Share

CHAPTER 2

Author: Charmzeix
last update Huling Na-update: 2021-12-15 03:36:30

REMEDY'S POV

Dahan dahan akong tumayo para sundan sila Leo patungong Canteen. Sa paglakad ko ay may napansin akong may sumusunod saakin. Mas binilisan ko pa ang paglakad ko dahil malapit na akong makaabot kila Leo nang may biglang kumalabit saakin kaya agad akong nalingon.

"Bakla ka! Ang bilis mong mag lakad!" Hinihingal na sabi nito. Biglang kumunot ang nuo ko.

"Bakit ka ba kasi sumusunod?!" Naiiritang tugon ko.

"Gusto ko lang namang sumabay sayo! Wala kasi akong kasabay eh." May bahid na landing usal niya.

"May mga bakla doon oh! Doon ka sumabay!" Usal ko sabay turo sa grupo ng baklang naka upo sa bench na kaharap clinic. 

"Sige na! Hindi ko kilala yang mga yan eh." Kunot noung usal nito at nag kibit balikat.

"Eh hindi naman din tayo magkakilala ah?!" 

"Atleast magkaklase tayo ano! Eh yan?! Mukha ngang mga transferee. Ngayon ko lang nakita ang mga mukhang yan!" 

"Rem! Bilis na! Sabay mo nalang Harriest!" Sigaw ni Yuri sa likod. Kunot nuo ko siyang nilingon ngunit sinenyasan niya lang akong lumapit. 

"Sige na! Ang bagal mo!" Biglang singit ni Brandon. Suminghal nalang ako at nilingon si Harriest.

"Tara." Usal ko kasabay ng pag talikod sakanya. Agad akong tumabi kay Yuri at bumulong sakanya. "Alam mo namang ayaw ko yang kasama, pinilit mo pa talaga." Bulong ko ngunit hindi ko pinapahalata.

"Hayaan mo na. Wala ngang kasama diba?" Pangungimbinsi nito.

"Maghanap siya!--" Singhal ko.

"Ang sama mo." Biglang singit nito. Hindi ko nalang ito sinagot at nag patuloy sa paglalakad. Pinilit kong hindi sila pansinin kaya hindi rin ako pinansin. Ilang sandali ay nakaabot narin kami sa Canteen. 

"Libre ko!" Biglang sigaw ni Ike. Napalingon kami sa direksiyon niya at...

"WOOOOH!!!!" Sigaw naming lima at inalog alog si Ike.

"Ano ba, dahan dahan baka magbago isip ko." Usal nito at inayos ang uniform. Tumawa nalang kami at tumungo sa pwesto namin. Sabay sabay kaming umupo at katabi ko pa talaga si Harriest. Bumuntong hininga nalang ako at hindi pinansin ang pagkairita ko. "Rem." Kalabit saakin ni Ike. Umangat ako ng tingin. "Tara! Samahan mo ako." Usal nito sabay hilig sa ulo niya. Tumango lang ako at tumayo. "Oorder muna kami." Pagpapaalam ni Ike at sabay kaming tumungo sa counter. "Set A with large drinks po." Paunang usal ni Ike. Kumunot ang nuo ng lalaking cashier kaya nagtaka kami. 

"Hindi niyo pa break-time." Kalmadong usal nito.

"Bakit? Bawal bumili kapag ganoon?" Sarcastikong usal ko. 

"Oo, bawal. Hindi niyo ba nabasa ang students handbook niyo?" Taas kilay na usal niya.

"Break-time narin naman ang kasunod nitong time na 'to, bakit bawal parin?" Bumuntong hininga siya at inilapit ang katawan niya counter.

"Hindi pwede--" 

"Hand them the order. Bilis." May biglang sumingit. Nilingon ko iyon at nahagip ko si Blaze. Nanlaki ang mata ko ng biglang sumunod ang lalaking cashier at inihanda ang order namin. Mahina ngunit maawtoridad na usal ang lumabas sa bibig ni Blaze kanina. Nakatunganga akong nakatingin sa kanya ngunit agad na may sumiko saakin at nabalik ako sa ulirat. 

