Ilang beses kung dina dial ang number ni Patrick ngunit walang sumasagot hanggang sa naka off na ito. Nabuwesit ako sa lalaking iyon, saan siya pupunta. Hindi talaga ako mapakali kaya naman chinecheck ko iyong GPS na lihim kung iniinstall sa phone niya. Sinundan ko iyong location na tinuro sa akin nang map location. Ngunit sa kalagitnaan nang daan ay nakita ko na may kotseng nakahinto sa gilid nang daan pamilyar sa akin ang kotseng iyon. Sinubukan kung e park ang kotse ko sa gilid nang daan para bumaba at tingnan kung sino ang nasa loob nang kotse.Nagulat ako nang makita ko ang isang lalaki na hawak-hawak ang kamay niya sa dibdib, dali-dali kung binuksan ang door nang front seat kaso naka lock ito. Pinapalo-palo ko ang pintuan para marinig ako nang lalaki na nasa loob. Medyo na alimpungatan na siya, tumingin siya sa akin at natulala ako dahil subrang gwapo niya. Isa siyang Briton, ang tangos nang ilong niya. Grabe na didistract ako sa itsura niya buti nalang bumalik na ang isip ko.
Naglakad na nga ang lalaking iyon kasama ang poging anak daw niya. At ako naman ay umuwi na rin, naglalakad ako palabas sa eskinita kung saan doon na ako nag aabang nang mga tricyle pauwi sa amin. Bigla naman may kotse na huminto sa harapan ko.Tinanong ako nang driver kung gusto ko ba daw sumakay sa kanya. Sabi ko naman na hindi na kasi iba naman ang way namin. Ilang beses din akong pinilit ng driver kaya naman hindi na ako naka hindi tapos sa may front seat niya ako pinaupo. Nagulat na lamang ako nang may nagsalita sa likod namin, paglingon ko siya iyong nakabanggaan ko sa may paaralan. Hindi na ako umimik baka sumbatan pa niya ako. Tahimik lamang ako, hanggang sa makarating kami sa may eskinita papasok nang bahay namin, hindi ko na pinapasok sa may eskinita ang driver nakakahiya naman saka bumababa na ako. Nagpasalamat ako sa driver at sa lalaking nasa likod, parang siya iyon ang amo nang driver. “Thank you kuya, and thank you po sir?!”“Mr. Taylor nalang po ang e tawag ninyo sa k
Sa London… Nag antay akong magising ang lalaking dinala ko sa hospital. Napansin kung nag ring ang phone niya, tiningnan ko kung sino ang tumawag pero ang nakalagay lang ay my honey. Sino kaya ang babaeng tumawag? Nalungkot naman ako, sayang naman may girlfriend na pala ang lalaking ito. Nag ring uli ang phone niya. Di na ako nakatiis sinagot ko na ang tawag. “Honey, where are you? I’ve been calling you but you never answer. Is there a problem?” pamilyar sa akin ang boses na iyon. Kaya binaba ko nalang, hindi na ako nagsalita baka mapag kamalan pa akong ibang babae nang boyfriend niya or asawa niya. Ayaw ko nang gulo, ayaw kung maging kagaya nang fiance ko na harap-harapan kung magcheat. Balang araw malalaman ko din kung sino ang babaeng kinalolokohan mo. Humanda kayong dalawa sa akin. Naging emosyonal na naman ako, gusto kung sumigaw sa matinding galit na nararamdaman ko ngayon.Nang kalkalin ko ang phone niya, may nakita ako sa contacts na mom, baka ito iyong mother niya. Sinubuk
