Gustong manuntok ni Abhaya nang sandaling iyon. Halos bawat silid na madaanan niya ay pinakikinggan niya ang loob kung may naglalanturan ba o kaya naman nagjugjugan sa kama. Kapag makikita niya talaga ang lalaking iyon, makakatikim ito sa kaniya ng isang malutong na sipa! Masyado siya nitong ini-stress. Alam naman nito na delikado ito at dapat kasama siya nito kahit saan ito magpunta.
Sa kaniyang paglalakad at paghahanap dito, napunta siya sa top deck. Natigilan siya at bahagyang napangiti. Ang ganda! May malaking swimming pool, playing area, gymnasium...
Nayakap niya ang sarili nang sumalubong sa kaniya ang malamig at malakas na hangin-dagat. Malayo na ang cruise ship sa kabihasnan at sandaling nawala sa isip niya ang paghahanap sa lalaki. Siya lang mag-isa ang nandoon at nakaramdam siya ng pansamantalang katahimikan.
Lumapit siya sa railings at humawak doon. Mula rito, tumingala siya at napang
Tahimik lang si Abhaya habang kumakain. Kasama siya ni Hudson sa dinner business meeting nito. Babae ang kameeting nila at halatadong panay pacute ito sa binatang doctor na kasama niya. Habang siya, walang pakialam kahit maghalikan at magyakapan pa ito sa kaniyang harapan. Napangisi siya nang marinig ang boses ni Jacky sa kabilang linya. Kukurutin niya talaga ang singit ng babaeng iyon kapag nagkataon. Nasa labas kasi ito ngayon at nakamasid lang sa kanila ni Hudson.“Mukha kang pinagsakluban ng langit sa hitsura mo,” patuloy pa nito at sinabayan ng tawa.Hindi niya na pinansin ang sinabi nito. Natuon ang kaniyang mata sa kamay nung babae na humaplos sa braso ni Hudson, lihim siyang nag-ikot ng mata. Ang landi lang. Sandali siyang nag-excuse sa mga ito nang matanggap ang tawag ni Yx. It's been a week though na binabantayan nila ang lalaki but until now wala pa rin silang lead.
Sandaling natigilan ang binata sa pagsambit niya sa pangalan nito. Biglang umamo naman ang kaniyang hitsura at malamlam ang matang tinitigan ito pero sa likod ng utak niya, gustong-gusto niyang patumbahin ito ngayon.“If you think that will work, you are definitely——”Idiniin niya ang sarili sa binata at sa kaniyang ginawa, naramdaman niya ang munting pagkabuhay ng pagkalalaki nito. Shit! Gusto niyang umatras sa kaniyang pinaplano pero nasimulan niya na kaya wala na siyang karapatan pa na umatras. Mas lalo niyang idiniin ang sarili sa lalaki. Tinatantiya niya lang na luluwag ang pagkakahawak nito sa kaniyang dalawang kamay at hindi naman siya nagkamali, lumuwang ang pagkakahawak nito dahilan para makawala siya. Ngumiti siya nang nakakaakit at dahan-dahang yumakap sa leeg nito. Narinig niya ang mahinang pagsinghap nito at ramdam na ramdam niya ang nagsusumigaw na pagkakalaki nito sa kaniyang puson. Shit! Shit! Ka
Napaaray si Abhaya nang magmulat siya ng mata. Nasapo niya ang noo at ilan beses napakurap-kurap para alalahanin kung ano ang nangyari. Saka lang nag-sink in sa kaniya ang lahat nang maalala niya ang nangyari. Deritso siyang napabangon mula sa kinahihigaan.“Hudson!” nag-ikot siya ng tingin at saka lang niya napansin ang binata na nasa tabi niya at mahimbing na natutulog.May mga galos at ilan sa mga dugo ay nanigas na sa mukha at buhok nito. Napakagat siya ng labi habang pinagmamasdan ito. Hindi niya alam kung bakit at paano siya napunta sa silid na iyon, ang importante sa kaniya ay buhay ang lalaki. Napasulyap siya sa kanan kamay nito, nagkasugat-sugat iyon at may ilan pang dugo. Napakunot siya at inabot ang kamay nito, hindi siya tanga para hindi malaman na sumuntok ito sa matigas na bagay kaya nagkaganito ang kamay nito. Pansin niyang may bendahe ng nakaikot sa kaniyang ulo, ipupusta niyang may bukol siya.