"Rem! Yung isa." Usal ni Ike habang sinisenyas ang isa pang tray ng pagkain. Agad ko itong kinuha nilingon si Blaze.

"Salamat." Tumango lang ito at tumalikod. Agad akong bumalik sa pwesto namin at hinain ang pagkain. 

"Bakit ang tagal niyo?!" Iritadong tugon ni Brandon

"Yung cashier kasi doon ayaw kaming pabilhin, buti nalang nandoon si Blaze." Pagpapaliwanag ni Ike. Biglang nagbago ang reaksiyon nila.

"Blaze?! Ano naman ang kinalaman niya?!" Kyuryosong tanong Brandon. Umayos ako ng upo at nagsimulang kumain.

"'Hand them the order. Bilis'  'yun ang sabi niya. Agad namang sumunod ang cashier at binigay ang pagkain." Paliwanag ulit ni Ike. Dahan dahan namang tumango si Brandon at binaling ang paningin sa pagkain at sinimulang kainin ito.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa mesa namin ngunit nag simulang umingay ang paligid. Dahan dahang dumami ang tao sa paligid ngunit nanatiling walang imik ang mesa namin.  

"Rem." Biglang tawag ni Harriest. Nilingon ko ito. "Gusto mo?" Baklang tanong nito sabay lahad sa isang supot ng biskwit. Umiling lang ako at binaling ang paningin sa pagkain. Nahagip ko sa gilid ng mata ang pagbago ng reaksiyon niya. Gusto kong matawa dahil hindi bagay sa kanya. Pinigilan ko ito at tinuloy ang pagkain. 

TING!! TING!! TING!!

Biglang tumunog ang hudyat na tapos na ang break time kaya agad kong tinapos ang pagkain ko at inaya silang pumasok na. Hindi ko na pinansin si Harriest dahil nakakairita siya. Ayokong makita ang mukha niya. At masyado siyang papansin. 

Ilang minuto lang ay nakaabot na kami sa classroom. Hindi pa nakarating ang propesor kaya napakaingay ng classroom ngayon. 

"Rem! Sayo na daw 'to." May biglang inabot si Brandon. Kunot nuo ko yung tinignan at napagtantong ito yung biskwit na binigay ni Harriest kanina. Agad akong natawa.

"Sayo na yan." Usal ko at kinuha ang cellphone ko. 

"Kunin mo na! Sayo daw dapat yan eh! Hihingiin ko nga kaso ayaw ibigay ni Harriest dahil para nga daw sayo!" Paliwanag nito. Winawagayway nito ang biskwit kaya kunot nuo ko itong inabot. "Ano bang meron diyan?! Biskwit lang naman yan. Tsk!" Tugon nito at tumungo kila Yuri sa likod. Tinignan ko ang biskwit na yun. 

'Ano bang gagawin ko dito?!'

Hindi ko nalang pinansin yun at isinilid ang biskwit sa bag ko. Kinuha ko ang headphones ko at nilagay sa tenga ko. Pinatugtug ko ang paborito kong musika. Nakakarelax, lalo na pag wala ako sa mood ko. Hiniga ko ang ulo ko sa upuan at pumikit. Hindi ko pinansin ang ingay sa paligid at dinamdam ang himig ng musika. 

Gusto kong dalhin ang utak ko sa nakakarelax na lugar. Yung tipong wala kang iniisip kundi magpahinga at matulog. Ilang sandali ay natapos na ang musikang paborito ko ngunit umulit ito. Sinadya ko iyon para hindi ako mawala sa imahinasiyon ko. Nagpatuloy ito hangga't sa may biglang kumalabit saakin. Hindi ko iyon pinasin at mas lalong dinamdam ang musika sa tenga ko. Kumalabit na naman ito kaya napabalikwas ako ng upo kasabay ng pagmulat ng mata ko. Umangat ako ng tingin at nahagip ang mata ni Sir. London. Nanlaki ang mga mata ko ng napagtanto kong nasa paaralan pala ako. Napayuko ako sa kahihiyan. 

