Share

Chapter 21 - The Cure of Pain is in the Pain

RENATA

I take a deep breath. Halos hindi ako makahinga dahil sa iyak at galit ko sa kanila. Lumabas ako ng banyo na para bang walang may nangyari. Hindi maghihilum ang sugat sa puso ko at galit sa isipan ko. Nahiga ako sa kama na parang bata na nasa loob ng tiyan ng nanay.

Hindi ko alam kung ilang oras ba ako nakatulog dahil sa sakit ng dibdidb na nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Bumangon ako at tumungo ng banyo para maligo, at mag-ayos. Alas-tres ng hapon nang mapagdesisyunan kong lumabas ng bahay.

"Avil? Saan ka pupunta? Kumain ka na ba?"

Si Mama Greta. Nang lingunin ko siya ay papalapit ito sa kinaroroonan ko. Tipod akong ngumiti at yumakap sa kanya.

"Hindi pa ako gutom, 'Ma."

"Hindi gutom? E maghapon kang nasa kwarto mo. Halika't kumain ka muna. Bawal sa 'yo ang malipas ng gutom hija, at baka mapano ka na naman. Sabi ni Forth sa akin, sumasakit na naman raw ang ulo mo at nahihilo ka. Naku! Bata ka! Alalahanin mo, nasa poder pa rin kita at responsibilidad kita bilang anak ko."

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status