" PARA saan 'to? " tanong n'ya kay Marcus noong may inabot itong invitation card sa kan'ya." Pinapabigay ni dad para sa gaganaping Masquerade Ball sa susunod na araw " tugon naman nito." Gusto ko ikaw ang partner ko " nakangiting dugtong naman nito." Wala akong maisusuot " nahihiyang sagot n'ya rito." Ano ka ba, love. Si Feurene na ang bahala sa isusuot mo. S'ya na rin ang umako sa ipapasuot n'yang jewelry para sa'yo." Umikot ito at niyakap s'ya mula sa likuran." Gusto ko, ikaw ang pinaka-magandang dilag na makikita ko sa party " ani nito bago s'ya kinintilan ng halik sa kan'yang braso. Hindi n'ya namang maiwasang hindi mapangiti." Kailangan ko nang mauna. May pupuntahan pa ako " paalam nito sa kan'ya.Inihatid n'ya ito sa may gate." Ingat ka " aniya at kumaway rito.Noong nakalayo na ang sasakyan nito at saka naman n'ya napansin sa kalayuan ang isang itim na sasakyan. Mabilis itong umarangkada at nag-minor ng takbo noong malapit na sa kinaroroonan n'ya.Lumabas si Mang Sed at p
MASQUERADE PARTY...PAGKATAPOS s'yang inayusan ng dalawang nakatukang tauhan na galing sa glam squad ni Feurene ay nakahanda na s'yang magtungo sa Grand Hall sa isang mamahaling Hotel. She's wearing a champagne-beaded black evening dress with a shimmering black Venetian lace metal mask. Kahit kinakabahan s'ya, pipilitin n'yang kumalma. Ayaw n'yang mapahiya sa mga bigating bisita sa party lalo na't Sylvestre ang nag-host sa enggrandeng event na 'yon.Pagkalabas n'ya ng building kung saan s'ya inayusan, nakabungad na pala si Mang Sed sa labas. Ilang minuto na itong nag-aantay sa kan'ya." Miss Snow, ako po ang pinapunta rito ni sir Marcus para ihatid po kayo sa Sapphirean Grand Hotel " wika nito. Nag-alangan naman s'ya at sumilip sa loob noong binuksan nito ang passenger seat. Nakahinga s'ya ng maluwag noong wala sa loob si Demetri." Nasa Grand Hotel na po si sir Demetri " pansin nito noong parang may hinahanap s'ya sa loob." Akala ko kasi naririto na naman s'ya " tugon n'ya sa drive
Nauumigting ang mga mata ni Demetri habang nakatitig s'ya sa harapan ng salamin. Bumabalik sa kan'yang isipan ang pagsampal ni Snow sa kan'ya. Ramdam n'ya pa rin ang pagdapo ng palad nito sa kan'yang pisngi. Isang kalaspatanganan sa kan'yang pagkalalaki ang ginawa nito. Wala pang babaeng nagawa s'yang tanggihan. Halos lahat ng mga babaeng nagugustuhan n'ya ay nakukuha n'ya. Lahat sila naghahabol pagkatapos n'yang gamitin ang mga ito. At may iba pang gusto magpatiwakal para sa pagmamahal n'ya.Malakas n'yang sinuntok ang salaman. Nag-crack iyon at muli n'ya itong sinuntok. Hindi n'ya ininda ang sakit at sugat sa kan'yang kamao. Napopoot s'ya at gusto n'yang bigyan ng leksiyon ang babaeng 'yon.Ang lakas ng loob n'yang gawin sa'kin 'to! Sino ba s'ya sa akala n'ya!Lumabas s'ya ng banyo habang hinayaan ang pagpatak ng dugo mula sa kan'yang kamao na may sugat. Nadatnan n'ya ang dalawa sa may harden. Itinago n'ya sa bulsa ang kan'yang kamao at naglakad palapit sa magkasintahan.Bigla nama
I LOVE YOUEvery time she heard those words come out of Marcus' mouth, pain grudgingly hugged her soul. The bitter smile showed off on her quivered, cracked lips. Her tears started to fall again even though her eyes closed and her brows knitted showing she was in pain of regret.Sobrang sakit na pinagtaksilan ka ng lalaking pinagkakatiwalaan mo. Akala n'ya si Marcus na ang pinaka-matinong lalaking nakilala n'ya, wala rin pala itong pinagkaiba. Kumikislot ang kan'yang dibdib sa hapding nararamdaman ng kan'yang puso.Imagine the five fucking years she's stupidly in love with a deceptive cheater like Marcus. Nagpapanggap lamang ito na mahal na mahal s'ya. Nagsinungaling na siya ang nag-iisang babaeng minahal nito. Naniwala s'yang iba ito sa mga lalaking ginagamit lamang ang kahinaan ng isang babae. Wala rin pala itong pinagkaiba sa kan'yang ama. " Where's Marcus? " tanong n'ya kay nay Lucelle noong nasa Sylvestre Mansion s'ya." Hindi kayo nagkita? " Nagtatakang ani nito. Napailing nam
