Kourtney Nandito kami ng mga bata ngayon sa Mall at kasama ko ang Tita Jessy nila upang ipasyal sila. Mabuti na nga lang at sinamahan kami ng bata na ito na kahit alam na alam ko naman na wala itong ka hilig hilig ma masyal ay sinamahan kamo nito ng malaman niya na balak kong dalhin ang mga bata sa mall. Medyo naaawa na rin ako sa kanila kasi napaka dalang nila na ma e labas. Paano naman kasi ay naka tutok na lang kami halos lahat kay Faye. Di nyo din naman ako masisi kung halos ayaw ko fin na e labas ang mga ito lalo nna at hanggang ngayon ay may trauma pa rin ako sa nangyari na baka may bigla na lang manguha sa mga ito sa akin. Kapag nangyari ang bagay na yun ay baka tuluyan na akong ma siraan ng bait. May mga kasama naman kamong body guard na hindi kami hinihiwalayan ng tingin. Kung dati ay ayaw na ayaw kong lumabas na may naka buntot na body guard sa akin or sa amin pero ngayon ay takot na akong lumabas na walang kasamang mga ganito at isa din ito sa pakiusap sa akin n
Kourtney "Totoo po Mommy gising na si Mama?" pa bulol bulol pang sabi sa akin ng mga ito. "Oo mga anak, gising na ang Mama Faye nyo kaya nag mamadali na tayong umuwe. Sure ko na tuwang tuwa yun kapag nakita na niya kayo kaya wag kayong makulit sa Mama nyo mamaya ha kapag dating natin doon. Baka bigla na naman matulog yun kapag nakulitan sa inyo kaya behave lang kayo mamaya ha." bilin ko naman kaagad sa mga ito habang mabilis ang mga lakad namin ni Jessy palabas ng Mall. Naka sunod lang naman sa amin ang mga body guard na kasama namin habang bitbit ng mga ito ang pinamili naming gamit kanina ng mga bata. "Yey!!! Makaka laro na rin namin si Mama Faye!" sigaw naman ng mga ito na tuwang tuwa. "Oo anak makaka laro nyo na Mama nyo at mabubuo na rin ang pamilya natin." tuwang tuwa na sagot ko naman sa mga ito.. Sa wakas ay mabubuo na rin ang pamilya na pinangarap ko. Pinangarap namin ni Faye. Sure ko naatutuwa ito kapag nalaman niya na may mga anak na siya at hindi lang isa bagkos
Kourtney "Bakit ano ba ang sa sabihin mo sa akin Alex? Pakibilisan mo lang ha at kung chismis lang yan kahit na ina kapa ni Faye ay ma sa sapak talaga kita." banta ko pa dito. Kainis kasi e. Alam na nga nitong sabik na akong makitang gising ang kanyang anak tapos gusto pa muna nito akong kausapin. Pwede naman siguro na mamaya na niya gawin yun diba? After ko makita at maka usap ang kanyang anak. Nakita ko naman na nangunot ang noo nito dahil sa sinabi ko sa kanya. "Hayst, makinig ka nga muna kasi sa akon. About kay Faye at sa kalagayan niya ang sa sabihin ko sa iyo. May amnesia si Faye at hindi mo pwede na basta na lang ipa alam sa kanya ang about sa inyo at ng mga bata. Dahil sure ko na pipilitin niya na bumalik ang kanyang alaala. Kabilin bilinan ng doctor kanina na huwag itong pag iisipin masyado dahil may possibility daw na pag inalala pa nito ang kanyang nakaraan ay baka ma comatose itong muli at ang worst doon ay baka tuluyan na nga daw itong hindi magising. Kaya please
Kourtney Maya lang ay niyakap na lang ako ni Alex dahil sa hindi ko na nakayanan pa hindi umiyak dahil sa sakit na aking nararamdaman ngayon. Hindi ko alam kung bakit ba ako masyadong pina parusahan ng dyos. Sobrang sama ko na bang tao noong past life ko at bakit ako niya ginaganito ngayon? Kung ako naman ang tatanungin ay wala naman akong ginawan ng hindi maganda sa buhay ko ngayon ah at parehas ako na tao hindi ako nan lalamang ng kapwa ko. Pero bakit kung parusahan ako ay ganun ganun na lamang? Ayaw ko sana na mag kwesyon kay god pero hindi ko maiwasan kasi. Nakaka sama din kasi talaga ng loob dahil sa mga nangyayari na ito. Hindi nga niya kinuha sa amin si Faye pero ano naman ang kapalit? Ang hindi pwede ipa alam dito kung ano ba talaga kami sa buhay niya? Yung gustong gusto namin siyang maka sama ng kanyang mga anak pero kasama nga namin siya iba naman ang alam nito sa amin. "I'm sorry Kourtney kung bakit kailangan na gawin natin ang bagay na ito. Nasa saktan din a