"Alfonso, unang pasok tulog kaagad. Anong bang akala mo sa classroom hija? Kwarto mo?" Agad na nagtawanan ang mga kaklase ko. Hindi ko napansin na kanina pa pala sila nakatingin saakin. Bumalik siya sa harap at umupo sa ibabaw ng mesa. "Sige!" Biglang sigaw nito. Agad na tumalon sa kaba ang puso ko. "Kung sino man ang mahuhuling tulog sa oras ko! Ay siya ang magkaklase dito! Naiitindihan niyo?!" Malakas na pangangaral nito. "Ikaw?" Tugon nito sabay turo saakin. "Ligtas ka ngayon." Doon pa humupa ang kaba ko. Para akong binagsakan ng malaking bato sa likod ko ng sabihin niya iyon. 

Nagpatuloy ito sa pagsasalita at agad namang sinumulan ang leksiyon nito. Siya ang professor namin sa Science. Magla-laboratoryo raw kami bukas kaya kailangan naming paghandaan ang experement na gagawin doon. Marami pa itong sinabi ngunit mas marami roon ang pangangaral niya saamin. Nakakairita sa pandinig. Paulit-ulit lang naman. Nagsasalita kahit wala namang kinalaman sa leksiyon niya. Bumuntong hininga ako kasabay ng pagtunog na bell. Hudyat ito na ibang guro na naman kaya ganoon nalang ang pagkalma ng tenga ko ng makaalis na ang propesor na iyon. 

Discuss...

LUNCH BREAK na pero parang nawalan agad ako ng ganang kumain. Inaya nila ako ngunit umayaw ako. Isang oras ang Lunch break kaya isang oras din akong uupo dito. Nagpaplano akong matulog ngunit baka bigla kong naalala yung kanina. Baka hindi ako magising agad at mapahiya na naman ako kaya minabuti kong gawin nalang ang tulang pinagawa saamin. Kunuha ko ang papel at lapis sa bag ko. Mas madaling gamitin ang lapis para hindi sayang sa papel. 

LGBTQ

Hindi basihan ang Kasarian

para ikaw ay turingin nila

bilang tao, Dahil nakabase ito sa

Ugali ng kaharap mo.

Kung nangangailangan ka ng pag respeto, ganoon narin ako. Kaya respetuhin mo ako kahit hindi na sa kasarian ko, kundi bilang tao.

Naging mahirap man para sainyo na tanggapin ang kasarian ko, naging mahirap din saakin ang Isiwalat ito dahil nakapaloob na ang diskrimination dito.

Na kahit na ano pa mang iwas ko,

Meron paring huhusga sa kasarian ko. Kaya gusto ko lang sabihin na, kahit ano Pa ang gawin niyo, hindi niyo ako mababago.

Hinilig ko ang sarili ko sa upuan at bumuntong hininga. Kinuha ko ang cellphone ko at napangsing mahaba pa ang oras. Hindi ko namalayang madali ko palang natapos ang tula kaya medyo malayo pa ang balik nila.

'Anong gagawin ko?!'

Dahan dahan kong pinikit ang mata ko. Kinuha ko ang panyo ko at nilagay yun sa mukha ko. Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon pero hindi tinanggal ang panyo sa mukha ko.

"Oh?" Bungad ko kahit hindi ko alam kung sino ang tumawag.

"Nasaan ka?" Usal niya sa kabilang linya. Pamilyar ang boses nito pero hindi ako sigurado. Umayos ako ng upo at tinggal ang panyo.

"Nasa classroom bakit?" Sagot ko.

"Pumunta ka dito. Bilis!" 

"Saan?!" Nagtatakang taong ko.

"Sa canteen." Usal niya at agad akong binabaan. Kunot nuo kong tinignan kung sino ang tumawag. Si Yuri lang pala. Inayos ko muna ang gamit ko bago tumungo sa canteen. Habang naglalakad, hindi ko pinansin ang mga tao sa paligid ko hangga't sa nahagip ko ang mata ni Yuri. Kinaway niya ang kamay niya at sinenyasan akong magmadaling pumunta doon. Tumakbo ako doon at umupo sa tabi ni Ike.

"Bakit?" Usal ko sabay upo. Bumuntong hininga lang sila. "Hoy!" Tawag ko ulit.

"May alam ka ba dito?" Usal ni Leo sabay pakita sa akin ng cellphone niya. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.  

