Azen Pov
Napapangiwi na lamang ako sa lakas ng tunog na nagmumula sa malaking speaker ni Lyka. Birthday niya ngayon kaya nandito kami sa kanyang condo unit at nagpa-party-party. Mabuti na lamang soundproof ang mga dingding ng bawat unit kaya kahit gaano pa kalaki ang boses ng speaker ni Lyka ay hindi naririnig sa mga katabing unit. Pakiramdam ko ay nakakaragdag lamang sa pagkahilong nararamdaman ko ang lakas ng tugtog lalo pa at medyo naparami na yata ako ng nainom.
Dito sa condo ni Lyka kami nag-inuman kasama ang mga barkada naming babae't lalaki dahil pare-pareho kaming mga minor. Although, next month ay mag-eighteen na ako at ang mga barkada ko ay susunod na rin ay hindi pa rin kami papapasukin sa loob ng bar kaya nagpasya kami na dito na lamang mag-inuman.
Dahil pakiramdam ko ay nahihilo at tila nasusuka ako kaya nagpaalam ako kay Lyka na magpapahangin lamang sa terrace sa labas. May terrace kasi sa dulo ng mga kuwarto at puwedeng magpahangin doon. Agad naman akong pinayagan ni Lyka kaya lumabas muna ako saglit para lumanghap ng hangin. Pakiramdam ko kasi ay nagsisikip ang dibdib ko dahil at hindi ako makahinga.
Paglabas ko sa unit ni Lyka ay kumaliwa lamang ako at dumiretso hanggang sa dulo. Hindi naman ako mawawala dahil kahit na medyo lasing na ako ay nababasa ko pa naman ang nakakabit na number nine sa harapan ng pintuan. Pagdating ko sa terrace ay nag-stretch ako ng aking mga kamay at idinamay ko na rin ang aking leeg. Wala sa loob na napatingin ako sa suot kong wrist watch. Napangiwi ako nang makita ko na almost ten o'clock na pala. Makakatikim na naman ako nito kay Lolo Agustin ng walang kamatayng sermon. Hindi niya kasi ako pinapayagang lumabas sa bahay ng walang ibang kasama kundi ang sarili ko lamang. Masyado kasi siyang nag-aalala para sa kaligtasan ko. Palibhasa nag-iisa niya akong apo kaya takot na takot siya na may mangyaring masama sa akin. Wala nang magpapakalat sa lahi namin kapag may masamang mangyari sa akin.
"Ang sarap ng hangin dito sa itaas kaysa sa ibaba," kausap ko sa aking sarili habang nakapikit ang aking mga mata. Ngunit napadilat ako nang bigla na lamang may sumakal sa leeg ko. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nakatalikod ako sa kanya.
"Mamamatay ka na," mariing sabi sa akin ng isang boses-lalaki. Medyo pamilyar lamang ang boses niya ngunit hindi ko masyadong ma-bosesan dahil ang aking isip ay nakatuon lamang sa kamay niya na mahigpit na sumasakal sa leeg ko.
Pilit kong inaalis ang mga kamay niya na parang kadena na mahigpit na nakapalibot sa leeg ko kaya kahit isang daliri nito ay hindi ko magawang baklasan. Nakalawit na ang dila ko at pakiramdam ko ay mauubos na ang aking hininga. Oh God! Dito na ba ako mamamatay? No. Hindi ako papayag na hanggang dito na lamang ang buhay ko.
Sa kabila nang pagdidilim ng aking mga paningin at unti-unting pagkaubos ng hangin sa aking baga ay pinilit ko pa rin maabot ang maliit na paso na nakita kong nakalagay sa pasimano. Nang maabot ko ang flower na gawa sa clay ay ubod-lakas kong ipinukpok sa mukha ng taong sumasakal sa akin. Kahit hindi ko siya nakikita ay masuwerteng natamaan ko pa rin siya sa mukha kaya nabitiwan ng mga kamay niya ang aking leeg. Agad akong dumampot ng isa pang flover vase at malakas na ipinukpok ko sa kanyang ulo. Nang matumba siya ay dali-dali akong tumakbo pabalik sa unit ni Lyka habang iniihit ng ubo at habol ang hininga. Ngunit sa sobrang takot at medyo nagdidilim kong mga paningin ay hindi ko na malaman kung tama ba ang hallway na binabaybay ko.
