MINZI WAKE UP!Malalakas na tapik sa pisngi at tila ako inaalog ng kung sino mang buwisit na istorbo sa mahimbing na pagkakatulog ko."Minzi, are you okay? Hey, can you hear me?"Idinilat ko ang isa kong mata ngunit muli lang din napapikit dahil sa liwanag ng ilaw na tumama sa aking mata. Anong oras na ba? Bakit parang ang sakit na sa balat ng liwanag?Sa ikalawang pagkakataon ay dahan-dahan kong idinilat ang isa kong mata. Naaninag ko ang pamilyar at guwapong mukha ng lalaki, kaya lang malabo. Kaya naman iminulat ko na rin ang isa pa at doon ay malinaw ko nang nakita ang mukha ng lalaki. Ngumiti siya sa akin kaya naman napangiti na rin ako."Hi, sir!" bati ko sa kanya.Kaagad niya akong isinandal sa pader saka binuhusan ng tubig. Sa gulat ay nanlaki ang mga mata ko. Late na akong nakatili dahil hindi ko naman inaasahan ang gagawin ng pisteng yawa na ito!"What the-" kusa akong natigilan nang takpan niya ng palad niya ang bibig ko."'Wag kang titili, baka magising ang buong barangay,"
Panay ang singhal ko kay Alexis nang dahil sa nangyari kay Mama. Ni hindi niya man lang kasi naisip ang magiging reaksyon ni Mama sakali mang lumabas siya mula sa banyo ng nakatapis lang ng tuwalya."I told you, hindi ko sinasadya," muli niya namang paliwanag na kababakasan ng pagka-irita. "Malay ko ba na gising na ang Mama mo. Isa pa, hindi ko naman kasalanan kung hinimatay siya dahil guwapo at hot ako.""Kung makarampa ka naman kasi ng katawan akala mo nasa isang body show ka!" Inismiran ko siya habang patuloy pa rin sa paghihilot sa likod ni Mama.Itinuro ko na rin ang silid ko kay Alexis na kaagad niya namang pinuntahan. Ilang beses pa muna akong nakarinig ng sunud-sunod na pagbabagsakan ng kung anu-ano sa loob bago siya muling lumabas.Suot niya na ang light pink kong t-shirt na may mukha ni Patrick at pajama na polka dots. Kahit mukha siyang sumang ibus sa t-shirt at tila kinapos sa tela ang pajama na nagmukha na ring tokong sa kanya ay palong-palo pa rin naman. Bagay pa rin sa
"Okay lang ba kayo d'yan?"Nahihiyang tumango lang ako kay Alexis. Mula sa salamin ng sasakyan ay nakatingin siya sa amin ni Mama na nakaupo sa bandang likuran niya. Nagmukha pa tuloy siyang driver habang kami naman ni Mama ay ang nagkakapalang mukha na pasahero niya."Okay, then let's go," aniya saka ngumiti.Putakte, muntik ko ng hindi kayanin ang ngiting iyon na iginawad niya sa akin mula sa salamin. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko ng wala sa oras.Pakiramdam ko'y lalabas na ang puso ko dahil sa kaharutan ni Alexis. Ni hindi man lang siya mag dahan-dahan, kapag ako talaga na fall sa talipandas na ito... sira ang pangarap kong makapagpatayo ng mansiyon!"Sir, hindi ba nakakahiya sa'yo? Masyado na kitang naabala. Kaya ko naman ng samahan si Mama sa ospital, isa pa-""Isa pang ganyan mo, maiinis na talaga ako sa'yo," agap niya.Naka ilang beses na kasi ako sa pagtatanong sa kanya at kasasabi ng nakakahiya. Pero kahit naman paulit-ulit akong umapela, hindi pa rin siya pumapayag na iwa
