CHAPTER 170“Sophia naghihintay ako,” nakataas ang kilay na sabi ni Raymond at may ngiti rin nga sa kanyang labi habang nakatingin kay Sophia. Muli nga niyang iniabot ang kanyang kamay sa dalaga at hinihintay nga niya na abutin nga ito ni Sophia.Napatingin naman nga si Sophia sa kamay ni Raymond at nakita nga niya na tuyo, malalalim ang mga ugat at mahahaba ang daliri nito na may malinaw na mga kuko.Dahan dahan nga na inabot ni Sophia ang kamay ni Raymond at sa isang iglap nga ay hinila siya nito palapit sa railings.Nang makarating nga sila roon ay bigla nga niyang binitawan ang kamay ni Raymond pero bago pa man nga siya makawala rito ay dalawang mainit na palad nga ang lumapat sa kanyang bewang. At wala ngang kahirap hirap na iniangat nga siya ng binata.Kusa naman nga na tumiklop ang mga binti ni Sophia at sa huli nga ay tuluyan na niyang nalampasan ang railings. Ngunit dahil nga sa bilis ng mga pangyayari ay hindi nga niya nagawang kontrolin ang kanyang katawan kaya bumagsak nga
Ngunit sa halip nga na sumunod ang binata ay tiningnan nga lang siya nito mula sa taas habang may mapanuksong ngiti sa labi nito.“Ang ingay mo naman. Gusto mo ba na mahuli nila tayo habang tumatakas?” sabi ni Raymond.Napakurap kurap naman nga si Sophia dahil sa sinabi na iyon ni Raymond.“S-sige na, ibaba mo na lang kasi ako. Hindi maganda kung may ibang makakakita sa atin dito,” mahinang sabi ni Sophia.“Ano naman ang masama roon?” sagot ni Raymond at may bahagya pa nga na pang aasar sa boses nito. “Magkasintahan naman tayo. Kaya kahit pa makita nila tayo na magkayakap o naghahalikan ay ang sasabihin lang nila sa atin ay napakasweet naman nating dalawa,” dagdag pa ni Raymond.Napalabi naman nga si Sophia at saka nga niya masamang tiningnan si Raymond. Ngunit sa halip nga na sumuko ito ay mas lalo pa nga na lumawak ang ngiti sa labi ng binata. At sa isang iglap nga ay bigla nga siyang binitiwan nito.Nanlaki naman nga ang mata ni Sophia dahil sa ginawa ni Raymond na iyon. Napasigaw
“R-Raymond,” mahinang bulong ni Sophia at bahagya pa nga na paos ang kanyang boses. “A-akala ko ba gusto mo lang akong titigan? Hindi ba sapat ang mukha ko?” dagdag pa nya.Bahagya naman na natawa si Raymond dahil sa sinabi na iyon ni Sophia.“Syempre sa paningin ko ay ikaw ang pinakamaganda,” walang pag aalinlangan na sagot ni Raymond at totoo nga iyon.Para kay Raymond ay hindi lang nga ito tungkol sa itsura. Ang kagandahan ni Sophia ay hindi lang sa panlabas. Nasa kanyang tindig, sa kanyang lakas, sa talino at katalinuhan niya. At lahat ng iyon ay kapag pinagsama sama ay bumubuo sa isang tao na hindi lang maganda kundi natatangi talaga.At para kay Raymond si Sophia ang pinaka natatanging babae sa mundo. At para rin sa kanya isang karangalan na siya ang pinili ni Sophia.Habang minamaneho nga ni Raymond ang kanyang sasakyan patungo sa apartment ng dalaga ay naroon pa rin ang matinding presensya sa loob ng sasakyan. Ang pabango niya o marahil ang likas na halimuyak ng kanyang kataw