Sinubukan kung tawagan ang aking asawa na si Patrick, ngunit hindi siya sumasagot. Nasaan na naman kaya ang lalaking iyon. Hindi na talaga ako nadadala sa mga pinaggagawa ni Patrick palagi pa rin akong umaasa na magbabago na siya. Hindi na ako tumawag uli at binalikan kung tawagan si Lea. Sa wakas ay siya na mismo ang sumagot sa akin.“Hey Lea, tumawag ako sa iyo kanina kaso may lalaking sumagot. Asawa mo ba iyon?” Ang tagal sumagot ni Lea, hindi ko alam kung nag iisip pa ba siya or may ginagawa lang kaya hindi siya makasagot kaagad.“Ah! Oo, pasensiya ka na. Naliligo kasi ako kaya naiwan ko ang phone ko. Hindi ko naman alam na sasagutin nang asawa ko ang tawag mo.”“Ay! Ganoon ba, bakit hindi siya sumagot nakikinig lang siya sa akin.” Iyon ang sagot ko kay Lea.“Ah! Sorry uli, ewan ko ba sa husband ko bakit hindi ka niya sinagot. By the way, bakit ka nga pala tumawag sa akin?”“Ah! Oo, puwede ba tayong mag kita bukas nang tanghali may ikukuwento lang ako sa iyo.” Sagot ko kay Lea.“T
Paalis na ang mag ama ko, papunta na nang school si Carmela at si Alfred naman sa trabaho. Ako na lang uli mag isa sa bahay, kaya naisipan kung pumunta sa mall para naman makapag libang ako.Naaliw naman ako sa mga tao na palakad-lakad at patingin tingin sa mga store nang damit. May nagustuhan akong damit sa isang store kaya pumasok ako. Grabe ang gaganda nang mga damit, napaisip na lamang ako kung kailan kaya ako makakabili nang mga ganitong damit. Siguro hanggang sa panaginip na lamang ito. Lumapit sa akin ang isang staff doon para tanungin ako kung anong kailangan ko, sinabi ko sa kanya na tumitingin lang ako. May narinig naman akong isang boses nang babae sa may kabilang espasyo, kausap niya ang isang staff doon. Galit na galit siya, nang tingnan ko ang babae ay pamilyar sa akin ang mukha niya. Parang nakita ko na ang babaeng ito kaya lang nakalimutan ko na. Naawa naman ako sa staff, hindi naman kasi dapat sila tratuhin nang mga mayayaman nang ganoon kasi nagtatrabaho naman sila n
Subrang lakas na nang kabog nang aking dibdib habang papalapit na kami sa 5th floor nang motel na iyon. Tahimik lamang ako pati na si Mark, napapansin ko sa kanya na nanggagalaiti siya sa galit. Tinitingnan ko siya na para bang umuusok na siya sa galit. “Are you okay?” hindi na ako nakapagpigil kaya tinanong ko na siya.“Yes, I’m okay. Thanks, you don’t have to worry. I can manage myself.”“Okay.” Iyon nalang ang naisagot ko sa kanya.Nandoon na nga kami sa 5th floor. Baba na ako nang napansin kung pareho kami nnag way.“Wait! Are you going this way, too?”“Yes, my detective told me the room number.” Sagot niya sa akin.Sabi ko sa aking sarili, no way! Huwag niyang sabihin same room ang pupuntahan namin. Ibig sabihin ang wife niya ay mistress nang husband ko. Shit! Hindi puwede ito, ang kapal talaga nang mukha nang husband ko pati na ang wife niya. Parang gusto ko nang sumabog sa subrang galit na nararamdaman ko. Nasa hallway na kami at subrang lapit na talaga nang room na pupuntaha
Ninanam ko ang katahimikan nang lugar kung saan ako nag stay ng panandalian. Oo, nandito ako sa Palawan. Nagrent ako nang isang maliit na apartment, gusto ko munang mapag isa na malayo sa kabihasnan. Ang dami na rin nangyari sa buhay ko lalo na ang emotional damage na ginagawa sa akin nang asawa ko. Lahat ginawa ko para makalimutan ko ang lahat nang sakit na naidulot niya sa akin. Dahil nga sa wala pa akong trabaho nakita online, nag scroll ako sa tiktok at hindi ko inaasahan na may dumaan sa fyp ko. Binanggit niya ang tungkol sa isang sakit kung saan mahirap gamutin, iyon ang tinatawag nila na Narcissistic Personality Disorder or NPD. Bigla akong na curious kaya pinanood ko lahat nang mga video niya. Grabe bigla akong namulat sa lahat, hindi ko akalain na lahat ng ugali nang isang taong narcissist ay kapareho nang ugali ng asawa ko. Hindi talaga ako tumigil pinanood ko lahat at bigla nalang akong nagising sa bangungot na pinagdaanan ko sa buhay. Sa opisina nang mga Taylor… Papasok