"Hey, are you okay?"Ilang beses akong kumurap at sa ika-apat ay doon pa lang bumalik ang aking katinuan. Doon pa lang ako tila nagising sa malalim na pagkakatulala at pag-iisip. Sa katotohanang wala ako sa langit at hindi si San Pedro ang ka face to face ko kun'di si Alexis na maang na nakamasid din sa akin."Ha?" wala sa huwisyong saad ko sa kanya. "Ano nga ulit 'yong sinasabi mo?" dagdag ko pa.Nakakahiya mang aminin, pero oo, natulala ako sa harap ni Alexis. Parang tumigil nang ilang minuto ang mundo sa pag-ikot at na-stock ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig lang sa kanya. 'Di ko lang sure kung may tumulo bang laway sa akin, pero nang kapain ko naman ang labi ko ay napaka-dry. So ibig sabihin, hindi ako naglaway."Gutom ka na nga siguro," aniya naman sabay hawak sa kamay ko at hinila na ako. "Tara na, ilibre mo na ako ng kahit ano."Sa isang food cart kami huminto. Isang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad fifty plus na ang may-ari niyon. Iba't ibang street foods din ang tind
TAPOS NA ANG OPERASYON.Tuwang-tuwa ako nang sabihin sa amin nang doktor na okay na si Mama. Ligtas na siya at tapos na ang operasyon niya. Parang sa sobrang saya ko ay mapapasimba ako kahit na nga ba tuwing birthday at pasko lang ako nagagawi sa simbahan."Kailan po puwedeng lumabas ang Mama ko?" tanong ko sa doktor pagkatapos niyang sabihin sa amin ang mga dapat tandaan at hindi dapat na gawin ni Mama para mas mapadali ang pag galing niya."Kahit bukas na bukas ay puwede na siyang lumabas," sagot naman ng doktor saka ngumiti.Sa totoo lang ay may itsura siya. Maputi, matangkad, natural ang pagkabrown ng kanyang mga mata, at higit sa lahat... pogi. "Maraming salamat po-" kusa akong natigilan nang akbayan ako ni Alexis na ngayon ay nasa tabi ko na. Nang tingalain ko siya ay mataman siyang nakatitig sa doktor na akala mo'y may ginawa itong masama sa kanya."Ngayon ba?" ani Alexis na sa doktor pa rin nakatingin. "Hindi ba namin siya puwedeng ilabas? May private doctor naman kami na puw
"Okay lang..." Nanlaki ang mga mata sa gulat nang makita kong gising na si Mama at nakatunghay na rin sa akin. "Basta ba ang lalandiin mo ay iyong boss mo," giit niya pa.Gulat. Hiya. Ilang. Sari-sari man ang emosyong naramdaman ko nang banggitin niya 'yon ay nakuha ko pa ring ngumiti at umiling."Malabo 'yon Ma," sagot ko sa kanya. "Kumbaga sa paborito mong k-drama, langit siya at lupa naman ako. Kahit kailan, hindi nagkakaroon ng happy ending ang mahirap at mayaman. Laging may kontra, at marami ring kontrabida.""Bakit naman si Cinderella?" alma niya. "Inalipin ng step-mother niya at inalila ng mga step-sisters, pero nagkaroon ng happy ending sa isang Prinsipe."May punto rin naman siya, kaya lang... hindi naman ako si Cinderella.Napabuntong hininga na lang ako saka siya tinitigan. "Kumusta pala ang pakiramdam mo? Gusto mo na bang umuwi ngayon?" sunud-sunod kong tanong sa kanya."Nakalimutan mo yatang may sa-pusa ako, siyam ang buhay," aniya naman. "Kung makakauwi na tayo ngayon ab
Dalawang araw mula nang bumalik ako rito sa Olongapo mula sa probinsya namin ay tila lutang pa rin ako. Tulad ngayon, nasa VIP Area nga ako rito sa Club-V pero nasa sulok naman.Wala akong katabi sa table ko, walang kausap, at seyempre wala ring kalandian. Kahit na maingay sa paligid gawa ng star dancer na sumasayaw sa gitna ng intablado, ganoon din ang mga parokyanong kabilang sa alta-sosyedad ay hindi ko pa rin magawang mag saya.Nakakalungkot...Nangalumbaba ako sa mesa habang walang ganang pinanonood ang babaeng sumasayaw sa stage. Maganda ang hubog ng katawan niya. May suot siyang maskara upang hindi makita ang mukha niya at manatiling mesteryo sa iba. Makinis ang tila porselana niyang kutis. Higit sa lahat, kaakit-akit ang bawat pag galaw ng kanyang malambot na katawan. Ganoon pa man, para pa rin akong tuod na nakatulala lang sa harapan."Want a drink?"Mula sa pagkakahalumbaba ay napalingon ako sa biglang nag salita sa aking likuran. Napaawang ang bibig ko. Pamilyar ang guwapo
