Kasalukuyan na ako ngayong naghahanap ng klase ko. Sa totoo lang ay nasa mahigit isang oras na ata no'ng nagsimula akong maghanap pero hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ako. Business Administration ang kurso na kinuha ko. Inisip ko kasi na advantage ito para kapag pina-handle sa akin ni Michael ang kompanya niya at least may alam ako sa business. Kaso ngayon na iniisip ko, isa pa lang kalokohan ang bagay na 'yon. Dahil mukhang hindi naman na sa akin ipapa-handle ang kompanya dahil mukhang tapos na ang kontrata. Mukhang nagtapos na ang koneksyon naming dalawa. "Nasaan ba 'yon?" iritang untag ko habang hawak ang papel ng certificate of registration ko sa school na 'to. Dito ko tinitignan kung ano nga ba ang klase at classroom na pupuntahan ko. Ang kaso sa laki nang university na 'to, pakiramdam ko buong araw akong maghahanap. "Alam mo na ba kung saan ang first class mo?" halos mapatalon ako sa gulat nang bigla na lamang may sumulpot na lalaki sa aking harapan. Mabilis na napakun
Agad akong napatingin sa lalaki. Hindi ko alam pero nagulat ako matapos nang narinig ko. Nakatingin siya ngayon sa phone niyang hawak niya. Hindi naman ako kumibo. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. "Look. This mafia boss is great. I want to be like him. If only mafia group exist, pilitin ko maging parte nila," nakangiting sabi ng lalaki bago niya inilapit sa akin ang hawak niyang phone. Napatingin naman ako sa screen no'n. Naka-flash ang mukha ng isang pamilyar na lalaki. Ang lalaking 'yon ay artista mula sa ibang bansa. "Ikaw? May alam ka bang mafia group? Alam mo gusto ko maging katulad nila," sabi niya sa akin bago nakitingin sa schedule na hawak ko. Nanatili naman ang tingin ko sa kanya. Totoong may mafia groups, at totoong may mga mafia boss. Kapag nalaman mo kung paano umikot ang mundo nila, gugustuhin mo na lang na sana hindi mo na lang ipinangarap pa. "Wow! Pareho tayo ng sched! Ibig sabihin ba no'n magkaklase tayo?" nakangiting sabi niya. Napatingin naman ako sa
Halos katatapos pa lamang nang uwian. Nandito ako sa tapat nang waiting shed sa tapat nang school nagpapatila ng ulan. "Classmate? Wala ka bang payong? Gusto mo ba payungan kita?" narinig kong boses nang isang lalaki. Hindi naman ako kaagad nakaimik. Kaklase ko kasi ang lalaking 'to mula una hanggang huli subject ko araw-araw. "Hindi na. Maraming salamat na lang," pagsagot ko sa kanya. Nanatili lang akong nakatingin sa langit. Kaya ko namang umuwi talaga. Kaya ko namang suungin ang ulan na ito, pero hindi ko alam kung bakit pero mas gusto ko na lang muna mag-stay rito. "Sabayan na lang kita," narinig ko pang sabi niya. Pero this time, mas seryoso na ang tono niya. Kaagad ko siyang nilingon pero hindi na ako nagsalita pa. "You know, I love rainy days," pagpapatuloy pa rin niya. "Minsan mabigat sa d*bdib kapag umuulan, pero ang ganda. Ang ganda kasi parang gumagaan ang d*bdib mo. Para bang kahit papaano nababawasan ang problema mo," hindi aki kumibo. Nanatili lang akong nakikinig s
Mabagal akong umupo mula sa pagkakahiga sa kama. Masakit ang ulo ko at mahapdi ang aking mga mata. "Anong oras na ba?" untag ko bago ako napahinga ng malalim. Mag-a-ala-sais na pala ng umaga. Kailangan ko nang kumilos dahil alas-otso ang oras ng klase ko ngayon. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama bago ako naglakad papunta sa vanity table. Magang maga ang mga mata ko at pulang pula. Paano kaya ang gagawin ko nito? Hindi kasi ako nakatulog matapos kong umiyak ng umiyak kagabi. Inilabas ko ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko. Dahil hindi ko deserve ang ganito, akala ko maayos kami. Akala ko okay kami. Pero ito, buwan na ang nakaraan pero wala pa rin siyang paramdam. Malalim akong huminga bago ako naglakad na papunta sa pintuan nitong kuwarto. Wala na si Ranie rito sa kuwarto dahil alas-sais ang oras nang simula ng klase niya. Pareho sila ni Reev, at sabay rin silang pumapasok. "Mommy?" pagtawag ko kay mommy nang makalabas na ako ng kwarto. "Mommy?" pagtawag kong muli.
