at ang pagpunta niya rin mismo kay Brent ay pakiramdam niya ay nawala na ang tali na gumagapos sa kan’ya sa nakaraan upang tuluyan na siya na maka-usad sa kan’yang buhay. And she is thankful that she did that because she did not have to regret not being able to do so. Just yesterday, the news came to them that the inevitable had happened: Brent did not survive, at sa pagkawala nito ay tuluyan na rin na natuldukan ang lahat-lahat ng hindi matapos-tapos na problema sa pagitan nilang lahat. Hindi iyon ang nais niya na mangyari sa dating asawa niya pero iyon na rin ang ninais ng tadhana para sa kanila. And it may be better for him because now there will be no more pain for him. May bahagi niya ang nalungkot sa sinapit nito pero kahit paano
Panay paghikbi lamang ang maririnig buhat sa silid ng ospital na iyon. May ilang minuto na rin buhat ng dumating si Harper at iyon na ang naabutan niya na tagpo. At inaasahan na niya ang senaryo na ito, lalo pa at sinabayan niya ang pagdalaw ng mga magulang ni Brent sa ospital. Harper and Ever both agreed that Brent’s parents would be able to visit him. Nagkasundo sila pareho na wala rin naman masama sa hiling na iyon, kaya iyon na rin ang pagkakataon na kinuha ni Harper para makita ang dating asawa niya. She wanted to end all the pain and hatred that she has for Brent and his parents kaya nagdesisyon siya na silipin sa ospital sa Brent kahit na hindi na nito maririnig ang mga nais niya na sabihin. Hindi rin inaasahan ng mga magulang ni Brent ang pagbisita ni Harper sa kanilang anak, pero lubos nila na ipinagpapasalamat iyon sa kabila ng kaguluhan na nagawa ni Brent sa kasalan nina Harper at Evan. "Harper, maraming salamat sa pagpayag ninyo na makalabas kami pansamantala sa kulugan
"Ano ang balita, Tof?" Hindi pa man nakakalapit si Tof sa kaibigan na si Ever ay tanong na agad ang salubong nito sa kan’ya. "Dead or alive?" Nahahapo na umupo siya sa tabi ng kaibigan niya at walang pag-aalinlangan na sinagot ang tanong nito. "In between. Critical and almost on the verge." Kagagaling lamang niya kasi sa ospital kung saan itinakbo si Brent matapos na masukol ng mga bodyguards ng mga Ruiz dahil sa ginawa nito sa kasal nina Evan at Harper. Isang malalim na pagbuga ng hininga ang ginawa ni Ever kasabay sa pagkuyom ng kamao niya. Nanggagalaiti siya sa nangyayari ngayon sa buhay nila, at mas lalo ang galit niya sa gumawa nito sa kanila, kaya naman maganda ang balita na iyon na nakuha niya buhat sa kaibigan niya. "That’s the best news that I've gotten so far, for now. He can’t die, not just yet. Mabuti naman at alam niya ang bagay na iyon. Hindi pa siya maaari na malagutan ng hininga dahil kailangan pa niya na maghirap bilang pambayad utang sa lahat ng kasamaan niya sa pa
Ang sabi nila ang pangarap ng mga kababaihan ay ang maikasal. Every woman dreams of having to walk down the aisle to meet the man of her dreams. Most women dream about this, but not all are fortunate enough to be able to experience marriage bliss. At isa ako sa mga babae na iyon: nangarap; naikasal at nasaktan. Isa ako sa hindi sinuwerte noon na mahanap ang tunay na kaligayahan sa lalaking aking pinakasalan, pero hindi huminto ang pangarap ko na iyon dahil lamang sa sakit na aking naranasan. Patuloy ako na umasa na isang araw ay darating din ang tamang lalaki para sa akin. Nang unang beses kami na maikasal ni Brent ay halo-halo ang mga emosyon ko: Joy, sadness, excitement, and even anxiety. Masaya ako dahil ikakasal ako sa lalaking mahal na mahal ko, pero malungkot ako dahil nang ikasal kami ay walang ibang tao na nakisaya sa pag-iisang dibdib namin na iyon. It was a secret marriage because it was a decision that had not been carefully thought of. Ang alam lang namin ay mahal namin
"Ayos ka na ba? Are you sure about this, Evan? Are you really ready to see her again, just in case?" Napapangiti na lamang si Evan nang marinig ang mga tanong na iyon sa kan’ya ni Clarise. "Sigurado ka na ba talaga na ito ang nais mo na mangyari? Alam mo na ba kung ano ang sasabihin mo sa kan'ya at kung paano mo siya haharapin?" "You are overreacting again with those questions, Clar. Bakit ba ang dami mo na naman na mga tanong sa akin? Hindi ba at nakausap ka na ni Ever tungkol dito? Nasabi na niya sa'yo ang dapat na mangyari kaya wala na tayo na dapat pa na pag-usapan." Natatawa na sagot niya na lamang sa babae. "Tapos na ako na mag-ayos at kanina pa ako sigurado sa plano ko na ito, kaya kanina pa rin ako handa na pumunta sa party." "Hindi naman ang pag-aayos mo ang sinasabi ko. Can’t you read between the lines? I honestly just want to make sure that you are ready for anything that’s about to happen, just in case. Hindi man tayo sigurado na darating siya, pero handa ka ba na maging
Pangisi-ngisi sa akin ang magkapatid na sina Evan at Ever habang magkakaharap kami ngayon dito sa may patio. Kasama rin namin si Clarise ngayon at simula pa kanina ay walang nagsasalita sa amin upang simulan ang pag-uusap na ito. I was rooted to my place when I heard what Clarise had to say earlier. Hindi ako nakahuma kaya naman inabutan kami ng magkapatid habang titig na titig lamang kami ni Clarise sa isa't-isa. And when Evan arrived, the first thing he did was walk straight to me and hug me, and once again I was left speechless. Hindi ko nga rin alam kung paano ako nagkaroon ng lakas ng loob na lumabas sa silid kanina upang harapin silang lahat kahit na ang nais ko na lamang talaga na mangyari ay ang sana bumuka ang lupa at kunin na lamang ako nito. Hiyang-hiya ako sa inasta ko at sa mga nasabi ko, lalo na kay Clarise. But then again, in my defense, I don’t know her. I don't know who she is or her connections with these two brothers. And yet, in her defense as well, she tried to