Tulalang nakatitig sa kisame si Snow. Kanina pa s'ya sa ganitong sitwasyon at kung ano-anong ideya ang pumasok sa kan'yang isipan. Gusto n'yang sundan si Marcus at alamin kung sino ang ibang kalaguyo nito pero bachelor's party nga ang magaganap kaya hindi s'ya nagtangkang sumama.Pero, malakas pa rin ang kutob n'ya na iisang babae lamang ang nasa larawan at si Feurene. Dahil sa hindi s'ya mapakali ay napadesisyonan n'yang magtungo sa hotel kung saan gaganapin ang party.Habang naglalakad s'ya sa pasilyo, pabigat ng pabigat ang kan'yang mga hakbang. Natigilan s'ya noong palapit na s'ya sa sinabing k'warto na sinabi ng receptionist kung saan naroroon ang kan'yang nobyo noong makita n'ya si Demetri. Nakasandal ito malapit sa pintuan. Seryoso itong naninigarilyo. Napalingon ito noong napansin s'ya nito." What are you doing here?" Tanong nito sa kan'ya. Napasilip s'ya sa suot n'yang relo. Maaga pa naman ang oras." Uuwi ko na ang fiance ko " tugon n'ya.Maayos itong napatayo bago s'ya hi
Napalingon s'ya sa dancefloor. Kahit lasing na s'ya ay mas pinili n'yang magpunta roon para makipagsayawan sa mga lalaki. Unang beses n'ya itong gagawin. Ang magpunta sa bar ay hindi n'ya gawain. Ilag talaga s'ya sa maraming tao lalo na kung maraming mga lalaki. Dumutdot s'ya sa mga nagsasayawan at nakisayaw rin s'ya sa mga ito.Wala na s'yang pakialam kung anong mangyayare sa kan'ya kinabukasan. Ang mahalaga sa ngayon ay maibsan ang sakit at hapdi na kan'yang nararamdam. Napasigaw s'ya sa tuwa noong nagsigawan rin ang mga katabi n'yang babae na abala rin sa pakikipag-dirty dance.May lalaking dumikit sa kan'ya at hindi n'ya ito pinagbawalan na hawakan s'ya sa beywang. Mas lalo n'yang idinikit ang sarili rito kaya mas lalo itong naganahang sumayaw dahil sa ginawa n'ya. Ilang sandali pa ay may humablot na sa kan'ya palayo sa nakasayawan n'yang lalaki. Akmang lalaban ito pero may dalawang lalaking humarang kaya napaatras na lamang ito.Napatingala naman s'ya sa lalaking nanghablot sa ka
Magandang tugtog ng piano ang nagpamulat ng mga mata ni Snow. Nasa isang hindi kilalang k'warto s'ya natulog. Napaupo s'ya sa kama habang pakurap-kurap ang kan'yang mata dahil sa liwanag ng paligid. Natigilan naman s'ya noong napagtanto n'yang wala s'ya sa bahay dahil sa mala-langit na palagid.Nailibot n'ya ang kan'yang paningin at tuluyang s'yang natulala noong malaman n'yang nasa isang mamahaling penthouse s'ya naroroon. Nagugulahang s'yang bumaba ng kama at nagtatakang napatingin sa kan'yang sarili.Bakit ako naka-bridal gown?" Oh shit! Kasal ko pala ngayon! " Bulalas n'ya at kaagad na lumabas ng k'warto.Mas lalo s'yang nalula sa ganda ng mamahaling kagamitan at desinyo sa labas ng k'warto. Mula sa mamahaling chandelier na nakasabit sa high ceiling, appliances, makintab na flooring at lalo na ang breath taking views mula sa labas ng building. Napaka-unique talaga ng layout na hindi mo basta na lamang makikita sa ibang apartment.Napatingin s'ya sa lalaking nakatalikod habang ser
