"AAAAAAHHHHH!" malakas na sigaw ko nang makapasok na kami ni Michael sa loob ng kanyang opisina. "Tss. You are being too loud again," sabi niya habang hawak ang dalawa niyang tenga at naglalakad papalapit sa kanyang lamesa. Napanguso naman ako bago ako nakangiting naglakad papunta sa gawi niya. Nakaupo na siya ngayon sa swivel chair niya habang mariing nakapikit ang kanyang mga mata. Natutuwa ako sa hindi ko malamang dahilan. Pakiramdam ko kasi kahit papaano ay maganda naman ang naiwan kong impression sa mga board members kanina. "Natutuwa ako kasi parang ang galing ko kanina," sabi ko habang nakangiti. Hindi ko alam kung tama ang mga pinagsasasabi ko kanina, pero pakiramdam ko naman naipakita ko ang gustong ipakita ni Michael sa mga board. Hindi naman kumibo si Michael. Bahagya niya lamang iminulat ang kanyang mga mata. "You did very well," biglang sabi nito sa akin bago niya iminulat ang kanyang mga mata. Napangiti naman ako matapos ng aking narinig. "Syempre, ako pa?" pata
Nakatayo ako ngayon dito sa sala ng bahay ng mga magulang ni Michael. Nandito pa rin kami at hindi pa umaalis. "Tuloy pa rin ba training ko? Bakit parang 'di naman tayo nag-ti-training?" sabi ko bago ako naupo sa sofa na nasa aking harapan. Hindi naman kumibo si Michael. Nanatili lang siyang nakatayo sa doorway habang sumisimsim sa hawak niyang baso na may lamang kape. Napanguso naman ako. Pansin ko kanina niya pa ako hindi pinapansin. Gusto ko ng malaman kung ano ang tumatakbo ngayon sa isip niya. "Michael?" pagtawag ko pa sa kanya. Hindi ko alam kung bakit kagabi pa siya ganito. Simula kasi nang sabihin ko sa kanya na sigurado akong nawawala ang folder, at naiwala ko 'yon no'ng araw na na-kidnap ako, hindi na siya kumikibo. Parang napakalalim ng kung ano mang iniisip niya. "Michael?" pagtawag ko muli bago ako naglakad papalapit sa kanya. Patuloy ako sa paglapit sa kanya. At nang tuluyan ko ng naisara ang pagitan naming dalawa, kaagad kong hinawakan ang kanyang balikat. "Micha
I wanna move, but I can't. I am still into him and I hate it. Kasalukuyan kaming naglalakad ni Michael sa mahabang hallway. Katatapos lamang ng interrogation na kanilang ginawa. Flashback Nanatiling tensyonado ang buong kwarto. Habang ako naman ay nanatiling tahimik habang pinakikinggan ang usapan ni Michael at ng lalaki. "H-hindi ko alam kung buhay pa ba ang founder ng Black Familia. Dahil ang tanging alam lang namin ay nanggagaling ang bawat utos kay Ms. A. Kahit si Vince pa mismo ang tanungin mo sa bahay na 'yan," sabi pa ng lalaki bago tinignan si Tyron. Nakita ko naman ang mabilis na pagkunot ng noo ni Tyron. "Tyron, not Vince," sabi niya bago sumandal sa pader na katabi niya. Hindi naman na kumibo ang lalaki. Muli na lamang niyang ibinaling ang kanyang atensyon kay Michawl na kanina pa tahimik at hindi kumikibo. "K-kung may alam ako, sasabihin ko na. Ang mga 'yon lang talaga ang alam ko," sabi pa niya kay Michael na tila naging estatwa na sa kanyang harapan. "Sabi mo ang
Matapos ng lahat ng aming mga napagdaanan, alam ko sa sarili ko ang mga bagay na kaya ko pa ring ibigay sa lalaking 'yon. Kahit maubos ako, kahit madurog ako. "Anong oras magsisimula ang meeting, Michael?" tanong ko sa lalaking kasabay ko ngayon kumain ng umagahan. "Once you are done eating your breakfast. You really like skipping meals, tss," sabi niya sa akin bago pinitik ang aking ilong. Napanguso naman ako. "Nakakahiligan mo ng saktan ako. Baka magulat na lang ako makaya mo na akong saktan talaga," nakangusong sabi ko. Nakita ko naman ang pagkunot ng kanyang noo. "Tss. Stop thinking that nonsense," sabi naman niya bago ako tinignan ng masama. "Anyway, how was your sleep. I intend not to wake you up. Alam ko napagod ka," may pilyong sabi ni Michael sa akin. Halos masamid naman ako sa pagkaing kasalukuyang kinakain ko matapos ng aking narinig. Tinignan ko naman siya ng masama. "B-bastos! Kumakain ako rito ganyan sasabihin mo!" sabi ko bago ako uminom ng tubig at pinigilan a
