Binaba siya nito sa parte ng lupang hindi maputik. Ah, ayaw pala nitong maglakad siya ng nakapaa. So what, wala siyang pakialam do'n. Hindi siya nagpasalamat sa binata, deritso lang siyang naglakad papalayo rito. Nagbabakasakali siyang makahanap ng bahay na pwede niyang pakiusapan na tatawag. Hindi niya maaasahan ang bwesit na Doctor pero ayon dito, kilala na nito ang taong nasa likuran na gustong papatay sa buhay nito. Sandali siyang tumigil sa paglalakad at bumaling sa binata. Nag-iwas naman ito ng tingin sa kaniya at nilagpasan siya pero hindi siya humakbang para sumunod sa lalaki, nag-iisip siya kung sino ang posibleng nasa likod ng gustong papatay sa binata.
Nakatulog siya, iyon ang unang rumehistro sa utak ni Abhaya nang magmulat siya ng mata at makitang nasa pinagtataguan pa rin siya. Tahimik na ang buong paligid at wala na siyang narinig ng kung anuman barilan. Napapiksi siya sa sunod-sunod na pagsugod ng kirot sa kaniyang bandang likuran ng kaniyang balikat. May tama nga pala siya.Naghintay siya ng ilang minuto bago nagpasiyang lumabas sa kaniyang pinagtataguan. Napasulyap siya sa suot na gadget sa kamay, bandang tanghali na ang oras na nakalagay ro'n. Tahimik at tila w
Maarteng nakaupo si Abhaya sa couch sa loob nang office ni Theon. Gusto niyang asarin ang lalaki dahil busy at focus ito sa ginagawa sa laptop nito. Buti na lang at hindi siya nito inasar kanina nang dumating siya at nagpakilala na siya ang magiging escort nito. Tumango lang ito na parang nawala ang kayabangan sa katawan. Hindi na lang niya iyon pinansin at matamang nakaupo ro'n. It's been a week since that incident happen at wala na siyang narinig laban kay Hudson and who cares? Medyo okay na ang kaniyang balikat at totoong balewala na ito sa kaniya, sanay na siya sakit. Manhid na yata siya at nakakatakot ang bagay na iyon.
Wala naman masamang nangyari nung dumating sila. Deritso agad sila sa business meeting nito na tatlong Russian sa isang sikat at isa sa mamahalin restaurant. Really? Gusto niyang mapamura pero dahil trabaho niya ay escort, wala siyang reklamo. Sinigurado niyang hindi makakaapekto ang jetlag sa kaniyang kagandahan.Nakasuot siya ng black evening dress, labas ang kaniyang cleavage at likod pero tamang tama na matatakpan ang tama ng baril na nakuha niya nung nakaraan linggo. Isali pa ang mahabang slit ng kaniyang damit. Ang
Maagang nakatulog si Abhaya sa silid na pinagdalhan sa kaniya ni Theon. Bahay raw ito ng great grandmother ng lalaki. Malaki ang bahay o sa madaling salita, mansiyon. Hindi na siya nagtanong kung ano ang family background nito dahil tinamad siya. Ang mahalaga sa kaniya, ang kamang matutulugan sa sobrang pagod.Nagising na lang siya kinaumagahan na okay na ang pakiramdam. Hindi nga niya magawang magpalit ng damit at magtanggal ng make up at sapatos. Deritso lang siya sa banyo at naligo. Nando'n na rin sa loob ng silid ang maleta niyang kasya sa buong linggo ang susuotin. Nagpalit siya ng simpleng shirt at jeans. Tinalian ang buhok kahit basa pa iyon saka siya lumabas.“How is she doing?”Ito agad ang nabungaran niyang scenario kay Theon na nasa maluwang na sala kaharap ang cellphone. Lakad ito nang lakad at hindi yata mapakali ang itlog nito. Nag-ikot siya ng mata. Masyado yatang mabigat iyon kaya walang
Napailing lang siya at tinuloy ang pagsubo saka naman tumunog ang kaniyang cellphone, it was Theon.'Where are you?ʼ'Hell, idiot.ʼBahala ito kung ano iisipin sa reply niya. She's busy sa kalalamon. Dumaan ang ilang minuto at pumasok si Theon doon. Sabay na nagsiyukuan bilang respito ang mga empleyadong nando'n sa binata pero siya nanatiling kain nang kain.“Let's go.”Nag-ikot lang siya ng mata at tinapos ang dessert bago siya tumayo. Ang sarap pala sa feeling kapag busog, at least mamatay siyang busog sakali kung makikipag-away na naman sila.“How are you related to Zerus?”Bahagya itong napatigil sa pagpindot sa button ng elevator pababa at napatingin sa kaniya.“You mean, Zerus Craige?”“Yeah,&rd
