Parang tinik na bumara sa lalamunan ni Bella ang narinig. Hindi niya alam kung dapat ba siyang sumagot o manahimik na lang. "Huwag kang mag-alala, hindi ako galit," dugtong ng ginang na tila nabasa ang iniisip niya. "Nagulat lang ako. Alam mo namang hindi sanay ang anak ko sa ganitong bagay, hindi ba?" Napayuko si Bella at marahang tumango. Oo nga po, hindi ko rin po alam paano nangyari ‘to! sigaw niya sa isip niya. "Pero gusto kong marinig mula sa’yo, Isabella. Ano ba talaga ang nangyari?" Dito na siya napalunok. Hindi niya pwedeng sabihin ang totoo—na hindi iyon isang tradisyunal na kasal, kundi isang kasunduang ginawa lang dahil sa sitwasyon niya. Pero hindi rin siya pwedeng magsinungaling, lalo na sa isang taong halatang may malakas na pakiramdam. "H-hindi ko rin po alam paano nangyari," sagot niya sa pinaka-safe na paraan. "Nagdesisyon lang po si Rafael na pakasalan ako… para protektahan ako at ang baby." Nagtagal ang katahimikan. Tila sinusuri ni Amieties ang bawat
Naiwan si Bella sa sala, nakatitig sa kinaroroonan ni Rafael bago ito tuluyang naglaho sa loob ng kanyang opisina. Hindi niya alam kung dapat ba siyang kabahan o hindi. Matagal pa bago siya nakapagbuntong-hininga.Napatingin siya sa kanyang mga kamay. Huwag kong hayaan na ako lang ang nag-a-adjust. Paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang sinabi ni Amieties. Pero paano niya gagawin ‘yon? Kahit gusto niyang magsalita, kahit gusto niyang iparating kay Rafael ang mga nararamdaman niya—wala naman siyang karapatan, ‘di ba?Napailing siya at bumalik sa kusina para uminom ng tubig. Pagdating niya roon, naabutan niya ang dalawang kasambahay na nag-uusap, pero nang makita siya ay agad siyang binati.“Ma’am Bella, nagustuhan n’yo po ba ang bisita kanina?” tanong ni Minda, ang medyo mas matanda sa kanila.Ngumiti si Bella. “Okay naman po siya. Ang bait niya.”“Oo naman! Napakabait ni Ma’am Amieties. Pero kung may ayaw siya sa isang tao… naku, wag na lang,” sabat naman ni Myra, ang mas bata sa k
"Adrian?" Kapwa sila napalingon. Doon, nakatayo si Rafael. At sa itsura ng kanyang asawa, halatang hindi ito natutuwa sa nakita niya. Napako ang tingin ni Bella kay Rafael, tila ba hindi makapaniwala sa timing ng pagdating nito. Bakit ngayon pa? At bakit parang hindi ito natutuwa? Samantala, nagtagpo ang mga mata nina Adrian at Rafael, ngunit sa halip na tensyon, isang ngiti ang lumitaw sa mukha ni Adrian. "Rafael." anito, tila hindi na nagulat at agad na lumapit upang makipagkamay sa lalaki. "Matagal na tayong hindi nagkikita, kaibigan." Nagtaas ng kilay si Rafael ngunit tinanggap ang kamay ng kausap. "Mabuti naman at nandito kana pasensya pala at di ako makarating nong namatayan ka condolences pala, pre." Napapitlag si Bella. Pre? Kaibigan?! Pinilit niyang iproseso ang narinig. Magkaibigan sina Adrian at Rafael? Kailan pa? Paano? Bakit? "Salamat pre, at saka tapos na yun wag munang intindihin yon alam ko naman na busy ka kaya naiintindihan ko, pero mukhang madalas akong n