SCANDAL VIDEO!!

Mukha ko ang babaeng nasa video. Hindi ko alam ang ganitong pangyayari sa buhay ko kaya imposibleng mangyari 'to. Agad kong tinabunan ang cellphone at umangat ng tingin Leo.

"Ano ba yan?!!" Galit na usal. Bumuntong hininga lang sila. "Hoy! Saan niyo nakuha yan?!!" Tanong ko ulit.

"Rem, hindi namin alam, okay? May nagsend lang saakin nito at sa iba pang mga tao. Uulitin ko. May alam ka ba dito?" Kalmadong usal niya.

"Syempre wala!" Pagdidipensa ko. "Tanga ba ako para pumatol sa lalaki?!" Singhal ko. Napayuko lang ito.

"Sigurado akong may gustong sumira sayo dito sa school." Biglang tugon ni Yuri. Nilingon namin siya. "May kilala ka bang may galit sayo? Rem?" Seryosong tugon nito at bumaling saakin. Sandali pa akong nag-isip pero walang pumasok sa utak ko. Blangko ako sa mga may galit saakin dahil wala naman akong pakealam sa kanila. Kung galit sila, edi galit sila, pero ang ayoko ay pinapaabot sa puntong pati dignidad ko dinadamay nila.

"W-wala akong maalala." Agad silang napayuko na parang dismayado.

"Kailangan nating ipaalam ito sa dean." Suhistiyo ni Ike. Kunot nuo ko siyang tinignan ngunit ganoon parin ang reaksiyon niya. 

"Paano ako?! Gusto mo ba akong ma-kick out dito?!" Galit na usal ko. 

"Syempre hindi! Kaya nga natin sasabihin para matulungan ka!--"

"Eh paano kung hindi maniwala?!"

"Simple lang naman yan eh. Tignan niyo ulit yung video, napakahalatang edited yung mukha mo dahil hindi maganda ang pagkaputol sa mukha." Makumpyansang usal ni Leo. Inabot niya ulit ang cellphone niya at pinlay ang video. Agad kong tinabunan ang mukha ko. 

"Ano ba?! Alisin mo nga!" Usal ko habang nilalayo ang cellphone sa paningin ko.

"Pero tangina Rem! Napaniwala ako na ikaw talaga yan!" Usal ni Brandon at tinuro ang cellphone. 

"Pwes, wag kang maniwala! Ni hindi ko nga alam kung saan ginanap yan!" Galit na sigaw ko.

"Rem! Hinaan mo naman boses mo!" Mahinang sita ni Ike.

"Ito kasi eh. Nakakababa." Usal ko sabay turo kay Brandon.

"P-pasensya na. Sa unang tingin mukhang totoo dahil hindi naman mahahalata ang edit. Kasi--"

"Brandon!" Sita ni Ike kaya natinag ito.

"P-pasensya na ulit." Usal nito at yumuko.

"Kumain ka muna." Pagpiprisinta ni Leo.

"Wag na. Papasok na ako." Umiling ako at tumayo.

"Rem! Mamaya na. Sabay na tayo. Alam kong pagtitinginan ka nila." Biglang usal niya ng akmang tatalikod ako. Nilingon ko siya ng blakong tingin.

"Hindi na. Kaya ko na sarili ko." Mapaklang sagot ko at tumalikod. Ngunit may biglang humigit sa kamay ko. Nilingon ko ng kunot nuo at napagtantong si Yuri pala yun. "Ano ba?!" Usal ko sabay wakli sa kamay ko.

"Rem, pwede ba?! Magkakaibigan tayo. Hindi ka namin pwedeng hayaang laitin nila." Halata ang sinsero sa sinabi ni Leo kaya bumuntong hininga ako. Bumalik ako sa upuan ko at hindi umimik. "Kumain na muna tayo." Tugon niya.

"Kayo nalang, wala akong gana." Mahinang usal ko at yumuko. Narinig ko ang buntong hininga niya. Tumayo ito at dumiretso sa counter. 

'Bakit parang masakit? Kahit hindi ako babae pero natatapakan ang pagkatao ko.'