ANG TAGAL...Para sa mga taong naghihintay, oo, napakatagal ng oras at ganoon din ang araw. Pero sa mga taong walang pakialam lumipas man o hindi ang isang araw sa kanila ay baliwala na lang lalo na't wala naman silang hinihintay.Napabuntong hininga na lang ako habang wala sa huwisyong hinahalo ang kape na hindi ko rin maisip kung paano ko ba natimpla. Tatlong buwan na ang matuling lumipas at tatlong buwan na rin akong wala sa aking sarili.Wala naman na dapat akong alalahanin pa dahil maayos na ang kalagayan ni Mama. Bukod sa nakapagpapadala naman ako sa kanya buwan-buwan, kasa-kasama niya rin si Aling Bebang sa probinsya. Ang tanging pinagkakagastusan na lang namin sa ngayon ay hulog sa bukirin naming nakasanla at interest niyon.Kung sa pang araw-araw na gastusin naman tulad ng pagkain at uulamin ni Mama ay hindi ko na rin pinoproblema pa. Mayroon naman kasi siyang napagkuku'nan niyon dahil may palayan pa naman na sinasaka ang pinsan ni Mama na siyang nag-aabang sa maliit naming s
I looked over the stuff Minzi was putting away. Nasa private room ko kami ngayon dito sa Club-V. Si Alexa ay hiniram ni Mommy at isinamang mag shopping. Matapos niyang iligpit ang mga kahon ko sa closet ay humarap siya sa akin. May ibinato siya sa aking kung ano. I smiled when I saw the black underwear that I had stolen when I first took her V-card. She had been teasing me since she saw what I did with it and wouldn't let me hear the end of it. "Naughty daddy!" sigaw niya sa akin. Her red lips were grinning, and her eyes were twinkling with life. I embraced her as I looked at her smiling lovely face. Malaki na ang ipinagbago niya. Hindi na siya masyadong toyoin at suplada, motherhood suits her perfectly. Habang ako, tuloy pa rin ang gamutan ko. Tuwing wala akong trabaho ay sinasamahan niya ako sa clinic ni Dr. Jenny. I continue my therapy even if I am well. Madalas na rin kaming nag-uusap ni Minzi at lumalabas kasama ang mga kaibigan namin. Open na rin siya sa akin at lahat ng
"HOME SWEET HOME!"Finally, nakarating din kami sa Pampanga. Matapos ang mahabang byahe mula Masinloc to Pampanga, sa wakas, mauunat ko na rin ang mga binti ko. Si Alexa naman ay tulog at karga-karga ni Alexis upang dalhin na muna sa kuwarto.Napangiti ako nang makita ang kabuuan ng bahay. Halos isang buwan na kami dito at dumadalaw-dalaw na lang sa Olongapo at kung minsan ay sa probinsya. Ang hirap din talaga kapag iba-iba ang daan pauwi sa mga pamilya."Love, saan matutulog si Alexa-""Hoy! Pagpahingahin mo naman ang pechay ko!" sagot ko kay Alexis na kinakunot ng noo niya."Hey, I'm just asking..."Inirapan ko siya. Mukha lang siyang inosente pero barumbado sa kama. Aba, ilang gabi nang sagana sa dilig ang pechay ko at ilang gabi na rin niya akong inaararo."Sa kuwarto matutulog si Alexa ngayon..." sagot ko saka siya pinamaywangan. "Di mo ako makukuha sa painosente look mo, alam na alam ko ang tumatakbo sa isip mo Mr. Montemayor!"He smiled. Finally, I was able to see him smiling g