Pagka alis ni Rafael ay agad naman siyang tumingin kay Adrian, agad siyang sinalubong ng seryosong mukha nito. “Let me explain, Adrian,” sabi ni Bella, ang boses ay mas malakas na ngayon. “Pero magkakilala pala kayo ni Rafael?” “Oo,” sagot ni Adrian, ang mukha’y tila nag-aalangan. “Matagal na kaming magkakilala ni Rafael.” “Magkaibigan pa kayo?” tanong ni Bella, ang boses ay puno ng pagtataka. “Oo,” sagot ni Adrian at tumango. “Pero hindi iyan ang dapat nating pag-usapan ngayon. Ang dapat nating pag-usapan ay kung bakit ka nandito sa Pilipinas, at kung bakit hindi mo sinasabi sa pamilya mo ang totoo at bakit dito pa mismo sa bahay ni Rafael kita makikita?” Napalunok si Bella. Ito na nga ba ang kanyang kinakatakutan. “Adrian, please, huwag mong sabihin kina mama at papa,” “Hindi ko alam kung kaya ko ‘yon,” sagot ni Adrian, ang mga mata’y puno ng pag-aalala. “Ang totoo, Bella, nag-aalala ako sa’yo.” “Alam ko,” sabi ni Bella, ang mga luha’y nagbabadyang tumulo. “Pero pakiusap,
Tahimik ang gabi, tanging ang mahinang tunog ng aircon ang maririnig sa loob ng kwarto ni Bella. Mahimbing siyang natutulog nang biglang may kumakatok mula sa labas ng kwarto. Napabalikwas siya ng gising. Kumunot ang noo niya habang pilit iniintindi kung nagkamali lang ba siya ng rinig. Pero nang muli niyang marinig ang katok, bumuntong-hininga siya at inabot ang cellphone sa tabi niya.12:30 AM."Hating gabi na… Sino naman ang kakatok ng ganitong oras?" mahina niyang bulong, habang padilat-dilat na bumangon.Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto, at halos hindi siya nakagalaw nang bumungad sa kanya si Rafael."Bakit—" Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil agad siyang hinila ng lalaki sa isang mainit na halik.Nanlaki ang mga mata niya. "Mmpph—!"Napaangat ang kanyang mga kamay upang itulak ito, pero masyadong mapusok si Rafael, mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang baywang. Lalong lumalim ang halik nito, na tila ba may pananabik, may gutom.Hindi niya alam kung paano, pero bago n
“Aray ko po, Lord,” wika ni Bella matapos mabangga ang noo niya sa pintuan ng ref. Dali-dali niyang binalik ang tingin sa ref at kunwari sobrang interesado siya sa loob nito. "Pang-ilang beses mo nang binuksan ‘yang ref?" Tanong ni Rafael sa kanya. ‘Giiiilk!’ mahinang wika niya na siya pang ang nakarinig. Parang napako siya sa kinatatayuan niya. PUTIK. Pilit niyang nilunok ang kaba at sinara ang ref, bago bumaling kay Rafael. "A-Ah… e… nag-iisip pa kasi ako kung ano ang gusto kong kainin!" Tumaas ang isang kilay ng lalaki. "Kung wala ka namang kukunin, umupo ka na lang." ‘Hala, hala! Tatabi ba ako sa kanya?! May choice ba ako?! Wala! ARGH!’ Dahan-dahan siyang lumapit sa mesa na parang may pasaning isang toneladang hiya. Hindi siya pwedeng tumingin nang diretso kay Rafael. Hindi niya kaya. Kumuha siya ng baso ng gatas at mabilis na iniinom ‘yon. Malamang! Buntis siya, dapat gatas lang! Pero putik, bakit parang… parang mas lalo lang siyang naging awkward?! Naramdaman niyang
Habang naglalakad sila sa loob ng mall, hindi mapakali si Bella. Hindi lang dahil sa sobrang dami ng pinamili nila, kundi dahil halos lahat ng turo ni Amieties ay agad na binibili!"Ma'am, tama na po yata ‘to…" aniya habang nakatingin sa isang bundle ng baby clothes na may sobrang taas na presyo. "Ang mahal po kasi, baka po masyadong magastos—""Sus! Ano ka ba, Bella? Hindi tayo nagtitipid para sa apo ko!" natatawang sagot ni Amieties habang iniaabot sa saleslady ang mga gamit. "Dapat lahat ng best, para sa baby mo. Hindi pwedeng basta-basta lang."Bella bit her lip. Diyos ko, ang dami na nito! Ilang taon bago ko mapapantayan ang ganitong klaseng shopping spree?!"Ma'am, baka hindi naman po natin kailangan lahat ng ‘to agad—"Amieties raised a brow at her, amused. "Hija, wala kang kawala sa akin! Kapag sinabing bibilhin, bibilhin. Walang kontra-kontra!"Bella sighed, alam niyang wala na siyang laban. Kaya wala na rin siyang nagawa kundi ang ngumiti at sumunod na lang sa ginang habang
