Nagpanting ang tenga ni Wilma. Alam niya na ito na ang pagkakataon niya upang maging tapat, ngunit alam din niyang ang sagot niya ay maaaring maging katapusan ng lahat. Alam niyang malapit na siyang mahuli sa sarili niyang bitag, ngunit pilit pa rin niyang itinatanggi. Tumibok ang puso niya nang napakabilis, parang isang bomba na anumang oras ay maaaring sumabog."Sabi ng walang lalaki! Kung may lalaki sana, nakita mo ngayon!" sigaw ni Wilma, halos hindi na niya makontrol ang sarili. Sinisikap niyang ipagtanggol ang sarili kahit na ang totoo'y natutunaw na siya sa loob. Tumulo ang mga luha niya, pero ayaw niyang ipakita kay Neil na siya'y naguguluhan at takot na takot.Nagulat si Neil. Bigla siyang nanahimik, at tumitig nang matagal kay Wilma. Sa kabila ng galit na nararamdaman niya, ang mga mata niya ay nagpakita ng kabiguan, ng poot, ngunit higit sa lahat—ng pagsusumamo. Hindi niya alam kung anong parte ng kwento ni Wilma ang dapat niyang paniwalaan, pero ramdam niyang pagod na siya
Masayang umaga nga para kay Alona, pero sa likod ng mga ngiti at tawa, may nakatagong lungkot sa kanyang puso. Isang taon na simula nang ipinanganak niya ang kambal—si Aniego at Emerald—at ngayong natuto na silang maglakad, tila mas mabilis pa ang paglipas ng panahon."Ambilis ng panahon, Ma... isang taon na sila," bulong ni Alona habang pinagmamasdan ang kambal na tuwang-tuwa sa kanilang birthday cake. Kinikilig sa mga simpleng bagay, si Aniego at Emerald ay walang kaalam-alam sa komplikadong mundo na ginagalawan ng kanilang ina. Nang biglang tumalon si Aniego mula sa upuan at humahagikgik na tumakbo palayo, hindi napigilan ni Alona ang isang malalim na buntong-hininga."Ang likot ng kambal, Ma! Sobrang saya nila ngayon, pero grabe ang pagod ko. Nakakapagod pala mag-alaga ng toddler!" Napapailing si Alona habang hinahabol si Aniego. "Pero, hindi ko sila ipagpapalit sa kahit ano."Tumawa si Penelope, ang kanyang boss at naging kaibigan, na abala sa pag-abot ng mga lobo sa kambal. "You
Nakatayo si Wilma sa harap ng salamin sa kanyang silid, pinagmamasdan ang kanyang repleksyon. “Paano ako napunta sa ganitong sitwasyon?” tanong niya sa sarili. Ang kanyang puso ay tila naglalaban-laban, ang mga damdaming nag-uumapaw ay hindi na niya kayang pigilin.“Mahal ko si Neil,” isip niya habang tinitingnan ang kanilang mga larawan na nakasabit sa dingding. Pero sa likod ng kanyang isip, andun si Joshua—isang pag-ibig na tila hindi niya maipaliwanag.Minsang umupo siya sa kanyang kama, tinawagan si Joshua. Hindi pa siya ready na tuluyang mawala ito sa kanyang buhay.“Wilma, anong balita?” tanong ni Joshua sa kabilang linya, ang boses nito ay puno ng pag-aalala.“Joshua, mahal kita sana maintindihan mo?mahal ko din si Neil, Sana pumayag ka sa set-up natin bigyan mo ko ng time...” sagot niya, ang puso ay tumatalon sa takot.“Wilma, hindi ko kaya na dalawa kami sa puso mo, Pumili ka sa amin Wilma, hindi dapat ganito” sagot ni Joshua.“Please hindi ko kaya mawala ka!please joshua in
Pagkatapos ng kanilang mainit na sandali ni Joshua, umuwi si Wilma sa kanilang malaking mansion na parang walang nangyari. Nakangiti ito, naglalakad ng parang isang perpektong asawa, ngunit sa loob niya’y sumasabog ang guilt na hindi niya maiwasang isantabi. Nakikipaglaban ang kanyang puso at isipan—si Neil, ang lalaking pinakasalan niya, o si Joshua, ang lalaking ginising muli ang kanyang damdamin.Pagkarating sa bahay, agad siyang dumiretso sa banyo. Binuksan niya ang shower at tumutok sa malamig na tubig, umaasang maalis nito ang mga bakas ng pagtataksil na kanyang ginawa. Pinapahid niya ang kanyang balat, tila may nais siyang tanggalin, hindi lamang ang init mula sa mga yakap ni Joshua kundi pati na rin ang guilt na sumasakal sa kanya.“Patawarin mo ako, Neil,” bulong ni Wilma habang ang tubig ay dumadaloy sa kanyang katawan. Pero sa kabila ng lahat ng ito, hindi niya magawang putulin ang ugnayan kay Joshua. Para siyang hinahati sa dalawang mundo—ang isa’y puno ng responsibilidad,
