Dumating na ang araw ng panganganak ni Alona. Ang kanyang buong katawan ay puno ng kaba at excitement. Sa loob ng ospital, kasama ang kanyang ina, si Ethan, at ilang malalapit na kaibigan, naghahanda na siya sa kanyang cesarean operation.“Mama, kinakabahan ako. Paano kung may mangyari sa akin?” tanong ni Alona habang hinihigpitan ang hawak sa kamay ng ina.“Alona, magtiwala ka. Lahat ay magiging maayos. Ang mga doktor dito ay magagaling. Nandito kami para sa iyo,” sagot ng kanyang ina, puno ng pag-asa.Habang pinapasok si Alona sa operating room, hinatid siya ng mga tingin ng mga taong mahalaga sa kanya. Isang oras ang lumipas, at sa wakas, narinig na ang unang iyak ng kanyang kambal.“It’s a boy!” sabi ng doktor. “And a girl!”Hindi mapigilan ni Alona ang pagpatak ng luha. Sa kabila ng lahat ng hirap at sakit, narito na ang mga anak niya. "Aniego… Emerald…" bulong niya habang hawak ang mga kamay ng kanyang mga anak sa unang pagkakataon.Pagkatapos ng ilang oras ng paghihintay, sa wa
Isang gabi, habang natutulog ang kambal, lumapit si Ethan kay Alona na nakaupo sa balkonahe ng kanilang bahay. Tahimik siyang umupo sa tabi nito, bitbit ang dalawang tasa ng mainit na tsaa.“Alona, alam kong marami kang iniisip ngayon,” simulang sabi ni Ethan habang inaabot ang isang tasa ng tsaa. “Pero gusto kong malaman mo na nandito lang ako para sa’yo, para sa mga bata. Hindi mo kailangang harapin ang lahat ng ito mag-isa.”Tumingin si Alona kay Ethan, at sa kauna-unahang pagkakataon, naramdaman niya ang bigat ng lahat ng kanyang mga desisyon. "Ethan... alam kong lagi kang nariyan para sa akin, pero hindi ko alam kung tama ang ginawa kong desisyon na itago ang lahat ng ito kay Neil. Sila ang mga anak niya... pero natatakot akong masira ang buhay ko ulit kung malaman niya."Hinawakan ni Ethan ang kamay ni Alona, ramdam ang kabigatan ng kanyang desisyon. "Alona, hindi ko masasabi sa’yo kung ano ang tamang gawin, pero alam ko na mahal mo ang mga anak mo. Kung sa tingin mo ay mas mabu
Kahit na napuno ng pag-asa at determinasyon ang buhay mag-asawa nina Neil at Wilma matapos nilang magdesisyon na muling subukang magkaroon ng anak, hindi pa rin naging madali ang kanilang landas. Sa kabila ng lahat ng pagdarasal at pagsusumikap, tila pinagkakait pa rin ng tadhana ang kanilang hiling na magkaanak.Isang umaga, habang nakaupo si Wilma sa kanilang hardin, naramdaman niya ang bigat ng lahat ng kanilang pinagdadaanan. Habang pinagmamasdan niya ang mga bulaklak na namumukadkad, napabuntong-hininga siya. Bakit hindi pa rin dumarating? Palaging ganito ang takbo ng kanyang mga iniisip, at tuwing magkakaroon siya ng pagkakataong mag-isa, sumasagi sa kanyang isipan ang tanong na walang kasagutan.Lumapit si Neil sa kanya, bitbit ang kanyang laptop at cellphone, mukhang abala. “Wilma, pasensya na at hindi kita masasamahan ngayong tanghali. May emergency meeting ako sa opisina. Alam mo naman na maraming inaasikaso sa kumpanya,” paliwanag niya habang nagsusuot ng kanyang suit.Pini
Sa sumunod na mga linggo, naging mas madalas ang pagtatalo nina Neil at Wilma. Ang mga simpleng usapan ay nauuwi sa mga salitaan na hindi nila inaasahan. Para bang lahat ng bagay ay nagiging dahilan ng away—ang pagka-late ni Neil sa mga dinner dates, ang madalas na pag-cancel nito sa mga plans, at ang unti-unting paglayo ng kanilang damdamin sa isa’t isa.Isang gabi, habang nasa kusina si Wilma at nag-aayos ng kanilang hapunan, pumasok si Neil na mukhang pagod mula sa trabaho. “Wilma, sorry kung late na naman ako. Ang daming kailangang asikasuhin sa kumpanya, lalo na’t nag-eexpand tayo internationally.”Hindi sumagot si Wilma. Patuloy lang siyang nagliligpit ng mga pinggan, habang ang dibdib niya ay puno ng sama ng loob.“Wilma?” tanong ni Neil, bakas ang pag-aalala sa boses nito. Lumapit siya sa likod ng kanyang asawa at hinawakan ang balikat nito. “Please, huwag ka naman magalit. Alam kong madalas akong wala, pero ginagawa ko ‘to para sa atin.”Tumigil si Wilma sa ginagawa at tuming
