Share

Chapter 2

Author: EveningPen
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Shannica's POV

Time check: 11:00 AM in the morning

Tinanghali pala ako ng gising. Tatlong araw na din ang lumipas mula nung nasisante ako sa trabaho ko. Tumayo na ako at nag tooth brush tsaka ako lumabas ng kwarto at kumain ng almusal.

Wala akong maisip na gagawin dahil ako lamang ang nasa bahay. Si Annica ay pumasok na sa school habang si Mama naman ay nag punta na yata sa tindahan, si Papa ewan ko doon nasa sugalan na naman yata.

Napabuntong hininga ako at nahiga ngayong nakatitig sa nude color naming kisame.

"Aish!" Hiyaw ko.

Kasalukuyan akong nag pa gulong gulong sa kama at hindi mapakali habang iniisip ang kahihiyang ginawa ko sa office last week ng nasisante ako.

Parang pinag sisihan ko na ang ginawa ko ah. Should I come back and beg Sir Reagan to accept me again?

Ughhhh!

At dahil bored na bored ako ngayon, napa-tingin ako sa kama ng kapatid ko. Actually, sa loob kasi nitong isang kwarto, kami na dalawa ni Annica ang nasa loob kung hindi sumusulong si Xena dito, may dalawang kama para sa akin tsaka sa kaniya syempre. Sa side table ni Annica, napansin kong naka bukas yung binabasa niyang story book na binili ko nung nakaraan at naka kalat din ang mga color pencils nito.

"Hay naku yung batang yun talaga, hindi marunong mag ligpit." Saad ko sa sarili at tumayo para ligpitin ang mga naka-kalat sa table niya.

Bigla akong napatingin sa story book niyang binili. Dahil bored ako nung nakaraang araw, binasa ko ito at para akong temang na nag babasa ng story book ng isang bata.

Kinuha ko ulit ito at tinitigan, at akmang titignan ko ang last page ng libro para makita ang ending nito pero biglang tumunog ang phone ko.

"Ay kabute!" hiyaw ko sa gulat at kinuha ang phone ko.

May tumatawag na unregistered number.

"Hello?" panimula kong saad sa kabilang linya

(Good day! Is this Ms. Shannica Holstein?) biglang tanong ng babae sa kabilang linya

"Yes, speaking. Who is this?" tanong ko

(Congratulations, Ms. Holstein. You have passed the initial interview yesterday. You may now proceed to your final interview today at 1:00 PM this afternoon.)

Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig. Talaga ba?! OMG!

" Really?! Waaaa thank you so much ma'am. I'll be there!" pasasalamat ko at binaba ang call.

Nag tatatalon ako sa tuwa at humiyaw sa excitement na nararamdaman ko. Yes! Mag kakaroon na ulit ako ng trabaho nito.

Who says I need Mr. Reagan? Pwe! Hindi kayo kawalan.

Tumalon talon ako at natutuwang hinalikan ang phone ko. Siguradong matutuwa si Mama nito.

Agad akong tumungo sa cabinet at nag hanap ng magandang susuotin para sa interview ko mamaya. Napag desisyonan kong mag linis saglit ng bahay bago mag handa ng sarili.

Time check: 2:15 PM

Tapos na akong mag bihis at ready to go na. Ngumiti ako sa salamin at nag practice saglit ng sagot sa mga possible questions na itatanong nila sa akin mamaya.

"Kaya mo yan, Shan. Let's go! Fighting!" cheer ko sa sarili ko sabay labas ng bahay. Ini-text ko rin si Mama na may job interview ako ngayon at baka gabi na ako makauwi.

Sumakay ako ng taxi at nag punta sa H&H Corporation kung saan ako nag apply ng trabaho.

" Dito nalang po. " saad ko kay manong taxi driver at inihinto niya ako sa entrance ng kompanya.

"Goodluck iha." saad nito

"Po?" nag tataka kong tanong

"Job interview ba pupuntahan mo?" tanong ni manong taxi driver

"Ah opo opo. Salamat po." sagot ko at nag paalam na rito.

Tinignan ko ang orasan at nakitang 2:50 pa ng hapon. Sakto at maaga pa.