Sa lahat ng pwedeng gawin saakin yun pa talaga. Nakakababa ng dignidad. Hindi man ako babae pero tao rin ako. Pinaabot pa talaga sa puntong pati pagkatao ko tinapakan nila. Sa oras na ito hindi ko na sila palalampasin. Hindi ko man sila kilala, pero aalamin ko. Kahit pa aabot sa puntong makapatay ako.

"Hi Remedy." May babaeng biglang nagsalita. Napaangat ako ng tingin gayoon din ang iba ko pang mga kaibigan. Napansin kong si Clarissa pala ito. Ang may gusto kay Leo.

"Anong ginagawa mo dito?" Mapaklang tanong ko. Napakaarte ng hitsura niya. At hindi pa naka uniporme, nag-bistida pa talaga.

'Tsk!'

"Gusto lang kitang kausapin."

"Tungkol saan?" Agarang tanong ko.

"Can we talk privately? May mga chipmunks ka kasi eh." Usal niya at tumalikod. Bumuntong hininga lang ako at sumenyas na susundan ko si Clarissa. Tumungo ito sa likod ng canteen kaya sumunod ako.

"Anong sasabihin mo?" Agarang tanong ko sabay hinto sa harap niya.

"Diba sinabi kong layuan mo si Leo?!" Diretsang tanong nito kaya kumunot ang nuo ko.

"Sino ka ba para pigilan ako sa mga taong lalapitan ko?" Mas lalong naningkit ang kilay niya.

"Me?! I am the one who made the video! At sisiguraduhin kong makikita 'yon ng mga magulang mo!" Makumpyansang usal niya kaya natawa ako.

"Tss. Umamin ka ring bruha ka." Natatawang usal ko. Nahagip ko ang papalapit na kamay niya kaya ilag ako. "Wag mong subukang ilapat ang kamay mo sa katawan ko, baka magsisi ka. At pag umabot sa puntong umabot sa makikita yun ng nanay ko, hindi ako magdadalawang isip na bugbugin ka!" Sigaw ko sa mukha niya ngunit hindi ito natinag.

"Uh?! Do you think natatakot ako sayo?! I have an ace on you kaya dapat kang matakot saakin!" Sigaw niya pabalik.

"Hindi kita tinatakot Clarissa, binabalaan lang kita. Tsaka sino ba pinagmamalaki mo?! Si Dean? Tsk!" Sarkastikong usal ko.

"Yes! And he is on my side kaya nasisiguro kong aalis ka dito!"

"Hindi ako aalis dahil sa kahibangan mo! Kaya kung gusto mong wag lumapit si Leo saakin mamamatay muna ako." Usal ko at tinalikuran siya. Nangingibabaw ang inis sa sistema ko. Gusto ko na siyang sapakin kanina pero hindi ako makagalaw.

"AAAAAAH!!! I HATE YOU REMEDY!!" Matulis niyang sigaw. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Galit akong naglakad sa hallway pabalik sa canteen. Napapansin kong pinagbubulungan ako ng mga tao sa paligid ko ngunit hindi ko iyon pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad hangga't sa nahagip ko ang paningin ni Yuri. Kumaway siya kaya pilit kong gawing normal ang reaksiyon. Papalapit ako sakanila. Bumuntong hininga ako at tumabi kay Yuri. Tinignan ko ng makahulugan si Leo pero halatang hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin noon.

"Leo." Paunang tawag ko sakanya.

"Hm?" Umangat siya ng tingin habang nilulunok ang pagkain.

"Pwede bang layuan mo muna ako?" Usal ko. Natigilan siya sa sinabi ko kasabay ng pagbasak ng dalawang balikat niya.

"A-ano?" Tanong niya.

"Layuan mo muna ako." Pag-uulit ko. "Mas lalo akong napapahamak dahil sayo." Diretchang sagot ko. Biglang nagbago ang reaksiyon niya.

"Ano bang kasalanan ko?" Kyuryosong tanong nito.

"Wala kang kasalanan Leo."

"Eh kung ganoon, bakit mo ako pinapalayo?!" May bahid na galit niyang usal.

"Ikaw nga kasi wala, pero si Clarissa meron." Kinalma ko ang sarili ko. Mas lalo akong nagagalit kapag binabanggit ang pangalan ng babaeng yun.