Nagpasya si Abhaya na maligo nang magtakim silim. Init na init na siya at hindi siya komportable sa suot. Nakatapis lang siyang puting tuwalya habang binalot niya kaniyang buhok ng puting tuwalya. Nilabhan din niya ang suot na undies at bra kasama ang night wear. Manipis lang naman ang mga ito kaya alam niyang mabilis lang itong matuyo. Itinapat niya mismo iyon sa aircon. Ayaw niyang suotin kahit anong damit ni Hudson.Nakahiga lang siya sa kama habang nakalagay sa noo ang braso. Nakatitig siya sa kesame at hindi niya namalaya
Masyadong malakas ang ulan at napilitan si Abhaya na sandaling itigil ang sasakyan sa isang tabi. Nasa gitna yata sila ng kagubatan. Dahil sa pagmamadali niyang magmaneho, hindi niya alam ang lugar na pinasukan. Pinagkibit na lang niya iyon ng balikat saka pinatay niya ang headlight ng sasakyan. Pinahinaan din niya ang aircon. From the back of her eyes, hinagis na ni Hudson ang cellphone nito sa tabing upuan at inilagay ang braso sa noo habang nakasandal.Nag-ikot siya ng mata at hindi ito
Binaba siya nito sa parte ng lupang hindi maputik. Ah, ayaw pala nitong maglakad siya ng nakapaa. So what, wala siyang pakialam do'n. Hindi siya nagpasalamat sa binata, deritso lang siyang naglakad papalayo rito. Nagbabakasakali siyang makahanap ng bahay na pwede niyang pakiusapan na tatawag. Hindi niya maaasahan ang bwesit na Doctor pero ayon dito, kilala na nito ang taong nasa likuran na gustong papatay sa buhay nito. Sandali siyang tumigil sa paglalakad at bumaling sa binata. Nag-iwas naman ito ng tingin sa kaniya at nilagpasan siya pero hindi siya humakbang para sumunod sa lalaki, nag-iisip siya kung sino ang posibleng nasa likod ng gustong papatay sa binata.
Nakatulog siya, iyon ang unang rumehistro sa utak ni Abhaya nang magmulat siya ng mata at makitang nasa pinagtataguan pa rin siya. Tahimik na ang buong paligid at wala na siyang narinig ng kung anuman barilan. Napapiksi siya sa sunod-sunod na pagsugod ng kirot sa kaniyang bandang likuran ng kaniyang balikat. May tama nga pala siya.Naghintay siya ng ilang minuto bago nagpasiyang lumabas sa kaniyang pinagtataguan. Napasulyap siya sa suot na gadget sa kamay, bandang tanghali na ang oras na nakalagay ro'n. Tahimik at tila w
Maarteng nakaupo si Abhaya sa couch sa loob nang office ni Theon. Gusto niyang asarin ang lalaki dahil busy at focus ito sa ginagawa sa laptop nito. Buti na lang at hindi siya nito inasar kanina nang dumating siya at nagpakilala na siya ang magiging escort nito. Tumango lang ito na parang nawala ang kayabangan sa katawan. Hindi na lang niya iyon pinansin at matamang nakaupo ro'n. It's been a week since that incident happen at wala na siyang narinig laban kay Hudson and who cares? Medyo okay na ang kaniyang balikat at totoong balewala na ito sa kaniya, sanay na siya sakit. Manhid na yata siya at nakakatakot ang bagay na iyon.
“Ano? Okay na ba kayong dalawa? Mabuti naman at makakatulog na ako ng mahimbing nito. Hindi na ako susundutin ng konsensya ko.” nakahingang saad ni Magnar. Nakaharap sa mga ito ang phone niya at naka-live pa rin ang mga ito gamit sa Facebook niyang kagagawa lang kanina. Gamit niya ang pangalang 'Magnesiumʼ. “Mga ka-viewers, 'yan pala ang dalawang lovebirds. Nagkasakitan muna bago nagbalikan. Kita niyo ang dalawang 'yan? Parang mga tanga lang. Ayawan bago balikan. Kaya ayuko magmahal kasi ganiyan mangyayari sa'kin—— awts! Tangina mo nambato pa!” inis na lumayo siya sa mga ito. Vlogger siya ngayon. “Kilala niyo ang lalaking 'yan? Kaibigan ko 'yan na pinagselusan ako. Hahah. Bobo amputa! Anyways, maganda kasi ang Mariebabes pancakes honey loves so sweet niya kaya ganiyan siya kabaliw.”“Umalis ka nga rito!” asik sa kaniya ni Gallagher.“Masaya ka lang, eh. Taena mo ito na, aalis na!” mabilis niyang saad nang akmang batuhin siya nito ng prutas.Lumayo siya sa mga ito at nagtungo sa sala.