Pagkalabas ni Bella ng mall, nag-abang siya sa harap habang hawak ang ilang paper bag ng pinamili nilang gamit para sa baby. Maya-maya lang, huminto ang isang pamilyar na itim na sasakyan sa tapat niya. Bumaba ang bintana, at sumilip si Rafael—seryoso ang mukha, tulad ng dati.“Sakay na,” malamig niyang sabi.Ngumiti si Bella at mabilis na sumakay sa passenger seat. Habang nagda-drive si Rafael, hindi niya napigilan ang pagiging madaldal.“Alam mo ba, ang saya ni mama kanina! Kung pwede lang bilhin lahat ng nasa mall, ginawa na niya! Tapos, may mga cute na damit doon na gusto kong bilhin pero grabe ang presyo! Ang mahal! Tapos, tawang-tawa ako kasi—”“Bella,” putol ni Rafael, hindi inalis ang tingin sa kalsada.“Ha?”“Ang ingay mo.” Anya nito sa kanya.Napanguso si Bella, pero hindi niya napigilang tumawa. “Eh, wala eh, masaya lang ako! Hindi mo ba ako namimiss?” pabirong tanong niya sabay tawa.Hindi sumagot si Rafael, pero bahagyang gumalaw ang sulok ng kanyang labi—parang pilit na
Kararating pa lang niya sa bahay, agad na bumungad ang pamilyar na tunog ng pintuan. Marahang binuksan ito. At doon, nakatayo si Rafael. Pagod ang itsura, pero nang makita siyang nakaabang sa sala, ngumiti agad ito. Parang walang nangyari. Parang wala siyang kasalanang kailan lang ay sumugat ng malalim sa puso ni Bella.“Ang gabi na, gising ka pa, akala ko tulog ka na.” Ang wika nito sa kanya.“Hindi pa ako antok. Naghintay ako sa’yo.” sagot ni Bella.“Ganon ba? Sorry, natagalan ako. ‘Yung event kasi… sumobra sa oras. Hindi ko na rin namalayan.” rason nito.Ngumiti siya. Pilit, pero walang bahid ng galit sa tono niya.“Okay lang. Naiintindihan ko naman. Nakakapagod din siguro ‘yung ganung klaseng event, lalo na kung buong faculty andun.”“Oo, parang mini-gala na rin. Buti nga hindi ka sumama. For sure, napagod ka lang lalo kung nagpakita ka pa dun.”“Hmm… oo nga. May point ka.” Sagot niya na nagkibit balikat na lang.Umupo ito sa tabi niya sa couch, at parang automatic na dinantay ang
Naiwan si Bella sa sala. Tahimik. Nanginginig. Ito na ba ang hudyat? Ito na ba ang dulo?Hindi na lang pala si Albert. Hindi na lang pala si Olivia.Lahat sila, parang isa-isang humihila sa kanya palabas. Bakit hindi man lang sinabi ni Rafael ang mga to sa kanya bakit ni lihim ni Rafael ito akala ba niya ay okay na pero hindi pa palaAt doon, sa sobrang bigat ng mundo, sa sobrang dami ng tanong at takot, napayuko na lang si Bella, habang pinipigilan ang pagbuhos ng luha.Pero sa kanyang tiyan, ramdam pa rin niya ang mahinang sipa ng kanyang anak.At ang tanong na hindi niya alam kung masasagot pa niya.“Paano ko pa ilalaban… kung ako na lang ang lumalaban?” tanong niya sa sarili.Tahimik pa rin si Bella sa sala. Hindi siya makagalaw. Para siyang binagsakan ng isang malaking pader na hindi niya matibag. Unti-unti na siyang nilalamon ng takot at lungkot. Hindi niya alam kung anong dapat unahin—ang sarili, ang anak, o ang lalaking patuloy niyang ipinaglalaban.Hanggang bigla tumunog ang
