"But it does not matter Elise, mayaman na ako, may mana na ko sa tatay ko pa lang. mapera na ako. Ang kapatid ko ay wala walang kaya kailangan nya yon. Kaya kung pwede lang huwag mo kaming pagtularin ni Kenzo. Iba yung dahilan ni Kenzo iba yung dahilan ko" sabi ni Kevin. "Kaya ikaw ang tataungin ko Elise, Okay ka lang ba?" tanong ni Kevin. Umiling iling si Elise. Ilang beses siyang umiling sabay muling umiyak at sumubsob sa dibdib ni Kevin. Hindi naman masabi ni Elise ang takot niya sa posibleng maganap. Ang mga takot niya na baka ngayon na nakuha na ng ng mga Madrigal ang kailangan nito sa kanya, ngayon nawala na ng pumipigil kay Kenzo para manatili sa tabi nya ay baka tuluyan na siyang mawala at itaboy ng kanyang asawa. Wala namang pakialam sana si Elise sa sarili. Kung damdamin niya lang ang masusunod matatag siya, manhid na ata siya pero maraming alalahanin si Elise.Una na rito ay kapag pinaalis siya ni Kenzo sa bahay nai to ay hindi niya makikita si Kevin hindi na niya marara
Masiglang nagpaalam si Elise kay Jovelyn na aakyat na para magbihis. Pag akyat sa hagdan ay nakasalubong niya si Kevin nakabihis ito na tila may lakad. Nagtama ang kanilang mga paningin at nagkatinginan silang dalawa. Si Elise ang hindi nakatiis at siya ang unang nagsalita. "May lakad ka Kevin?" mahinahon niyang tanong. Sumagot naman si Kevin pero nakakunot ang noo at hindi inilayo sng tingin sa kanya. "Yes, nagyaya lang yung isang kaibigan ko baka may puntahan lang kaming isang bar. May kailangan ka ba?" tanong nito kanya na tila matamlay. "Ah wala naman ah kung okay lang sana makauwi ka agad kasi may okasyon sa bahay ngayon" sabi ni Elise. "Okasyon?? ah, Oo nga pala, anniversary nyo nga palang mag asawa. Wow, nagcelebrate pa talaga sila. Ayos din noh! one year na pala kayo?" sabi ni Kevin na hindi mo malan king nang iinia o natutuwa. "Anyway congratulation, hangad ko ang mas marami pang taon.bPasensya na baka ako makasama sa celebration may mahalaga akong lakad kesa sa
Maingay at nagkakasiyahan ang lahat sa sala. Alas otso na ito ng gabi ngunitcmay mga tao pa rin. Masaya si Elise dahil maraming bisita at maraming pagkain. Mga bandang alas siete ay tinawag siya ng kanyang biyenan at pinalapit kay Kenzo at pinapwesto sila sa gitna ng living room. Pagkatapos ay inutusan si Jovelyn na dalhin ang cake.Hiniling ng kanyang biyenan na ulitin daw nila ni Kenzo ang cake ceremon, tulag noong paghihiwa nila ng cake katulad ng naganap noong kasal nila.Malapad ang ngiti ng kanyang biyenan at kapansin pansin ang mga bagong suot na alahas at bagong kulay at ayos ng buhok nito. Mamula mula din ang balat nito sa mukhan na tila ba nagpa bottocks. Samantala namumula nmaan ang tisoy na mukha ni Kenzo na malapad ang pagkakangiti. Kakaiba ang awra ng asawa niya ngayon. Para bang genuine ang ngiti hindi katulad ng mga nakaraang buwan na parang palaging streess. Pinagbigyan nila ni Kenzo ang kahilingan ng ina bagamat nahihiya ay nakiayon si Elise. Magkasabay silang huma