CHAPTER 171Hindi naman nga tumingin si Sophia kay Raymond. At ipinikit na lamang nga niya ang kanyang mga mata.“Raymond sigurado ka na ba talaga na gusto mo akong makasama? Sa tingin mo ba ay hindi mo ito pagsisisihan? Alam mo na ang batang ito ay anak ni Francis. Habang lumalaki siya ay hindi malabong maging kamukha niya si Francis. At kapag nakita mo ang kanyang mukha ay hindi mo ba maaalala ang tatlong taon kong kalbaryo?” sunod sunod na tanong ni Sophia kay Raymond at nanatili pa rin nga siyang nakapikit. “Ayaw mo ba munang pag isipan ito ng mabuti Raymond?” dagdag pa niya.Tahimik lamang naman na nakikinig si Raymond sa mga sinasabi na iyon ni Sophia.Saglit nga na katahimikan ang namayanu sa kanilang dalawa sa loob ng sasakyan. Ngunit sa mga sumunod nga na sandali ay naramdaman nga ni Sophia ang mainit na palad na marahang humahaplos sa kanyang ulo at kasabay nga noon ang pagyakap ni Raymond sa kanya.Isang malalim na buntong hininga nga muna ang pinakawalan ni Raymond habang
At sa ilalim nga ng tahimik na gabi ay bumaba nga ang tinig ni Raymond na isang malalim, banayad at punong puno ng pang aakit. Seryoso pa nga niyang tiningnan si Sophia na bahagya pa rin nga na nakayuko ang ulo.Halos mamula nga ang buong mukha ni Sophia at ang kanya ngang mahahabang pilikmata ay bahagya ngang nakatakip sa kanyang mala kristal na mga mata. Nagniningning pa nga ito sa liwanag at tila ba puno nga ito ng emosyon na hindi niya maipaliwanag.Ang labi nga ni Sophia ay bahagya pa nga na namamaga at kulay rosas pa nga ito na nagpatingkad nga s kanyang inosente at kaakit akit na mukha. At a mga sandali nga na iyon ay para bang siya ang pinakamagandang babae sa buong mundo sa paningin ni Raymond.Wala ngang kamalay malay si Sophia kung gaano kasidhi at katapat ang titig ni Raymond sa kanya ng mga sandaling iyon. Ang alam nga lang niya ay biglang nanikip ang kanyang dibdib at para bang may nakabara nga sa kanyang lalamunan na hindi niya mawari kung ano.“Sa tingin ko ay talagan
Hindi nga napigilan ni Raymond ang kanyang sarili at muli nga niyang dinampian ang mamula mulang pisngi ni Sophia. Paulit ulit pa nga niya itong ginawa na para bang gusto niyang lagyan ito ng kanyang marka na tila ba gusto niyang ipaalala na siya lang ang may karapatan na umangkin dito.Ngunit habang mas lalo ngang bumababa ang kanyang mga labi sa pisngi ni Sophia ay lalo nga itong namumula na para bang hindi niya matatapod kailanman ang kanyang halik.“Anuman ang nangyari sa iyo noon ay wala na akong pakialam pa roon. Kung gudto ko kayong ipaglaban ay wala silang karapatan para pigilan ako sa gusto ko,” paos ang boses na bulong ni Raymond habang dumadampi ang kanyang labi sa gilid ng labi ni Sophia.Ang tinig niya na dati ng malalim at kaakit akit ay ngayon ay bahagya na nga na paos. Malamig ngunit may init,banayad ngunit may kapangyarihan na yumanig sa pusi ng sinumang makakarinig.“Isipin mong mabuti Sophia. Kung hindi kita mahal at kung hindi ako seryoso sa iyo ay sa tingin mo ba
CHAPTER 172Narinig naman nga ni Sophia ang mahinang tunog ng kanyang cellphone. Agad nga niya iyong kinuha at nakita nga niya na mayroong special push notification sa kanyang social media account kaya naman agad nag niya iyong tiningnan at nakita nga niya na may post nga si Raymond.‘Pinapahalagahan niya ako.’ nakalagay sa post ni Raymond.Nagulat naman nga ang ilang mga netizens nang makita ang post na ito ni Raymond kaya naman agad na nagkomento ang mga ito.“Imposible naman yata yan boss! Ganyan mo ba talaga iniingatan iyan? Ang aga aga mo naman mag online. Halika nga rito nang maprotektahan mo rin kaming mga single.”Nagsunod sunod pa nga ang mga komento sa post na iyon ni Raymond dahil hindi lang daw puyat si Raymond kundi pinaparamdam din daw nito sa lahat ang kasweetan nilang dalawa.Ngunit si Sophia lang nga ang tunay na nakakaunawa noon. Hindi lang kasi ito isang simpleng pagpapakita ng pagmamahal kundi nagmamalaki rin ito.Sa pagkakataon kasi na iyon ay sya nga mismo ang
