Impit na iyakan ang maririnig sa apat na sulok ng kwartong iyon kung na saan ang ama ni Sonata na nag-aagaw buhay.Napakasakit para sa kanya ang unti-unti nitong pagkawala at wala siyang magawa kundi ang yumakap ng mahigpit sa pinakamamahal na ama."Sonata anak ko..." Pilit na nagsalita ang kanyang ama kahit hirap na hirap na ito pinilit niyang tumingin sa ama, ang kanyang ina at mga kapatid ay iyak rin ng iyak at nakayakap ng mahigpit sa aming ama."Tay..." Nakita niya ang ama na itinaas ang kamay nito kaya agad niya itong inabot at hinalikan ng mahigpit at impit na umiyak."I-kaw...na ba-hala sa mga...ka-patid mo...at sa na-nay mo." Napatango siya habang pinipilit na sumagot sa ama."Ma-hal na ma-hal...ko kayo..." Mahinang muling sabi ng ama niya."Mahal na mahal rin kita tatay, mahal na mahal kita..." Bulong ko at kahit hirap ako na magsalita ay nagawa niyang magsabi sa tatay niya kung gaano niya ito kamahal.Ang mga sumunod na sandali ay ang unti-unting pagbagal ng tibok ng puso n
Magtatlong linggo na ako dito sa mansion ng mga San Diego at lahat ng kasama ko rito ay mababait at kasundo ko na.Madalas tumawag si nanay para kumustahin ako kaya hindi na ako nalukungkot, nandito naman si Tiya Pining kaya hindi na ako umiiyak sa gabi.Miss na miss ko na kase si tatay at sariwa pa sa akin ang pagkamatay nito, pero dahil sa tulong ng mga kasamahan ko dito ay nababawasan na ang lungkot ko.Bukas ay darating na ang anak ng amo namin at hindi ko maiwasan na hindi kabahan lalo na at sabi ni Carla ay masusungit ang mga ito.Sampung taong gulang na ang kambal pero hindi naman ito ganun kasungit hindi tulad ng kanilang ama na lahing pasan ang mundo dahil ni minsan ay hindi raw nila ito nakitang ngumiti man lang, at ang mas hindi nila nagustuhan ay kasama ng mga ito na uuwi dito ay ang asawa ng ama ng amo namin.Step-mother raw pala dahil pangalawang asawa na ng ama ng amo namin ang babaeng iyon at nag-aastang may-ari ng bahay na ito.Mukhang may problema ako kaagad kapag na
Napamulat ako ng mga mata ng tumunog ang alarm clock ko kaya napakamot ako ng ulo at nagtalukbong ng kumot ko."Ano ba Sonata yang alarm mo." Narinig ko na reklamo ni Carla kaya napilitan ko itong kinuha at pinatay.Napamulat ako at napakamot na lang ng ulo, antok na antok pa ako dahil hindi ako nakatulog marahil ay alas-tres na ng madaling araw ay gising pa ako."Maliligo ka na ba?" Tanong ni Carla na may hawak na tuwalya kaya inaantok ko siyang tinitigan."Sige na ikaw na muna." Sabi ko sa kanya kaya pumasok na ito sa banyo kaya napakamot ulit ako at muling pumikit.Panay ang hikab ko habang inaayos ko ang mga plato dito sa mahabang lamesa."Grabe ang antok mo Sonata." Napatignin ako kay Ate Yoly na inilapag sa gitna ang umuusok na sabaw.Naamoy ko ito at pakiramdam ko ay gutom na gutom ako."Ate may sabaw ka pa na natira?" Bulong ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin at nakangiti na tumango."Opo meron pa tinirhan kita." Sagot niya kaya napangiti na rin ako at inayos ng mabuti
