Evan Ruiz. The name has haunted Harper since that day, when she saw his painful reaction when she denied knowing him. And after that day, she never saw him again. He never visited her or even initiated talking to her. At ngayon, hindi niya maikakaila na hinahanap-hanap niya ang lalaki na iyon kahit na isang beses lamang sila na nagkita. Ilan araw na rin ang nakalipas buhat ng araw na iyon. Nakalipat na nga rin siya sa isang regular na kuwarto, pero hanggang ngayon ay hindi na niya muli pa na nasilayan ang lalaki na nagpakilala na fiancé niya. Dalawang lalaki lamang ang nagsasalitan sa pagpunta sa kan’ya upang kamustahin siya maliban sa kan'yang mga magulang, at ang dalawa na iyon ay sina Ever at Tof. Si Ever, na nagsabi na kapatid siya ni Evan, at si Tofer na nagpakilala naman na matalik na kaibigan ng magkapatid na Ruiz. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya, because she feels frustrated for no reason at all. Naiinis siya na hindi niya maintindihan kung bakit. Hindi
"Aren’t you supposed to be leaving by now, Evan?" Taas-kilay na tanong ni Ever sa kan’yang kapatid. "Ilan beses ko nang sinabi sa'yo na ikaw ang pupunta roon ngayon, kuya, kaya baka nakakalimutan mo, uulitin ko sa'yo na ngayon ang nakatakda na paglabas ng girlfriend mo sa ospital." "If that is the case, then maybe you should go and see her. Marami pa ako na trabaho na dapat na asikasuhin dito sa opisina, kaya ikaw na muna ang bahala sa kan'ya." Alam ni Ever na mangyayari ito, kaya ngayon pa lamang ay naiinis na naman siya sa kapatid niya. "Bakit ako? Bakit ako na naman? Bakit hindi naman kaya ikaw, tutal ikaw naman ang fiancé niya. And besides, I still have a lot of work to do, considering that you passed on to me the responsibility of that deal that we snagged from the Torres. So between the two of us, it should really be you." "Inuutusan mo ba ako, Ever?" Tanong ni Evan sa kan’yang kapatid sa mataas na boses. He is dreading this day. Yes, he might have been excited to know that H
Gigil na gigil si Evan habang hawak ang kan'yang telepono at patuloy na napapakuyom ng kamao niya. Nakaalis na ang kapatid niya at iniwan na talaga siya para humanap ng solusyon sa problema niya kay Harper. Ang gago na si Ever ay hindi man lamang natinag sa kan'ya at sinunod pa rin ang nais nito. And of course, there is only one thing left for Evan to do: call Harper’s parents to come pick her up at the hospital. "We’re really sorry about this, Evan. Hindi talaga namin alam na ngayon ang labas ni Harper sa ospital. Your brother told us that you’re still waiting for the tests, and he mentioned that it’s okay for us to go on this business trip, tutal naman daw ay nariyan kayo para bantayan si Harper." "You haven't even visited her that much. Can't you do it for her this time? Abala lang talaga ako sa trabaho ngayon, baka kahit isa sa inyong dalawa ay makauwi para man lamang na mailabas siya sa ospital." "Pasensya na talaga, Evan, hindi kami makakabalik dahil na-confirm na namin ang me
Nang makita siya nito na dumilat na ay mabilis na umayos sa pagkakatayo ang lalaki at tipid na ngumiti sa kan’ya. Hindi alam ni Harper kung masaya ba si Evan na narito kasama niya o napipilitan lamang na puntahan siya ngayon. Hindi kasi kababakasan ng pagkasabik ang lalaki na kaharap niya ngayon. "I’m sorry kung nagising kita. Hinahanda na ang mga papel mo para makauwi ka na." seryoso na sabi pa nito. Nangunot ang noo niya sa mga sinabi nito. Para makauwi na siya? Saan ba siya uuwi? Sa bahay ba ng kan'yang mga magulang? Paulit-ulit na lamang ang mga tanong na iyon sa kan’ya, pero kahit paulit-ulit na, hanggang ngayon ay wala pa rin siya na sigurado na sagot para roon. "H-hi, Evan." Nahihiya na bati niya sa lalaki. Dumadagundong ang puso niya sa kaba at pagkasabik na makaharap niya muli si Evan Ruiz. Nanatili ang tipid na ngiti nito sa kan’ya. "The nurse will be coming in to assist you in changing your clothes. You’ll be discharged today, as they have probably already told you, but