Noon kasi habang nasa pamilya Bustamante pa si Sophia ay madalas nga itong nagpupuyat upang pag aralan ang mga kontrata ng kumpanya. Ngunit matapos nga nitong iwan si Francis ay hindi na nga ito kailanman pinayagan ni Raymond na magpuyat na kagaya dati. At sa totoo lang ay mas mabuti nga ito para kay Sophia.Habang pinagmamasdan naman nga ni Dr. Gerome si Sophia ay bahagya pa nga na nakakunot ang noo nito pero may ngiti nga sa gilid ng labi nito.Hinahangaan din kasi ni Dr. Gerome si Sophia at ang paghanga niyang ito ay may halong kakaibang damdamin. Ngunit dahil nga sa maraming dahilan ay mas pinili na lang niya na pigilan ang anumang damdamin na maaaring lumampas sa pagkakaibigan nila. At sapat na nga para sa kanya na manatili na lamang na magkaibigan silang dalawa.Hindi naman na din nga nagtagal pa roon si Sophia at umalis na nga rin ito kaagad at tinanaw na lamang nga ito ni Dr. Gerome.Samantala naman abalang abala nga si Raymond sa paghahanda para sa nalalapit na financial summ
“Francis, ikaw mismo ang pumatay sa anak mo. Ikaw mismo ang nagplano para patayin ang tagapagmana mo,” sabi ni Sophia at patuloy pa rin nga sa pag agos ang kanyang luha habang sinasabi nga niya iyon.At talagang napakasakit nga nitong isipin. Siya ang nasaktan pero tila si Francis ay wala ngang pakialam. Paanong nagawa niyang patayin ang sarili niyang anak na para bang wala lang?“Bakit Francis? Bakit mo nagawa ito? Ikaw ang salarin dito. At iaw ang ugat sa lahat ng kasamaan na ito. Kaya dapat lang na magdusa ka rin kasama ko,” sabi pa ni Sophia.Nanatili naman nga na nakatayo lang si Francis at nakaatulala. Paa bang pakiramdam nga niya ay bigla ngang nawalan ng saysay ang lahat. At para bang wala siyang ibang naririnig kundi ang isang pangungusap na paulit-ulit nga sa kanyang isip.“Francis, ikaw mismo ang pumatay sa anak mo.’Napakurap kurap pa nga si Francis habang nakatingin nga siya kay Sophia at tila ba naguguluhan nga siya. Hindi nya alam kung anong ibig sabihin no’n? Paanong s
CHAPTER 215Sa mga sandali nga na iyon ay para bang tuluyan nang nakalimutan ni Francis ang lahat ng hindi nila pagkakaunawaan ni Sophia.Para bang hindi kailanman nangyari ang diborsyo, ang aksidente o ang lahat ng sakit sa pagitan nila. At para bang mag-asawa pa rin nga sila. At talaga namang nakakatawa nga iyon. KKung noon siguro ito ay maaaring natuwa pa nga si Sophia pero ngayon nga ay tila ba isa na itong katawa-tawang biro na lamang.“Francis, mukhang nakalimutan mo na ang lahat ng pader sa pagitan nating dalawa. Kailangan pa ba kitang paalalahanan ngayon?” sabi ni Sophia at saka nga siya napatingin sa red wine na nasa harapa nga niya at sa loob-loob nga niya ang may bahid nga ng pangungutya.“At saka kelan lang ako nakunan. Masyado pang mahina ang katawan ko. Hindi pa ako pwedeng uminom ng ganyan,” dagdag pa nga ni Sophia.Sa pagbanggit nga ni Sophia ng salitang ‘nakunan’ ay bigla ngang nagdilim ang mata ni Francis.“Huwag mo nang banggitin ang bagay na iyan sa harapan ko,” m
