Nang matapos si Fred sa pag-aayos ng kanilang tutulugan ay pinapasok na sila nito upang makapagpahinga.
“Sir, ayos lang po ba sa inyo rito? Sabihin nyo lang po kung hindi kayo kumportable. Sige po, goodnight po sa inyo, ma’am Glayscent,” turan ni Fred bago umalis.
Maya-maya ay nagring ang cellphone ni Haniel at nakita n’yang gustong magvideo call ng kanyang lola. Pag sagot nya rito ay agad na bumungad ang malungkot na mukha ni Nigel.
“Nasaan po si mama ko?” tanong ng bata, agad naman n’yang ibinigay kay Glayscent ang cellphone upang magka-usap ang mag-ina.
“Hi, baby ko. Kumusta ka d’yan? Bakit ka sad?” napansin agad ni Glayscent ang maglungkot na mukha ng anak.
“Uwi ka na po, miss na kita eh. So sad na talaga ako, mama.” Halatang katatapos lamang umiyak ng anak nya dahil sa namamasa pa ang mata nito.
&
Nag-aalala na si Glayscent sa kung ano na ang lagay ni Haniel sa loob ng kwarto dahil ilang oras na itong hindi lumalabas magmula nang makabalik sila sa hotel.“Haniel? Ayos ka lang ba? Gusto mo bang kumain? May dala akong merienda. Papasok na ako ha.” Dahan-dahang pinihit ni Glayscent ang doorknob bitbit ang tray ng pagkaing kanyang hinanda kanina.Nakita nya si Haniel na nakahiga sa kama at parang natutulog, nakalilis ang kumot nito kaya naman pagkalapag nya ng tray sa side table ay inayos nya ang kumot ngunit kinabahan sya nang makita itong puno ng pawis ang mukha. Butil-butil ito, agad n’yang hinawakan ang noo ni Haniel upang tignan kung may lagnat at hindi nga sya nagkamali, mataas ang lagnat nito.Dali-dali s’yang kumuha ng maliit na palangganang may tubig at malinis na towel. Umupo sya sa tabi nito at pinunasan nya ng marahan ang noo ni Haniel.“Ano bang nangyari
Matapos kumain ay napagpasyahan nilang pumunta pa sa isang lugar bago man lang sila umuwi ng Pilipinas kinabukasan. Dinala sya ni Haniel sa Namsan tower kung saan tanaw ito sa kanilang hotel room. Manghang-mangha si Glayscent dahil sa lawak ng kanyang natatanaw. Nasa pinakatuktok sila at kitang-kita ang kagandahan ng Seoul. Pagkatapos nila doon ay pumunta naman sila sa sikat na Gyeongbokgung palace kung saan makikita ang history ng Korea noon
Alas tres ng hapon nang umalis si Haniel at sinabing hintayin sya, ngunit mag-aalas nuebe na ng gabi ay wala parin ang lalaki. Hindi naman sya makaalis sa kanyang pwesto dahil hindi nya alam ang pauwi sa hotel, ayaw nya ring makipagsapalarang sumakay sa taxi dahil hindi nya rin alam ang sasabihin sa driver gayong hindi nya tanda ang pangalan ng hotel na tinutuluyan nila ni Haniel.“Bakit ba kasi hindi ko alam ang number ng mokong na iyon?” inis na sabi nya sa sarili.