Kinabukasan ay maaga akong nagising excited na ako sa graduation namin. Sa wakas natapos na rin ako sa aking pag aaral sa kolehiyo at hindi na rin mahihirapan ang aking mga magulang na pag aralin ako. Hindi ko alam mas nauna na pala si Mama na nagising sa akin. Inasikaso niya pala si Papa kasi papasok na sa trabaho niya pero maghalf day lang muna daw si Papa kasi aattend siya sa graduation ko. Haistt! Salamat po Panginoon at nalampasan ko din ang mga pagsubok ko sa buhay financially, emotionally, mentally at physically.Bigla naman tumunog ang phone ko. Nagulat ako sa tumawag sa akin si Jacob pala. Ano kaya ang sadya niya sa akin.“Hey! Jacob napatawag ka, ano kailangan mo?”“Oh! Carmela, sorry for disturbing you. I just want to congratulate you for your success.”“Talaga?! Ikaw din congrats, pareho naman tayo di ba. Hope after sa graduation ay magkikita uli tayo.” Sabi ko kay Jacob.“Oo nga, I will miss you!”Grabe kinilig naman ako sa sinabi ni Jacob sa akin.Yeah mga Marites, nagka
Hinila na ako ni Dina palabas nang store dahil kakain daw kami. Isa iyong magarang restaurant halos ata lahat nang customer doon ay mayayaman. Nagmamasid lang ako sa paligid habang inaantay ko si Dina galing nang wash room. Sa tapat naman nang restaurant na iyon ay may cafeteria, may nakita akong isang babae at dalawang lalaki.Magkatabi ang isang babae at lalaki habang nasa harap naman nila nakaupo ang isang lalaki. Familiar sa akin ang katabi nang babae. Subrang lapit nila sa isa't-isa kaya naman ay napa iling nalang ako. Grabe naman ang babaeng iyon wala man lang delikadesa kahit kaharap nila ang isang lalaki din. Parang namukhaan ko iyong lalaki na nasa harap nila. Oo nga pala siya iyong lalaki na nakabanggaan ko kanina, at kilala siya ni Dina."Wait, parang kilala ko iyong lalaki na katabi nang babae. Si Alfred ba iyon?" Hindi na ako mapakali sa nakita ko, sino ang babaeng iyon bakit ganoon nalang ang pagkahawak niya sa braso nang asawa ko. "Hey! Carina, kanina ka pa nakatingin
Natigilan nalang kami nang pumasok sina Alfred at Carmela kasama ang kapatid kung si Danilo.“Mama, salamat sa Diyos at nagising na po kayo. Subra po kaming nag alala.” Niyakap ni Carmela si Carina.“Oo naman anak, kakayaning maging malakas ni Mama para sa iyo. Anak, balang pag dumating man ang araw na mawawala na ako sa mundo. Huwag ka sanang malungkot ha! Alalahanin mong nag abroad lang si Mama na matagal babalik , alalahanin mong gagawin ko ito para sa kinabukasan mo.” Nakita kung subrang lungkot ni Carina, tumulo ang luha niya at di ko na rin napigilan ang mata ko na tumulo rin ang luha, nalungkot ako sa mga pinagsasabi nang kaibigan ko.“Mama naman, ano bang pinagsasabi mo? Malakas ka naman di ba! Sabi ni Doc Danilo stress lang iyan. Kaya huwag ka nang mag alala di ka namin bibigyan nang stress ni Papa, di ba Pa?” sumagot naman si Alfred. Grabe tagos sa puso, ang sakit malamang walang alam sina Carmela at Alfred. Napaiyak nalang ako na di ko pinapahalata sa kanila