Dahan-dahan naman nga na tumayo si Sophia at muli nga siyang tumingin sa buong paligid at talaga ngang walang nagbago roon.Nandoon pa rin nga ang mga stuffed toys sa sofa na siya nga mismo ang naglagay. Ang mga couple mugs na siya rin nga ang pumili ay nakapwesto rin nga sa mesa. Ang mga upuan ay ganoon pa rin nga ang disenyo. Ang rystal chandelier na siya rin nga mismo ang nagdisenyo ay nandoon pa rin. At ang mga mural sa pader na isa-isa nga niyang pinintahan ng buong pagmamahal noon para sana salubungin ang isang bagong buhay ay naroon pa rin. At halos sa lahat nga ng sulok ng bahay na iyon ay may bakas pa rin nga ng kanyang presensya.“Bakit hindi mo ito pinapalitan? Bakit nandito pa ang lahat ng ito? Iniisip mo ba na babalik pa ako?” mga tanong sa isipan ni Sophia habang inililibot nga niya ang kanyang tingin.Marahil nga sa sobrang liwanag ng ilaw ay itinaasnga ni Sophia ang kanyang mga kamay at saka nga niya tinakpan ang kanyang mga mata. At pakiramdam nga niya ay para bang ma
“Pwede kang bumalik sa bahay natin,” sabi ni Francis at may bahid nga ng hinanakit ang kanyang boses. Matagal na kasing hinihintay ni Francis ito ang pagbabalik ni Sophia sa kanilang tahanan— sa tahanang itinuring nila na tahanan nilang mag-asawa.Ibinaling nga ni Sophia ang kanyang tingin at saka nga siya mahinang sumagot dito. At sa totoo lang ay wala nga siyang pakialam kung saan sila magkikita ngayon.“Sige, pupunta ako,” sagot nga ni Sophia.Pagkababa nga ng tawag ay nanatili pa nga rin na nakaupo si Sophia sa kanyang hospital bed habang hawak nga niya ang kanyang cellphone. At tila ba hindi pa rin nga siya nakakabalik sa kanyang sarili.Maya maya nga ay dahan-dahan na nga siyang tumingin kay Harold.“Dalhin mo ako roon,” mahina ang boses na sabi ni Sophia kay Harold. Alam kasi niyang narinig ni Harold ang buong pag uusap nila ni Francis.Hindi naman din kasi kalayuan ang bahay nila dati ni Francis noon sa ospital kung nasaan siya ngayon. At mga sampung minuto lang naman ang bya
CHAPTER 214Pero ano nga ba ang papel ni Bianca sa lahat ng ito?Mahal na mahal nga ni Bianca si Francis at sa sobrang pagmamahal nga niya rito ay hindi nga niya matanggap na may ibang babae sa paligid ni Francis. Lalong lalo namang hindi niya matatanggap na si Sophia pa ang magdadala ng magiging anak ni Francis.Kaya naman hindi na nga kailangang kumilos ni Francis. Sapat na nga ang ibalita niya ang pagbubuntis ni Sophia at si Bianca na nga ang bahalang gumawa ng paraan para tapusin ito.Ang pagkalaglag nga ng bata na nasa sinapupunan ni Sophia ay dahil nga sa iniinom niyang gamot.Matapos nga na maisakatuparan ni Bianca ang una niyang plano ay mas lalo nga itong naging mapangahas. At unti-unti nga siyang tumapang. Lahat nga ng bagay tungkol kay Sophia ay kinamumuhian niya. At gusto nga niya na tuluyan na nga na mabaliw si Sophia hanggang sa manghina nga ito at sa huli ay mamamatay na lang na parang isang tuyong bulaklak.Sa puso nga ni Bianca ay pareho lang silang anak ni Nelson per
Nanatili naman nga na tahimik si Louie at pinagmamasdan nga niya ang lahat sa harap niya. Ni hindi nga ito ngumingiti at hindi rin nga niya pinipigil ang galit ni Harold. Pero sa totoo lang ay pareho nga sila ng iniisip.Maya maya nga ay lumapit na nga siya kay Dr. Gerome.“Dr. Gerome wala na dapat tayong inaaksaya pa na oras. Kailangan na nating madaliin ito,” mahina ngunit deretsahan na sabi ni Louie.Pero sino nga ba ang maaaring gumawa nito kay Sophia? Wala nga silang kaide-ideya kung sino. At sa totoo lang ay iniisip nila na baka nadiskubre na ang totoong pagkatao ni Sophia na siya pala ang tunay na utak sa likod ng Prudence.Iniisip nila na baka gusto ng mga ito na pigilan ang pagdalo ni Sophia sa paparating na financial summit kaya gumamit sila ng ganito karuming paraan.Kung iyon nga talaga ang dahilan ay napakarami nga ng posible nilang kalaban kagaya na lamang nga pamilya Villamayor, pamilya ng mga Marquez, mga dating kasosyo at pati na rin ang mga tao na galing pa sa malal