Sabay silang nagtawanan dalawa ng babaeng mahal niya at para mas lalong mapapasana all ang kaibigan, walang sabing tinawid niya ang pagitan ng labi nila ni Marie. Kung alam lang pala niya na sa ganitong paraan siya papatawarin ng dalaga, nag-live na siya sa facebook at nagkunwaring tumalon mula sa roof top ng building noon."Don't be mad at me Gal, Marie. Ang totoo niyan, buong mundo ang nakapanood sa inyo ngayon.""The hell?!""Ano!""Isang buong gabi lang ito." Humalakhak ito. "I'll delete it by morning, swear." Nagtaas ito ng kamayna parang nangangako.Hindi na sila umimik dalawa. Muli niyang hinarap ang dalaga at tinawid ulit ang pagitan ng kanilang labi at mariin itong hinalikan. Parang may fireworks ang kaniyang puso nang tugunin nito ang halik na binigay niya at mas marubdob na paraan. Halik na kay tagal nilang tinitimpi ang isa't isa at wala silang pakialam kung nasa live video sila ni Magnar. Maiinggit ito.Natigil lang sila nang tumunog ang kaniyan tiyan. Natawa siya nang du
Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Gallagher nang maiahon siya ni Magnar sa ilalim ng tubig. Galit itong nagsisigaw sa mukha niya habang sinuntok ulit ang kaniyang mukha at niyugyog ang kaniyang balikat."Stupid! Are you trying to kill yourself?! Gago ka na ba talaga, ha, Gal? Tangina mo! Tangina mo talaga!"Nagmulat siya ng mata at nakita niya si Magnar na galit na galit. Nakaupo na ito sa kaniyang tabi at basang-basa. Dahan-dahan siyang bumangon at napahawak sa kaniyang panga. Ngayon siya ulit nakatikim ng suntok mula sa kaibigan."Masakit," usal niya.Napasinghot naman ito at binatukan siya. "Tangina mo Gallagher!""Nasaan ang pinapakuha ko sa'yong beer?""Wala ka ng stock ng beer sa ref mo. May magdadala rito maya-maya lang at darating."Nagkibit siya ng balikat at pinunasan ang gilid ng labi. Nalasahan niya ang kaniyang sariling dugo na nagmula roon. Sa suntok marahil na binigay sa kaniya ni Magnar."Ano ba ang nasa isip mo?""I just wanna rest. Kahit isang gabi lang.
Limang buwan nagdaan. Walang nagbago sa pakikitungo sa kaniya ni Marie. Mas lalo itong naging malamig sa kaniya nung lumipat na ang mga ito sa Manila at sunod pa rin siya nang sunod. Nagmukha siyang aso sa kakasunod sa dalaga. Pinayuhan na rin siya ni YX pero hindi siya nakinig.Binigyan siya nito ng bakasyon at pinakiusapan ayusin niya ang kaniyang sarili pero mahirap yata gawin ang sinabi nito. Mabilis lang sabihin pero sa bawat gabing nagdaan, dahan-dahan siyang tinutupok ng sarili niyang kalungkutan.Tulad ngayon, nasa sariling penthouse siya sa Manila at mag-isang umiinom habang nakatingin sa kalawakan sa gabing iyon. Pang-ilang bote niya na ito ng beer at malakas-lakas na ang tama niya.Natatawa siya habang paulit-ulit na lumilitaw sa isipan niya ang magandang mukha ni Marie. Natatawa siya pero ang sakit na kaniyang naramdaman ay hindi kayang pawiin sa ilang bote ng beer na kaniyang ininom."Marie!!!" malakas siyang napasigaw. Nasa terasa siya at walang makakarinig kahit magwala
Ang lawak ng ngiti ni Gallagher nang maihanda niya ang adobo at dalawa pang niluto. Mabango pero ingat si Magnar, dahil may nilagay siyang pagsisihan nito ng buong buhay. Nagpipigil siyang humalakhak. Umarte siyang kalmado nang umakyat siya sa hagdanan. Susunduin niya lang ang kaibigan at ihatid ito sa kamatayan.Sinadya niya munang daanan ang silid ni Marie at nakita niyang nando'n pa rin ang pagkain sa labas kung saan niya iniwan. Napabuntunghinga siya. inuna niyang kunin ito at bumaba papuntang kusina. Naawa siya sa lutong pagkain niyang hindi man lang nagawang tikman.Nilagay niya sa hugasan ang tray nang magsalita na sa likuran niya si Magnar. Kasunod nito si Marie at mukhang giinawa nitong proteksyon ang babae laban sa kaniya. Ngumisi siya sa isip. Gano'n nga, hangga't nasa paligid ang dalaga hindi niya ito dadapuan ng daliri."Luto na ba Gal?"Huminga muna siya ng sama ng loob bago tumango. "Yeah.""Good! Kasi gutom na ako.""Kumain ka na bago ko ihampas lahat 'yan sa'yo."Ning