"Ako rin may sasabihin sayo" sagot sa kanya ni Kenzo na nameywang pa at halos hindi mapakali."Were over Elise paulit ulit ko bang sasabihin? Tama na ang maraming buwan na pagtitiis ko. Tama na ang isang taong sakripisyo. Pala sa lola mo isa lamang itong kasunduan ng kasal pero hindi mo alam na itinali ako at sinakal ng dalwang matandang iyon at ang nakakainis pa may dagdag pa sa kasulatan ng lola ko na kailangag maging mag asawa tayo sa loob ng isang taon bago ko mabuksan ang mana ko"sigaw nito."Fuck! Elise kailangan kitang pagtiisan at kailangan kung pakisamahan ka kahit sukang suka na ako dahil hawak ninyo ng lintek na kasulatan ang pera ko" galit na sabi in Kenzo."Kenzo....!?." hindi makapaniwala si Elize sa lahat ng narinig. Para siyang sinaksak. Totoo ngang palabas lang ang lahat ng mga ipinakita nito nitong nakaraan? Kaya ba madalas na hating gabi na ito umuuwi at kung minsan madalas nasa out of town.Iniiwasan nga ba siya nito at hinintay lamang na lumipas ang isang taon? Ha
"Ma, wala naman ho akong magagawa kung ayaw na sa akin, hindi naman ako magmamakaawa dun" sabi ni Elise. "Babalik na lang ako dito at pagkatapos ay maghahanap na lang ako ulit ng trabaho kaya ko naman eh" sabi pa niya."Yan yan yan ang mahirap sayo yang katangahan mo pinaiiral mo huwag pairalin ang pride mo. Ano naman kung magmakaawa ka sa kanya? ano naman kung lumuhod ka sa harapan niya? may pinagsamahan kayot saka ikatwiran mo yung last will and testament ng mga lola niyo? yun ang gawin mo"sabi ng ka ina ni Elise."Ano pang tinatanga mo dyan? bugso lang ng damdamin yan? basta hindi hindi kita matatanggap dito sa bahay?Umuwi ka sa mansion, bumalik ka doon.Bumalik ka sa mga Madrigal dun ka nararapat.Ipaglaban mo yan karapatan mo hiwag lang tanga! Naintindihan mo, ipaglaban mo ang karapatan mo. Bumalik ka don magmakaawa ka humingi ka ng tawad kung may nagawa kang mali o may kasalanan ka man. Magpakumbaba ka" giit ng kanyang ina. Naluha na lang si Elise sa mga narinig."Ma, hindi nyo ma
Nang magmulat ang mata ni Elise ay namangha siya. Nagulat siya kung saan siya naroroon. Inikot niya ang kanyang mga mata at nakita niyang Hindi naman hospital ang kinaroroonan niya. Pagtingin nya sa bandang kaliwa ay nakita niyang may aparador at Pagtingin niya naman sa kabilang side ay nakita niyang may bintanang salamin. Inulit ni Elise na igala ang paningin at nakita niyang maayos ang lugar.Nakaramdam siya din siya ng kakaibang lamig kaya alam niyang bukas ang aircon.Biglang napabalikwas si Elise, biglang bumalik sa kanyang alaala ang lahat. Na wala na nga pala sya sa silid nila ni Kenzo. Wala na siya sa bahay ng mga Madrigal. Muling naalala ni Elise ang nangyari sa kanya, ang huling natatandaan nya ay naroon siya sa may ATM booth at doon na siya nahilo at pagkatapos ay natumba at dumilim ang paningin niya wala na siyang marandaan pa."Teka nasan ako?Anong nangyari?" Pag biglang bangon ni Elise ay naramdaman niyang medyo mabigat pa at makirot pa ang kanyang ulo. Pero at least hi
Napatingin naman si Elise sa doktor pagkatapos ay bumaling ang tumingin sa babaeng umalis. Sa mga mata ni Elisa ay naroon ang pagtataka. Siyempre hindi naman ito nakaligtas sa paningin ng doktor kaya ang doktor na ang nagsalita."Don't worry miss, nasa mabuti kayong mga kamay. That is what i can guarantee you. Maayos ang magiging kalagayan mo rito mababantayan ka rito at Maaalagaan" sabi nito bilang kasagutan sa mga tanogn sa mata ng babae."Kung sino man ang tumutulong sa iyo ngayon o kung sino man siya ang masasabi ko ay may mabuting puso na nagmamalasakit sayo, mabuti siyang tao kaya dont worry. After a month naman ang sa pre- natal check up mo ulit. Sa ngayon ay alagaan mo ang anak mo at ingatan.Ipanatag mo yung loob mo. Magpahinga ka.Bumawi ka ng lakas.Mauuna na muna ako , babalik ako mamaya pagubos ng IV mo.Mga 5 hous pa siguro yan" Sabi sa kanya ng doktor.Naiwang tulala sa malalim na pag iisip si Elise.Iginala muli ni Elise ang silid, naghahanap siya ng personal na gamit o
