" HINDI ka ba pupunta sa bayan?" tanong ni manang Lucelle sa kan'ya. Tahamik s'yang nagkakape sa balconahe. " Habilin pa naman sa'kin ng iyong ama na dumalo ka sa fiesta. Marami s'yang palaro sa mga kabataan doon at may pa-raffle pa. Alam mo naman na muling tatakbo bilang Gobernador ang iyong papa. Gusto n'ya lamang makasigurado kung may mga tao pa bang gustong sumuporta sa kan'ya doon sa susunod na eleksiyon," dagdag pa ng mayordoma. " Naroroon din ba si Marcus? " " Palagi s'yang kasama ng iyong papa sa mga lakad n'ya. May balak rin kasing tumakbo bilang Mayor si Marcus sa mga susunod na eleksiyon, " tugon naman nito. Maikli s'yang napangiti bago sumimsim ng kape. " Siguro naroroon rin ang fianceé n'ya," hinuha n'ya. " Syempre, bayan ni Snow ang may fiesta kaya nararapat lang na naroon s'ya. Lalo na't Kapitan ang kan'yang tiyuhin sa bayan na 'yon. " Agaran naman s'yang napatayo. Pupunta s'ya roon dahil naroroon si Snow. Gusto n'ya itong makita lalo na't laman ito ng
MAG-ISANG sinukat ni Snow ang wedding gown sa loob ng kan'yang kwarto. Nakangiti s'yang nakatitig sa kan'yang repleksiyon mula sa kaharap n'yang salamin. Sakto ang damit sa kan'ya lalo na't kuhang-kuha nito ang kurba ng kan'yang balingkinitang katawan. Habang nasa galak ang kan'yang puso, sa mga imahinasyong tumatakbo sa kan'yang isipan ay s'ya namang pagsulpot ni Ice sa kan'yang likuran. " Hala ka! Bakit mo sinukat? " Gulat na wika ng kan'yang nakababatang kapatid. Namulagat s'ya ng mata at napalingon rito. " Bawal ba? Ang ganda 'di ba? Bagay na bagay sa'kin, " masayang aniya sa kapatid. " Ate, baka hindi matuloy ang kasal ninyo ni kuya Marcus, " nag-aalalang ika nito. Mahina naman s'yang natawa. " Pamahiin lang 'yan. Paano ko malalaman kung kasya sa'kin kung hindi ko naman isusukat? " Kontra niya naman rito. " O, sige na. Bahala ka, " tanging sagot nito bago humiga sa kama. " Dalawa nalang pala kami ni mama ang maiiwan dito sa bahay. Nakakalungkot naman, " panimu
" PARA saan 'to? " tanong ni Snow kay Marcus noong may inabot itong invitation card sa kan'ya. " Pinapabigay ni dad para sa gaganaping Masquerade Ball sa susunod na araw, " tugon ng kan'yang nobyo. " Gusto ko ikaw ang partner ko, " nakangiting dugtong pa nito. " Wala akong maisusuot, " nahihiyang sagot n'ya rito. " Ano ka ba, love. Si Feurene na ang bahala sa isusuot mo. S'ya na rin ang umako sa ipapasuot n'yang jewelry para sa'yo." Umikot ito at niyakap s'ya mula sa likuran. " Gusto ko, ikaw ang pinaka-magandang dilag na makikita ko sa party," ani nito bago s'ya kinintilan ng halik sa kan'yang braso. Hindi n'ya namang maiwasang hindi mapangiti. " Kailangan ko nang mauna. May pupuntahan pa ako," paalam nito sa kan'ya. Inihatid n'ya ito sa may gate. " Ingat ka, " aniya at kumaway. Noong nakalayo na ang sasakyan ni Marcus at saka naman n'ya napansin sa kalayuan ang isang itim na sasakyan. Mabilis itong umarangkada at nag-menor ng takbo noong malapit na sa kinar