Napatingala ako sa laki ng building ng H&H Corp. Di hamak na mas malaking kompanya ito kesa sa Freight Empire. Oo nga naman, Hera. Bakit ka ba nag tiis sa kompanyang iyon eh makakahanap ka naman pala agad ng kapalit at dito pa sa mas magandang kompanya!

Napadasal ako ng wala sa oras. Lord, papasukin niyo lang ako sa kompanyang ito, promise hindi na ako mala-late sa trabaho! Amen!

Excited akong nag lakad papasok ng building at tumungo na agad sa interview room, binigyan ako ng number ng guard, at pag tingin ko ay ika-14 ako sa number.

"Hello, anong number na po nasa loob?" tanong ko sa isang babaeng naka upo at parang mag a-apply din.

"Applicant number 9 ata." Sagot nito

"Ah okay thank you." Sagot ko naman

This is it, pansit!

Ilang minuto pa akong nag hintay hanggang sa tawagin na ang applicant number ko.

"Ms. Holstein." Saad nung secretary. Agad akong napatayo at initaas ang kamay ko.

"Nandito po!" Saad ko

"Come in, Ms. Holstein." Saad nito

Okay, Shan. Hindi mo naman first time to, huwag kang kabahan!

Dahan dahan akong pumasok habang naka yuko.

"Please take a sit." Rinig kong saad ng isang babaeng interviewer.

Umupo naman ako at humarap sa kanila. Tatlo ang interviewer. Isang babaeng medyo maarte ang pananamit, isang matandang lalaki ang nasa center tas ang isa ay lalaking kasing edad ko— teka. Inaninag ko ang mukha nito dahil nakatingin siya sa phone niya. Parang pamilyar ang mukha niya.

"Okay let's start." Saad nito at nag tama ang tingin naming dalawa. Nanlaki ang mga mata ko ng makumpirma kong siya nga.

Shet! Anong ginagawa ng h*******k na to rito?!

"Wait. Holstein.. Ms. Holstein?!" Tanong nito

"What's the matter Mr. Hernandez?" Tanong ng matandang lalaki

Oo, walang iba kundi ang walang modong boss kong si Reagan Hernandez. Pag minamalas ka nga naman, bakit nandito tung Reagan na 'to?!

"Oh she's my employee I recenly fired at Freight Empire. Good to see you here, Ms. Holstein." Saad niya

Tinignan ko siya tsaka siya nag evil laugh. Napayuko ako at marahang ipinikit ang mata. Aish... May balak pa yata siyang ipahiya ako. Walang modo talaga.

"I can't believe I let you pass the initial interview, Ms. Holstein." Asar ni Reagan at ramdam ko ang ngisi niya sa labi.

"Ms. Holstein why are you leaning down? Chin up." Saad ng babaeng isa sa interviewer.

Wala akong magawa kundi sundin ito at tignan sila. Reagan smirked.

"Okay, I will allow you to at least tell us why we should hire you?" Tanong ni Reagan sa akin.

Bumuntong hininga ako.

"As you stated sir, I'm your former employee. You know how good I am to my work. I'm capable of doing everything you ask me to do. If you did check on my curriculum vitae, I'm an expect in accounting analyst ma'am/sir. I have a lot of advantages that can't be seen easily to common employees." Paliwanag ko.

Tumango tango naman ang matandang lalaki at ang isang babae. Tinanong pa ako ng mga interviewers about my background and skills bago sila nag decide.

"Okay Ms. Holstein. You can expect a call from us in the next 5 working days." Saad ng matandang lalaki

"Thank you." Saad ko at akmang aalis na pero biglang nag salita si Reagan.

"I'm telling you, I won't allow you to work here Ms. Holstein. So don't expect a call from us." Cold na saad ni Mr. Reagan.

Huminto ako at hinarap siya.

"That's not for you to decide Mr. Hernandez." Nakangiti kong sagot

Tinaasan niya ako ng kilay.

"How sure are you?" Tanong niya

Kasi hindi ka naman may ari nitong H&H Corp. Tsk kung makapag salita akala mo kung sinong may-ari.

"100 percent sure." Confident kong saad and I rolled my eyes.

"Aba't— Ms. Holstein!" Sigaw niya sa akin kaya mabilis akong nag lakad palabas.