“Gusto mong uminom?” nakangiting turan ni Glayscent kay Haniel.“Dali na, bumawi ka sa akin. Alalahanin mo may kasalanan ka pa. Inom tayo, order ka nalang ng chicken. May nakita akong soju at beer sa ref, gusto kong matry ‘yung alak ng mga Korean. Masarap daw ang chicken at soju eh.” Parang walang bakas ng nangyari kanina ang mga pananalita ngayon ni Glayscent, na parang walang nangyari kanina sa labas.Napatawa na lamang si Haniel at sinunod ang kagustuhan nya. Pagdating ng manok ay inilatag iyon ni Glayscent sa center table at naglabas din ng soju at beer.“Tara, movie marathon tayo, aalis na tayo bukas eh. Hindi ko na naman nasulit ang paggagala dahil sa isang tao d’yan na oa kung magalit.” Halatang pinariringgan sya nito kaya naman pabiro nya itong sinamaan ng tingin na ikinatawa na lamang ni Glayscent.“Hmmm! Ang sarap naman ng manok na ito,
Matapos ang nangyaring iyon sa kanila sa Korea ay hindi na muli pang pinag-usapan nina Haniel at Glayscent ang tungkol doon. Nais mang magtanong ni Glayscent ay hindi nya magawa dahil halata na kay Haniel ang ginagawang pag-iwas. Hanggang sa makauwi sila sa Pilipinas ay wala itong imik sa buong byahe at nakakutok lamang sa kanyang laptop habang inaasikaso ang mga naiwang Gawain sa kumpanya.“Mama! Sobrang miss na miss na po kita! Buti umuwi ka na po.” Bakas ang pagkasabik ng anak sa kanya na agad na tumakbo patungo sa kanya nang makita silang papasok na sa mansyon.“Na-miss din kita ng sobra, babay ko. Kumusta ka? Behave ka ba kina lolo at lola? Hindi ka pasaway?” tanong nya habang karga ang munting bata.Sunod-sunod na pagtango ang isinagot sa kanya ni Nigel na may kasamang matatamis na ngiti. Ito ang isa sa mga na-miss nya ng sobra sa anak, ang pagiging napakalambing nito at ang matatamis na ngi
Hindi nya akalain na magiging ganoon ang reaksyon ni Glayscent nang sungitan nya ito, hindi rin naman nya kasi sinasadya ang nagawa. Nais nya lamang talagang mapag-isa dahil sa dami na rin ng kanyang iniisip magmula ng gabing iyon. Naalala nya ang mga nangyari sa loob pa lamang ng eroplano pabalik sa Pilipinas.~~~Tahimik si Haniel habang nagbabasa ng mga dokumentong ipinasa sa kanyang email ng kanyang secretary, isa-isa nya itong inaaral upang maka-catch up sa mga kaganapan once na makabalik na sila sa Pilipinas. Nang biglang may stewardess na lumapit sa kanya at may iniabot na maliit na piraso ng papel.Magtatanong pa sana sya kung sino ang nagpapabigay ngunit agad itong umalis ng walang pasabi. Binuklat nya ang papel at binasa ang nakasulat.“Meet me at the restroom, now. –R.R”Namulagat ang mga mata nya nang mapagtanto kung sino ang taong nagbigay ng papel sa stewardess. Dahan-dahan s
Parang nabingi si Ryker sa bumungad na salitang galing kay Haniel. “Wh-what did you say?”“I said, we need to take a break. Someone’s spreading rumors about us and this might lead to a more serious problem. We have to be extra careful,” he responded in a serious tone.“Then we can be more careful next time, we don’t have to avoid seeing each other.” Parang may bumabara sa kanyang lalamunan na nagiging dahilan ng paghina ng kanyang boses.“No,” he said frimly. “We have to do this, if not, baka madamay pa sina Glayscent at ang anak nya. Wala silang kinalaman sa nangyayari sa atin at alam mo naman na hindi nya alam ang tungkol sa atin,” he added.“Glayscent! Glayscent! Puro na lang si Glayscent ang bukambibig mo kapag nag-uusap o kahit na magkasama tayo. Simula nang pinapasok mo ang babae na iyan sa buhay mo ay nagulo na ang tahimik nating
Sabado ng umaga at araw ng kanilang paglilinis ng buong bahay. Tatlong araw na rin ang nakararaan nang makalipat sila sa bago nilang bahay. Napagkasunduan nilang maghati ng mga lilinisang parte ng bahay upang hindi sila magkasilipan ng gawain. Si Haniel ang bahala sa bakuran at mga kwarto, samantalang si Glayscent ang naka toka sa kusina, banyo, at sa sala nila. Si Nigel naman ay pinakuha muna nila kay Shierra upang hindi makalanghap ng mga alikabok habang naglilinis sila. “Haniel! Paano gamitin itong vacuum? Hindi ko alam,” sigaw nya mula sa ibaba dahil nasa second floor si Haniel at nasa isang kwarto. “Paano ba gamitin ang isang toh, napakarami naman kasing pindutan. Hindi ko alam kung ano rito ang on,” bulong nya sa kanyang sarili. “Ay bahala na nga!” tska nya pinindot ang unang buton na nahagip ng kanyang daliri. Walang anu-ano’y bigl
