Maaga pa lang ay nagkagulo-gulo na ang mga katulong sa loob ng mansyon ni Semion. Iyon ay dahil dumating sa mansyon ang kinatatakutan nilang babae.“Ate Val, long time no see!” Akmang yayakap si Semion sa kanyang nakatatandang kapatid na babae nang bigla siya nitong batukan ng malakas sa ulo. “What the–”“What the hell did you do?! Bakit ngayon lang nakarating sa akin na muntik ka na palang mamatay, Semion?! Kung hindi ko pa nalaman kay Tito na may problema sa asawa ng pamilya niya, hindi ko pa malalaman ang nangyari sa'yo! You almost died for pete sake!”Hindi nakailag muli si Semion nang muli siyang sapukin sa ulo ng kanyang ate. Ito ang numero unong dahilan kung bakit may trauma siya rito.Ang lakas ni Valentina Lombardi ay katumbas ng isang lalaki. Kahit pa madali lang din ni Semion mapatumba ito kung gugustuhin niya, kapag ginawa naman niya iyon ay mananagot siya sa kanyang ama.“Please, stop punching me, Ate Val. Presko pa ang mga injuries ko–”“What the hell?!” malakas na sumam
Isang halimaw ang pagkakakilala ni Semion sa kanyang nakakatandang babaeng kapatid na si Valentina. Unang-una ay dahil lumaki siyang bugbog-sarado rito nang hindi nakakaganti pabalik. Pangalawa ay napakasakit ito sa tainga sa tuwing pinapagalitan siya, at pangatlo ay sadyang napakatigas nito.Subalit sa harapan niya ngayon, magmula nang dumating si Celeste, ay tila naging maamong tupa si Valentina.“What's wrong with you?” hindi maipintang mukha na tanong ni Semion sa babae. “‘Wag mong sabihin na may balak kang ligawan ang asawa ko?”Ang inaasahan niya ay sisigawan siya nito, subalit nanatiling kalmado parin si Valentina, ang tuon ay na kay Celeste.“I've never seen you before, what's your name?” lumiit ang dapat malaki nitong boses.Ganoon na lang ang pag-awang ng labi ni Semion. “You're a pretentious monster!”Hindi siya pinansin ng dalawa.“My name is Celeste Costa-Lombardi po,” nahihiya ngunit matamis na tugon ni Celeste.“Celeste, ang gandang pangalan.” anito. “I know Celeste mean
Kalmado man at mahinhin sa panlabas na anyo, subalit sa loob nagtatago ang pagwawala ng husto ni Celeste.Paano siya kakalma kung kaharap niya ang pangunahing pamilya ni Primo Semion Lombardi!Hindi niya alam kung hanggang kailan niya mapapanatili ang maganda at matamis na ngiti sa labi niya. Dahil sa totoo lang ay para na siyang madudumi sa kaba.“So, you got married.” Kalmado ang buo at mababang boses na tanong ng matandang lalaki. Ang buhok nito ay purong puti na, subalit hindi bakas ang labis na katandaan sa mukha at pangangatawan nito.“Yes, dad. I'm married.” kalmado ring tugon ni Semion sa kanyang tabi.“Congratulations.”“Thank you.”Nabalot muli ng katahimikan ang dining room, kung saan sila ngayon kalmado ngunit madugong kumakain ng lunch.Nabaling ang tingin ni Celeste sa kaharap na batang lalaki sa hapag-kainan. Iyon ay si Primo Luca, ang bunsong kapatid ni Semion na edad thirteen years old. Kanina pa ito nakatitig sa kanya na halos hindi na kumukurap ang mga mata nito.Cre