Whew! Buti nalang. Ghad bakit ba kasi ini-hire siya ng H&H bilang interviewer ngayon dito?!

"Omg ang gwapo pala talaga ni Sir Reagan ano?" Rinig kong bulong ng isang employee na dumaan.

Akmang lalakad na ako pauwi para mag hintay na lamang ng update pero bigla akong may nakalap na chismis.

"Balita ko isa na siya sa board of directors ng kompanya? Diba siya ang CEO ng Freight Empire?"

"Anooo?!" Bigla kong sabat sa dalawang babaeng nag chi-chismisan.

Gulat naman silang napatingin sa akin.

"Ay sorry po." Pag hingi ko ng paumanhin at tsaka hindi makapaniwalang nag lakad ng dahan dahan.

Wait. ANO DAW?! Napatakip ako sa bibig ko. Si Reagan, isa sa board of directors? Then does that mean, he really has the right not to hire me!

Nanlumo naman ako sa nabalitaan. Oh Lord, sana kainin nalang ako ng lupa! Nakakahiya ka, Shannica! Aaaaah!

Nakapag desisyon akong mag hintay na matapos lahat ng applicants. Kailangan kong makausap si Mr. Reagan. Kakapalan ko na ang mukha ko, I need this job. Kailangan ko ng trabaho.

Almost 6:00 pm na ng matapos ang last applicant at napansin kong lumabas na yung matandang lalaki at ang babaeng interviewer pero si Sir Reagan ay hindi pa lumalabas mula sa interview room.

Dahan dahan akong pumasok sa interview room at nakita ko si Mr. Reagan na nakatayo at may kausap sa telepono. As soon as he hungs up his call, I immediately approach him.

"Sir." Panimula ko

Gulat naman siyang napatingin sa akin.

"What the hell? Why are you still here Ms. Holstein?!" Gulat niyang tanong

I held his hands.

"I'm sorry sir. Alam kong mali ang ginawa ko nung nakipag away ako kay Miss Sabrina. Nadala lang po kasi ako ng galit nun. Sir please you know I'm a competent employee. Wag niyo po sanang pairalin ang emosyon niyo sa desisyong hindi ako tanggapin. I'm sorry sir!" Nakayuko kong pag hingi ng tawad

I heard him chuckle habang nakayuko ako.

"So you were waiting for me para magpa-s****p na tanggapin ka? I clearly heard you telling me that it's not my decision to make Ms. Holstein?" tanong niya

Aish. Kaya nga sorry na diba?! Paano ko ba to malulusutan?

"Sir, if you accept me, I will do anything you asked me to do. I promise!" confident kong saad

"Forget it, Ms. Shannica. You know why I can't allow you to work here?" tanong niya kaya napatingin ako rito. Nag tama ang mata naming dalawa kaya agad akong napaiwas at tumingin nalang sa labi niya. Pero na di-distract ako kaya sa ilong nalang niya ako tumitig.

"Ms. Holstein why are you staring at my nose?" masungit niyang tanong

"May kulangot ka sir-- ay joke." biro ko since napaka-seryoso nito.

"I don't like your attitude Shannica. You're impatient. Madali kang magalit. You may be good with work, but I won't tolerate that kind of attitude in my workplace. So, do I made it clear? Go find another job, Ms. Holstein. I won't hire you."

Kumulo naman bigla ang dugo ko sa sinabi niyang iyon.

" Edi wag! " sigaw ko sa kanya at tinalikuran siya

" Ms. Holstein! " tawag niya sa akin pero hindi ako lumingon.

What's the point? Hindi naman din nila ako tatanggapin. Pinag sisihan ko tuloy na hinintay ko pa siya para mag-makaawa. Why would you beg, Shannica?! Ugh... Kung hindi lang talaga sana namin kailangan.

Natigilan ako sa pag lalakad, pumatak ang luha sa mga mata ko. Urgh nakakainis bakit ang hirap ng buhay na to...

Paano nalang ang mga utang namin kung hindi ako makakahanap ng trabaho nito?

Nanghihina akong nag lakad palabas ng may bigla akong nabangga sa balikat ko.

"Will you watch where you're walking?!" rinig kong sigaw ng nakabangga kong lalaki.