“Hey! Carmela, you are very pretty with your outfit.” “Hindi naman Jenny, ikaw talaga!” “Yes Carmela, you look gorgeous.” “Nangbubula ka na naman Jacob.” “Yeah! I’m telling the truth, ah! Puwede ba tayong mag usap saglit. Tayong dalawa lang, Jenny will you excuse us?” “Okay bro, have fun with Carmela puntahan ko muna ang iba nating kaklasi.”Pumunta kami ni Jacob sa isang tagong lugar sa bahay nila isa iyong secret place na parang room siya. Nag usap kami doon, niyakap niya ako nang mahigpit ramdam kung namimiss niya ako nang subra at ganoon din ako sa kanya. Dinamdam namin ang mga oras na iyon na patago kaming magkasama. Habang tahimik ang palibot bigla akong may narinig na boses nang dalawang babae. Di ko masyadong narinig ang usapan nila kundi tanging kataga lang na “magpapasabog tayo mamaya tingnan lang natin kung anong maging reaksiyon ni Dina sa malalaman niya.” Dina?! Siya ba iyong Dina na nakasalubong namin sa may gate na may kasamang lalaki? Anong plano nila kay Ma’am
Sa hospital…“Hi! Danilo, kumusta?” “Oh! Ate, bakit ka nandito? Di ba sinabi ko sa iyo na tatawag nalang ako sa iyo para sunduin ka. Alam mo naman na maselan ang kalagayan mo. Tatawagan na sana kita kasi katatapos ko lang e check up ang pasyente ko kaaalis lang din niya.” “Talaga?! Baka siya iyong nakasalubong ko sa may lobby kanina. Siyanga pala, ano nga pala ang pina consult niya sa iyo? Di ba neuro surgeon ka?” “Ah! Actually this is confidential kasi may policy kami sa hospital na never namin e share ang mga information at result nang patient namin unless kung family siya nang patient.” “Ah! Ganoon ba? Pasensiya ka na kasi na curious lang ako sa babaeng iyon. Hindi ba puwede malaman ang name niya? Kahit name lang. Please…Hindi ko naman matiis ang Ate ko kaya sinabi ko sa kanya ang name nang pasyente ko. Ngunit nagtaka ako bakit parang nalungkot siya at nanglumo wala naman akong ibang sinabi kay Ate kundi pangalan nang pasyente ko.“Ha! Ilang taon mo na siyang kilala Danilo?”N
Nakauwi na si Dina sa apartment na inuupahan niya. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang babaeng nakabanggaan niya kanina sa hospital. Si Carina kaya ang babaeng nakabanggaan ko? Pero impossible! Ilang taon na ang nakakalipas hindi na namin alam ang kaso tungkol sa pagkawala nila Carina at nang anak niya. Pero possible rin na may nakakita sa kanila sa laot at sinagip sila. Kailangan kung imbestigahan ang tungkol sa kanila ni Carina hindi ako titigil hanggat hindi ko ma kumpirma kung sino ang babaeng iyon. Biglang nag ring ang phone ko. Isang unknown number, ayaw ko sanang sagutin kaso ilang beses nang tumatawag. “Hello! Who’s this please?” Walang sumasagot, kinakabahan tuloy ako. Sino na naman kaya ang nanakot sa akin. Makalipas ang ilang minuto may narinig akong isang ungol nang babae at may boses na lalaki. Wala akong ibang maisip kundi ang asawa at friend ko sa London. Mga baboy talaga ang dalawang iyon, iniinis talaga ako. Hintayin niyo lang na manganak ako at babalikan ko kayo
Lumapit ako sa may table nila Papa Alfred, nakita ko din doon si sir Loid. Kinabahan ako, ano kaya ang sasabihin ko kay Papa.“Oh! Anak, anong ginagawa mo dito sa mall? Sino bang kasama mo?“Alfred? Anak mo si Carmela?”“Yes po sir Loid, pasensiya na po kayo hindi ko po siya masayadong nababanggit sa inyo. Siya po ang binilhan ninyo nang gift noong graduation niya.”“Talaga! So, you mean classmate siya ng mga anak ko? Pero nagtatrabaho siya sa company ko.”Bigla akong pinagpawisan nang malamig grabe parang binuhusan ako nang madaming yelo sa katawan ko. Nabuking na ako, alam kung magagalit si Papa sa akin kasi hindi ko sinabi sa kanya at kay Mama na nagtatrabaho ako sa Taylor’s Company kasi ayaw ni Mama. Hindi ko rin alam kung anong dahilan ni Mama pero ang sigurado ako, masesermonan ako nito pag uwi ni Papa sa bahay. Nakikita ko sa mga mukha ni Papa na nadisappoint siya sa akin pero nagpipigil siguro siya dahil nasa harapan namin si sir Loid.“Ah! Sige, Pa at sir Loid mauna na po ako