“Don’t be ridiculous, Mom! Bakit ko naman hahalikan ang asawa ko sa harapan ninyo?”“Bakit naman hindi? Wala namang masama. Sa susunod pa nga'y maghahalikan na kayo sa harapan ng altar at harapan ng maraming tao.”“P-Pero…” naroon ang pagtutol ni Semion. “Wala naman kami sa mood gawin ang sinasabi mo ngayon. T'saka isa pa, may minor, oh!” pagtukoy niya kay Luca.“Tatakpan ko mata.” tinakpan kaagad ni Valentina ang mga mata ni Luca.“H-Hey! I'm not a child anymore! I want to see it too!”Lukot na lukot ang noo ni Semion. “Seriously? Are you all really going to make us kiss here and now?”“Son,” seryosong pagsasalita ng ama ni Semion. “Do it and be done with it already. Nang payapa na kaming makakain at makaalis dito. Ibigay niyo na sa kanila ang hinihingi nila, hindi naman kalakihang bagay.”“Tama, tama.” pagsang-ayon pa ni Valentina. “Isa pa, sa history mo ng pagiging playboy, hindi ka na mahihirapang gawin ang basic na gawaing ‘to.”“Nagbago na ‘ko.” paninindigan pa ni Semion. “You kn
“Which side of the bed are you comfortable sleeping on?” tanong ni Semion kay Celeste habang pareho silang nakatingin sa king-sized bed na nababalot ng puting punda.“Um, siguro sa kaliwa na lang.” napapakamot sa leeg niyang tugon.“Okay, then I'll sleep on the right side of the bed.”“Sige, goodnight…”“Goodnight.”Pareho silang parang robot na naglakad sa kama, sabay na naupo sa magkabilang gilid, bago tinanggal ang nakaipit na iisang kumot, at pinuwesto ang kanilang mga sarili.Ito ang unang pagkakataon na matutulog sila sa iisang kuwarto.“Should I turn off the lights?” muling pagtatanong in Semion.“Sige, sanay din akong matulog nang walang ilaw.” may ngiti pang tugon ni Celeste.Kinuha ni Semion ang remote at tinapat iyon sa ilaw dahilan ng pagpatay nito. Kasabay naman no'n ang pagliwanag ng mga maliliit na ilaw ng dimlights at lampshade sa silid, kung kaya't kahit madilim ay mayroon paring nakikitang liwanag.“Goodnight.” nahiga si Semion na nakatalikod kay Celeste.“Goodnight d
“Mukha yatang hindi maganda ang tulog mo ngayon, Boss ah?” kuryosong tanong ni Diego, batid niyang sa iisang kwarto natulog ang dalawa.“Shut up. Your voice is the last thing I wanna hear this morning.”Umaktong ni-zipper ni Diego ang sarili niyang mga labi at tiniklop iyon ng husto.Naupo naman si Semion sa mataas na upuan sa loob ng kanyang opisina ng kumpanyang Elite Realty Group. Hindi pa man nagtatrabaho ay pagod na agad siya.Napuyat lang naman siya kagabi dahil sa pag-eensayo nila ni Celeste ng kanilang relasyon.Pakiramdam niya ay nakadikit parin ang malambot na dibdib ni Celeste sa dibdib niya, ganundin ang pagkakapulupot ng mga braso nito sa bayawang niya.“Sir Primo Semion?” Kumatok ng tatlong beses ang lalaking secretary ni Semion mula sa labas ng opisina.“Come in, Nate.”“Pinapatawag niyo ako, Sir?” may pagtatanong ang lalaking may salamin sa mga mata at nakasuot ng pormal na business attire na pumasok sa loob.“Yeah, I'd like to talk to you about our competition in the r
“Drive me home, Paulo.” pagod na pag-uutos ni Semion sa personal niyang drayber pagkapasok niya sa loob ng kanyang sasakyan. “Kumusta, boss? Mukha atang iba ang pagod natin ngayon, ah?” pansin pa nito bago buhayin ang sasakyan at paandarin iyong palabas ng parking lot. “Tsk! That's not your business. Sabihin mo na lang sa ‘kin kung anong nangyari sa mansyon, habang wala ako.” “Ah, pagkakaalam ko ay merong ipinadalang mga bagong tao ang pamilya niyo, lalagpas pa sa isang dosena.” Nagsalubong ang kilay niya. Inaasahan na niyang mangyayari iyon, pero ‘di niya aakalaing magpapahalata talaga ang pamilya niya na gusto nilang manmanan silang dalawa ni Celeste. “What a pain in the ass. Anong ginawa ni Celeste?” “Lima lang ang tinanggap niya, Boss. Saka nagpadala na lang siya ng mensahe sa pamilya mo, boss.” “Oh!” he chuckled. “Good.” Sa sandaling bumabyahe ang sasakyan ay pinikit na lamang niya ang mga mata, sandaling namahinga. Kapagkuwan ay dumating na rin sila sa kanyang mansyon a