Alam kong mahal ko si Michael at handa kong gawin ang lahat sa kaniya. Pero siya ba? Ano ba ang kaya niyang gawin talaga para sa akin? Mabagal kong iminulat ang aking mga mata nang may tumamang liwanag sa aking mukha. Pikit mata ko pang kinapa ang kumot na ngayon ay nakatapil pala sa aking katawan. Gusto ko na sanang tumayo mula sa pagkakahiga, ngunit mabigat at parang ayaw makisama sa akin ng aking katawan. "Good morning," narinig kong sabi ng lalaking nasa aking likod. Mabilis ko namang binuksan ang aking mga mata nang marinig ko ang boses na 'yon. Kinagat ko pa ang pang ibaba kong labi nang maalala ko ang bagay na ginawa namin kagabi. "What do you want to eat for breakfast?" tanong pa niya bago ko naramdaman ang pagyakap niya sa aking katawan. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata nang maramdaman ko ang nang iinit kong pisngi. Pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga nang dahil sa posisyon namin ngayon. "G-good morning din," nahihiyang pagbati ko bago ko ibinaon ang aking
Handa akong tanggapin ang buong pagkatao ni Michael. Handa akong yakapin siya ng paulit-ulit. "Heads up!" sabi ni Michael habang hawak ang aking kamay. Napanguso naman ako dahil sa hirap ng training na ginagawa namin sa mga oras na ito. "Ayoko na!" reklamo ko bago ko sinubukang hilain ang aking kamay. Kanina pa kami nandito sa training ground ng bahay nila Michael. Sa ilalim kasi ng maganda nilang bahay ay may under ground floor na para sa pag-ti-training na ginawa pa raw ng daddy niya upang turuan siya. "Tss. Wala pa tayong isang oras dito," sabi niya bago ako tinignan. "Again, heads up," sabi pa niya bago itinaas ng maayos ang aking kamay. "Hindi ko talaga kaya," reklamo ko. Akala ko makakarinig ako ng sermon ngunit hindi. Umalis lamang si Michael sa aking tabi bago niya inalis ang suot niyang parang headphone para sa firing. Kasalukuyan niya kasi akong tinuturuan na humawak ng baril. Hindi ko naman makaya dahil hawak ko pa lang ito ay nanginginig na ang buo kong katawan. "T
Alam ko na may nililihim sa akin si Michael pero mas gusto ko pa ring mapatunayan 'yon sa sarili ko. "AHHHHH!" isang malakas na sigaw ng lalaki na ngayon ay nakaupo sa isang silver na upuan. Nakatali ang kanyang mga kamay habang may piring ang kanyang mga mata. "Magsasalita ka o tuluyan na naming uubusin ang mga daliri mo?" nagbabantang sabi ni Tyron habang hawak ang isang maliit na kutsilyo. Simula nang pumasok kami rito ay ganyan na ang kanilang ginagawa. Pilit na pinagsasalita ang lalaking nakaupo sa silver na upuan. "Wala akong alam! At wala akong sasabihin!" matapang na sigaw ng lalaki bago ito tumawa. "Wala kayong makukuhang impormasyon sa akin! Mga baguhan kayo sa mundo ng mga mafia, hindi lahat ay takot sa ginagawa niyo!" muling sabi niya habang tumatawa. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang pilit nilang inaalam sa lalaking ito. Basta ngayon ay nakaupo ako sa isang upuan habang katabi ko si Michael na tahimik na nanonood sa kung ano mang ginagawa ni Tyron at Redenn.
Tama ang lahat ng hinala ko. Tama ang lahat ng iniisip ko tungkol sa tunay na pagkatao ni Michael. Naiinis ako sa kanya, pero alam ko sa sarili ko na inis lamang itong nararamdaman ko at wala ng iba pa. Kasalukuyan kaming naglalakad ni Michael sa mahabang hallway. Katatapos lamang ng interrogation na kanilang ginawa. Flashback Nanatiling tensyonado ang buong kwarto. Habang ako naman ay nanatiling tahimik habang pinakikinggan ang usapan ni Michael at ng lalaki. "H-hindi ko alam kung buhay pa ba ang founder ng Black Familia. Dahil ang tanging alam lang namin ay nanggagaling ang bawat utos kay Ms. A. Kahit si Vince pa mismo ang tanungin mo sa bahay na 'yan," sabi pa ng lalaki bago tinignan si Tyron. Nakita ko naman ang mabilis na pagkunot ng noo ni Tyron. "Tyron, not Vince," sabi niya bago sumandal sa pader na katabi niya. Hindi naman na kumibo ang lalaki. Muli na lamang niyang ibinaling ang kanyang atensyon kay Michawl na kanina pa tahimik at hindi kumikibo. "K-kung may alam ako,