Sa kabila ng kanyang tahimik na buhay sa New York bilang ina ng kambal, hindi pa rin nawawala ang likas na talento ni Alona pagdating sa fashion at modeling. Sa kabila ng lahat ng nangyari, siya pa rin ang hinahangaan ng marami bilang isang mahusay na modelo at fashion designer. Sa gabing iyon, sa malamig na hangin ng New York Metropolis, abala si Alona sa pag-aayos ng kanyang mga plano para sa darating na malaking proyekto. Malalim ang kanyang iniisip habang nakaupo siya sa kanyang desk, ang mga sketch ng kanyang mga disenyo ay nakalatag sa harap niya. Tila wala nang makakapigil sa kanyang bagong simula—bilang fashion designer ng Penelope Brands at bilang isang ina na nais magbigay ng magandang kinabukasan para sa kanyang kambal.Tumunog ang telepono niya, at agad siyang sinagot ito nang makita ang pangalan ni Penelope na nakalagay sa screen."Alona, congratulations!" bati ni Penelope, ang boses ay puno ng kasiyahan. "I’m thrilled with your designs. They’re exactly what we need for
Isang buwan bago ang launching ng kanilang brand sa Pilipinas, abala si Alona sa pag-aayos ng lahat. Mula sa disenyo ng mga damit hanggang sa mga materyales na gagamitin, lahat ay pinaghahandaan niya nang maayos. Bumalik ang kanyang passion sa pagdidisenyo, na tila muling bumuhay sa kanyang dating sarili.Isang gabi, habang tinutulungan siya ni Ethan na ayusin ang mga damit na ipapadala sa Pilipinas, napangiti ito sa kanya. "Alam mo, Alona, para kang ibang tao ngayon. Yung Alona na dating modelo at fashion designer, parang bumalik na. Masaya ako para sa’yo.""Salamat, Ethan," tugon ni Alona, huminto saglit at ngumiti pabalik. "Alam mo, hindi ko akalaing babalik ako sa ganito. Matagal na rin akong nawala sa industriya, pero parang ngayon, ito ‘yung tamang panahon.""At sino pa bang mas deserving na mag-shine ulit kundi ikaw? Kilala ka pa rin sa Pilipinas, Alona. Sikat ka pa rin doon. Hindi lang dahil sa ganda mo, kundi dahil sa talento mo."Ngunit hindi mawala sa isipan ni Alona ang po
Sa eroplano, tahimik na nakaupo si Alona katabi si Penelope. Pinipilit niyang hindi bumalik ang kanyang isip sa naiwan niyang kambal. Kailangan niyang maging matatag, hindi lang para sa kanyang mga anak, kundi para sa kanyang sarili. Si Penelope, na napansin ang bigat sa mga mata ni Alona, ay tahimik lamang na umakbay sa kanya.“You’re doing the right thing,” bulong ni Penelope. “This is for their future, Alona. Hindi ka lang nila mommy, isa ka ring inspirasyon para sa kanila. Kapag nakita nila kung gaano kalakas ang mommy nila, alam kong mas mamahalin ka nila.”Ngumiti ng bahagya si Alona, kahit pa ramdam niya ang kirot sa puso. "Alam kong tama ito," sagot niya, bagaman may bahid pa rin ng lungkot sa kanyang tinig. "Pero hindi mo maaalis yung sakit. Sila ang buhay ko, Penelope."“I know,” sabi ni Penelope, at hinawakan ang kamay ni Alona. "Pero ngayon, ikaw naman. It's your time to shine. You've done so much for them, Alona. Now it's time for you to chase your dreams. And I'll be her
Kinabukasan, hindi na mapakali si Neil sa kanyang opisina. Ang balitang nakuha ng kanyang private investigator ay nagbigay sa kanya ng panibagong pag-asa. Matagal na siyang nabubuhay sa pag-aakalang wala na si Alona, na kailanman ay hindi na niya muling makikita ang babaeng nagpabago sa kanyang mundo. Ngunit ngayon, bumalik siya sa Pilipinas—at para sa isang espesyal na event pa, kung saan ilulunsad ang mga disenyo niya sa ilalim ng pangalang Penelope."Hilda, gusto kong makuha ang invitations para sa launching event na iyon," utos ni Neil sa kanyang sekretarya. "Gawin mong posible, kahit pa ibig sabihin nito ay makiusap tayo sa organizers."Walang alinlangan sa mga mata ni Neil. Alam niyang dapat siyang pumunta. Alam niyang kailangan niyang makita si Alona, kahit pa walang katiyakan kung paano niya ito kakausapin o kung paano niya ipapaliwanag ang mga bagay na bumabagabag sa kanya sa nakalipas na mga taon.Samantala, sa airport, hindi maitago ni Alona ang kasiyahan sa muling pagkikit