“Yahoo! Kuya Semion’s wife picked up the two servants I sent her!” tuwang-tuwang anunsyo ni Primo Luca sa mga magulang niya.“Well,” nilapag ni Primo Alessandro, ang ama ni Semion at Luca, ang sulat na ipinadala ni Celeste sa kanya, kung saan nakasaad ang pasasalamat nito sa pagtanggap dito sa pamilya ngunit limang tao lamang ang kaya nitong tanggapin sa maraming kadahilanan.Ang totoo niyan, sinadya nilang pamilya na magpadala ng maraming tao, upang malaki ang tiyansa na madami rin ang mapili nito. Dahil kung sampung katao lamang, paniguradong dalawa hanggang tatlo lamang ang kukunin ni Celeste.Isa lamang iyong trick, at hindi na masama ang limang tao na nakuha para magreport sa kanila sa kasalukuyang relasyon ng anak nilang si Semion at asawa nitong Celeste.“Hehe,” nakalolokong ngisi ang pinakawalan ni Primo Alessandro. “Sa amin ni Isabella ang tatlo.”“Tama ka diyan, hon.” nakangiti pang saad ni Isabella, ang asawa nito, habang sumisigop ng mainit na kape.“Argh! Nakakainis! Wala
Nagising kinaumagahan si Celeste na para siyang sumabak sa isang championship sports kagabi kaya ganito na lang kasakit at kabugbog ang katawan niya. Kinusnos niya ang mga mata saka umuunat na binaling ang paningin sa lalaking nasa kanyang tabi, mahigpit na nakayakap sa kanya. Tumatama na ang sinag ng araw sa pagkaguwapo nitong mukha. Hindi na nga bagong silip ng umaga, kundi tanghali na. Tinaas niya ang nanghihina niyang braso para suklayin ang makapal na buhok ni Semion na kasalukuyang magulo. Napatitig siya sa makakapal nitong kilay at mahahaba nitong pilik-mata. Tinulay niya ang hintuturo niyang daliri sa mataas nitong ilong pababa sa manipis nitong mga labi. At saka niya napagtantong gising na si Semion dahil hindi napigilan ang pagtaas ng magkabilang sulok ng labi nito. Tumaas din ang pisngi nito na pilit nilalabanan upang bumalik sa dati. Dahil do'n ay hindi rin napigilan ang pagsilay ng kanyang ngiti saka napapikit. “S-Se…” natigil siya dahil ganoon na lamang kapaos ang bo
Nakasandal ang likod ni Celeste sa pader habang siya'y nakaupo sa mababang kabinet. Ang mga gamit na kanina’y nakasalansang roon ng maayos, ngayo'y nagkalat na sa sahig.Kasing lakas ng paghingal niya ang bawat pintig ng kanyang puso, habang pinapanood ang ulo ni Semion na nasa pagitan ngayon ng kanyang nakabukang hita.This is the second time he has lowered himself like that in front of her. Sanay siyang makita si Semion na palaging nakataas noo, animo walang niyuyuko sinumang tao. Ngunit ngayon ay kabaaliktaran ang kanyang nakikita.May kung ano sa damdamin niya ang hindi niya maipaliwanag sa tanawing ito bagaman balot ng dilim ang kabuuan ng kuwarto at nag-iisang dim light lamang ang nagsisilbing liwanag.He's torridly kissing her flowers, just like how he was kissing her lips earlier. Hungry and thirsty for her juices.“Ahhh… Ummm, ahhh!” Napakainit sa pakiramdam. Mas lalo siyang nilalabasan ng madudulas na likido na lumalaplap sa mga labi't dila ni Semion. Ang nakakahumaling na t