MASQUERADE PARTY... PAGKATAPOS s'yang inayusan ng dalawang nakatukang tauhan na galing sa glam team ni Feurene ay nakahanda na s'yang magtungo sa Grand Hall sa isang mamahaling Hotel. She's wearing a champagne-beaded black evening dress with a shimmering black Venetian lace metal mask. Kahit kinakabahan s'ya, pipilitin n'yang kumalma. Ayaw n'yang mapahiya sa mga bigating bisita sa party lalo na't Sylvestre ang nag-host sa enggrandeng event na 'yon. Pagkalabas n'ya ng building kung saan s'ya inayusan, nakabungad na pala si Mang Sed sa labas. Ilang minuto na itong nag-aantay sa kan'ya. " Miss Snow, ako po ang pinapunta rito ni sir Marcus para ihatid po kayo sa Sapphirean Grand Hotel, " papapaalam nito. Nag-alangan naman s'ya at sumilip sa loob noong binuksan nito ang passenger seat. Nakahinga s'ya ng maluwag noong wala sa loob si Demetri. " Nasa Grand Hotel na po si sir Demetri, " pansin nito noong parang may hinahanap s'ya sa loob. " Akala ko kasi naririto na nama
Nag-uumigting ang mga mata ni Demetri habang nakatitig s'ya sa harapan ng salamin. Bumabalik sa kan'yang isipan ang pagsampal ni Snow sa kan'ya. Ramdam n'ya pa rin ang pagdapo ng palad nito sa kan'yang pisngi. Isang kalaspatanganan sa kan'yang pagkalalaki ang ginawa nito. Wala pang babaeng nagawa s'yang tanggihan. Halos lahat ng mga babaeng nagugustuhan n'ya ay nakukuha n'ya. Lahat sila naghahabol pagkatapos n'yang gamitin ang mga ito. At may iba pang gusto magpatiwakal para sa pagmamahal n'ya. Malakas n'yang sinuntok ang salamin. Nag-crack iyon at muli n'ya itong sinuntok. Hindi n'ya ininda ang sakit at sugat sa kan'yang kamao. Napopoot s'ya at gusto n'yang bigyan ng leksiyon ang babaeng 'yon. Ang lakas ng loob n'yang gawin sa'kin 'to! Sino ba s'ya sa akala n'ya?! Lumabas s'ya ng banyo habang hinayaan ang pagpatak ng dugo mula sa kan'yang kamaong nakasugat-sugat. Nadatnan n'ya ang magkasintahan sa may harden. Itinago n'ya sa bulsa ang kan'yang kamao at naglakad palapit sa magkasi
I LOVE YOU Every time she heard those words come out of Marcus' mouth, pain grudgingly hugged her soul. The bitter smile showed off on her quivered, cracked lips. Her tears started to fall again even though her eyes closed and her brows knitted showing she was in pain of regret. Sobrang sakit na pinagtaksilan ka ng lalaking pinagkakatiwalaan mo. Akala n'ya si Marcus na ang pinaka-matinong lalaking nakilala n'ya, wala rin pala itong pinagkaiba. Kumikislot ang kan'yang dibdib sa hapding nararamdaman ng kan'yang puso. Imagine the five fúcking years she's stupidly in love with a deceptive cheater like Marcus. Nagpapanggap lamang ito na mahal na mahal s'ya. Nagsinungaling na siya ang nag-iisang babaeng minahal nito. Naniwala s'yang iba ito sa mga lalaking ginagamit lamang ang kahinaan ng isang babae. Wala rin pala itong pinagkaiba sa kan'yang ama. " Where's Marcus?" tanong n'ya kay nay Lucelle noong nasa Sylvestre Mansion s'ya. " Hindi kayo nagkita?" Nagtatakang ani nito. Napailing
Tulalang nakatitig sa kisame si Snow. Kanina pa s'ya sa ganitong sitwasyon at kung ano-anong ideya ang pumasok sa kan'yang isipan. Gusto n'yang sundan si Marcus at alamin kung sino ang ibang kalaguyo nito ngunit bachelor's party nga ang magaganap kaya hindi s'ya nagtangkang sumama. Pero, malakas pa rin ang kutob n'ya na iisang babae lamang ang nasa larawan at si Feurene. Dahil sa hindi s'ya mapakali ay napadesisyonan n'yang magtungo sa hotel kung saan gaganapin ang party. Habang naglalakad s'ya sa pasilyo, pabigat ng pabigat ang kan'yang mga hakbang. Natigilan s'ya noong palapit na s'ya sa sinabing k'warto na sinabi ng receptionist kung saan naroroon ang kan'yang nobyo noong makita n'ya si Demetri. Nakasandal ito malapit sa pintuan. Seryoso itong naninigarilyo. Napalingon ito noong napansin s'ya nito. Akala n'ya ay nasa Sicily pa ito. " What are you doing here?" Tanong nito sa kan'ya. Napasilip s'ya sa suot n'yang relo. Maaga pa naman ang oras. " Uuwi ko na ang fiance ko," tugon