Magkasabay silang kumain ni Demetri. Tahimik naman s'yang ngumunguya ng hinanda nitong vegetables salad. Kahit mukhang masarap ang nakahaing luto sa hapag ay para wala s'yang ganang kumain." Kumain ka ng marami " saad nito sabay lagay ng kanin sa kan'yang plato. Pinigilan n'ya ang kamay nito.Kaagad naman s'yang napabitaw noong napatitig ito sa nakadamping kamay n'ya sa ibabaw kamay nito." Wala akong ganang kumain kapag umaga. Ayos na ako sa salad " saad n'ya bago sumubo." Mamaya pa ako bibili ng wedding ring para ipasuot sa'yo. Anong gusto mong design? Mahilig ka ba sa diamond? " Interesadong tanong nito.Napailing naman s'ya." Hindi ako mahilig sa mamahalin. At bakit mo naman ako bibigyan ng singsing? " Pagtataka n'ya. Naibaba nito ang hawak na kubyertos. " Para sa bond ring natin. Wala tayong singsing nang nagpakasal tayo kagabi sa isang pribadong lugar " tugon naman nito. Nabitawan n'ya ang hawak n'yang tinidor dahil sa pagkabigla." A-Ano kamo? " Baka kasi nagkamali lamang s
Napanood ni Marcus sa telebisyon ang katatapos pa lamang na contract signing ni Snow sa Sandstorm. Tahimik itong nakatitig sa screen ng tv habang palihim naman nakamasid si Demetri sa reaksiyon ng kapatid. Inilapag ni nay Lucelle ang tinimplang kape sa mesa para sa kanila. Kapwa naman silang napalingon sa kanilang ama na kabababa pa lamang ng hagdan. Umupo ito sa gitna at napatingin rin sa screen." Naririyan pala s'ya. Mukhang masaya pa yata s'yang pinagtaksilan ka para lamang s'ya sumikat " komento ni Don Demetruis bago sumimsim ng kape.Nag-alangan naman si Marcus na magsalita dahil may kasalanan rin naman s'ya kay Snow." O, baka naman ikaw ang nagtaksil? " Natigilan naman si Demetri sa paghigop ng kape at napalingon sa kan'yang ama.Tila namutla si Marcus." Sabi mo nga, hindi magagawa ni Snow ang pagtaksilan ka. Siguro, panahon na para ikaw naman ang tanungin ko Marcus " pagpapatuloy nito.Kabado naman humigop ng kape si Marcus. Palihim na umarko ang labi ni Demetri." H-Hindi
" Hindi mo maitatago dito ng matagal si Snow, brother. Kagagaling ko lang sa mansiyon at naabutan ko ang nanay ni Snow doon. Two weeks na s'yang hindi ma-contact kaya malamang nag-alala na ang nanay at kapatid n'ya. Kung ako sayo h'wag mo s'yang pagbawalan na lumabas " seryosong payo ni Demetria bago ito umupo sa sofa." Anong sinabi ng mama n'ya? " Interesadong katanungan n'ya." Humingi s'ya ng tulong na mahanap si Snow. Kapag hindi pa nila matukoy kung nasaan s'ya naroroon ay hindi na sila magdadalawang isip na i-anunsyo sa medya na nawawala s'ya " tugon naman nito.Halatang naman ang pagkabahala sa mukha nito.Wala rin pagpipilian si Demetri. Mas mabuti sigurong hayaan n'ya na itong lumabas at bumalik sa trabaho. Sa tuwing magkasama sila, kahit hindi pinapahalata ni Snow ang lungkot na nararamdaman nito ay ramdam n'ya naman sa kinikilos nito.She's an actress. She knows when she acted okay even if inside she feels sad and lonely." Tawagan mo si Jean. Gusto ko nang ituloy ang cont
Huli na s'yang nagising kinabukasan. Hindi n'ya na naabutan si Demetri sa kama. Grabe, hindi man lang napagod 'yon sa ginawa nila kagabi. Samantalang s'ya, gusto n'yang matulog maghapon dahil sa antok at kapaguran sa mga posisyon na ginawa nila kagabi.Madali lang naman kasi s'ya nitong pinatuwad, pinatagilid at pinasakay. Halos ihampas na nga nito ang katawan sa kan'ya dahil sa panggigigil nito. Hindi kagaya noong isang gabi na napakasuyo nito at malumanay pa.Muli niya sanang ipipikit ang kan'yang mga mata noong biglang may nag-vibrate sa ilalim ng katabi n'yang unan. Kaagad n'yang itinaas ang unan at nakita n'ya ang cellphone ni Demetri.May tumatawag.Tinitigan n'ya ang screen habang numero lamang ang tumatawag rito.Kaagad s'yang bumangon at inabot ang puting roba. Nagmamadali s'yang isuot iyon para agarang maihatid kay Demetri ang cellphone. Baka kasi importante ang tawag.Pagkababa n'ya ng sala, kaagad s'yang nagtungo sa kusina. Abala kasi ito sa paghahanda ng umagahan nila."