Nasa kuwarto kami ngayon ni Minzi, katabi ko siya sa kama habang magkayakap kaming dalawa. Wala akong tigil sa paghalik sa buhok niya at paghaplos sa makinis niyang mukha"Am I dreaming?" bulong ko sa kanya.Tumingala siya at umiling. "Gusto na kitang itali sa akin. You can tell me I'm crazy because I really am."Pakiramdam ko ay nag init ang aking pisngi dahil sa pamumula. Napaiwas ako ng tingin sa mga mata niya. “Uhm, a-anong pumasok sa isip mo?""That I love you and I don't want to lose you again," tapat na sagit niya naman. "Alexis, I love you." Napaubo ako at napalunok pa bago muling tumingin sa kanya. “What? Can you say that again?""Na mahal kita at ayaw na kitang mawala?"Muli akong naubo."Alexis, mahal kita."Napabangon na ako habang umuubo. Nag iinit na rin pati ang tainga ko. Nag-aalala namang napabangon din si Minzi para hagurin ang aking likuran. "Bakit? May sakit ka ba? Bawal ka pang mamatay, magpapakasal pa tayo sa simbahan, saka mahal na mahal kita."Mahina akong n
[ALEXIS POV]Nanliliit ang aking pakiramdam nang muli kong maalala ang mga nangyari. Dalawang taon mahigit na pero wala pa rin akong lakas ng loob na humarap kay Minzi matapos akong atakihin ng aking anxiety. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkikita at nag-uusap. Dalawang taon mahigit na, kumusta na kaya siya?Of all people who could see me at my weakest point, si Minzi pa. Ayaw kong makita niya ako sa ganoong sitwasyon. Ako ang lalaki, kaya ako dapat ang malakas. Pero noong araw na iyon... sobrang hina ko.Kaya bakit siya pa? Puwed namang iba na lang.Maski sina Cherry at Ace ay hindi ko gustong nakikita ako sa ganoong sitwasyon. Mas lalo ang ibang tao. Mas lalo si Minzi. Kahit sino pa man, walang may karapatang makita ako na ganoon kahina at kamiserable.Napakapit ako nang mariin sa mesa. I could no longer remember when was the last time I had a panic attack like that. It was so intense that it took twenty minutes before it ended. I thought I would never experience it again. Ku
MY MOM fell into depression. I had a talk with my Dad where he asked me to stay strong for our family, as I was the only one left for him to rely on. I didn't have the heart to tell him that I was already broken into pieces.Maraming nakakakompitensya si Dad Palo na sa ibang bansa kung Saan naroon ang kanyang mga negosyo. Negosyo na napalatagal niyang itinaguyod mag-isa since my Mom was still working in her parent's business. She can’t leave easily because that is their family's legacy. But Dad needs her help too at Montemayor Hotels and Restaurant and she cannot decide to say yes.Sa kalagitnaan ng problema sa pamilya ay hindi ko natiis na hindi puntahan si Minzi sa probinsya nila. Okay na sa akin magalit siya at itaboy niya ako, basta makita ko lang sana siya kahit sandali lang. Baka lang kahit paano umayos ang takbo ng isip ko, baka kahit paano maibsan ang sakit ng puso ko. Kaso sa ilang punta ko sa kanila ay wala siya. Hindi kami nagpapang-abot na dalawa.*****LUMIPAS ANG MGA LIN
YEARS LATER... I was now a businessman. Hindi ko alam kung paano ko naisalba ang lintek na algebra, geometry at lahat ng may kinalaman sa math. Hindi naman ako bobo, pero hindi rin sobrang talino. I hate math, pero ngayon iyon pala ang inportante sa negosyo.Baguhan lang ako sa business world kaya naman naiinis ako ngayon dahil hindi ko na-closed ang deal namin sa mga De Silva. I brought the Club-V, the place where my dear friend Cherry works, and almost got in trouble. Nasangkot kasi ang Club-V na pag mamay-ari dati ng isang sindigato. Ngayon ay legit at legal na ang dating bar lang na Club-V mula sa pangalan ko. I know it wasn't a good cost, but it wasn't bad either. Pagod na pagod ako at gusto ko na lang sana matulog. But then, my anxiety attacked again. Kahit ilang taon na ang lumipas simula noong ginahasa ako'y hindi pa rin mabura sa isip ko. Pabalik-balik lang at parang kahapon pang nangyari."Denise, please send me a woman right now," utos ko sa aking assistant. Gusto ko lang