Agad kong pinunasan ang luha ko at hinarap yung lalaki.

"I'm sorry, sir. Are you okay---"

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Agad akong napaiwas ng tingin at akmang tatalikod na.

"Wait. Shannica? Is that you?" Biglang tawag nito. Ang malas yata ng araw ko ngayon ah.

Sh*t.

Hindi parin sana ako iimik at maglalakad nalang palayo but suddenly, a soft hand pulled me from behind which made me face front the guy who pull me.

"A-Ano ba! Don't touch me." Irita kong saad at kinalas ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"So it's really you." He said smirking.

If you're asking sino itong nakabangga kong ayaw kong kausapin. It's none other than my ex-boyfriend who I hated the most, Jihan Althan.

"How are you, Shan? It's been a long time." saad nito.

I glare at him, do I look happy to see him?

"Yeah right. Excuse me, I still have things to do." Saad ko.

"Woah not so fast. How about some dinner together? I'll just drop by something." Saad nito.

"No thanks, Jihan. Kailangan ko ng umuwi." Cold kong saad.

Akmang aalis na talaga ako pero hinarangan niya ulit ang dinadaanan ko.

"What the heck is your problem?!" Sigaw ko sakanya.

"Woah chill, you drop your handkerchief." Smirk niyang sabi and handed me my thing.

Marahas ko itong kinuha at umalis na without thanking him. Tss, pati ba naman yun kailangan ko pang humingi ng pasasalamat?! Tsk.

Pumara ako ng jeep at sumakay na dito. Bigla kong naalala ang pagmumukha ni Jihan kanina... He changed a lot. Mas naging matured ang pag mumukha nito at mas naging pogi siya tignan with the formal suit he's wearing. I wonder if how's life for him?

May anak na kaya siya?

I sigh. Shannica, stop thinking about that jerk! Ang dami mong pinoproblema, dumadagdag pa ang h*******k na yun. Forget him, okay?!

"Para po!" Sigaw ko at huminto ang jeep sa kalye malapit sa bahay namin. Nag lakad nalang ako papasok at nag taka ako ng makitang may mga lalaking nakapalibot sa labas ng bahay namin.

"Ma... Annica..." Kinakabahan kong saad at patakbo akong lumapit sa bahay namin.

"Sino kayo?! What are you all doing here in our house?!" Sigaw ko.

Natawa yung isang matabang lalaki.

"Wag mo nga kaming ini-english miss! Sino ka ba?!" Sigaw nito sa akin pabalik.

Hindi ko siya sinagot at pumasok ako sa loob ng bahay namin para hanapin sina Mama at Annica.

"Ma! Annica!" Sigaw ko.

"Shannica anak! / Ate!" Tawag ni Mama at Annica sa akin.

Nakaupo si Mama sa sofa namin habang si Annica ay nakayakap kay mama, kinakausap sila ng isang nakakatakot na lalaki na humarap sa akin. Napapalibutan kami ng mga lalaking nakakatakot ang mga mukha.

"Ah ikaw ba yung panganay na anak dito?" tanong nung kausap ni Mama.

"A-Anong kailangan niyo?!" tanong ko.

"Ihja, alam mo ba ang ginawa ng Papa mo?" Nakangiting tanong nito at dahan dahang lumapit sa akin.

"B-Bakit po?" kinakabahan kong tanong at napaatras.

"Umutang siya sa akin kahapon ng Eight Million Pesos, ihja. At lahat ng perang iyon, inubos ng talunan mong ama sa sugal!"

"Pag pasensyahan mo na ihja pero kailangan niyong bayaran yun." Dagdag nito.

Hindi ako makaimik sa narinig. 8 million? Saan naman ako kukuha ng ganung pera para ipambayad sa kanila?

Umiling-iling ako.

"N-Nagkakamali po yata kayo... Hindi po kayang humiram ng pera ni Papa ng ganyan kalaki. Hindi namin yan kayang bayaran!" Sigaw ko.

"Eh paano ba yan? Kailangan niyong bayaran sa ayaw at sa gusto niyo."

"Wala kang ebedensiya na may utang kami sainyong ganun kalaki, kaya umalis na kayo at hintayin niyo nalang umuwi si Papa!" sigaw ko.