Akmang liliko na ako sa isang kanto nang bigla na lamang may humablot sa buhok ko mula sa aking likuran. Napatili ako sa sobrang sakit dahil pakiramdam ko natutuklap na ang aking anit sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa aking buhok. Kahit nakakaramdam ako ng matinding takit at sakit sa aking anit ay hindi pa rin ako pinanghinaan ng aking loob. Humarap ako sa lalaking humahawak sa aking buhok at tinuhod ko siya ng malakas sa pagitan ng kanyang mga hita. Saka pa lamang nito pinakawalan ang aking buhok dahil namilipit ito sa sakit habang nakaluhod at nakasapo ang dalawang palad sa pagitan ng kanyang mga hita. Wala akong pakialam kung nadurog man ang kanyang mga itlog dahil bagay lamang sa kanya ang ginawa ko. Isa siyang mamamatay-tao.
Bago ako muling tumakbo ay binigyan ko pa ulit siya ng isang malakas na sipa ngunit sa dibdib naman siya tinamaan. Natumba siya sa sahig habang nananatiling namimilipit sa sakit. Hindi na ako magtataka kung ma-baog siya dahil talagang sa sentro ng kanyang pagkalalaki tumama ang aking tuhod. Gusto ko sanang tingnan ang mukha niyang natatakpan ng itim na bonnet ngunit nag-aalala ako na baka makabawi siya ng lakas at muli akong atakihin kaya hindi ko na pinilit na makita ang mukha niya. Mabilis na akong tumakbo palayo sa lalaking killer. Hindi ko alam kung saang banda na ba ako dahil tumakbo lamang ako at hindi na inalam kung ano ang mga number ng mga unit na dinaraanan ko. Ang mahalaga lamang sa akin ay makalayo sa lalaking nagtatangkang pumatay sa akin.
Ito ang dahilan kung bakit hindi ako pinapayagan lately ni Lolo na lumabas ng walang kasama. Dahil ito na ang pangatlong beses na may nagtangka sa buhay ko. Iyong una ay may bumaril sa akin ngunit hindi ako natamaan dahil bigla akong nadapa. Laking-gulat ko na lamang nang makita ko ang katabi kong lalaki na biglang natumba at may tama ng bala sa balikat. Katulad ko ay naghihintay lamang na mag-green ang street lights sa kalsada para ito tumawid. Akala ko ay siya talaga ang target ngunit ay naisip kong ako pala talaga ang target ng taong iyon. Ang pangalawang pagtatangka sa buhay ko ay ang muntikan na akong masagasaan ng isang humaharurot na kotse kahit nasa gilid naman ako ng daan. Sa pangatlong pagtatangka na patayin ako ay saka pa lamang ako lubos na naniniwala sa sinabi ng lolo ko na nanganganib nga ang buhay ko.
Bahagyang lumuwag ang dibdib ko nang sa pagsulyap ko sa kaliwang bahagi ng mga nakahilerang unit ay nakita ko ang number nine na siyang number ng unit ni Lyka. Nagmamadaling binuksan ko ang pintuan at pumasok sa loob ngunit laking-gulat ko nang sa halip na ang mga kabarkada ko ang aking makita ay isang lalaking n*******d-baro at may hawak na kutsilyong nakatarak sa dibdib ng isang babae ang aking nakita. Nanlaki amg mga mata ko at bigla akong napatili ng malakas sa sobrang takot sa aking nasaksihan. Mabilis akong tumalikod para lumabas ngunit hindi ko a napipihit ang seradura ay bigla humangin sa tagiliran ng mukha ko ang isang kutsilyo at tumusok sa may pintuan. Lalong nanlaki ang aking mga na napatitig ako sa kutsilyong duguan pa.
"Subukan mong lumabas at katawan mo ang sunod na tatamaan ng bala nitong baril na hawak ko," mapanganib na banta sa akin ng lalaking killer.