Nagising ako bigla at napaunat at napamulat bigla ng maalala ko na nandito pala ako sa opisina ng boss ko.Napatingin ako sa paligid at nagulat ako na kama na ang kinahihigaan ko kaya napabangon ako.Anong ginagawa ko dito? Ito agad ang tanong ko sa sarili ko at napatingin ako sa paligid ulit.Nagulat ako ng bumukas ang pinto at nakita ko agad si Sir Gabriel na nakatingin sa akin."Gising ka na pala." Sambit niya kaya napatingin ako sa kanya at umupo sa gilid ng kama ko."Pasensya na po at nakatulog ako." Bulong ko agad at napahawak ako ng mahigpit sa kama."Bumangon ka na para makakain na tayo ng tanghalian." Sabi niya kaya napatingala ako sa kanya at tumango na lang kahit nagtataka pa rin ako.Lumabas na siya ng silid at bumangon na malamig kaya napahawak ako sa braso ko.Isang pinto ang nakita ko at marahil ay ito ang banyo kaya lumapit ako dito at binuksan ko.Banyo nga ito kaya pumasok ako at napakabango amoy lalake, amoy ng gwapo kong amo kaya napangiti ako.Umihi lang ako at na
Hindi talaga ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari sa buhay ko dahil lang sa isang halik ay nawalan na akong makatakas sa ganitong sitwasyon. Napahawak pa ako sa labi ko na pakiramdam ko ay namamaga na dahil hindi ito tinigilan na halikan ni sir ay mali pala Gabriel ito ang gusto niyang itawag ko sa kanya. Hindi na sir o boss basta tawagin ko na lang raw siya sa pangalan niya na kahit malaki ang tanda niya sa akin ay gora lang. Oo nga pala thirty years old na pala ang amo ko at ako ay nineteen pero okay lang raw iyon sabi niya. Sampung taon lang naman ang tanda niya sa akin pero sa probinsya namin ay napakalaking agwat na iyon dahil hindi iyon normal. Hays napatayo ako dito sa sofa at napatingin sa paligid saka ko kimuha ang ballpen at notebook ni Gabriel dito sa ibabaw ng lamesa niya. May pilyo akong naisip kaya umupo ako dito sa upuan niya napatawa ako dahil wala naman akong naramdaman ng umupo ako dito. Upuan raw ito ng CEO at naalala ko ang sabi ni Carla na trono raw
Nakangiti ako habang tinatanaw ko na naglalaro ng badminton ang kambal dito sa garahe.Hawak ko ang dalawang towel nila dahil pinupunasan ko ang mga pawis nila kapag nagpapahinga.Dalawang araw na rin mula ng makasama ko si Gabriel napakalambing nito kapag kaming dalawa lang, pero kapag may ibang kasama na kami ay malamig na ulit siya.Naalala ko ang sagot niya sa tanong ko at napahinga ako ng malalim.Bakit niya kailangan na protektahan ang sarili niya laban sa ibang tao? Ito ang hindi ko makalimutan dahil palaisipan pa rin ito sa akin."Sonata!" Nagulat ako ng tawagin ako ni Madam Cynthia kaya napatingin ako dito."Yes po ma'am?" Tanong ko dito at humarap sa kanya bigla niyang tinapon sa akin ang isang blouse kaya nagulat ako."Anong ginawa mo diyan? Bakit may mantsa at mabaho!" Sigaw nito kaya natakot ako sa ginawa niya."Ma'am hindi naman po ito ganito nong nilabhan ko." Katwiran ko sa kanya kaya lumapit siya sa akin at bigla akong tinulak kaya napaupo ako."Boba ikaw ang naglalab
Nagising ako na parang may nakayakap sa akin kaya kinabahan ako at napatingin sa paligid.Napakunot ang noo ko nang makita ko na iba ang kwarto na kinalalagyan ko kaya ginalaw ko ang katawan ko.Si Gabriel pala ang katabi ko at nakaramdam ako ng inis kaya tumayo ako.Nandito na ako sa silid niya ang naalala ko lang ay nasa kwarto ako ng mga bata. Napailing na lang ako sa ginawa niya at dahan-dahan na lumabas ng kwarto.Maaga pa naman kaya alam ko na wala pang gising at lumipat ulit ako sa kwarto ng mga bata.Tulog na tulog pa sila kaya napangiti ako at kinuha ko ang remote ng aircon at hininaan ko ang temperatura nito.Inayos ko ang kumot ni Anthony at napangiti ako, napakunot ang noo ko nang mapansin ko na hindi talaga kamukha ni Gabriel ang mga anak niya.Hindi ko na lang ito binigyan ng pansin at nang masiguro ko na maayos na ang lahat ay lumabas na ako ng kwarto.Bumaba na ako at inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko at pumunta na ng kusina.Naabutan ko si tiya at Carla na naglulu