"Bobo kaba miss?! Yung tatay niyo tinakbohan na kayo! At kung ayaw niyong mag bayad, magpapasensyahan nalang tayo'y talagang may masasaktan dito." pag babanta niya.

Taas noo ko siyang hinarap.

"Ebidensya na umutang ang papa ko. Iyan ang hinihingi ko para maniwala ako!" sigaw ko

"Kung wala kayong maipapakita sa akin, then get out dahil hindi kami magbabayad!" dagdag ko.

"Aba matapang ka ihja ah, manang mana ka sa tatay mong walang ibang ginawa kundi umutang! Hindi pa ba sapat na ebedensiya kung bakit kayo nalulunod sa utang ngayon?!" Hiyaw nito sa akin

"M-Masyadong malaki ang binibintang niyo. Hindi ako maniniwala kung wala kayong maipapakita sa akin." saad ko.

"Bibigyan ko kayo ng isang buwan para buohin ang walong milyon. Kung hindi, papalayasin ko kayo dito." Banta nito sa amin.

"You what?! Excuse me?! Wala kang karapatan sa lupa namin! Bayad na to sa city hall, loko ka ha! Illegal din naman ang mga perang pinapahiram niyo!" Sigaw ko

"Shannica anak tama na!" Awat ni Mama sa akin.

"Aba. Matapang ka talagang bata ka ha! Turuan niyo nga to ng leksyon!" Sigaw ng leader nila.

Kinabahan naman ako sa sinabi niyang iyon at may isang lalaking humawak sa braso ko.

"Don't touch me you jerk!" Hiyaw ko pero mas hinigpitan nito ang hawak sa akin.

"Shannica anak! Parang awa niyo na wag niyong saktan ang anak ko!" sigaw ni Mama habang si Annica ay umiiyak na.

"Bitawan niyo sabi ako eh!" Saad ko at sinampal ang lalaking humawak sa akin.

"Gago ka palang babae ka eh!!!" sigaw nito at akmang hahampasin na din ako kaya napapikit ang mga mata ko.

*bogsh*

One... Two.. Three...

Bakit walang dumapong kamay sa mukha ko? Ibinuka ko ang mga mata ko at nakitang nakatumba na ang tatlong lalaki malapit sa akin.

Kasabay ng pag hawak ng isang lalaki sa magkabilang balikat ko....

"Shannica. Are you okay? Did they harm you?"

I just stared at the guy who suddenly appeared and save us from this chaos.

"J-Jihan..." Iyon lang ang tangi kong nabigkas.

~

Kaugnay na kabanata

  • The Paid Bride   Prologue

    "I would like to pay all your father's debt." Panimula nito na ikinagulat ko."Ten million. In return, I want you to be my bride." Malamig na saad ng lalaking kaharap ko ngayon.Ang lalaking lubos kong minahal dati. Ang lalaking walang ibang dinulot kung hindi sakit at pighati sa puso kong duguan.Natawa ako sa mga binitawan nitong salita."What? Are you insane? Naririnig mo ba ang sarili mo, Jihan?" Hindi makapaniwalang tanong ko."Yeah. And I'm serious. You know me Shannica, I never joke or mock people. So again, be my bride.""Let's get our engagement party ready by next week. Is that okay?" Dagdag nito.Woah, parang nakapag desisyon at planado na niya ang lahat ah. Parang hindi na niya kailangan ang permission ko sa gagawin nito."Wait, slow down. What made you so confident that I will accept your offer, Mr. Althan?" Taas noo kong sagot.Kasalukuyan kaming nasa isang private suit na pag mamay-ari ng pamilya ni Jihan. He asked to meet me after I encountered him at work last week. F