Nasa sala si Haniel at nagkakape habang nakaharap sa kanyang laptop nang may magbukas ng pinto at iniluwan niyon si Shierra.“Hi, good morning, gising na ba si Nigel? Pinababantayan kasi sa akin ni Gayscent eh.” Tanong ni Shierra habang papasok sa loob.Biglang napatingin si Haniel sa babae, “Bakit? wala ba si Glayscent?” takang tanong nya, ang buong akala nya ay natutulog pa ito hanggang ngayon kaya naman hinihintay nya itong bumaba upang makapag-usap sila.Kumunot ang noo ni Shierra dahil sa narinig, “Hala sya? Magkasama kayo sa iisang bahay tapos hindi mo alam na maagang umalis si Glayscent para umorder ng mga pang live selling nya? May problema ba kayo?”Dahan-dahang bumalik ang tingin nya sa harap ng kanyang laptop at nag-scroll ng kung ano rito.Napangisi si Shierra na iiling-iling din, “Naku, may problema nga kayo. Ano na naman ang
Nasa byahe na pauwi sina Glayscent at Nigel nang bigla na lamang tumirik ang bus na sinasakyan nila. Sinubukan nya rin tawagan si Haniel upang ipaalam ang kanilang sitwasyon ngunit naubusan na ng baterya ang kanyang cellphone.Tumingin sya sa kanyang relo at nakitang pasado alas nuebe na ng gabi at halata na ang pagod sa mukha ng anak. Mabuti na lamang at nakakain na silang mag-ina kanina bago bumyahe pauwi kaya busog ito. Ganyun pa man ay bumili pa rin sya ng makakain nito para makasiguro.“Manong, matagal pa ba iyan? Anong oras na kami makakauwi nito?” tanong ng isang ginang na halata na ang pagkairita sa hitsura.“Ginagawa na po namin ang lahat ma’am, konting tiis lang po. Pasensya na po sa inyo. Biglaan ang nangyari eh, kinundisyon naman ito kanina,” sagot naman ng kunduktor ng bus habang abala pa rin sa pagtulong na maayos ang makina ng sasakyan.Pinakinggan na lama
His heavy breathing continues as his face slowly reaches Glayscent’s lips… until…He stumbles and falls from the couch, “Aray!” Napahawak sya sa kanyang pwetan nang tumama ito sa matigas na sahig.“Wait? Why Am I here? Am I dreaming? With… with Glayscent? Seriously?” sunod-sunod na tanong nya sa sarili makaraang matauhan at magising sa kanyang panaginip.He looked around, madilim pa ang paligid at tanging bukas na ilaw lamang sa labas ng kanilang bahay ang nagsisilbing liwanag kaya naman sa hinuha nya ay madaling araw pa lamang. Tumayo sya upang maglakad patungo sa kanyang kwarto.“You’re impossible, Haniel. Bakit mo naman napanaginipan si Glayscent? At ang matindi pa, you almost kiss her. Mabuti na lang at nagising ako, kung hindi baka kung ano pa ang nangyari.” Bigla s’yang nanginig sa naiisip. Kinilabutan ang buong katawan nya sa isipin
“You don’t know the mystery of love, bro. Sometimes, we fall in love with someone we didn’t expect to love. The more we resist, the more it will get deeper and deeper until you cannot handle feeling.” Nagbalik sa ala-ala nya ang mga sinabi ng kaibigan patungkol sa kanyang nararamdaman.“That’s bullshit!” Pinalis nya sa isipan ang naalala at muling itinutok ang atensyon sa trabaho.Kahit pa dalawang araw na ang nakararaan nang magkita sila ng kaibigan ay umuulit pa rin sa kanyang isipan ang sinabi nito kaya naman hindi nya magawang tapusin ang mga dokumentong kailangan n’yang i-approve dahil doon. Napagdesisyunan na rin n’yang iuwi ang ilan sa mga ito para sana mas mapadali sya, ngunit nagkamali sya rito.“Argh! I quit!” Ginulo nya ang buhok dahil hindi nya talaga magawang makapag-isip ng maayos dahil sa gumagambala sa kanya, kasunod ng pagsara nya sa kanya