Napahawak ako sa dibdib ni Gabriel at pilit ko siyang tinutulak at hindi ko binubuka ang mga labi ko.Pero malakas siya at nakapinid ako sa pader at pilit pa rin akong lumalaban sa kanya.Napaungol ako ng bigla niyang hawakan ang dibdib ko dahilan para mapaungol ako at maibuka ko ang bibig ko.At wala na akong nagawa kundi ang tugunin na lang ang halik niya at napayakap na lang ako sa kanya.“I miss you babe.“ Pareho kaming humihingal ng bitiwan niya ang labi ko at napadausdos na lang ako habang hawak ang dibdib ko na malakas ang kabog.“Sabi mo mag-uusap lang tayo!“ Inis ko na turan sa kanya sabay palo sa braso niya na ikinatawa niya kaya napailing na lang ako.Akma akong tatayo pero inalalayan niya ako kaya napahinga ako ng malalim.“Mag-usap lang tayo Gabriel pakiusap.“ Pakiusap ko sa kanya kaya napahinga siya ng malalim.“Okay, now sit and we will talk.“ Sabi niya kaya napaupo na lang ako at napahinga ng maluwag.“Gabriel sana wag mo naman pagmalupitan ng ganun ang mga bata.“ Laka
When i can't breath anymore ay pinilit ko na humiwalay na sa yakap ni Gabriel. One thing i saw first is his struggle to walk at gusto kong mapaiyak ng malakas dahil nakita ko ang saklay nito. “What happen to you Gabriel?“ Bulong ko na tanong dito kaya napatitig ito sa akin. “I have been struggling to walk since i have been in an accident before.“ Bulong nito na niyaya ako na makapasok sa loob ng bahay. Wala akong masabi at sumunod ako dito, his left legs are had a a problem. Paika-ika itong maglakad, gone the man whom i always love how he carry himself. Ngayon ay tila matutumba ito habang naglalakad, kung wala itong saklay ay matutumba talaga ito. Si Ken na sumalubong sa amin ay gulat na gulat ng makita ako. “Gosh, this is surreal. Sonata your really alive.“ Sabi nito na kinamayan pa ako at agad na inalalayan si Gabriel na makaupo sa sofa. Ako naman ay umupo sa tabi nito dahil ayaw nitong bitiwan ang kamay ko. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, i came here because Xanty to
Bumyahe kami ni Kyros papunta sa Cavite at may pag-asa na makakuha kami ng kahit maliit na tsansa lang.Isang lumang bahay-ampunan ang nasa harap namin, katabi nito ay isang monesteryo kaya kinabahan ako.Mukhang may pag-asa ako na makakuha ng balita tungkol sa mga kapatid ko sa lugar na ito.Pumasok ang sasakyan namin sa parking area sa harap ng bahay-ampunan at may mga bata sa palaruan na maingay at naglalaro.Nang bumaba ako ay may sumalubong na madre sa amin, mukhang alam na nito na darating kami.“Kayo na ba ang sinasabi ni Mr. San Gabriel?“ Sabi ng may katandaan na babae kaya tumango ako dito.“My name is Sonata De Luna, and this is Kyros.“ Pakilala ko dito kaya tumango ito at ngumiti.Saka kami nito niyaya na pumasok kung nasaan ang opisina nito.“Maupo kayo, papunta pa lang si Mader Superior.“ Sabi nito sa amin kaya umupo ako sa sofa at si Kyros ay nilibot ang tingin sa buong silid.“Alam niyo ba kung bakit kami nandito?“ Hindi ko na napigilan na tanong dito habang naghahanda