Habang abala si Alona sa pag-aalaga sa kanyang kambal na sina Emerald at Aniego, natutunan niyang yakapin ang lahat ng hirap at saya ng pagiging isang ina. Hindi maikakailang mahirap ang bawat araw—lalo na kapag sabay-sabay umiiyak ang kambal. Parang nadudurog ang puso niya sa tuwing makikita niya ang dalawa na hindi mapakalma."Anak, pahinga ka na muna, ako na ang bahala sa mga bata," wika ng kanyang ina na si Gina isang gabi nang makita siyang halos mangiyak-ngiyak na dahil sa pagod."Salamat, Mama. Hindi ko alam kung paano ko kakayanin kung wala ka," sagot ni Alona habang pinupunasan ang pawis sa kanyang noo. Nakaupo siya sa gilid ng kama, hawak ang isa sa mga bote ng gatas ng kambal.Mahina ang ngiti ni Gina, pero alam ni Alona na kahit ang ina niya'y nahihirapan din. Pareho nilang pinagsasaluhan ang hirap at saya ng bagong yugto ng kanilang buhay. Magaan ang loob ni Alona na naroroon ang kanyang ina—hindi lang bilang katuwang sa pag-aalaga, kundi bilang isang gabay na nagbibigay
Samantala, sa kabilang bahagi ng mundo, abala si Neil sa pagpapatakbo ng Tropical Air. Ang minsang sweet na pagsasama nila ni Wilma ay unti- unting napapalitan ng lamig. Kaya nakapagdesisyon si Wilma na bumawi kay Neil sa pagiging mainitin ng ulo nito lately. Sa gabing iyon, alam ni Wilma na may espesyal na pagkakataon siyang muling mapalapit kay Neil. Iyon ang araw na sinabi ng kanyang OB na siya'y fertile, at alam niyang ito ang tamang oras para muling pagsikapan ang pagbuo ng kanilang pamilya. Sa kabila ng tila lumalawak na agwat sa pagitan nila, umaasa si Wilma na maibabalik ng isang gabi ng init ang dating tamis at lambing ng kanilang relasyon.Matagal niyang pinaghandaan ang gabing iyon. Pagkatapos ng isang mahabang araw, inayos niya ang kanilang kwarto nang may buong dedikasyon. Naglagay siya ng mga sariwang bulaklak sa gilid ng kama, mga rosas na nagbibigay ng eleganteng kulay sa paligid. Pinalibutan din niya ang silid ng mga scented candles, na nagbibigay ng mabining liwanag
Tatlong buwan na ang nakakalipas mula nang ipanganak ni Alona ang kambal na sina Aniego at Emerald. Bagama’t puno ng saya at pagmamahal ang kanyang buhay sa pag-aalaga sa mga anak, unti-unti niyang naramdaman ang pangangailangang muling balikan ang kanyang karera. Pagiging assistant fashion designer ni Penelope ang kanyang pangarap noon pa, at ngayong tatlong buwan na ang mga bata, nagdesisyon si Alona na bumalik sa trabaho. Nagtiwala siya na kayang-kaya ng kanyang ina, si Gina, ang pag-aalaga sa mga kambal habang siya’y abala sa kanyang career.Bagama’t masaya si Alona sa kanyang desisyon, hindi niya maitatangging mahirap pa rin ang pag-iwan sa kanyang mga anak tuwing umaga. Pero tuwing siya’y uuwi galing trabaho at makikita ang maliliit na ngiti nina Aniego at Emerald, lahat ng pagod ay nawawala. Naramdaman niya ang tibok ng puso ng isang ina—na sa kabila ng lahat ng hirap, mahalaga ang maibigay niya sa mga anak ang buhay na nararapat sa kanila.Samantala, hindi pa rin sumusuko si E
Pagkatapos ng gabing iyon, nagpasiya si Alona na lumayo muna kay Ethan. Kahit gaano pa siya kabait at kahanda na mahalin si Alona, alam niyang mas lalong magiging komplikado ang lahat kung papayagan niya ang sarili na muling magmahal ngayon.Kinabukasan, umaga pa lang ay tumawag na si Ethan sa cellphone ni Alona, ngunit hindi ito sinagot ni Alona. Iniwan niya ang telepono sa mesa at pinili munang hindi harapin si Ethan sa mga oras na iyon. Hindi niya kayang makipag-usap, lalo na’t alam niyang masasaktan si Ethan sa desisyong ginawa niya.Sa kanyang opisina, abala si Alona sa kanyang mga trabaho, ngunit hindi niya maiwasang isipin si Ethan. Naiipit siya sa pagitan ng kanyang emosyon at katotohanan. Sa isang banda, alam niyang may nararamdaman na siya para kay Ethan, ngunit sa kabilang banda, alam din niyang hindi ito patas para kay Ethan kung patuloy niyang binibigyan ito ng pag-asa habang hindi pa siya handang magmahal muli.“Mahal ko ang mga anak ko. Sila lang,” pabulong niyang sinab