Patuloy lang ako sa paglalakad ngunit mabilis akong napatingin sa aking likod nang makahalata ako ng kakaiba. Mabilis na tumibok ang puso ko. Ganitong ganito ang kaba na naramdaman ko nang unang beses kong makita ang tunay na si Michael. Flashback Naglalakad kami ngayong dalawa ni Michael sa isang koridor papunta sa kwarto na nirentahan niya para sa aming dalawa. Pareho kaming walang kibo at walang kahit anong sinasabi sa isa't-isa. Magmula kasi nang ihatid namin sila mommy sa kwarto nila ay pareho na kaming walang kibo, kahit tinginan sa isa't isa ay hindi na namin ginawa pa. Wala na rin sina Redenn at Tyron dahil umalis na sila at nagpaalam na bababa raw muna sila ulit para pumunta sa beach club. Gusto ko sanang i-open ang mga naging pag-uusap namin kanina pero mas pinili ko na lamang na itikom pa ang bibig ko. Sa totoo lang, kanina pa ako na-a-amaze sa ganda ng apartell na 'to. Hindi ko alam kung ano ang eksatong tawag dito pero maganda rito, napaghahalataang mahal ang renta
Mabilis ang tibok ng puso ko habang pinakikiramdaman ang paligid. Hindi na bago sa akin ang ganitong pakiramdam, dahil noong kasama ko si Michael ay madalas ko itong maramdaman. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi at mabilis na humakbang. Flashback Nanatili akong nakayakap kay Michael. Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming ganito, wala naman akong naramdaman na pagtutol mula sa kanya. "A-anong nangyari?" tanong ko bago ako humiwalay sa kanya ng pagkakayakap. Nakita ko naman na hinuli niya ang mga mata ko bago siya nagsalita. "Aren't you afraid?" biglang tanong niya. Natahimik naman ako. Pakiramdam ko isa 'yong sapak sa akin. "B-bakit naman ako matatakot?" kinakabahang tanong ko. Nakita ko namang napalingon si Michael sa gawi ng mga lalaking malamig ng nakahandusay sa kama. "Aren't you afraid?" ulit na tanong niya sa akin. Hindi naman ako nakapagsalita. Nanatili kami sa mga posisyon naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit hindi ako natatakot. Hindi ko rin alam kung bakit n
Patuloy sa panginginig ang mga kamay ko. Alam ko kaya kong protektahan ang sarili ko. Kaya ko ring protektahan sila mommy pero ang tanong ay kung hanggang saan ko kaya? Wala akong kahit anong bagay na maaaring magamit para gawin kong weapon. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi. At naiinis ako sa sarili ko, dahil walang ibang bagay ang tumatakbo sa isip ko kung hindi ang mga alaala namin. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi at marahan na tumingin sa likod ko. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong wala na ang lalaki kanina. Naaalala ko no'ng mga panahong hindi pa ako gaano nagtitiwala kay Michael dahil natatakot ako sa tunay niyang intensyon. Flashback Nakaupo ako ngayon dito sa office ni Michael. Wala si Michael dito, hindi ko alam kung nasaan siya. Matapos nang nangyari kanina ay hindi ko na siya nakita pa. Kaya nga ako pumunta rito ay para makita siya. Gusto kong makausap si Michael. Gusto ko siyang makita. Napabuntong hininga ako bago ko kinuha ang cellphone kong n
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad pero hindi ko inalis ang pagbabantay ko sa paligid. Baka kasi may bigla na lang sumalubong sa akin dito ay may gawing masama. Napahinga naman ako ng malalalim nang isang alaala ang biglang pumasok sa isip ko. Flashback Nakatayo ako ngayon sa tapat ng kwarto ni Michael habang nag-iisip nang maaari kong sabihin. Hindi ko alam kung bakit gusto kong humingi sa kanya ng pasensya. Pero para saan nga ba? "Michael?" pagtawag ko sa kanyang pangalan bago ko hinawakan ang doorknob ng kanyang pinto. Kanina pa ako nakauwi rito sa bahay niya. Matapos namin mag-usap ni Mommy ay kaagad akong umalis ng bahay. Nagulat na nga lang ako nang makita ko sina Redenn at Tyron hindi kalayuan sa bahay. Inutusan daw kasi sila ni Michael na hintayin akong umuwi ng bahay. Malalim akong napabuntong hininga bago ako muling tumingin sa pinto na ngayon ay nasa aking harapan. No'ng huling beses na pumunta ako rito ay iba ang natunghayan ko, at ayaw ko na muling maulit ang bagay