Isang gabi Tahimik ang sala. Isang malamig na gabi. Umaambon sa labas, at tanging tunog ng wall clock ang maririnig sa loob ng bahay. Nasa sofa si Bella, nakaupo habang hawak ang kanyang cellphone. Dalawang beses na siyang nag-text kay Rafael. Wala pa ring reply. Sinubukan niyang huwag mag-isip. Baka busy lang. Baka lang.Nakatulog na siya saglit habang hinihintay ito, pero agad ding nagising nang marinig ang tunog ng phone.TING!Napabangon siya. Inisip niyang si Rafael na iyon. Ngunit hindi pangalan ni Rafael ang lumitaw sa screen—bagkus, isang unknown number. Walang mensahe, walang paliwanag—isang litrato lang.Binuksan niya ito. At doon siya parang biglang iniwan ng mundo.Sa screen, malinaw na malinaw. Isang kama. Magkabilang side, dalawang katawan. Hubad. Magkadikit. Magkayakap habang tulog na tulog.Isa roon si Rafael at isa si Olivia.Tila may sumabog sa loob ng dibdib ni Bella. Nanginginig ang kanyang mga kamay. Hawak niya ang phone pero tila hindi na niya ito nararamdaman. N
Tumayo siya pinulot niya ang mga litrato at dahan-dahang pumasok sa kwarto.At pagkapasok, doon na bumigay. Napaupo siya sa sahig, hawak ang dibdib. “Hindi ko naman ginusto ‘to…” iyak niya. “Nagmahal lang naman ako…” bulong niya sa sarili, sabay tulo ng luha. Umiyak siya. Hindi dahil sa galit. Kundi sa sobrang sakit ng hindi pagkakapantay. Ng hindi pagtanggap. At ng pananakot sa pagmamahal na wala pa nga ng tiyak na pangalan. At ng liliit siya sa kanyang sarili. Gabi na sa bahay nila Rafael, mga bandang alas-siyete, tahimik ang bahay. Halos maririnig ang langitngit ng orasan sa dingding habang si Bella ay nasa kusina, tila abala sa paghahain ng hapunan pina uwi na muna niya ang mga kasambahay dahil day off naman nila bukas dahil sabado pina advance na lang niya gusto rin naman niya ipagluto si Rafael. Kahit halatang pagod, pilit ang ngiti. Kanina lang ay halos maluha-luha siya habang niluluto ang ulam—pero ngayon, pinilit niyang ayusin ang sarili. Pumasok sa bahay si Rafael, mukha
Nasa sala pa si Bella, hawak-hawak pa ang cellphone matapos ang call nila ni Erica. Malalim ang buntong-hiningang pinakawalan niya bago bumalik sa pag-inom ng kape kahit na alam niya bawal sa buntis ang kape ay uminom pa rin siya. Ganito siya kapag maraming iniisip. Akala niya, tapos na ang bagyo ngayong araw. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, isang mamahaling SUV ang tumigil sa tapat ng bahay nila.May bumaba, matangkad, elegante, naka-long sleeves na puti at slacks na parang galing opisina. Ang bawat hakbang nito ay may kumpiyansa, may bigat. Kilala niya ang lalaking ito—paanong hindi?Ang ama ni Rafael. Kumatok. Nagulat si Bella. Agad siyang bumaba at binuksan ang pinto.“Hello po? Napa-daan po kayo?” Tanong niya, kahit kabado. “Wala po si Rafael dito kung siya po ang hinahanap ninyo.” Pero ang sagot na sumunod ay parang bombang bumulaga sa kanya.“I’m not here for him. I’m here for you.”Napatigil si Bella. Saglit siyang natigilan pero pinilit ang sarili na ngumiti kahit hind
Tahimik si Bella habang naghuhugas ng kamay. Nag-iisip, ninanamnam ang bigat ng gabing ‘yon. Pero sa dulo ng salamin, napansin niya ang pagbubukas ng pinto.Tumambad si Olivia,matangkad, naka-bodycon dress, at naka-high heels na parang may sariling stage.Ngumiti ito. Pero hindi 'yong ngiting masaya. Ngiting may tinatagong tusok.“Ikaw pala.” Sabi niya habang dahan-dahang nilalapit ang sarili sa tabi ni Bella. “The... wife. Or should I say, wife on paper?”Hindi natinag si Bella. Tiningnan lang niya ito mula ulo hanggang paa. Tuyo ang mukha. Walang emosyon.“Yes. Why?” Kalma lang ang boses niya. Walang pikon. Pero may diin.Tumawa ng bahagya si Olivia. “Wala lang. Nakakatuwa kasi. I mean... hindi ko in-expect na ikaw pala ‘yung napilitan niyang pakasalan at ikaw pala ang pinalit niya sakin.”Inayos niya ang kanyang lipstick sa salamin.“You must be... special.” Sabay titig sa repleksyon ni Bella. “Or desperate.” dagdag pa niya, na may katas ng inggit at pangmamaliit.Hindi naman nag-