Pero kailan nga ba nagsimula na palitan ang gamot na iyon? Bago ba o pagkatapos ng pagkakalaglag ng batang nasa sinapupunan ni Sophia?Tahimik nga na tiningnan ni Dr. Gerome ang report na iyon. At lalo lamang ngang bumigat ang pakiramdam niya.Akala niya ang Shawn Hospital ay isang ligtas na tahanan at isang lugar na kontrolado niya. Pero hindi nga niya inaasahan na may ibang kamay na pala ang humahawak sa loob nito.Napansin naman nga nina Harold at Louie ang biglang pag-iiba ng ekspresyon ng mukha ni Dr. Gerome. Pareho pa nga silang napatingin sa kanya na puno ng kaba.“May problema ba sa mga gamot mo?” hindi na nga napigilan na tanong ni Harold ay Dr. Gerome.Alam kasi niya na para bang may kakaiba nga roon. At ramdam na ramdam nga niya ito noon pa dahil hindi nga ganito si Sophia.Hindi kasi kailanman naging ganito kabaliw si Sophia. Siya kasi ang klase ng tao na paagi ngang kalmado at kontrolado ang kanyang sarili. Kahit noon pa man na napilitan nga itong lumagda sa kontrata na k
CHAPTER 213Kinabukasan nga ay maaga nga na isinalang ni Dr. Gerome si Sophia sa iba’t ibang klase ng test para malaman nga niya kung bakit hindi pa rin nga gumagaling si Sophia.At nang lumabas na nga ang resulta ng lahat ng ginawang test kay Sophia ay napakunot na lamang nga ang noo ni Dr. Gerome habang tinitingnan nga niya ito.Bagamat nagreseta nga siya ng mga gamot na pampalakas ng dugo para kay Sophia ay kitang kita naman nga na lalo nga na nanghihina ang katawan nito. At para bang may sintomas nga ito ng matinding pagkawala ng dugo at higit pa nga roon ay tila ba naapektuhan na rin nga ang kanyang utak.Isang maling galaw nga lang at maaari nga na tuluyan na itong mauwi sa bipolar disorder. Sa mga nakalipas kasi na mga araw ay napapansin nga ni Dr. Gerome na lalo ngang nagiging magulo at hindi na makatwiran ang mga kilos ni Sophia. Kaya nagtataka nga siya kung bakit nga ba ito humantong sa ganito.“Ano ba ang mga kinakain niya nitong mga nakaraang mga araw? unot noo nga na tan
Ang tanging laman ng puso ni Sophia ngayon ay si Raymond lang at wala ng iba pa.Tinitigan nga ni Sophia si Francis at nagtagpo nga ang malamig nilang mga mata at si Sophia na nga rin ang dahan-dahan na umiwas dito. Wala nga ni isang salita ang lumabas sa kanyang bibig. At wala na talaga siyang pakialam ngayon kay Francis.Dapat nga ay noon pa ito nangyari sa mismong araw ng kanilang paghihiwalay. At wala na ring dahilan pa par sa matinding damdamin sa pagitan ng isang dating mag-asawa.“Francis,” mahinang sabi ni Sophia. “Ang dami mong naging malasakit sa butihin mong tiyo. Pero tingnan na lang natin kung kaya mong protektahan ang mga binti niya,” malamig pa na sabi ni Sophia.Pagasabi nga ni Sophia no’n ay unti-unti na nga na umangat ang bintana ng kotse at tuluyan na nga na isinarado ang pagitan nila.Tuluyan na nga na umalis ang sasakyan kung saan nakasakay si Sophia. At naiwan nga si Francis na nakatayo lang doon at tahimik na pinapanood ang papalayong anyo ni Sophia. At sa ilali