Papasok na ako ng bahay nang mapansin ko na may kakaiba sa paligid. Mabilis na napakunot ang aking noo. Hindi ko rin alam kung bakit biglang tumibok ng mabilis ang aking puso. Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi. Akma ko na sanang bubuksan ang pinto nang biglang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ng suot kong pantalon. Nanginginig ang mga kamay kong kinuha iyon. Natatakot ako na baka kung sino ito. Hanggang ngayon ay may epekto pa rin sa akin ang ginawang pag-kidnap sa akin noon. Nagdadalawang isip ako na sagutin ang tawag ngunit biglang pumasok sa alaala ko ang huling beses na nagdalawang isip ako. Flashback Tulala akong nakaupo ngayon dito sa table ko sa opisina ni Michael. Ang mga sinabi sa akin ni Redenn ay paulit ulit kong naririnig mula sa magkabila kong tenga. Hindi ko pa nakikita ang babaeng tinutukoy ni Redenn, pero may hinala ako na siya ang babaeng kausap ni Michael nitong nakaraan na narinig ko at si Mommy mismo ang nakakita. Napahinga ako ng malalim. Baki
Nanginginig ang mga kamay na sinagot ko ang tawag. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman. Pakiramdam ko kasi nagka-trauma a ako sa ganitong bagay. Kapag may tumatawag sa akin ay nagkakaroon ako ng matinding takot. Natatakot ako, dahil noon nang mga tumawag kay daddy ay may nangyaring hindi maganda sa kanya. Gano'n din sa akin bago ako ma-kidnap. Flashback Kasalukuyan kaming nakasakay ngayon sa sasakyan namin. Si Mommy ay busy sa pagpapatahan kay Ranie na umiiyak dahil ayaw pa niyang umuwi ng bahay. "Daddy," pagtawag ko kay daddy habang patuloy siya sa pagmamaneho. Nakaupo ako sa passenger seat katabi ni daddy. Dapat si Mommy ang nakaupo rito ngayon pero hindi niya kasi mapatigil sa pag-iyak si Ranie. Buntis ngayon si Mommy sa lalaki at bunso naming kapatid. Pagkagaling namin sa hospital para ipa-check up si Mommy ay pumunta kaming mall para mamasyal. Alam ko nga ay hindi pa dapat kami uuwi pero biglang nagbago ang isip ni Daddy. "Daddy," pagtawag ko ulit sa kanya. Hi
Mabagal akong naglakad papasok sa loob ng bahay. Mabilis ang tibok ng puso ko habang pinakikiramdaman ang paligid. Pigil ko ang aking hininga habang naglalakad. Gusto ko sanang tawagin sila mommy pero natatakot ako. Akma na rin sana akong sisigaw at tatawagin ang mga kapatid ko nang bigla na lamang naglakad papalabas ng kwarto si Ranie habang nag-ce-cellphone. Para naman akong nabunutan ng tinik matapos ko siyang makita. Kung gano'n walang kung anong masamang nangyayari ngayon. Nag-iisip pa lamang ako? Napahinga ako ng malalim bago ako naupo sa sofa. Kinagat ko rin ang pang-ibaba kong labi. Paranoid na ako. Dah matapos ang lahat ng mga nangyari noong kasama ko pa si Michael ay natatakot ako. Lalo na no'ng na-kidnap ako. Flashback Nanatili kaming magkayakap ni Michael, ngunit agad akong humiwalay sa kanyang pagkakayakap nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto kung nasaan kaming dalawa. Mabilis ding itinutok ni Michael ang hawak niyang baril sa pinto at handa na iyong paputukin an
Matapos kong maglinis ng sarili ay pumunta na ako sa kuwarto namin ni Ranie at doon nahiga. Napahinga naman ako nang makaramdam ako ng lungkot. Kahit anong gawin ko si Michael ang pumapasok sa isip ko. Kahit paghiga sa kama mukha niya ang naaalala kk. Flashback Nakaupo ako rito sa sofa sa labas habang pinagmamasdan ang mga lalaking nakaitim at naglilibot sa paligid. Nang lumabas nga ako mula sa loob ay dumoble ang bilang nila rito. "Ma'am, madilim na ho ang paligid. Hindi pa ho ba kayo papasok sa loob?" biglang tanong sa akin ng isa sa kanila. Kaagad ko naman siyang nilingon bago ako ngumiti. "Maya-maya, kuya papasok na rin ako," sagot ko bago ako tumingin sa paligid. Ngayon ko lang napansin na ang villa na ito ni Michael ay napapalibutan ng mga malalaking puno. "Kabilin-bilinan ho kasi sa amin, Ma'am na hindi kayo hayaang manatili rito sa labas lalo kung gabi na. Panigurado ho kasing malilintikan kami kay Sir Michael kapag may nangyaring hindi maganda sa inyo," biglang saad niy