SEEING HER AT FIRST...I took the jeepney to school and was already late. Daddy usually drives me, to Rotonda, where the school was located, but I still needed to deal with some stuff this morning and decided to have them go ahead of me. It wasn't the first I commuted to school, so it wasn't an issue.Marunong naman akong bumasa at simulat kaya okay lang sa akin ang mag-isang pumasok sa eskuwela.I was already familiar with Olongapo City a year after moving from Pampanga. This is where my mother hails from and where all her relatives reside. We lived in the house my parents bought in a newly constructed subdivision. Both of my parents were in business matters. Mommy worked in a construction company as a project manager that her family-owned. While Dad has his own company called Montemayor's Hotels and Restaurant. He was just starting but he was doing his best to be on top. And me... well, I was in 9th grade and a new student, but I've became popular when I was elected as the president
"BREATHE..."My heart was still racing. My chest was still in pain like it was being stabbed by a sharp knife. Seeing Alexis in this situation made my heart ache. Mas gugustuhin ko pang makita syang nagsusungit. Maangas. Galit. Hindi 'yong ganito. Nasasaktan akong makita na mas nasasaktan siya sa mga oras na ito."I was raped! I'm gonna fucking kill them!" Iyak pa rin siya ng iyak habang nanginginig ang katawan at paulit-ulit na isinisigaw ang nangyari sa kanya noon.Pinagsusuntok niya na rin ang armchair ng sofa pati na rin ang sarili niyang dibdib. Balewala naman sa akin kahit na pilit niya akong tinutulak palayo. Patuloy ko siyang niyayakap, hinahagod ang kanyang likod."Minzi, it hurts. It hurts so much!"Napahikbi ako. "I know, I know it's painful. I'm here. You're safe..." Gaano man kakalmado at kasuyo ng boses ko upang pagaanin ang pakiramdam niya'y hindi ko pa rin mapigilan ang maiyak at gumaralgal. If I could just turn back the time, tutulungan ko siya. Gagawin ko ang lahat h
"TOTOO BA?"Nanginginig ang boses na tanong ko kay Alexis pag dating niya. Halos tatlong oras na akong nakatulala lang sa sala at hinihintay ang pag dating no Alexis. Ni hindi na ako nakakain. Hindi ko na rin nagawa pa ang maligo. Para akong naubusan ng lakas dahil sa mga pinagsasabi sa akin ni Sandra kanina."What are you talking about?" Nagtaas ako ng mukha at sinalubong ang nagtatakang mga mata ni Alexis. "Nagpunta rito si Sandra kanina..." Ang pagtataka sa mga mata niya ay napalitan ng pagkabiga. "And guess what she told me... she said you're a sex maniac."Itinaas niya ang isa niyang kamay, tanda na pinatatahimik niya ako. Pero hindi ako nagpatinag, kailangan kong masabi ang mga bumabagabag sa akin para naman kahit papaano ay mabawasan ang mga iniisip ko."You don't have to say something, all I want to hear is-""Do you really want to know the truth?" putol niya sa akin. "Do you want to hear a story? A nightmare story?" Hindi ako nakapag salita. Tila nag iba ang aura ni Alexis