“S-Semion…” Napasinghap ng mabilis na hangin si Celeste nang bumaba ang mga malalambot na labi ni Semion sa kanyang leeg. Kagat-kagat ang ibabang labi, bumaon ang mga kuko niya sa magandang tela ng itim nitong coat. “Mmhhmmp!” hindi niya maiwasang mapahalinghing sa nadaramang sensasyon. Madilim sa kuwarto, marahil pagkapasok na pagkapasok pa lamang nila sa loob ay kaagad na siyang sinunggaban ng halik ni Semion na tila isang uhaw na estranghero. Ang plano niya kanina na maligo at magpalit sa komportableng damit ay nabigo dahil sa kasalukuyang ginagawa n Semion sa kanyang katawan. Tumaas ang dress niya nang pagapangin nito ang malaking kamay sa kanyang hita patungo sa kanyang underwear. Madidiing hinahaplos ni Semion ang ibabang iyon na may halong panggigigil. Naramdaman iyon ni Celeste nang kagatin siyang bigla nito sa leeg! “Ahh!” Nasaktan siya at napahikbi. Nanunuyo ang lalamunan niyang naghahabol ng sapat na hangin. “My wife,” ang mainit na hininga ni Semion ay pumasok sa kan
“Huy, Luca! Bawal ka uminom ng alak, minor ka pa!” inagaw ni Settie ang alak sa batang lalaki. “Isusumbong kita kay Ate Val, sige ka! T'saka nasa kabilang table lang ang parents mo oh!”“They won't mind though kahit magsumbong ka pa.” walang pakialam si Luca na inagaw ang baso sa kanya at tinungga ang ang alak.“Hala!!” dahil naka-wheelchair, hindi magawan ng paraan ni Settie na maagaw muli ang baso nang itinaas iyon ni Luca sa ere. “Masama ang alak sa katawan ng bata!”“Hindi na ako bata!” bulyaw bigla ni Luca na tila spoiled brat. “Don't you know, I even protected my sister-in-law againsts the assassins? Kaya what makes you think na hindi ko kaya ang alak?”“Huh? Anong assassins? Tinutukoy mo ba ay sa mga online games?” napataas ng kilay si Settie na tumitingala sa tangkad ng batang lalaki. Kahit na thirteen pa lamang ang edad nito ay halos pang fifteen years old na ang tangkad, marahil anak ng mayaman kaya masagana sa bitamina. Kung makakatayo lang si Settie, paniguradong ang 4’11
Semion was too stunned to speak. Nilalabanan ng kanyang mga mata ang pakikipagtitigan sa naghihinalang mga mata ni Celeste. Bumuka ang kanyang bibig subalit walang ni isang salita ang lumabas. Napalunok na lamang siya ng sariling mga laway at napatikhim ng hangin di kalaunan.Tumuwid siya ng tayo at binaling ang paningin sa mga tao bago tumugon sa naiwang tanong ni Celeste. “Jessa was just another woman I met years ago. Some things that happened will stay in the past.” sinubukan niyang ngumiti ngunit nabigo nang matingnan muli si Celeste. “Wife, I'm not hiding anything from you. Lahat ng itanong mo sa ‘kin, sasagutin ko ng totoo.”Sa pagbago ng ekspresyon ng mukha ni Celeste, nabatid ni Semion na mukhang hindi nito nagustuhan ang kanyang naging sagot.“Kung ganoon, tatanungin na kita ngayon.” Humarap sa kanya si Celeste ng seryoso. “Paano ako? Do I belong to ‘another woman you just met’? Sa future ba, isa na lang rin ako sa mag-sstay sa past mo?”“What?” Semion was caught off guard. N
Nang magbalik sina Celeste at Felip sa pangunahing gusali ay pareho silang natigilan sa isang komosyon na nangyari.“Waah! Why are you doing this to me, Semion? You told me I was special! Sabi mo may espesyal tayong relasyon!” may isang babae ang umiiyak na nakayakap sa baywang ngayon ni Semion.“Oh my god! She did not!”“Marami na siyang nainom kaya ganiyan!”“Kanina pa siya naglalasing sa isang tabi, no wonder nawala na sa hulog!”Unti-unting nagsalubong ang mga kilay ni Celeste na mabagal na naglakad at nakihalo sa crowd. Pinanood niya ang kasalukuyang nangyayari.Nakataas sa ere ang dalawang braso ni Semion, ang isa na may hawak na alak ay ipinatong nito sa tray ng dumaan na waiter. Bakas ang hindi pagkagusto sa kanyang emosyon sa mukha.“Please let go, Jessa.” itinulak ni Semion gamit ang isang palad ang babaeng grabe ang pagkakayakap sa kanya na halos ibaon ang buong katawan sa kanya.“N-Naghintay ako! Huhu, naghintay ako ng ilang taon matapos ang gabing iyon! Naniwala akong bab