Kourtney Nang tawagin akong Ninang ni Faye ay para akong sinaksak sa aking dibdib sa sakit na aking nararamdaman. Tangina yung taong mahal mo at ina ng mga anak mo ay tatawagin ka lang na Ninang. Bwisit sa lahat ng bwisit talaga. Kahit na sinabihan pa ako nitong maganda ay hindi nabawasan nun ang sakit na aking naramdaman ngayon. Kaya naman ngumiti na lang ako ng peke dito at sabay sagot sa tanong nito kung may asawa na ba ako. "Wala pa akong asawa Faye pero may girlfriend ako na tuluyan na kaming kinalimutan ng kanyang mga anak." seryoso na sagot ko dito. Totoo naman ang sinabi ko sa kanya ah. Tuluyan na niya kaming kinalimutan at mas pinili nito na iwan ang nakaraan niya at harapin ang bagong alaala niya ngayon na hindi na ako kasama pa doon. Ang sakit lang na sa tagal kong nag hintay na magising siya tapos ganito din lang pala ang lahat ng pag hihintay ko namin ng mga bata. Nakaka sama lang ng loob. Kita ko naman ang pag badha ng lungkot sa mukha nito. Na para bang naki
Agata Faye Nagising na lang ako sa isang kwarto na puno ng kung ano anong equipment na naka ugnay sa akin at namulatan ko ay isang magandang babae na sa tingin ko ay mga nasa edad 30 pataas pa lang siguro ito. Nang mag tama ang aming mata nito ay agad yun nanlaki at parang tanga na naka tulala lang ito sa akin at ng mukhang ma hamig na nito ang kanyang kamalayan ay saka ito nag mamadali at may pinindot sa may gilid ng kinahihigaan ko banda. "Faye Anak ko!! Totoo ba ito na gising ka na?" umiiyak na tanong pa nito sa akin. Umiiyak man ito ay ang ganda pa rin niya at nagulat na lang ako kasi Anak ang tawag niya sa akin. Weee nanay ko siya? Bakit parang ang bata naman nito para maging aking Ina? Tsaka di ko siya kilala no. Gusto ko sana na sumagot dito pero bigla na lang pumasok sa loob ng kwarto ang isang naka puting tao na mukhang doktor yata. Agad ay iniksamin ako nito at may mga tinanong sa akin about sa mga naalala ko at ng mag tanong pa ito ng mag tanong about sa aki
Agata Faye Matapos ang medyo mahaba habang usapan ng mga kapamilya ko daw ay sa wakas lumabas na rin ang mga ito tanging yung Nanay at yung bagong dating na Mama ko daw na sinasabi na kamukha ko ang natira na lang dito sa kwarto. Panay pa rin ang yakap at hawak sa akin ng aking Ina habang naka titig lang naman sa akin ang aking Mama na para bang pinag aaralan nito ang bawat kilos ko. Maya lang ay nag bulungan na ang dalawa na para bang may pinag uusapan ang mga ito na ayaw ipa rinig sa akin. Basta ang narinig ko lang ay kung paano daw nila e explain ito kay Kourtney habang bakas sa mukha ng mga ito ang lungkot. Narinig ko din na pa uwe na daw ang mga ito galing Mall kasama ng mga bata. Hindi ko alam pero ng marinig ko yung Kourtney na pangalan ay parang bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko na para bang nasasabik ako na makita ang taong may pangalan na yun. Ah basta excited na akong makita siya. Siya kaya yung babae sa panaginip ko na may malamyos na tinig? Kasi ka
Agata Faye Bakit naman kailangan na maging Ninang ko ang isang napaka ganda na babaeng ito. Although mukhang medyo may edad na rin siya pero hindi ma e tatago nun na ang ganda ganda talaga niya at para bang habang tinititigan ko ito ay pakiramdam ko mas lalo lang akong nanghihina. Hindi ko tuloy naiwasan na mapa kagat labi dahil sa isipin na wala na pala akong chance sa kanya kung sakali dahil malamang na may asawa na rin ito at mga anak. Maya lang ay nag salita na rin ito. "Kumusta na ang pakiramdam mo Faye? May masakit ba sa iyo?" malambing na tanong nito sa akin. Bigla naman akong natigilan ng marinig ko ang malamyos na boses nito. Tangina! siya yun! siya yung babae sa aking panaginip na may malamyos na boses na siyang palaging kumakausap sa akin nung nasa karimlan pa lang ako. Pero bakit ganito? Hindi ba totoo ang lahat ng mga narinig ko na yun na siyang palaging bukambibig nito na may anak na daw kami at saka kailangan na panagutan ko na siya na mag papakasal na kami?