Tulala lang ako. Buong oras kong iniisip kung ano nga ba ang totoong rason ng pag-iyak ni mommy. Ngayon ko lang kasi naalala na hindi niya nasagot ang tanong ko kung ano ang dahilan ng pag-iyak niya. Sinabi niya na dahil sa pagsiga, pero wala naman siyang siniga. Dapat tinanong ko siya ng maigi. "Classmate? May extra ballpen ka pa ba d'yan?" agad akong napalingon sa lalaking katabi ko. Nakatingin siya sa akin habang may ngiti ang kanyang mga labi. Hindi ako kaagad nakapag-react sa tanong niya sa akin. "Yuhoo. Mayroon ba?" tanong niya ulit. Mabagal naman akong tumango bago ko kinuha sa bag ko ang ballpen ko. "Ito," tanging sagot ko. Ngumiti naman siya bago kinuha ang ballpen na hawak ko. "Ano bang ginagawa mo?" nagtatakhang tanong ko. Mabilis naman niya akong nilingon. Nakakunot pa ang kanyang noo. "Hindi ba halata? Nagsusulat ako," seryoso at puno ng sarkasmong sagot niya sa akin. Hindi ko naman alam kung bakit ako natawa. "Anong isinusulat mo? Wala pa nga tayong prof na pumap
Patuloy lamang ako sa paglalakad nang bigla na lamang pumasok sa isip ko ang nangyari dati sa bahay nila Michael. Dahil sa mga nakita ko, pakiramdam ko bumalik ang nangyari noon. Flashback Kasalukuyan na akong nandito sa kwarto na tinutulugan ko rito sa bahay ni Michael. Kanina pa ako nakahiga rito matapos naming mag-usap ni Michael sa hallway. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog. Ang tangi ko lang ginawa magmula kanina ay ang magpaikot-ikot dito sa kama at isipin ang mga bagay na patuloy na bumabagabag sa akin. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Umaasa na baka 'di magtagal ay makalimutan ko na ang kung ano mang mga nangyari nitong nakaraan. Kinagat ko pa ang pang ibaba kong labi. Ilang araw ko pa lang nakikilala si Michael, pero ang dami na kaagad nangyari. Mga pangyayari na ni-minsan ay hindi pumasok sa isip ko na mararanasan ko. Muli kong idinilat ang aking mga mata bago ako mabagal na umupo sa kama. Isa pa sa bumabagabag sa akin sa mga oras na ito ay ang mga s
Redenn's POV Tahimik ang buong paligid habang pinagmamasdan namin ang walang imik na si Michael. Nakatingin lamang siya sa baso ng alak na hawak niya. Hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip niya, pero kung ano man 'yon, alam kong hindi 'yon maganda. "G*go, kausapin mo nga 'yang kaibigan mo," bulong sa akin ni Tyron. Kanina lang kasi ay umiimik pa siya at nagsasabi ng mga susunod naming plano, ngunit bigla na lamang siyang naging gan'yan nang biglang dumating ang isa sa mga nagbabantay kay Renice. "K*ngina mo! Ikaw kaya!" bulong ko pabalik. Kaibigan namin si Micahael pero sa mga ganitong panahon na hindi namin alam kung ano ang takbo ng isip niya, mas maigi na manahimik na lang. "Ano ba naman kasi ang nangyayari kay Renice at nakikipagligawan na sa school na 'yon? P*tcha naman!" inis na bulong ni Tyron bago sinipat ang tahimik na si Michael. Napahinga naman ako ng malalim. "Tayo na naman ang mapagbubuntungan ng galit ni Michael. T*nginang 'yan!" bulong pa rin ni Tyron ba
Redenn's POV Nakatayo kami ngayon ni Tyron 'di kalayuan sa university na pinapasukan ni Renice. Hanggang ngayon ay labag sa loob namin ni Tyron ang pag-aaral dito ni Renice, dahil para mong inilagay sa kuta ng mga oso ang isang kambing. Ngunit wala kaming magagawa dahil kay Michael na mismo nanggaling ang desisyon na ito. Desisyon na hindi ko alam kung ano ba ang benefit nito. "Nakita mo na ba?" nakakunot noong tanong ko. Agad namang umiling si Tyron. "Negative," sagot niya sa akin bago sumandal sa puno na malapit sa amin. "Sigurado ka bang uwian na nila Renice?" nakakunot noong tanong ko. "Oo, na-hack ko ang system kanina at nakita ko ang schedule niya. Dapat uwian na niya ngayon," nagtatakhang sabi ni Tyron bago napatingin sa suot niyang relo. Ilang beses din siyang bumuntong hininga bago napakamot sa kanyang ulo. "Tingin mo ba kilala nila si Renice?" biglang tanong ni Tyron sa akin. Hindi naman ako kaagad nakasagot. Ako ang kasali sa Odio Mafia group ngayon dahil na rin sa u