Marami pang kinwento si Carla sa mga nangyari noon.Hindi ako mkapaniwala na akala nila ay patay na talaga ako, kaya naman iyak ito ng iyak habang hawak ng mahigpit ang kamay ko.“Hindi talaga ako makapaniwala na nandito ka sa harap ko Sonata.“ Iyak nito kaya napatango ako dito.“By the way, nasaan pala si Pierre?“ Tanong ko dito kaya napangiti ito.“Nasa trabaho siya, lumuwas ng Manila ang mga bata naman ay nasa school pa pero pauwi na rin sila.“ Sagot nito kaya napatango lang ako.“Can you not tell him that i go here, Carla please i don't want them to know even Gabriel that i am alive.“ Pakiusap ko kay Carla na napatitig sa akin at agad naman na napatango.“I will Sonata, pero sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari. May nagtangka sa buhay namin noon at si Alina ang may kagagawan nito pero Sonata, hindi naniniwala si Pierre na ito ang may gawa nito.“ Bulong ni Carla na pinisil lalo ang kamay ko at napatingin kay Kyros sa tabi ko.“Sasabihin ko sa'yo pero sa ngayon ang priority ko a
Naisipan ko na dumalaw sa puntod ng mga magulang ng asawa ko bago kami bumalik sa Manila. Si Ken ang kasama ko dahil marami kaming inasikaso dito sa Bicol at hangang ngayon ay patuloy ko pa rin na hinahanap ang mga kapatid ni Sonata. Nang makarating kami sa sementeryo ay may isang sasakyan na nakaharang sa daan kaya bumusina si Ken. Mukhang may bumisita ngayong araw at basta na lang nag-park dito. Napatanaw na lang ako sa sasakyan na iyon at agad na akong bumaba. “Kailangan mo ba ng kandila at posporo?“ Tanong ni Ken kaya tumango ako dito at gamit ang saklay ko ay naglakad na ako papasok sa gate. Nakaalalay lang sa akin si Ken at napakunot ang noo ko dahil nakita ko na may bagong bulaklak sa harap ng puntod nina Nanay Nelda. Kinabahan ako at nagkatinginan kami ni Ken na nagtataka rin. “Mukhang may bumisita sa kanila ngayon lang.“ Sabi nito dahil paupos pa lang ang kandila at dito ko napagtanto na mukhang yong sasakyan kanina ang bumisita dito. Pero sino naman kaya ito
Nagising ako ng maaga dahil kinatok na ako ni Kyros, sinabi ko dito na maliligo lang ako at susunod na dito sa baba kung saan na lang ako nito hihintayin.Inaantok pa ako pero maaga ang flight namin pabalik ng Manila.Hindi kami pwedeng ma-late kaya minadali ko ang pagligo ko at pag-ayos ng gamit ko.Nang makababa ako ay nasa restaurant na si Kyros at naka-order na ng almusal namin.“Goodmorning Kyros.“ Bati ko dito na tutok na tutok ito sa laptop nito kaya napatingi nito sa akin.“Goodmorning too Sonata.“ Bati rin nito at saka na kami kumain, Kyros never eat first kapag wala pa ako kaya napapailing na lang ako sa lalaking ito.Kahit nakahain na ang pagkain ay kailangan sabay kaming kumakain, pero okay lang dito na mauna akong kumain kapag ito naman ang nahuhuli.I wonder why this man until now is is still single, magkasing-edadang sila ng kapatid ko at magkasabay na nagtrabaho noon sa military navy.Pero sa limang taon nilang pagtatrabaho sa navy ay nag-resign sila pareho ni kuya.Na
Nang matapos ako ng ilang sandali sa ilang minuto kong pananatili sa harap ng puntod nina nanay ay saka na ako tumayo.Pinagpag ko ang pantalon ko at inayos ang kandila na malapit nang maupos.Napatingin ako kay Kyros na palapit na sa akin kaya napangiti ako.Mukhang hindi na ako nito nahintay pa.“Is this your family?“ Tanong nito na nakatitig sa puntod ng mga magulang ko kaya napatango ako.“They are the one who raise me, they are good people.“ Sabi ko dito kaya nakita ko ang pagyuko nito bilang pagbigay ng galang sa mga ito.“Your brother is still young.“ Sabi nito mayamaya kaya napatitig ako sa lapida ito.“He will be eighteen years old now, he has twin brother.“ Bulong ko na agad na naman na bumigat ang puso ko sa pagkakaalala ko sa mga kapatid ko.“We need to go now, mukhang uulan na kasi.“ Sabi ni Kyros mayamaya kaya agad naman akong napatango dito at binigyan ko ulit ng huling sulyap ang puntod nina nanay at saka na ako sumunod kay Kyros.Nang makapasok ako sa sasakyan ay napa
