Naiiling na tumingin si Celestine sa kaniya at magalang na nagtanong. Kanina pa niya kasi ito tinititigan na halos ayaw niya nang iwaglit ang mata. Bumalik na ang katawan ng babae, though hindi tulad sa katawan niya. Ilan sa mga piklat nito ay nawala na rin dahil sa mga beauty product na pinagamit ng kaniyang ina sa dalaga. Same edad sila pero mukha pa rin itong seventeen. Late ang pag-developed ng katawan dahil na rin siguro sa abuso at kulang sa pagkain nung nasa probinsya pa ito. Halos umiyak ito sa subrang tuwa nung mag 18th birthday rin ito na tulad ng kaniya. Marami itong bagay na hindi alam at napag-iwanan sa kaalaman.
"Bakit po Ma'm Amara?"
Napangiwi siya sa pagtawag nito sa kaniyang pangalan. Bakit may Ma'm pa rin? Masyado talaga itong pormal at mahiyain.
"Wala." ngumiti lang siya pero ang totoo, may katanungan naboboo sa utak niya.
Habang tinititigan niya ang dalaga, napapansin niyang
Napalingon si Amara sa kinaroroonan ni Celestine na nasa kaniyang tabi at tahimik na nakatingin sa unahan, kasama niya itong bibisita nang araw na iyon sa Beauty and Spa Clinic ng kaniyang ina. Sinadya niya itong isama at wala naman naging problema sa dalaga dahil lahat naman yata ng sinasabi niya ay sinusunod lang nito. Tapos na ang klase niya sa araw na ito kaya nakuha niyang dalawin ang ina para mag tanong ulit at mag-open up tungkol sa nabasa niyang article sa isang site at yayain itong gumawa ng test sa dalaga. Well, suggestion lang niya ito at nasa kaniyang ina pa rin ang desisyon."Okay lang ba sa'yo na isinama kita?" mabait na tanong niya at sumulyap dito.Ngumiti lang ito nang tipid. "Wala naman problema. Okay lang sa'kin."Tumango siya. Ayon sa article na nabasa niya, maraming case na magkakahawig ang mukha sa mundo. May iba nga na parang kambal pero pagnag test ng DNA, negative. Hindi naman niya in
"Do you know that lady earlier?" Biglang tanong ni Azael nang pumasok ito sa opisina ni Dr. Alferez.Agad ngumiti ang matandang doctor nang makita ang lalaki. "My client."Tumango siya at tumiin ang tingin sa doctor. "Tell me the result. I badly need to know it."Agad natigilan ang doctor at tumalima. Kinuha nito ang puting sobre na naglalaman ng DNA test niya at nang kaniyang ina at ama. Wala siyang amnesia. Pakulo lang niya ang bagay na iyon para hindi siya tuluyan layuan ni Amara. Sa ilang taon ba niyang pagtatago sa totoong naramdamam niya sa dalaga, ang umarte ay hindi mahirap sa kaniya. He can act like a vatican actor. Talent yata niya iyon maliban sa masaktan at hindi mahalin ni Amara. Kasama sa pakulo niya ay mawala ng ilang buwan at pakasalan kunwari si Penelople para hindi siya mahalata. Kung tutuusin, fake ang kasal nilang dalawa.Umarte siyang naayon sa plano niya at lahat sum
Aligaga si Amara habang hinihintay ang tawag ni Dr. Alferez, ito ang araw na lalabas ang resulta ng DNA test niya kaya kahit wala naman siya dapat ikabahala, mas lalo siyang kinabahan habang lumilipas ang araw. Ang daming mga tanung na pumasok sa isip niya at imbes na mabigyan iyon nang mga kasagutan, mas lalo pa gumulo ang lahat. Napaigtad siya nang matanggap ang tawag ni Dr. Alferez, mabilis siyang umu-oo sa sinabi nito kahit ang totoo, nasa Unibersidad siya at naghihintay ng pangalawang klase nang araw na iyon. Mas importante ito para matigil na rin siya sa mga haka-haka niya at nababaliw na siya sa totoo lang. Ang dami na kasing pumasok sa isip niyang puro what if's.Pero imbes na masaya siya nang makita ang resulta ng test, parang dinaganan siya ng mundo nang makita ito. Bakit hindi yata siya masaya? Anong nangyari?"Doc...""Bakit?""Totoo ba itong nabasa ko?""Gusto mo ba
Napatitig siya sa isang bahay mula sa kalayuan habang nasa loob lang siya ng pamparadang motorsiklo. Walang taxi at hindi naman siya maarte. Binayaran lang niya ng malaki ang matandang driver para arkilahin buong araw nito sa pamamasada.Mula sa kaniyang kinaroroonan, kitang kita niya ang bahay na gawa sa semento at kahoy. Puro patay na mga rosas at halaman sa bakuran at nakasirado ito. Gusto sana niyang puntahan at tingnan ang nasa loob pero baka mapapadali niya ang pagkakamatay niya. Though alam niya kung sino-sino ang nakatira doon."Ayaw niyo po bang tumao ma'm? Napapansin ko po kasing kanina pa kayo nakatingin sa bahay ni Ka Brusko."Agad siyang napatingin sa matanda. "Kilala mo ang nakatira d'yan, tay?"Napakamot ito sa ulong napapanot. "Bakit hindi ma'm, kilalang-kilala ang pamilyang iyan na batugan, suki ng away at walang direksyon ang mga buhay. Buti na lang si Celestina nakawala na sa poder nila 'yun nga