“Anong ibig mong sabihin, Felip?” kuryosong tanong ni Celeste sa lalaki.Nagpakawala ng marahas na hininga si Felip, halata ang pagkabahala sa kanyang ekspresyon sa mukha. “Noong una pa lang kitang nakita na naglalakad sa altar kanina, inaasahan kong makita ang matamis na ngiti sa mukha mo dahil ganoon ka ‘pag totoong masaya. Pero simula noon hanggang sa dumating tayo rito, hindi pa kita nakikitang masaya. Marami ka ring ginawang mali kanina sa seremonyas ng kasal, samantalang perpeksyunista ka. Para kang nasa ibang dimensyon.”Natahimik si Celeste.“Idagdag mo pa iyong suot mo kaninang gown, bakit gano'n? Oo maganda, pero bakit may pagka-basa at madungis? Ha!” napasinghal ito. “Pero parang hindi iyon nakikita ng lahat. Parang ako lang yata nakakakita na may problema ang bride. Maging asawa mo walang pake. Ang ganda pa ng pagkakangiti, sarap batukan.”Napasinghap siya ng hangin at umiling-iling. “Hindi iyon sa gano'n, Felip. Mali ka ng pagkakaintindi and interpretasyon sa nangyari. Ay
“Congratulations on winning your case, Mrs. Celeste Lombardi!”“Congratulations, Mrs. Costa-Lombardi!”“May this event mark your flourishing~”“More wins to come for both the Costa and Lombardi families!”Pinaunlakan ng kaliwa't-kanang papuri at pagbati si Celeste matapos ang inereng naganap na paghatol ng korte.Hindi lamang siya na-congratulate sa kasal kundi na rin sa pagkapanalo sa kaso laban kay Governor Demetrio Allegra.Matapos makipaghalubilo sa mga pamilyang may mataas na estado sa social class, kaagad na nagtungo si Celeste sa kanyang pamilya nang makahanap ng opotunidad.“Nanay Lordes!” mahigpit niyang niyakap ang ina sa tagal nilang hindi nagkasama at halos ngayon na lamang nagkalapit ang kanilang landas.Natutuwang napatawa si Lordes. “Ang anak ako! Proud na proud na ako sa'yo, Celeste.” mahigpit din nitong ginantihan ang kanyang yakap bago sila naghiwalay. Agad nitong sinapo ang kanyang mukha nang may nagniningning na mga mata. “Nagawa mo, anak. Sa wakas ay nabilanggo na
Nagkikislapang mga ilaw sa gabi ng marangyang bulwagan, malamyos na musikang umalingawngaw sa lugar, maging masasarap na putahe sa kada mesa ng bisita, tila lahat ay ine-enjoy ang party matapos ng mahabang seremonyas ng kasal. Bawat sulok ng silid ay puno ng tawanan at kwentuhan kung saan bida ang dalawang bagong kasal.Hindi kalaunan. Si Semion ay tumayo mula sa kanilang mesa, kinuha ang isang wireless na mikropono na noo'y inabot ng isang host, saka siya lumapit sa gitna ng entablado. Unti-unting natahimik ang mga bisita, wala pa man ay nakatuon na, nag-aabang sa kanyang sasabihin. Si Celeste ay nanatiling nakaupo, nakangiti sa kanyang asawa, matapos madamayan ni Semion sa nangyari.Kagaya ng karaniwang awra ni Semion sa tuwing haharap sa mga tao, nakasilay ang maganda nitong ngiti sa labi, walang bahid ng tunay niyang pag-uugali. "Ladies and gentlemen, thank you all for being here tonight," panimula niya. "Napakahalaga para sa amin ng aking asawa na si Celeste ang inyong presensya