Napalingon s'ya sa dancefloor. Kahit lasing na s'ya ay mas pinili n'yang magpunta roon upang makipagsayawan sa mga lalaki. Unang beses n'ya itong gagawin. Ang magpunta sa bar ay hindi n'ya gawain. Ilag talaga s'ya sa maraming tao lalo na kung maraming mga lalaki. Dumutdot s'ya sa mga nagsasayawan at nakisayaw rin s'ya sa mga ito. Wala na s'yang pakialam kung anong mangyayare sa kan'ya kinabukasan. Ang mahalaga sa ngayon ay maibsan ang sakit at hapdi na kan'yang nararamdam. Napasigaw s'ya sa tuwa noong nagsigawan rin ang mga katabi n'yang babae na abala rin sa pakikipag-dirty dance sa mga partner nito. May lalaking dumikit sa kan'ya at hindi n'ya ito pinagbawalan na hawakan s'ya sa beywang. Mas lalo n'yang idinikit ang sarili rito kaya mas lalo itong naganahang sumayaw dahil sa ginawa n'ya. Ilang sandali pa ay may humablot na sa kan'ya palayo sa nakasayawan n'yang lalaki. Akmang lalaban ang lalaking nakasaya niya ngunit may dalawang lalaking humarang kaya napaatras na lamang ito. Nap
Demetri's POV" Nakita niyo na?" I asked one of my men who was controlling the mini drone we flew to find out what was happening inside. We were communicating using a monitoring earpiece device." Yes, Boss. Nakita ko na po sila," tugon ng kausap ko." Is she okay? " Agarang pagtatanong ko tungkol sa asawa ko. Hindi nawala ang kaba sa dibdib ko dahil sa nangyare. Baka kasi ano na ang ginawa ng grupo ni Ryndell sa aking asawa." It seems she's fine. Mukhang kasama niya po si Marcus. Tapos si Tiara naman ay nasa kalayuan ng kanilang lokasyon, mukhang nakatali sa upuan at bantay sarado ng mga tauhan.""Alright, let’s move fast and smart. This is Ryndell’s hideout, and there are surely more guards inside the mansion, not just outside. We’ll go in quietly, so have your silencer guns ready. Our mission is to rescue all three—failure is not an option. Understood!?"" Yes, Boss! " Sagot ng mga tauhan ko in unison." Move! " I wasted no time in making the announcement, and my team—experts in s
“T-Tiara...”sambit ni Snow habang nakaupo silang magkatabi sa sasakyang dumukot sa kanila. Nanlalamig at nanginginig ang kanyang mga kamay habang inabot ang kamay ni Tiara na naka-posas. Ngunit, kalmado pa ring napalingon sa kanya si Tiara, tila ba walang pakialam kahit na sila ay na-kidnap. "I h-hope Tyrone and Rogue are okay," dugtong ni Snow, kahit halata ang takot sa kanyang boses. Noong may humarang sa kanilang dinaanan, hindi na sila nagawa pang makapanlaban. Sobrang daming sasakyan ang nakaabang, kaya’t naisipan na lamang nilang magpaubaya. Hindi na siya nanlaban nang siya na mismo ang sadya ng mga armadong lalaki. Sinama ng mga ito si Tiara dahil nakiusap siya na isama ito, kahit na alam niyang madadamay lamang ang lady bodyguard niya kung sakaling patayin siya ng mga kidnapper. Nasa 20 minuto na ang biyahe at hindi niya matukoy kung nasaan na sila. Hindi maiiwasan ni Snow ang mag-alala kay Marcus at gayundin kay Demetri. Gusto na sanang itanong kay Tiara kung buhay pa ba si