Abala sa pagpapatugtog ng piano si Snow habang sinasabayan ng kanta noong dumating si Demetri. Hindi n'ya namalayan ang pagdating ng kan'yang asawa kaya seryoso lamang s'ya sa pagtugtog habang kumakanta.Tila natulala naman si Demetri. Ngayon n'ya lang kasi narinig na kumanta ito. Humahagod ang mahinhinang boses nito sa kan'yang puso. Napahawak s'ya sa kan'yang dibdib habang nakaawang ang bibig na nakatitig sa kan'yang asawa.Biglang napawi ang kan'yang pagod habang pinagmamasdan ito.Tinapos ni Snow ang buong kanta at nagitla s'ya noong mapansin n'yang may tao pala sa likuran n'ya. Kaagad napadako ang kan'yang mga mata sa bitbit na bouquet ni Demetri.Hindi n'ya alam kung anong mararamdaman ng puso n'ya. Bakit ito may dalang bulaklak? Bigla n'ya kasing naalala ang sinabi ni Demetria na wala pa itong inalayang bulaklak maliban sa pag-aalay nito ng bulaklak sa tuwing dadalaw sa puntod ng namayapang ina.Humakbang ito palapit sa kan'ya." Oh, bulaklak " matigas na saad nito bago nag-iw
Namamaga ang kanyang mga mata noong bumangon s'ya at kaagad na nagtungo sa banyo para maghilamos. Seryoso s'yang napatitig sa kan'yang repleksiyon.Bakas pa rin ang pamamanhid ng kan'yang pisngi.Damn, that devil!Kapag naaalala n'ya ang ginawang papanakit nito ay umaalsa ang poot at galit n'ya.Naisipan n'yang lumabas ng kwarto. Napansin n'ya kasing ang tahimik baka may lakad na naman si Demetri at iniwan na naman siya nitong mag-isa. Pagkababa n'ya ng hagdan, kaagad n'yang napansin parang may tao sa loob ng kusina.Sumilip s'ya at nadatnan n'yang abalang nagluluto si Demetria. Mukhang halatang nasa lahi nila ang magaling magluto. Napalingon ito sa kan'ya." Gising ka na pala " nakangiting saad nito. Sumilip naman s'ya kung anong niluluto nito.Natakam naman s'ya noong malaman niyang Filipino dish ang inihanda nito. Masarap naman ang nilulutong Italian dishes ni Demetri pero na-miss n'ya ang luto ng kan'yang ina. Hindi naman kasi siya masyadong marunong magluto lalo na't ang kan'yang
" My god! I can't take this anymore! " Reklamo ni Feurene noong nagkaroon sila ng pagkakataon na magka-usap ng pribado." Ginawa ko na ang lahat para maibaling sa'kin ni Marcus ang pagmamahal n'ya pero it's useless! " " Make a way to make him impregnate you " suhesyon ni Demetri." What! Are you out of your mind! Masisira ang career ko kapag nabuntis ako kaagad. "" It's your choice, Feurene. Gusto mo bang mauwi sa wala ang lahat ng pinaghirapan natin? "" Ba't hindi nalang ikaw? Make her pregnant para tumigil na si Marcus " suhesyon nito." I got vasectomy 6 months ago " tugon n'ya bago kumuha ng sigarilyo at nagsindi.Gumamit pa rin naman s'ya sa condom for extra protection. Nag-aalala s'ya baka hindi naging successful ang operasyon. According to a doctor, one to two in 1,000 men have a vasectomy that fails. His doctor advised to be careful and have extra protection. Vasectomy failures usually happens in the first year following the procedure.Bumuga muna siya ng usok." And...I a
