Share

CHAPTER 51

"Alexis sandali!"

Kahit na muntik ko nang maapakan ang tiyan ni Red ay kaagad akong tumayo upang habulin si Alexis. Alam kong galit siya dahil kitang-kita sa mga mata niya at sa pagkuyom ng kamao niya. Wala naman akong ginagawang masama at aksidente lang ang pagkakabagsak naming dalawa ng lasenggerong si Red sa lapag.

"Alexis-"

"Fuck you!" galit niyang sigaw sa akin na kusang nagpahinto sa akin. "May namamagitan ba sa inyo ni Red? May nangyari na ba sa inyo? Kaya ba gano'n na lang kung magtabi kayo noong nasa probinsya n'yo tayo? Kailan pa?" sunud-sunod niya pang tanong. Pero di tulad kanina na halos magliyab ang mga mata niya sa galit, ngayon ay parang wala na akong makitang kahit na anong emosyon doon.

"Mali ang iniisip mo. Hindi ganoon 'yon-"

"Then what the hell is that?!" muli niyang putol sa akin. "Red is lying on the floor while you're on top of him. He's half-naked, and for fuck sake Minzi, baka hindi lang gano'n ang maaabutan ko kung hindi ko naisipang tignan ka sa silid mo!"
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status