Kung tutuusin ay madaling mapapawalang bisa ni Kenzo ang kasal nila ni Elise. Dahil ang katotohanang sa likod ng kasalan nila ni Elise sa garden ay isang pagkukunwari lang. Formality lang ang ginawang kasal kuno ni Elise at Kenzo sa garden noon sa isang huwes. Ang alam ni Kenzo ay kinausap ng kanyang ina ang huwas na nangdaos ng kasal na huwag irehestro ang kasal nila. Ang ipinasa ng kanyang ina ay ang isa pang kopya ng marriage licence na peke ang mga pirma. Lihim iyon sa pamilya ni Elise na peke ang papeles na pinirmahan ni Elise. Kaya sinadya talaga ng kanyang mama na gawing mabilisang kuno ang kasal para hiidn a makapagprepare pa mga side ni Elise. At dahil agaran na at gahol na sa oras. Naginabot ng mommy niya sng isang peng marraige licence ay hinid ito inusuaa ng pamilys ni Elise.Kaya ang buong akala ng mga ito ay legal ang kasal nilang magasawa. Ang lahat ay nakaplano na ni Donya Antonia. Ang tanging nakakaalam lang ng sekretong iyon ay si Kenzo at ang kanyang ina.Walan
Kaya sabihino sa akin, ano pang laban ko?Meron pa ba akong dapat ipaglaban diba wala na? Ayoko na!!" sabi Elise. "Pero Elise........"pilit ni Kevin pero muling nagsalita si Elise. "Tama na Kevin, sa inyo na lang yang yaman nyo. Ngayon kung hindi mo na rin lang ako tutulungan dahil hindi ako babalik sa mansion, kung pwede huwag mo na rin akong hanapin.Pabayaan mo na ako pabayaan mo kami ng anak ko kung saan kami makarating. Hindi ko alam kung pano ko bubuhayin ang bata na to pero alam ko na kakayanin ko" Sabi ni Elise. "Sa tingin mo madali yun? Para sayo madali yun Elise, para sayo madali lang gawin yun kasi dun ka lang naman naka focus eh. Mahal mo si Kenzo.Ngayon di mo na mahal si Kenzo. Galit ka kay Kenzo. Kaya damay na lahat.Patang gnaun lang ka somple sng lahat. Elise, buksan mo naman yung isip mo. Please naman kahit sa huling pagkakataon mag isip ka muna. May kakampi ka"sabi ni Kevin. "Nandito ako.Pag usapan natin to.Hindi kita ibinabalik dun para makisama ka ulit sa kap
"Okay lang naiintindihan ko. Kaya nga sabi ko na lang sa sarili ko.Tutulungan na lang kita ng patago. Aalalayan na lang kita ng patago. Hanggang sa makabangon ka at pagkatapos gagawin ko ang lahat, para maibalik ka sa dapat mong lugar. Babawiin natin kung ano yung karapatan mo. Paaalalayan kita sa mga abogado para makuha mo ang dapat ay para sayo. Karapatan mo ang bumalik sa mansyon. "Wait teka lang anong pinagsasabi mo?" "May karapatan kang tumira doon, Kung ayaw na talaga sayo ni Kenzo at kung nakipaghiwalay nga talaga si Kenzo, bahala siya sa buhay niya. Pero bilang legal na Madrigal, mananatili ka sa bahay na yun. Lalo pa at dinadala mo ang tagapagmana ng mga Madrigal. "Kevin alam mong isinusumpa ko ng maging Madrigal hindi ba?" ano to?" takang tanong ni Elise. Sa totoo lang mas gugustuhin pa niyang itakas na lang sana siya ni Kevin. Mas nais niyang mamuhay ng tago at malayo kasama ang binata kesa ang naririnig niya ngayon. Ngunit napagisip isip ni Elise na maaaring hindi