“Demetri, tadtad ka na talaga ng mga sugat at peklat sa katawan. Magpahinga ka na nga,” ani Grace habang maingat na tinatahi ang sugat na bigla na lamang bumukas nang nagpilit siyang maupo sa kama.“‘Di maaari,” malamig na tugon niya sa kapatid na babae ni Vaughn, na isa ring doctor.“Magpahinga ka na bilang isang Mafia Boss. Maawa ka sa katawan mo, lalo na sa kaluluwa mo,” seryosong anito.“Sabihin mo yan kay Vaughn, huwag sakin,” sagot niya na may pag-ismid.Malakas na napabuga ng hangin si Grace. “Bahala kayo. Basta ako... ito na ang huli kong pagtulong,” pagsukong saad ni Grace at tuluyan nang nilagyan ng panibagong patch ang sugat ni Demetri.Pareho naman silang napalingon sa pinto noong may kumatok." Pasok! " Napasilip si Pluto." Pasok ka," saad ni Grace kay Pluto at mabilis nitong niligpit ang gamit."Kailangan ko nang umalis. Maraming pasyenteng naghihintay sa akin," dugtong pa ni Grace bago naisipan silang iwan."Bakit?" tanong ni Demetri sa tauhan. Humakbang ito palapit s
Demetri is gasping for breath and drenched in sweat, crouches behind a large rock, his eyes scanning the area for any sign of danger. They’ve been relentlessly pursued by their enemies for hours, and backup has yet to arrive. He’s lost all contact with Pluto and is now struggling with a gunshot wound to his shoulder.Napasilip siya sa kasama niyang tauhan. Nakaupo na ito sa lupa at nayuko ang ulo. Hinawakan niya ang buhok nito upang iangat ang ulo ng lalaki at inilapit ang taenga upang alamin kung humihinga pa ba ito. Napaupo naman siya sa tabi ng lalaki. Tuluyang natumba sa lupa ang bangkay ng kasama niya. Mukhang siya na lamang ang natitirang buhay.Kung magtagal pa siya rito ng ilang minuto, malamang hindi na siya makakalabas ng buhay sa kagubatang ito. Bigla siyang naalarma nang marinig ang tunog ng nababaling maliliit na sanga at mga tuyong dahon na naapakan. Alam niyang mga kalaban ito na walang kapaguran sa pagtugis sa kanya. Mahigpit niyang hinawakan ang natitirang sandata, ha
" We should c-contact the police by now. Oh my God...oh my god... I don't want something bad to happen with Marcus" saad ni Feurene. Halata ang panic nito dahil hindi nito magawang mag-type ng maayos sa hawak nitong cellphone. Nanginginig ang mga kamay nito. Nag-alala siya sa kalagayan ng dalawa ngunit hindi niya akalain na magkakaganito si Feurene, na masaksihan niya itong nanginginig dahil sa labis na pagkabahala. Pakiramdam niya ay hihimatayin na lamang ito bigla dahil sa nerbyos. Feurene really loves Marcus that much at ngayon lang nakita ni Snow na ganito pala kalala ang pagmamahal ni Feurene sa ex-fiancé niyang si Marcus. Naisipan ni Snow namang i-dial ang numero ni Demetri. Dapat kay Demetri siya labis na nag-alala hindi kay Marcus. Si Demetri ang asawa niya. Habang tinatawagan si Demetri hindi niya naman maiwasan na mapalingon sa tatlo niyang bodyguard. May kino-contact rin ang mga ito na sa hinuha niya ay mga tauhan rin ni Demetri. " I already contacted the police, Snow. T
BACK TO SNOW LOCATION... " May dadaanan pa po ba tayo, Ms.?" Tanong ni Tiara sa asawa ng kanyang amo. Kanina pa sila nakatambay sa loob ng van habang naka-park sa parking lot ng isang condominium. Napalingon na si Tiara kay Snow dahil hindi man lamang ito tumugon. Nakatulalang nakatuon ang mga mata sa labas ng bintana. Bakas ang lungkot sa mga mata nito lalo na't kagagaling lamang nito sa pag-iyak. Hindi naman siya nag-abalang tanungin ito lalo na't baka personal ang dahilan. " Magsabi ka na lang kung anong oras tayo uuwi ng Sapphirean Building," aniya rito. Doon lamang napalingon si Snow kay Tiara. Nasa unahan ito, nakaupo sa tabi ng driver. Seryoso ang expression nito, na tila hindi nagbabago. Kahit nga siguro sampalin si Tiara ay gan'on pa rin ang reaksiyon nito. " Let's go to Rubbean Building, may dadaan lang ako roon" aniya at kaagad namang pinaandar ni Tyrone ang makina. Rubbean Building is a sister building of Sapphirean. Iisa lang kasi ang may are ng dalawang building na