"Ano na ang nangyari? May balita na ba tungkol sa kan’ya? I need to see her." "She got out of the hospital a couple of days ago. She is, as expected, staying with her fiancé. Wala akong makuha na impormasyon sa tunay na lagay niya sa ngayon. Masyado na mahigpit ang seguridad ng mga Ruiz sa kan’ya, at kahit na ano pa na impormasyon ay wala kami na makalap maliban na lamang sa nakita namin na paglabas niya sa ospital na kasama niya si Evan Ruiz. But she seems to be doing okay at that time when she was discharged." "Fuck it! Natural si Evan na naman ang nakabantay sa kan’ya! Hindi na ba talaga lulubayan ng lalaki na iyan si Harper? Nasaan ang mga magulang niya?" "Ang mga magulang niya ay pareho na nasa labas ng bansa para sa isang business trip." "Fuck! I want complete reports, at hindi ganyan lamang. Huwag mo na ibigay pa ang mga impormasyon na alam ko na at mga impormasyon na walang saysay. Kailangan ko ng mga bago na detalye, kaya huwag mo sayangin ang ibinabayad ko sa’yo sa paulit
It had been days since she had been out of the hospital. And in between the kisses and the hugs that we usually share, she still hasn't remembered me at all. And this is why, no matter how much I wanted to take her, I just couldn't. Even though I wanted to make love to her, I just couldn't because I knew she wasn't ready for that again. How can she even give herself to me again if she can’t even remember me? And do I like this situation of ours? Of course not! Because the reality that she doesn't even remember me stinks big time. Hanggang ngayon kasi ay patuloy ko pa rin na iniisip kung bakit sa dinami rami ng maaari niya na makalimutan at maaari na mawala sa memorya niya, bakit naman ako pa? Hindi pa ba sapat ang pagmamahal na ipinaparamdam ko sa kan'ya kaya hindi niya ako matandaan man lamang? Ang daming tanong na hanggang ngayon ay tumatakbo sa isipan ko, mga katanungan na walang kasagutan, kaya naman mananatili na isang hiwaga para sa akin ang katotohanan kung bakit ako pa ang naw
Nagmamadali na napasugod si Ever sa mansyon ng mga Ruiz nang tawagan siya ni Manang Esmeralda na nagwawala na naman ang kapatid niya. Hindi niya alam kung ano ang nangyari dahil ang usapan lamang nila kanina ay sasamahan nito si Harper sa restawran, tapos no’n ay hindi na niya alam ang mga sumunod na pangyayari. Then he received that call, at takot na takot ang matandang kasambahay nila, kaya naman wala siyang nagawa kung hindi ang mabilis na umuwi sa mansyon nila. Hindi na nga rin niya naitanong pa sa kasambahay kung nasaan si Harper sa mga oras na iyon. He tried calling Evan’s bodyguards earlier, but none of them were answering, at sigurado siya na abala ang mga iyon sa pag-aasikaso sa pagwawala ng nakatatanda niya na kapatid. Hindi na nga niya maayos na naiparada ang sasakyan niya nang makarating siya sa mansyon at agad na siya na bumaba, ang importante ay malaman niya kung ano na naman ang nangyayari. Hindi pa man nga siya nakakapasok sa mansyon ay sinalubong na siya ng matandan
"Harper." Sunod-sunod na pagkatok sa pintuan ng silid ang narinig niya, pero sa halip na sumagot ay nanatili siya na tahimik at hindi man lamang gumalaw sa kinauupuan niya. "Harper, are you awake? Let’s talk. I’m going in, okay?" Hindi pa rin umimik si Harper at parang wala pa rin siyang narinig at patuloy lamang siya na nakatitig sa kawalan. She is exhausted from everything that has happened today. Ayaw na sana niya na makipag-usap pa sa kahit na kanino, pero kahit na ano naman kasi ang maging tugon niya ay sigurado siya na papasok pa rin ang nagsalita na iyon. She has been here, locked up by Evan, since they came home. And of course, she is furious at what he did, lalo na at walang sabi-sabi rin siya na iniwan ng lalaki rito matapos nila na magtalo kanina dahil sa pagpipilit nito sa kan’ya na bumalik sa bahay nito kahit na mahigpit niya iyon na tinututulan. Pagkatapos ng eksena na iyon ay ilan oras rin siya na nagwala para palabasin siya sa silid, pero wala rin naging epekto iyon