Gabing tahimik pagkatapos ng restaurant meetup ni Bella at Noah ay Nakaupo si Bella sa kama, hawak-hawak ang cellphone, pero wala pa siyang reply kay Noah. Hindi niya alam kung sasabihin ba ito kay Rafael o hindi. Parang ang bigat. Kaya ang una niyang naisip? Si Erica. Tinawagan niya si Erica at di naman siya nag kamali sumagot agad ito. “Hoy Bella! Anong balita, ang blooming mo these days ah!” “Hindi ito tungkol sa blooming, Erica…” Biglang humina ang boses ni Bella. “Ay bakit parang seryoso ka? Okay ka lang?” “Nagkita kami ni Noah.” “WHAT?! Saan?! Kailan?! Ba’t di mo agad sinabi?!” Napabalikwas ng upo si Erica, parang inatake sa puso. “Sa Restaurant. Kanina lang. Tinawagan niya ako, sabi niya importante. Ayoko na sana pero—pinuntahan ko.” “Hala girl, 'di ba alam ni Rafael ‘to?” Tahimik si Bella. Walang sagot. “Gusto ko lang maging honest sayo, Erica. Niyaya niya ako—pero hindi ako pumunta para makipag landian. May sinabi lang siya.” “At ano ‘yun?” Curious na tanong ng
Mainit ang panahon. Pero mas mainit ang usapan sa conference room ng paaralan ko saan si Rafael ay namumuno nito. Nakatayo si Rafael sa harap ng mga guro, suot ang simpleng polo barong, habang isa-isa niyang dinidiscuss ang mga kailangang isubmit na post-year reports. May ilan pang mga tanong mula sa faculty, ngunit nang matapos na ang lahat, nagpaalam siya ng may ngiti sa labi, kahit ramdam ang pagod.Diretso na siya sa Principal’s Office.Pero pagpasok niya—“Dad?” Napakunot ang noo ni Rafael.Nandoon ang kanyang ama, maayos na nakaupo sa visitor's chair ang kanyang na si Albert Grafton. Naka-business suit pa ito kahit mainit ang panahon, hawak-hawak ang isang envelope na puting-puti pa sa linis, pero tila ba mabigat ang laman.“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Rafael habang nilalapag ang folder sa mesa.Ngumiti si Albert. Preskong-presko. Parang hindi planado pero halatang pinag-isipan ang eksenang ito.“May business proposal lang akong gustong pag-usapan sayo. And I must say,
Muling bumalik sa bahay si Bella, dala ang pasalubong at ang kakaibang glow. Maaga siyang nagising kahit puyat sila galing biyahe. Hindi siya mapakali, hindi dahil pagod siya, kundi dahil para bang may iniwang bahagi ng sarili niya sa La Presa. Pero sa parehong oras, may bago ring nadala pauwi, isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag.Sa kusina, umaalingasaw ang amoy ng pritong tuyo at sinangag. May mga tawa na agad naririnig. Nandoon si Aling Minda, ang matandang kasambahay nila, at si Myra, ang mas bata at mas maingay. Nakatali ang buhok ni Bella habang hawak ang basang pinggan, hindi pa man nagsisimula ang almusal, tinutulungan na niyang maghanda.“Ay naku, Bella!” biglang sabi ni Myra habang pinupunasan ang mesa. “Blooming ka talaga ngayon ha! Para kang sumali sa Miss Universe at nanalo ng puso!”Tumawa lang si Bella at pinilig ang ulo. “Naku Myra, baka nasobrahan lang ako sa hangin sa bundok.”“Hangin? Hangin na ba tawag sa pagmamahalan ngayon?” sabat naman ni Aling Minda