"Clarissa?! Anong kinalaman niya?!" Galit na usal nito at binitawan ang kubyertos.

"S-siya ang gumawa at nagpakalat sa video." Pahina ng pahina ang boses ko. Ayoko sanang sabihin pero alam kong maaasahan ang mga kaibigan ko.

"Ano?!!" Malakas na sigaw nito. Agad niyang naagaw ang atensyon ng mga tao. Pinagbubulungan kami kahit saang angulo tignan at halata ang pangdidiri nila saakin. "Paano mo nalaman?!" Mahinang sigaw niya.

"Sinabi niya kanina lang." Kalmadong usal ko. "Kaya pwede bang, lumayo ka muna?" Tanong ko ulit kaya mas lalong nag-aapoy sa galit ang emosyon niya.

"Bakit ba ako ang pinapalayo mo?!" Galit na tanong nito.

"Wala ng ibang paraan Leo. Siya ang may gusto sayo at hindi ko mapipigilan yun. Hindi natin alam kung ano pa ang kayang gawin saakin dahil sa kahibangan niya." Pagpapaliwanag ko.

"Rem, gusto kita protektahan at pinangako ko iyon--"

"Leo, ito lang ang hihilingin kong proteksiyon sayo. Layuan mo muna ako bago pa lumala ang sitwasyon. Tsaka, nasa panig niya ang dean--"

"Ano?!" Sabay nilang sigaw kaya napapikit ako.

"Kaya nga diba?! Mas lalong lumayo ka baka tuluyan na akong makaalis dito."

"Rem, anong gusto mong mangyari?" Biglang tanong ni Yuri.

"Wala akong gusto mangyari pero, kailan ko ang tiwala niyo. Masyado ng napahiya ang pagkatao ko."

"Si Leo lang ba?" Tanong ni Ike. Tumango lang ako bilang tugon. Hindi na ako ng dalawang isip na pumasok na. Nang akmang sasabay si Leo ay agad ko siyang pinigilan kaya hindi kami magkasabay pumasok. Dalawang subject nalang ay uuwi na kami. Nanatiling wala imik ang barkada namin hanggang sa matapos ang klase. Pumauna akong lumabas ng biglang may sumalubong saakin.

"Magandan hapon ma'am Remedy." Maligayang bati ni Mang Kris na driver ni Leo. Kunot nuo ko itong tinignan.

"Magandang hapon po. Mauna na po ako." Diretchang usal ko at lumakad paalis nang biglang niya akong habulin. Kinalabit niya ako at agad ko namang siyang nilingon. "Bakit po?" Tanong ko.

"Ihahatid ko po kayo." Biglang usal nito kaya mas lalo akong nagtaka.

"Kaya ko naman po ang sarili ko. Sige po, salamat." Pagpapaalam ko ulit. Bigla niyang hinawakan ang braso ko ng akmang pumapara ako ng jeep.

"Ma'am, inutusan po ako ni sir Leo na ihatid sundo po kayo araw-araw. At kapag hindi ko po yun gagawin ay tatanggalin po ako sa trabaho." Paliwanag niya. Doon lang ako natinag at sumunod sa kanya. Baka tanggalin talaga siya ni Leo kapag hindi ako sumama. Kawawa ang pamilya kapag nawalan siya ng trabaho.

Naging tahimik ang buong byahe. Alam ni Mang Kris ang address namin dahil pumupunta si Leo sa bahay minsan kaya hindi ko na kailangan mag salita. Bigla kong naalala ang sinabi ni Mang Kris kanina.

'At kapag hindi po kita naihatid ay tatanggalin ako sa trabaho.'

'At kapag hindi po kita naihatid ay tatanggalin ako sa trabaho.'

Nagpaulit ulit yun sa pandinig ko. Itutuloy kaya ni Leo ang pagtanggal kapag hindi ako sumama? Masyado naman yata siyang strikto. Napailing ako. Hindi ko akalaing ganito siya ka bait na kaibigan. Nagkakasundo kami sa lahat ng bagay, lalo na sa basketball. Para ko na nga  siyang kapatid dahil magkababata kami. Mayaman nga lang sila at nasa katamtaman naman ang buhay ko pero, hindi niya tinanaw ang estado namin para maging magkaibigan kami.