Para namang binatukan si Kevin sa mga narinig na iyong sa hipag.Tama ba ito, duwag nga ba siya?hindi na rin niya alam pero isa lamang ang mali sa sinabi ni Elise yun ay ang salitang awa.Alam niya sa sarili niya noon pa na hindi awa ang nararamdaman niya. "Elise, hindi ito dahil sa awa. Hindi mo kailangan mamalimos ng awa" sabi ni Kevin. "So dahil sa ano eto kung ganun? Hindi mo rin masagot? Ano? Dahil ba ayaw mong mabuking ni Kenzo na tinulungan mo ako? Na yung asawang pinalayas niya ay tinutulungan mo? Yun ba yun? kelan ka pa natakot kay Kenzo? Baliktad na ba ang mundo?"Tanong ni Elise. "No..Hindi iyong ganun Elise.." "Then ano? Anong dahilan at tinutulungan mo ako?At bakit dapat patago?" medyo histerikal ng tanong ni Elise. "Kung hind ka na aawa eh di ano? bumabawi ka ba?ginagawa mo ba ito dahil ba gi guilty ka pwes hindi ko kailangan yun.Huwag ka ng bumawi kase lalo lang akong nasasaktan" sabi niya na hindi na napigilang ilabas ang totoong damdamin. "Elise....." "Tw
Bagamat nag aalala sa kung ano na ang nangyayari kay Elise. Kinakailangan ni Kevin na maghintay ng tamang sandali.Nanatili siya sa sala sa madilim na sulok na yun At hinintay ang tamang pagkakataon. Nang tumahimik na ang lahat ay saka dahan dahang pumasok si Kevin sa silid ni Elise. Sa pag aakalang tulog na ang hipag dahil tahimik na ay binalak niyang silipin saglit ito.Ang tanging nais niya ay silipin lamang talaga ito at icheck kung okay na na ito. Nagpanic din kase siya sa tawag ni Pepay kanina. Nang nakarating na siya sa condo saka lamang niyan naisip na hindi naman nga pala siya puwedeng makita ni Elise. Nais niya na lamang ngayon ay pagbigyan ang bulong ng kanyang damdamin na masilayan man lamang kahit sandali ang itinatanging hipag. Ngunit pagbukas ni Kevin ng pinto ay nakita niyang wala sa kama si Elise. Inalihan ng kaba ang binata Kaya't ang pagsilip na sana ay unang balak lang ay nasundan ng paghakbang papasok. Patingkayad pang dahan dahang humakbang si Kevin pap
Nalilito si Kevin sa ponagsasasabi ng kanyang katiwala.Hiindi niya malaman kung naalimpungatan lamang ba ito. "Sir ang tinutukoy ko po ay iyong polo ninyo na madalas na inaamoy ni mam Elise sir. yung polo mo na ha sabi mo eh hawak nya sa pagtulog na pinalalaban niya sa akin at pagkatapos ay pinalalagyan niyo sa akin ang inyong pabango Ay nawawala ho sir. Hindi ho mahanap ni ma'am at hindi ko rin ho ito mahanap" balita ni Pepay sa amo sa kabilang linya. "Panong nawala? eh sabi mo ay inilaban mo siya?so nan mapupunta yun? Hanapin mong maige" utos ni Kevin. "Ay Sir, nahalughog ko na ho ang buong bahay ninyo pero hindi ko ho talaga makita eh kaya ako tumawag sir kasi kase Bukod kasi sir sa kuwan hindi ko na makita nga yung polo, yung pabango ninyo ay ubos na rin sa loob ng dalawang linggo" sabi pa ni Pepay. "Gusto ko ho sanang kumuha na lamang ng damit ko tapos ay lagyan ko nung pabango ninyo at ibibigay ko sa kanya kaya lang ho ay baka mahalata niya. Kaya sir hindi ko talaga alam
Pero ang mga pagdududang iyon ni Elise ay mas nadagdagan dahil sa isang kakaibang pangyayari na nagpatibay lalo sa kitob niya. Isang umaga ay napansin ni Elise ang polo na madalas niyang katabi sa kanyang pagtulog ay may kakaibang nangyayari. Minsan nagigising siyang nakatupi ito ng maayos gayung alam niyang nakalatulog siyang yakap iyon. Alam niyang hawak niya at hindi niya itinitupi bago matulog. Pero nagigising siya na nakatupi ito ng maayos. Nung minsan nakita niya itong nakasampay na ang Ibig sabihin ay pwedeng nilabhan ni Pepay, sesermunan sana niya ang babae kung bakit nilabhan dahil mawawala ang amoy ni Kevin doon pero nahiya si Elise. Wala namang alam yung katulong at lalong baka magmukha siyang OA bukod pa sa ayaw niyang ipaalam na pinaglilihian niya ang amoy ng kanyang bayaw. Nalungkot si Elise ng makitang nilabhan na ito ni Pepay, mamomoroblema siya kung paano iibsan ang sama ng pakiramdam sa hating gabi at madaling araw, ang amoy lamang kase ng polo na iyon ang na