  • The Paid Bride   Chapter 1

    Shannica's POV*Four days ago*It was dark and a large amount of smoke are surrounded in the place. I was in a car's backseat and I saw a man in the driver's seat and woman around their 40s in the front seat. They were filled with bloods and the woman was looking at me trying to reach me using her wounded and trembling hand."You.. Give me your soul.""AAAAAAH!" Sigaw ko at napa-bangon."AAAH! Anong meron?! Anong nangyari?!" Sigaw din ng kasama ko sa kwarto na gulat na napatayo sa kabilang kama."Shannica! Aish ginugulat mo naman ako eh!" Reklamo nito sa akin.I look at my cousin Xena who is standing right in front of me while I was sitting in my bed. Napa-face palm ako."Ugh kasalanan 'to ng horror film kagabi." Reklamo ko din at napamasahe sa noo ko. Sumakit tuloy ulo ko dahil sa bangungot dala nung horror movie na pinanuod namin ni Xena kagabi."Sabi sayo huwag kang manuod eh! Tigas ng ulo!" Singhal ni Xena at binato ako ng unan."Aray ha! Teka bakit dito ka natulog by the way? Sab

Pinakabagong kabanata

  • The Paid Bride   Chapter 2

    Shannica's POVTime check: 11:00 AM in the morningTinanghali pala ako ng gising. Tatlong araw na din ang lumipas mula nung nasisante ako sa trabaho ko. Tumayo na ako at nag tooth brush tsaka ako lumabas ng kwarto at kumain ng almusal.Wala akong maisip na gagawin dahil ako lamang ang nasa bahay. Si Annica ay pumasok na sa school habang si Mama naman ay nag punta na yata sa tindahan, si Papa ewan ko doon nasa sugalan na naman yata.Napabuntong hininga ako at nahiga ngayong nakatitig sa nude color naming kisame."Aish!" Hiyaw ko.Kasalukuyan akong nag pa gulong gulong sa kama at hindi mapakali habang iniisip ang kahihiyang ginawa ko sa office last week ng nasisante ako.Parang pinag sisihan ko na ang ginawa ko ah. Should I come back and beg Sir Reagan to accept me again?Ughhhh!At dahil bored na bored ako ngayon, napa-tingin ako sa kama ng kapatid ko. Actually, sa loob kasi nitong isang kwarto, kami na dalawa ni Annica ang nasa loob kung hindi sumusulong si Xena dito, may dalawang kam

  • The Paid Bride   Chapter 1

    Shannica's POV*Four days ago*It was dark and a large amount of smoke are surrounded in the place. I was in a car's backseat and I saw a man in the driver's seat and woman around their 40s in the front seat. They were filled with bloods and the woman was looking at me trying to reach me using her wounded and trembling hand."You.. Give me your soul.""AAAAAAH!" Sigaw ko at napa-bangon."AAAH! Anong meron?! Anong nangyari?!" Sigaw din ng kasama ko sa kwarto na gulat na napatayo sa kabilang kama."Shannica! Aish ginugulat mo naman ako eh!" Reklamo nito sa akin.I look at my cousin Xena who is standing right in front of me while I was sitting in my bed. Napa-face palm ako."Ugh kasalanan 'to ng horror film kagabi." Reklamo ko din at napamasahe sa noo ko. Sumakit tuloy ulo ko dahil sa bangungot dala nung horror movie na pinanuod namin ni Xena kagabi."Sabi sayo huwag kang manuod eh! Tigas ng ulo!" Singhal ni Xena at binato ako ng unan."Aray ha! Teka bakit dito ka natulog by the way? Sab

  • The Paid Bride   Prologue

    "I would like to pay all your father's debt." Panimula nito na ikinagulat ko."Ten million. In return, I want you to be my bride." Malamig na saad ng lalaking kaharap ko ngayon.Ang lalaking lubos kong minahal dati. Ang lalaking walang ibang dinulot kung hindi sakit at pighati sa puso kong duguan.Natawa ako sa mga binitawan nitong salita."What? Are you insane? Naririnig mo ba ang sarili mo, Jihan?" Hindi makapaniwalang tanong ko."Yeah. And I'm serious. You know me Shannica, I never joke or mock people. So again, be my bride.""Let's get our engagement party ready by next week. Is that okay?" Dagdag nito.Woah, parang nakapag desisyon at planado na niya ang lahat ah. Parang hindi na niya kailangan ang permission ko sa gagawin nito."Wait, slow down. What made you so confident that I will accept your offer, Mr. Althan?" Taas noo kong sagot.Kasalukuyan kaming nasa isang private suit na pag mamay-ari ng pamilya ni Jihan. He asked to meet me after I encountered him at work last week. F

DMCA.com Protection Status