Mabilis pa sa kidlat ang naging pagtakbo ni Gallagher sa bintana ng sala para totoong silipin kung nandito nga ba ang walang hiyang kaibigan niya. napamura siya ng malakas nang makita itong nakangiti, umakyat sa bakod at nagwagayway ng puting bandila. May suot itong puting damit na may nakatatak na pangalan niya at peace sign. Nagdilim ang kaniyang mukha. May gana pa talagang umarteng kaibigan sila ngayon. Kung alam lang ni Magnar na nung nakaraan araw pa siya gigil na gigil na pilipitin ang leeg nito hanggang sa mangisay ng tuluyan at layuan ang babaeng mahal niya!"Tanginang gagong 'to! Nagpakita pa talaga—" Hindi niya natuloy ang iba pa na sasabihin nang marinig niya ang mga yapak na nagmula sa hagdanan.Paglingon ni Gallagher, ang walang emosyong mukha ni Marie ang kaniyang nakita. Deri-deritso itong nagtungo sa pintuan na hindi siya nakikita o sadyang ayaw lang siyang tingnan.Gusto niyang harangan ang pintuan para huwag itong lumabas at baka makita nito si Magnar pero hindi niya
Blangko ang mukha ni Marie nang tingnan siya nito at tanggap ni Gheron iyon. Siya ang gumawa ng bagay na ikakamuhi sa kaniya ng dalaga kaya hindi siya pwedeng magreklamo kung pahihirapan siya nito. Babalik siya sa una kung saan at kung paano siya nito kinausap pero mahihirapan siya ngayon."Fidel...""Oh?" mabilis na lumapit si Fidel kay Marie nang tawagin ito ng dalaga. Kakapasok lang nito sa pintuan at may dalang mga prutas na pinamili."Paalisin mo ang taong 'yan." Tumingin ito sa kaniyang gawi at tinuro siya."Marie..." Napatingin sa kaniya si Fidel."Ang pagkakaalam ko, ikaw lang ang tunay kong kapatid. Kung gano'n, anong ginagawa ng taong 'yan dito? Paalisin mo," muling sambit ng dalaga at blangkong tumingin sa kesame."Gheron?"Ngumiti siya sa lalaki. "Yeah, I understand. Sige, alis muna ako." Sandali siyang sumulyap sa dalaga at lihim na nabuntunghinga kahit ang totoo ayaw na ayaw niyang umalis.Mabigat ang balikat nang lumabas siya at nagpasyang sa loob ng kotse na lamang siy
"Putangina ka! Paano ka nakarating d'yan sa probinsya ni Marie?"Tiningnan lang ng masama ni Gheron si Magnar. Akala nito hindi siya babawi sa ginawa nito? Maghintay lang ito."Kung hindi ka panay sulpot at pangingialam sa buhay pag-ibig ko, Magnar, hindi ako magkakaganito!" napakuyom ang kaniyang kamao. Nag-uusap sila sa pamamagitan ng hologram watch niya."Bakit ako?"Nag-dirty sign siya sa lalaki. Hindi sila kaibigan ngayon. Magkaaway sila ng lalaki at tama na ang tatlong araw na parusa nito sa kaniya. Pinagbibigyan lang niya ang ginawa nito para sa kasalanan ginawa niya kay Marie. Pero nangangako siyang babawi. Babawi siya para kay Marie."Huwag mong ipakita sa'kin ang mukha mo Magnar kapag nagmahal ka rin! Dahil gagawin ko rin miserable ang buhay mo. Hayop ka! Alam mong ikaw ang pinagseselusan ko, panay ka pa rin lapit sa babaeng gustong-gusto ko. Hindi ka talaga totoong kaibigan!"Isang malakas na tawa naman ang ginawa nito na parang hindi siya nito binugbog at kinulong ng tatlo
Mabilis pa sa kidlat ang paglapit sa kaniya ng lalaking tinakasan niya sa Japan. Ayaw niyang makita ang mukha nito kaya anong ginagawa nito sa harapan niya? mabilis niyang iniwas ang sarili sa lalaki. Wala siyang pakialam sa walang ampat na paglabasan ng mga dugo sa kaniyang noo."Tangina! Anong ginawa niyo kay Marie?" boses iyon ni Fidel pero nanlalabo ang kaniyang mata dahil na rin siguro sa luha kaya hindi niya makita ito.Pilit siyang tinulungan ni Gheron pero pinapaalis niya ang kamay nito. Kahit ang paghawak lang sa kaniya ay hindi niya ito pahihintulutan."Marie...""Umalis ka na Gheron! Bakit ka pa nandito?!" Tinulak niya ang lalaki pero hindi ito natinag. "Bumalik ka na sa kung saan impyerno ka galing!" Binangga niya ito para padaanin lang siya at hindi naman siya nabigo, binigyan siya nito ng daan.Ang puso niya, tuluyang nawala. Nagkawasak-wasak. Hindi lang ang lalaki ang nanakit sa kaniya, pati na rin ang inakala niyang pamilya. Pamilya pero wala siyang halaga.Mabilis siy