“Ikaw ang tinatanong ko kung bakit nagbabakasyon ka sa Pilipinas nang hindi ko alam.”“Kailan pa naging concern sa iyo ang opinion at decision ko sa buhay, di ba wala ka nang pakialam sa akin?”“It doesn’t mean, hindi lang tayo naging okay pero natural lamang sa mag asawa na hindi maging okay minsan pero wala akong sinasabi na puwede ka nang magdecision na hindi ko alam.”“So, gusto mo hawak mo ang buhay ko. For your info Patrick, mag asawa lang tayo sa papel. Pero hindi ibig sabihin na hawak mo na ang buhay ko. May sarili tayong decision sa buhay kaya wala kang pakialam kung nasaan ako ngayon at kung kailan ako babalik nang London.” Inis kung sabi kay Patrick.Tumahimik na lamang siya, siguro naisip niyang may point naman ako. Wala pa talaga akong plano bumalik sa London, gusto kung sa Pilipinas na ako manganganak. Pero nahihirapan na rin ako medyo lumaki na ang tiyan ko at malapit na rin akong manganak. Kailangan kung humingi nang tulong sa kapatid ko. Tatawagan ko nga siya.Si Dan
“Hey! Jacob?! Really is that you?”Napatingin ako sa babaeng tumawag sa akin.“Who are you?!”“Wow naman Jacob, nakalimutan muna kaagad ako. Ako si Rowena ang future fiancee mo.”“What?!”. Ano naman kaya ang pinagsasabi nang babaeng ito.“Of course I’m telling you the truth. Actually nagkita na tayo before when we are still in primary school. Kapatid ako nang business partner nang dad mo. Hindi na tayo nagkita uli after nun kasi nga dito na ako sa America nag continue mag aral. Mabuti at same tayo nang school makikita na kita palagi. I’m sure magkaklasi din tayo.”Haistt! Ano bang babaeng ito ang daming sinasabi hindi naman ako nagtatanong.“Okay! I have to go, kasi susunduin ko pa si Jenny.”“Oh! Andito din pala ang best competitor ko noon sa school.”“Yes, bakit may problema ka? It’s none of your business kung andito din siya kasi kambal kami. And besides, our parents decided that. Kaya tumahimik ka na, dami mong sinasabi hindi naman kita tinatanong.”Umalis na ako, alam kung napahi
“Doc, kumusta po ang kalagayan nang baby ko?”“Okay naman ang baby mo Mrs. Taylor,”“Doc just call me Dina nalang po. Ayaw ko pong marinig ang apelyido na iyan.”“Okay, Dina! Kailangan lang mag ingat ka kasi mahina ang kapit nang bata bibigyan nalang kita nang gamot para mas kakapit siya.”“Okay po doc, salamat po. And doc, favor naman po. Please po wala po sanang makakaalam na nagdadalang tao ako lalo na sa mga Taylor.”“If you don’t mind, Dina. Bakit?”Napaisip ako, chismoso din pala ang doctor na ito.“Ah! May rason po ako doc, sana po respetuhin niyo nalang po.” sabi ko sa doctor.“Oh! Pasensiya ka na Dina. Sige mauna na ako. Basta huwag mong kalimutan ang bilin ko sa iyo.” Umalis na ang doctor at ako naman ay napasunod sa kanya. Pero huminto siya saglit dahil may tumawag sa kanya. Dahil nga chismosa din ako, nakinig ako sa usapan nila. May narinig akong pangalan na Leah, wait siya ba ang Leah na kaibigan ko? Pero impossible, anong koneksyon nila sa doctor ko. Kinakabahan tuloy ak