Hindi ko napansing nakaabot na pala kami kaya agad akong bumaba. Nagpaalam at nagpasalamat ako kay Mang Kris at agad na pumasok sa bahay. Bumungad saakin ang masayang mukha ni nanay. H*****k ako sa pisngi niya at niyakap siya.

"Kamusta ang unang araw, anak?" Masayang bati ni nanay.

"Maayos naman po. Masakit nga lang sa tenga." Natatawang usal ko. Tumawa lang si nanay at naglakad patungong sala. Dumiretso na ako sa kwarto at natulog.

Kaugnay na kabanata

  • The One That Got Away   CHAPTER 3

    CLARISSA'S POVThat bitch is so annoying. Hindi nakakaintindi ng isang salita. Ayaw na ayaw kong nakikita siya kasama ni Leo. I want Leo to be mine and mine only. I know she's Lesbian pero babae parin siya. Pwedeng magkagusto si Leo sakanya dahil parati silang magkasama and I hate knowing na si Leo pa talaga ang Lumalapit sa kanya! Nabwibwiset ako kapag magakasama sila.I want her to suffer. I want her to be out of my sight. Mas lalo akong nagagalit sakanya dahil ayaw niya talagang layuan si Leo. I want to take an action bago magligawan silang dalawa. Selfish na kung selfish. Basta para sa taong mahal ko gagawin ko.BLAAAG!!Biglang nadapa ang made at natapon saakin pagkain. Hindi ko pagilan ang emosyon ko at pabalikwas na tumayo."Ano ba?!!" Galit na sigaw ko sakanya. "Hindi ka ba tumitingin sa tinatapakan mo't nadulas ka?! Ha?!!" Malakas na sigaw ko.

    Huling Na-update : 2021-12-15
  • The One That Got Away   CHAPTER 4

    CLARISSA'S POVNandito na naman ang mata nila.'The heck are their problems?!'Ganon ba ka big deal sakanila na wala akong kasama?! Its not like i was the only alone human sitting here.Kakatapos ko lang kunin ang pagkain sa canteen kaya kakaupo ko lang din. Those eyes are killing me! Kung pwede lang tusukin lahat ng mata na tumitingin saakin ginawa ko na. They are looking down on me as if isa lang akong normal na estudyante.Kilala ba nila ako?! My family own a share in this school kaya hindi dapat nila ako ginaganito.And speaking of that bitch, Janeth. Absent siya kasi daw masakit ang puson, like, the hell i care?! Pupunta siya dito sa ayaw at sa gusto niya. Padabog kong kinuha ang cellphone ko at tinawaga si Janeth. Agad niya itong sinagot."Hey, nasan ka na? Ayaw mo ba talagang pumasok?!""Masakit talaga eh

    Huling Na-update : 2021-12-15
  • The One That Got Away   CHAPTER 1

    REMEDY'S POVFirst day of school ngayon kaya nagbibihis ako ng uniform ko. Gusto ko sanang panlalake yung uniform pero bawal. Inaayos ko ang uniform ko at nagpaposing-posing sa salamin.'Malamang skwelahan yun! Tanga!'Natawa ako sa mga niisip ko. Alam ko ng may pagkabrusko ako noon palang at alam din yun ng mga magulang ko. Pagkatapos kong magbihis ako ay agad ko sinuot ang sumbrero ko ng pabaliktad."Ma, papasok na po ako!" Pagpapaalam ko kay mama. Nang lingonin niya ako ay agad na kumunot ang nuo niya."Alisin mo yan!" Sabi niya at inalis ako sumbrero ko. "Magpakababae ka naman kahit isang taon anak." Usal niya."Ma, naman. Akin na yan! Mas pogi ako kapag ganyan eh" pagmamaktol ko. "Sige na po aalis na ako. Malelate na ko ma bye!" Sigaw ko at agad na luma