Nag-eempake na ako ng mga damit ko na dadalhin ko sa Pilipinas nang pumasok si mama dito sa kwarto ko. Napangiti ako at umupo rin ito sa carpet at tinulungan ako na mag-tupi ng mga damit ko. “Kaya ko naman po mama.“ Sabi ko dito kaya ngumiti kang ito at napailing lang. “I want to do this anak ko, gusto kitang tulungan kahit sa maliit na bagay lang.“ Sabi nito na alam ko na laging may kahulugan ang sinasabi nito. “Mama, naman marami ka nang nagawa para sa akin. Kayo ni papa at kuya.“ Sabi ko dito kaya napatitig ito sa akin at napatango. “Ang biis lang ng panahon anak, babalik ka sa lugar na dahilan kung bakit ka nawalay sa amin at ang lugar kung saan napahamak ka.“ Bulong nito na paiyak na naman. Umusog ako palapit dito at kinabig ito payakap sa akin. “Kaya ko na po mama, kaya ko nang bumalik. At kung wala akong dahilan para bumalik doon ay hindi ko na gagawin pa na tumuntong muli sa lugar na iyon.“ Sabi ko dito kaya tumango lang ito at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Nagpa
Nakatanaw ako sa bintana ng opisina ko nang pumasok ang kaibigan ko at ang personal assistant ko na rin.“Nakabili na ako ng ticket Sonata.“ Sabi nito kaya napatango lang ako, saka nito nilapag ang sobre sa lamesa ko.Sa wakas after five years ay makakabalik na ako sa bansang ni sa hinagap ay hindi ko naisip na babalikan ko pa.Pero iisa lang ang nasa isip ko babalikan ko ang pamilya ko, ang kambal, ang mga kapatid ko at ang asawa ko.At maghihiganti sa mga taong pumatay sa akin ng araw na iyon.“Are you okay?“ Tanong nito kaya napatingin akong muli dito.“I never been fine Nathalie.“ Sabi ko dito na bumalik sa upuan ko at napatingin sa ticket at kinuha ko ito.“Tumawag pala ang kuya mo tinatanong kung buo na ba ang desisyon mo na umuwi ng Pilipinas.“ Sabi nito na umupo sa harap ko.“I am ready now Nathie, after all i want to see my siblings again and i want to find them.“ Sabi ko dito kaya napatango lang ito.After two years of my training i know that i will be strong and confident n
Tila ayaw kong ipasok ang mga paa ko sa kabahayan dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. Nagtataka ako kung bakit nandito ang babaeng ito at kung paano ito nakapasok dito sa bahay. Pero pumasok pa rin ako at napansin ko agad ang tila may pagbabago sa bahay. Akma akong tutuloy sa hagdan para sana pumunta sa kwarto namin pero nagsalita si Crisanta. “Saan ka pupunta babae?“ Tanong nito kaya napatingin ako dito. “Pupunta sa kwarto namin.“ Sagot ko dito pero lumapit ito sa akin at nagulat ako sa ginawa nito. Isang malakas na sampal ang binigay sa akin ni Crisanta at malakas akong tinulak dahilan para mapaupo ako sa sahig. Kinabahan ako dahil naalala ko na buntis ako, naramdaman ko na kumirot ang tiyan ko kaya napapikit ako. “Ang kapal ng mukha mo! Yan ang nababagay sayo!“ Sigaw nito at saka ako akma ulit na lalapitan pero narinig ko ang kambal at agad akong nilapitan at niyakap napaiyak na lang ako at niyakap na rin ang kambal. Pumunta kami sa maid quarters dahil dito kami pinapun