Gulat na gulat si Elise dahil pamilyar talaga sa kanya ang boses sa kabilang linya. Sobrang pamilya nga kung tutuusin nga ay miss na miss na niya. Nang umalis siya sa mansyon ay poot ang nararamdaman niya Kay Kenzo at sa mga Madrigal. Pero nang manirahan na siya dito sa condo ng isang pilantropong tumulong sa kanya sa bawat araw na nagdaan naa iyon ay napagtanto ni Elise kung gaano niya namimiss ang isa pang Madrigal.Umabot na sa puntong hanggang panaginip ay nakikita niya ang mukha ni Kevin. Kung siguro sasabihin ni Kevin sa kanya na bumalik na siya, kung siguro kakausapin siya ni Kevin sa mga panahong ito na kahit papano lumipas na yung galit nya baka sakali maging okay ang lahat. Dahil kung meron man siyang isang Madrigal na gustong patawarin ay si Kevin Madrigal Iyon.Pero nakakailang linggo na siya sa bahay ng matandang komokopkop sa kanya ay wala pa siyang nababalitaang pinaghahanap na siya kahit nga pamilya niya parang mga timang na hindi man lang siya tawagan. Galit pa siya s
"Pero mommy hindi ko na talaga kaya. Tsaka ayoko na. Ayoko na siyang pakisamahan pa. Ayoko nang magkunwari. Ayoko ng iba ang katabi matulog. Miss na miss ko na si Soffie At saka magkakaanak na nga kami. Papano ang anak ko. Gusto kong makita ang anak ko. Gusto kong lumaki ang anak ko sa tabi ko" Katwiran ni kenzo. "Huwag mong ubusin ang pasensya ni Kevin. Kailangan makuha mo ang papeles kung may hawak man siya. Sa palagay ko ay hindi pa naman nakikita o napagtutuunan ng pansin ni Kevin ang papeles. Hindi niya naman siguro inakalang peke iyon dahil kung alam na ni Kevin na peke ang kasal niyo at noon pa niya alam, matagal na yung naghurumentado at hindi umabot na ibinigay pa sayo ang mana mo naintindihan mo?' sabi in Donya Antonia. "At wag mong sabihin na magsu suwail ka sa lola mo at wala kang pakialam sa habilin ng matandang yun. Gusto mo bang manumbalik ang pagdududa ni Kevin sa pagkatao mo? kapag isinagawa ni Kevin ang DNA Malilintikan na tayo Kenzo. Tandaan mo yan" walang nagawa
"Alam ko ngang peke nga ynu kasal nyo? yung ipinasa natin peke pero dalawa ang papeles Kenzo bala nakakalimutan mo. Yung isa ay peke at ang isang original oang kinuha natin. Yung original ay pinakuha ko sa piskal at pina duplicate ko lang para magkaroon ng peke at yung pinirmahan nyo ay ang pekeng documento meron isang documento na may pangalan nyo"sabi nito. "Ngayon hindi ko alam itong sira ulong taong kinuha ko eh kung anu anong pinag sasabi na kesyo nagkamali daw siya Kesyo Ewan ko basta ang gulo niya basta siguraduhin mo na lang kapag wala ang kuya Kevin mo diyan ay pumasok ka sa silid niya" bilin ng ina. "Hanapin mo kung may hawak na papeles ang kuya mo. Ang sabi kasi ng tokmol na kausap ko ay may isang lalaki daw na nagpakuha ng kopya sa kanya at binigyan binigyan niya raw ito ng dalawang kopya dahil tinakot siya. Ang hinala ko ay si Kevin yun. Kaya alamin mo" sabi ni Donya Antonia. "Anong gagawin natin mommy? Paano kung may hawak nga si kuya ng mga papeles? Paano kung halimb