    Huling Na-update : 2021-12-15

Pinakabagong kabanata

  • The One That Got Away   CHAPTER 4

    CLARISSA'S POVNandito na naman ang mata nila.'The heck are their problems?!'Ganon ba ka big deal sakanila na wala akong kasama?! Its not like i was the only alone human sitting here.Kakatapos ko lang kunin ang pagkain sa canteen kaya kakaupo ko lang din. Those eyes are killing me! Kung pwede lang tusukin lahat ng mata na tumitingin saakin ginawa ko na. They are looking down on me as if isa lang akong normal na estudyante.Kilala ba nila ako?! My family own a share in this school kaya hindi dapat nila ako ginaganito.And speaking of that bitch, Janeth. Absent siya kasi daw masakit ang puson, like, the hell i care?! Pupunta siya dito sa ayaw at sa gusto niya. Padabog kong kinuha ang cellphone ko at tinawaga si Janeth. Agad niya itong sinagot."Hey, nasan ka na? Ayaw mo ba talagang pumasok?!""Masakit talaga eh

  • The One That Got Away   CHAPTER 3

    CLARISSA'S POVThat bitch is so annoying. Hindi nakakaintindi ng isang salita. Ayaw na ayaw kong nakikita siya kasama ni Leo. I want Leo to be mine and mine only. I know she's Lesbian pero babae parin siya. Pwedeng magkagusto si Leo sakanya dahil parati silang magkasama and I hate knowing na si Leo pa talaga ang Lumalapit sa kanya! Nabwibwiset ako kapag magakasama sila.I want her to suffer. I want her to be out of my sight. Mas lalo akong nagagalit sakanya dahil ayaw niya talagang layuan si Leo. I want to take an action bago magligawan silang dalawa. Selfish na kung selfish. Basta para sa taong mahal ko gagawin ko.BLAAAG!!Biglang nadapa ang made at natapon saakin pagkain. Hindi ko pagilan ang emosyon ko at pabalikwas na tumayo."Ano ba?!!" Galit na sigaw ko sakanya. "Hindi ka ba tumitingin sa tinatapakan mo't nadulas ka?! Ha?!!" Malakas na sigaw ko.

  • The One That Got Away   CHAPTER 2

    REMEDY'S POVDahan dahan akong tumayo para sundan sila Leo patungong Canteen. Sa paglakad ko ay may napansin akong may sumusunod saakin. Mas binilisan ko pa ang paglakad ko dahil malapit na akong makaabot kila Leo nang may biglang kumalabit saakin kaya agad akong nalingon."Bakla ka! Ang bilis mong mag lakad!" Hinihingal na sabi nito. Biglang kumunot ang nuo ko."Bakit ka ba kasi sumusunod?!" Naiiritang tugon ko."Gusto ko lang namang sumabay sayo! Wala kasi akong kasabay eh." May bahid na landing usal niya."May mga bakla doon oh! Doon ka sumabay!" Usal ko sabay turo sa grupo ng baklang naka upo sa bench na kaharap clinic."Sige na! Hindi ko kilala yang mga yan eh." Kunot noung usal nito at nag kibit balikat."Eh hindi naman din tayo magkakilala ah?!""Atleast magkaklase tayo ano! Eh yan?! Mukha ngang mga

  • The One That Got Away   CHAPTER 1

    REMEDY'S POVFirst day of school ngayon kaya nagbibihis ako ng uniform ko. Gusto ko sanang panlalake yung uniform pero bawal. Inaayos ko ang uniform ko at nagpaposing-posing sa salamin.'Malamang skwelahan yun! Tanga!'Natawa ako sa mga niisip ko. Alam ko ng may pagkabrusko ako noon palang at alam din yun ng mga magulang ko. Pagkatapos kong magbihis ako ay agad ko sinuot ang sumbrero ko ng pabaliktad."Ma, papasok na po ako!" Pagpapaalam ko kay mama. Nang lingonin niya ako ay agad na kumunot ang nuo niya."Alisin mo yan!" Sabi niya at inalis ako sumbrero ko. "Magpakababae ka naman kahit isang taon anak." Usal niya."Ma, naman. Akin na yan! Mas pogi ako kapag ganyan eh" pagmamaktol ko. "Sige na po aalis na ako. Malelate na ko ma bye!" Sigaw ko at agad na luma

DMCA.com Protection Status