" How's my wife, Tiara?" Pangungumusta niya kay Tiara tungkol sa kanyang asawa. Kausap niya sa Tiara gamit lamang isang micro earpiece device habang nasa biyahe sila pabalik ng Sapphirean Building kasama ang mga tauhan niya. " Kakatapos lang ng taping nila. Nasa loob pa siya ng Sandstorm Building" pagbibigay alam naman nito. " Paki-inform na lang late akong makakauwi. I have something important meetup tonight" " Yes, Monsieur" tugon nito bago naputol ang kanilang usapan. Umayos siya ng upo at sinilip ang screen ng kanyang cellphone kung saan naka-wallpaper ang kanyang asawa. Hind niya maiwang napatitig sa litrato ni Snow, nakangiti ito at kitang-kita ang malalim nitong dimple sa pisngi. Sandali siyang napabuga ng hangin habang hindi pa rin maalis sa kanyang mga labi ang matamis na ngiti. Walang oras na hindi niya ito hinanap-hanap. Her beautiful eyes, her kissable lips, her dimples, lahat kay Snow ay maganda sa paningin niya. Parang obsession na yata itong nararamdaman niya at hin
" How c-could you say something like that? How can he be so certain about his connection with Feurene that he's the one who ruined our relationship?" Sandaling napalanghap ng hangin si Marcus at napatingala bago napabuga ng hangin. " Feurene confessed to me... on the hospital. " " And then?" Pasuspense pa kasi. Gusto niyang tapusin ni Marcus ang lahat ng katotohanang alam nito dahil atat siyang malaman ang totoo. “ Noong binugbog ako ni Demetri, labis nag-alala si Feurene dahil sa naging kalagayan ko. She broke down in tears, constantly blaming herself for everything. She pleaded with me, begging for my forgiveness for all the mistakes she had made. She deeply regretted getting involved with Demetri and conspiring to ruin our relationship,” pag-amin ni Marcus. Kusa naman itinago ni Snow sa kanyang likuran ang nanginginig niyang mga kamay. " Two weeks before our wedding... they met in a bar. Feurene was broken 'cause our wedding our soon enough to happen. She was tipsy when Dem
" What the hell are you doing here, Marcus? Paano ka nakapasok?" Muling tanong ni Snow kay Marcus ngunit paimpit lang baka kasi may makarinig sa kanila. " I'm with Jean, but when I saw you walking into the building, I quickly came up with an excuse to go to the bathroom. I’ve missed you so much. Didn’t Demetri hurt you?" Sabay check ni Marcus sa braso niya baka sakaling may makita itong bruises or scratch. Maharan niya naman inigaw ang kamay at humakbang upang dumistansiya mula kay Marcus. " I'm fine. Hindi niya ako sinaktan " " Are you sure?" Paninigurado nito at muling inilapit ang sarili. Nailang naman siya dahil masyado ito kung makadikit sa kanya. " Yeah " Nakahinga naman si Marcus. Akala niya kasi ay nasaktan ito ni Demetri. " A-Ayos ka na ba?" Tila may pag-aalangang tanong ni Snow rito. Hindi pa rin tuluyang gumagaling ang maliliit na sugat na natamo ni Marcus noong nakipagsagupaan ito kay Demetri. " I am fine. By the way... thank you sa bouquet at regalong pinadala