Pakiramdam ni Amara ay biglang nanghina ang buong katawan niya nang marinig ang kwento kung paano at bakit napadpad sa mga ito si Celestine. Magulo ang kwento pero iisa lang ang nasisiguro niya sa mga ito, may tinatago ang mga ito at ayaw sabihin sa kaniya kung ano man iyon. Agad siyang tumayo at walang sabing nagtungo sa may pintuan. Hindi siya tanga para tuparin ang sinabing halaga na ibibigay niya sa mga ito pero nagkunwari siyang pumirma ng cheke na may isang milyon halagang pera pero ibang pirma ang gamit niya. Umalis siya na parang walang nangyari habang iniwan ang mga ito na parang nanalo ng lotto. Isa sa isip niya ay ipakulong ang mag-asawang ito ng ilang buwan o taon para turuan ng leksyon at magbagong buhay bago siya babalik ng Manila.Nakahinga nang maluwang ang matandang driver nang makita siyang lumabas ng bahay. Muntik na raw itong tumawag ng pulis sa takot na baka may masamang nangyari sa kaniya sa loob. Napangiti siya sa kagandahan asal na
Hindi niya alam kung saan na naman siya magsisimula after nung malaman niya ang kwento laban kay Celestine. Nagpasya ulit siya na kumuha nang panibagong PI dahil 'yun private investigator niya ay may nag-ibang bansa. Unang ipapaalam niya ay kung sino ang babaeng nagnakaw sa dalaga at ano ang motibo nito. Ito muna ang ipapagawa niya. Nasa Zamboanga pa rin siya at pang-anim na araw niya iyon. Si Berkham ang nag-suggest ng PI para sa kaniya at dahil pareho sila nang pinagsusuutan, they decided to help each other. It doesn't bother her, Berkham was a a good friend at mapapagkatiwalaan ito ng mga sekreto. Kaniya-kaniya silang galaw kung paano ma-solve itong mga katanungan na hinahanap nilang dalawa."Tingin mo, buhay pa kaya ang sister ko?" nawawalang pag-asa na tanong ng binata.Tinapik niya ang balikat nito. "Naman! Makikita mo siya sa tamang panahon. Huwag ka ngang drama d'yan!" Saka niya sinipsip ang iced tea pero ang totoo, lumil
Lumipas ang isang buwan na wala siyang nakuhang matinong sagot mula sa invistigator. Ang sabi lang nito, wala na ang taong nagnakaw kay Celestine at matagal na itong patay. Pero imbes na masaya siya sa balitang iyon, mas lalo lang siyang naguluhan. Nai-stress na naman ang kaniyan g ganda. Kabilin-bilinan pa naman ng kaniyang ina na mananatili siyang maganda. Nagulat siya nang biglang mag-ring ang kaniyang cellphone sa gitna ng klase, dali-dali siyang nag-excuse para sagutin ang tawag ng panibagong Doctor na siyang nagsagawa ng DNA test niya nang pasekreto."Mrs. Willouhby," bungad nito sa tawag.Napangiwi siya. Masyado naman itong pormal at hindi pa rin siya sanay sa bagong apelyido na ipinalit niya. "Yes.""Come to my office immediately." At agad nitong ini-off ang tawag.Ha? Iyon lang 'yun? Come to my office lang bwesit! Lumabas pa siya kung pwede naman siya nitong itext. Pero ganun pa man ay dumer
Nagising si Amara na ibang kwarto ang nabungawan. Para siyang sinabuyan ng asido nang makita ang happy couple wedding photo ni Azael at Penelope sa dingding. Which mean, nasa kwarto siya ni Azael at nang balikan niya ang nangyari kagabi, napapikit siya at nasabunot ang buhok. Nangyari na naman but this time, iba. Dinig na dinig niya ang malakas na lagaslag ng tubig sa banyo at bago pa man siya makita nito, mabilis siyang nagsuot ng damit agad na siyang umalis sa pamamahay nito bitbit ang kaniyang gamit.Shit! Shit! Ano na naman ba ang kaniyang ginawa? Shit talaga! Gusto niyang magpalamon sa lupa. Naiiyak na tumakbo siya loob ng kabahayan. This is wrong! Oo mali lahat nang ito, kaya nga 'di ba pumayag siyang ikasal kay Theon kahit wala silang pagmamahal sa isa't isa para lang makalayo at layuan siya ni Azael. Pero sa nangyari ngayon at nalaman sa pagkatao niya, mukhang nagkaletse-letse na ang lahat at... Napatakip siya ng bibig. Kilala na siya nito! May nangyari