Sandali tumambay sa may balconahe si Snow para lumanghap ng sariwang hangin. Napansin niya namang parang hindi na tumatambay sa balconahe ang lalaking nakatira sa kabilang unit.Bumalik naman siya sa loob. Nakabantay sa kaniya ang dalawa niyang bodyguard dahil maagang umalis si Demetri kasi may importanteng lakad ito." Saan po kayo pupunta, Miss? " Tanong ni Oscar." Diyan lang ako sa labas " paalam niya. Sumunod naman ito." Oscar, diyan lang ako. Hindi ako tatakas " saad niya rito pero sumunod pa rin ito palabas ng unit.Pinindot niya ang doorbell sa kabilang unit. Sandali siyang nag-antay. Hindi naman napigilan ni Oscar ang ipaalam sa kaniya na wala ng nakatira sa kabilang unit." Binili na ni Boss ang lahat ng unit sa floor na 'to kaya literal na wala na po kayong kapitbahay. " Napanganga naman siya." Mahigpit niya pong ipinagbabawal na makipagkilala o makipag-usap po kayo sa iba lalo na kung lalaki " dugtong nito.What! Pati ba naman ang pakikipagkaibigan ay bawal? " Kinakausa
Noong nakarating siya sa condominium. Kaagad niyang pinindot ang open-door button. Natigilan siya noong pagkabukas ng elevator nasa loob pala ang taong hindi niya inaasahang makikita niya.Pumasok siya sa loob at sinundan ng tingin ang papalayong bulto ng kaniyang ama kasama ang mga bodyguards nito.Nakarating siya sa condo unit ng kan'yang kapatid. Pumasok siya sa unit at kaagad niyang napansin ang kaniyang inang abala sa pagpunas ng mesa." Mukhang may bisita kayo kanina " aniya bago umupo sa sofa." Isang kaibigan lang " tugon nito bago dinala ang tray patungong kusina." Mabuti dumalaw ka. Saan ka ba talaga umuuwi? " Usisa nito bago inilapag ang tinimplang juice sa mesa.Napatitig ito sa kaniya noong hindi man lamang siya kumibo." Snow, may tinatago ka ba sa'min ng kapatid mo? " Bahagya siyang napangiti rito." Baka kayo ang may tinatago sa'min ni Ice " wika niya na nagpatahimik rito." A-Ano naman ang itatago ko? " Kabadong saad nito.She crossed her legs." Tungkol sa tatay na
Kinabukasan, nagising s'ya sa umalingawngaw na busina ng barko. Napaupo s'ya sa sofa na naka-p'westo sa labas ng k'warto. Napatingin s'ya sa k'warto kung saan naroroon si Demetri. Hindi s'ya nagtangkang pumasok sa loob dahil sa takot na baka s'ya ang pagbuntungan ng galit nito.Napatitig naman s'ya sa kumot na nakatalukbong sa kan'ya. Hindi n'ya namalayan na may nagkumot sa kan'ya kagabi." Sinong nagkumot sa'kin? " Tanong n'ya kay Mang Sed noong inilapag nito ang tinimplang kape sa mesa." Ako po ma'am " sagot nito.Nakaramdam naman s'ya ng lungkot. Mukhang hindi nag-abala si Demetri na kamustahin ang kalagayan n'ya. " Si Demetri? " Napaupo naman si Mang Sed." Nasa hospital s'ya " sagot nito na medyo ikinagulat n'ya." Dalawang tama ng bala ang natamo n'ya kaya kailangan n'yang salinan ng dugo " dugtong nito.Dalawang tama ng bala pero nagawa pa nitong magwala? Napatanaw s'ya sa labas. Nasa seaport na pala sila ng Mainland." Inutusan po ako ni sir Demetri na ako na lang po ang ma