“Sir, Haniel, here are the documents you need to approve by the end of this week po. I already compiled them according to what you instructed me yesterday,” ani ng secretary ni Haniel na si Abby ngunit parang walang naririnig si Haniel na nakatulala lamang sa kawalan habang nakangiti.Naka-ilang tawag ang kanyang secretary bago sya hinigit nito sa reyalidad. “Sir, Haniel?” iwinagayway nito ang isang kamay sa harap ng mukha ni Haniel at doon sya natauhan.“W-why?” tumikhim pa sya at umayos sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair na itim.“Sir, are you daydreaming?” natawa ang kanyang secretary at nagtakip pa ng bibig gamit ang mga folder na hawak.“Ako? N-no… No I’m not. Psh!” mabilis na tanggi nya.“By the way, what are you doing here again?”&ldq
Halos isang pulgada na lamang ang layo ng kanilang mga labi sa isa’t-isa nang biglang dumating sina Nigel at Shierra.“Mama? Nand’yan ka po pala, akala ko umalis kayo ni papa Haniel?” malakas na naitulak ni Glayscent palayo si Haniel dahil sa gulat nang marinig nila ang boses ng bata.“Ugh!” Sa sobrang lakas ng pagkakatulak nya ay tumama ang likuran nito sa kanto ng kitchen table dahilan para mapaigik ito.Napatakip si Glayscent ng kanyang bibig dahil sa ‘di sinasadyang nagawa kay Haniel, “Ayos ka lang ba? Sorry,” usal nya habang pabulong na humingi ng tawad sa lalaki na tinanguan lamang ng huli.“Akala ko wala kayo rito kaya umuwi na kami para hintayin na lang kayo, ano’ng ginagawa n’yong dalawa ha? Nakaka-istorbo ba kami ni Nigel?” makahulugang tingin ang ipinukol ni Shierra kay Glayscent ka
“Bwisit talaga ang ungas na ‘yon! Nakakagigil sya.” Halos mapatay na nya si Haniel sa kanyang isip habang kinukwento kay Shierra ang naging bangayan nilang dalawa.Nagpunta sila ni Nigel sa bahay ni Shierra upang doon nya sabihin lahat ng hinanakit kay Haniel.“Ah, Glay? Glay…” untag nya kay Glayscent ngunit nanatili itong nakatulala.“Glay!” sa pangatlong pagkakataon ay nilakasan na nya ito kaya naman agad na napalingon sa kanya ang kaibigan.“Wala ka naman sigurong balak tanggalan ng ulo iyang teddy bear ng anak mo 'no?” ininguso nya ang hawak na stuff toy ni Glayscent.“Ha?” dahan-dahan s’yang yumuko at nagulat nang makita ang kawawang stuff toy na pilipit na ang ulo habang mahigpit n'yang hawak. Bigla nya rin itong nabitiwan at napatingin sa anak.“Mama, galit ka po ba sa bear ko?” takang tano
Nagising si Glayscent nang maramdamang parang namamanhid ang kanyang kanang kamay. Nang magmulat sya ng mga mata ay nakita nya ang isang anghel na himbing na himbing sa pagkakatulog, ay hindi pala. Si Haniel na nakapikit at…at…“Ano to? Laway ba ito?” Napansin nya ang isang likido na nasa kanyang pulsuhan kung saan din nakadantay ang ulo ni Haniel. Unti-unting nanlaki ang mga mata nya nang mapagtantong laway nga ito.“Hoooy! Kadiri ka! ‘Yung laway mo natulo sa kamay ko! Waaaaah!” sigaw nya kasabay ng biglaang paghatak ng kamay at pinunas-punas pa ito sa pisngi ni Haniel na nagising naman dahil sa sigaw nya kasabay ng pagkatama ng ulo nya sa kama nang hatakin ni Glayscent ang kamay nito.“Ano ba? Ang aga-aga ang ingay mo!” pupungas-pungas pa sya habang inaaninag si Glayscent.“Hoy, ungas ka talaga! Nakakadiri ka, ang gwapo mo sana per
Naghihintay si Haniel sa pagbukas ng elevator, katatapos lamang ng kanilang meeting. Nalaman nya mula sa kanyang secretary na nandito si Glayscent ngunit nalimutan nya ang kanyang cellphone sa opisina kaya naman babalikan nya ito upang matawagan si Glayscent. Habang naghihintay ay ipinaling ni Haniel ang kanyang ulo sa kanan at may napansin s'yang isang pamilyar na bulto ng katawan sa bandang pinto ng kanilang kumpanya. Mabagal s’yang naglakad upang masiguro kung tama ba ang kanyang hinala, habang lumalapit sya ay nagiging mas malinaw ang dalawang tao sa kanyang harap. Tama nga sya, si Glayscent ito ngunit kasama ang pinsan n’yang si Lucas. “Bakit kasama ni Glayscent ang mokong na iyon?” Napangisi pa sya nang makita ang paghampas ni Glayscent sa braso nito, “Aba, may paghampas ka pang nalalaman ha, close na talaga kayo, huh?” Nakita n’yang tumalikod si Glayscent, bigla s’yang nataranta dahil