Biglang nanigas ang katawan ko at pagkatapos ay nanginig nang marinig ko ang sinabi niya. Bakit ba ang malas ko ngayong gabi? Nakatakas nga ako sa killer na gustong pumatay sa akin kanina ay bumagsak naman ako sa isa pang killer. Oh God! Am I going to die inside this room? Help me, Lolo!
Azen PovPinilit ko ang aking sarili na maging matapang sa kabila ng nakaambang panganib sa aking buhay. Nakatakas ako sa lalaking nagtangkang pumatay sa akin kani-kanina lamang kaya naniniwala ako na matatakasan ko rin ang taong ito na nagtatangka rin sa buhay ko ngayon. Saglit lamang na nanigas ang aking katawan nang marinig ko ang sinabi ng lalaking naabutan kong may pinatay na isang babaeng walang kalaban-laban. Bahala na kung barilin niya ako basta ang mahalaga ay makalabas ako sa room na pinasok ko. Natitiyak ko na papatayin rin niya ako kapag nanatili ako sa loob ng room na ito. Kaya naglakas loob pa rin ako na buksan ang pintuan kahit pa pinagbantaan niya akong babarilin niya. At anong tuwa ang naramdaman ko nang makalabas ako ng ligtas sa kuwartong pinasok ko dahil hindi naman niya ako binaril. Nagpasalamat ako sa Diyos bago tumakbo ng mabilis pabalik sa condo unit ng kaibigan kong si Lyka. "Saan ka ba nagpunta at kanina ka pa namin hinahanap?" nag-aalalang tanong sa akin ni
Azen PovKung para akong natuka ng ahas nang makita ko ang lalaking nais ipakasal sa akin ni Lolo ay naningkit naman ang mga mata ni Jack habang nakatitig sa mukha ko. Base sa pagkakatingin niya sa akin ay nakilala niyang ako ang babaeng nakasaksi sa krimen na kanyang ginawa."Sit down, Iha," nakangiting utos sa akin ni Lolo na sa malas ay hindi pansin ang aking pagkatigagal.Tila wala akong narinig na nanatiling nakatayo lamang sa likuran ng kinauupuan ni Jack at nakatingin lamang sa binata. Tumayo ito at lumapit sa akin pagkatapos ay umangat ang isang kamay patungo sa aking pisngi. Akala ko kung ano na ang gagawin niya sa akin ngunit dumapo lamang ang hinlalaki nito sa pisngi ko kung saan may malaking tuldok. Sa pamamagitan ng hinlalaki ay pinahid nito ang tinta na ginawa kong pekeng nunal sa aking pisngi."Silly," mahinang bulong niya sa akin habang maingat na pinapahid ng daliri nito ang aking pekeng nunal. Umakyat sa itaas ng aking mga kilay ang paningin nito pagkatapos ay napail

Azen PovNapapangiwi na lamang ako sa lakas ng tunog na nagmumula sa malaking speaker ni Lyka. Birthday niya ngayon kaya nandito kami sa kanyang condo unit at nagpa-party-party. Mabuti na lamang soundproof ang mga dingding ng bawat unit kaya kahit gaano pa kalaki ang boses ng speaker ni Lyka ay hindi naririnig sa mga katabing unit. Pakiramdam ko ay nakakaragdag lamang sa pagkahilong nararamdaman ko ang lakas ng tugtog lalo pa at medyo naparami na yata ako ng nainom. Dito sa condo ni Lyka kami nag-inuman kasama ang mga barkada naming babae't lalaki dahil pare-pareho kaming mga minor. Although, next month ay mag-eighteen na ako at ang mga barkada ko ay susunod na rin ay hindi pa rin kami papapasukin sa loob ng bar kaya nagpasya kami na dito na lamang mag-inuman.Dahil pakiramdam ko ay nahihilo at tila nasusuka ako kaya nagpaalam ako kay Lyka na magpapahangin lamang sa terrace sa labas. May terrace kasi sa dulo ng mga kuwarto at puwedeng magpahangin doon. Agad naman akong pinayagan ni L