Dim na paligid ang namulatan ni Abhaya nang sandaling nagmulat siya ng mga mata. Ilang beses pa siyang kumurap para mag-sink in sa isip na ibang lugar ang kinaroroonan niya.Merde!Napabangon siya para lang mapabalik ng pagkakahiga dahil sa mahigpit na lubid na nakagapos sa kaniyang kamay at paa. Anong nangyayari?! Pinilit niyang inalala ang nakaraan pangyayari at doon niya tuluyan naisip na wala na siya sa naturang bar at kasama si Theon.Sinubukan niyang kalasin ang nakagapos sa dalawa niyang kamay pero masyadong mahigpit iyon. Pinakiramdaman niya ang kaniyang katawan, good thing at wala naman siyang naramdaman na may ginalaw sa kaniya. But hindi siya pwedeng pakampante, her life is at stake. Si Theon, nasaan? Mabilis niyang nilibot ang paningin pero mas nagdagdag lang iyon ng sakit ng kaniyang ulo sa kulay pula nitong kapaligiran.Walang Theon nandoon pero may naaninag siyang taong nakaupo sa isan
Panay linga si Abhaya nang magtago siya sa likuran nang malalaking paso ng mga halaman. Sinubukan niyang tingnan ang mapa na hawak pero dahil madilim, hindi niya makita kahit linya man lang. Fully loaded ang magazine na hawak niya pero gagamitin lang niya ito kapag gipit na siya. Kung sino man ang tumulong sa kaniya, utang niya ang loob dito at ibabalik niya ang kagandahan loob na pinakita nito balang-araw.Limang lalaki ang nakikita niyang palakad-lakad sa gawi niya mga ilang metro ang layo. Wala itong armas na hawak pero alam niyang hindi basta-basta ang mga ito ayon na rin sa tikas ng mga katawan. Nag-isip siya ng paraan kung paano makapuslit doon nang walang makakapansin. Sanay siya sa ganito pero hindi ngayon dahil ramdam pa rin niya ang pananakit ng ulo at bahagyang panghihilo. Mukhang may halong ibang chemical ang pinaamoy nang taong gumawa nito sa kaniya.Napaiktad siya. Nagkaroon ng barilan sa paligid. Mabilis siyang d
“Please come back...”“I need you...”Gustong tingnan ni Abhaya kung kanino nanggaling ang boses pero mas pinili niyang huwag gawin. Nanatili siyang nakapikit at kasabay ang pag-flash back ng mga nakaraan...“I'm two and half months pregnant,” deritsahang saad niya sabay lapag sa test at reseta galing sa kaniyang obgyne.“How much money do you want to spare me? 10 million? 50 million? Name it, slut. I know it's not my child,” At matiim siya nitong tinitigan.-“How's my baby?” halos pabulong na lang sa lumabas iyon sa bibig niya dahil ang totoo, hinang hina pa siya. Saka lang niya napansin na may nakasabit pala na oxygen tube sa kaniyang ilong.Matagal ito bago nakasagot habang nakatitig sa kaniyang walang emosyon.Merde! Gusto niyang
“Ano? Okay na ba kayong dalawa? Mabuti naman at makakatulog na ako ng mahimbing nito. Hindi na ako susundutin ng konsensya ko.” nakahingang saad ni Magnar. Nakaharap sa mga ito ang phone niya at naka-live pa rin ang mga ito gamit sa Facebook niyang kagagawa lang kanina. Gamit niya ang pangalang 'Magnesiumʼ. “Mga ka-viewers, 'yan pala ang dalawang lovebirds. Nagkasakitan muna bago nagbalikan. Kita niyo ang dalawang 'yan? Parang mga tanga lang. Ayawan bago balikan. Kaya ayuko magmahal kasi ganiyan mangyayari sa'kin—— awts! Tangina mo nambato pa!” inis na lumayo siya sa mga ito. Vlogger siya ngayon. “Kilala niyo ang lalaking 'yan? Kaibigan ko 'yan na pinagselusan ako. Hahah. Bobo amputa! Anyways, maganda kasi ang Mariebabes pancakes honey loves so sweet niya kaya ganiyan siya kabaliw.”“Umalis ka nga rito!” asik sa kaniya ni Gallagher.“Masaya ka lang, eh. Taena mo ito na, aalis na!” mabilis niyang saad nang akmang batuhin siya nito ng prutas.Lumayo siya sa mga ito at nagtungo sa sala.
Sabay silang nagtawanan dalawa ng babaeng mahal niya at para mas lalong mapapasana all ang kaibigan, walang sabing tinawid niya ang pagitan ng labi nila ni Marie. Kung alam lang pala niya na sa ganitong paraan siya papatawarin ng dalaga, nag-live na siya sa facebook at nagkunwaring tumalon mula sa roof top ng building noon."Don't be mad at me Gal, Marie. Ang totoo niyan, buong mundo ang nakapanood sa inyo ngayon.""The hell?!""Ano!""Isang buong gabi lang ito." Humalakhak ito. "I'll delete it by morning, swear." Nagtaas ito ng kamayna parang nangangako.Hindi na sila umimik dalawa. Muli niyang hinarap ang dalaga at tinawid ulit ang pagitan ng kanilang labi at mariin itong hinalikan. Parang may fireworks ang kaniyang puso nang tugunin nito ang halik na binigay niya at mas marubdob na paraan. Halik na kay tagal nilang tinitimpi ang isa't isa at wala silang pakialam kung nasa live video sila ni Magnar. Maiinggit ito.Natigil lang sila nang tumunog ang kaniyan tiyan. Natawa siya nang du
Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Gallagher nang maiahon siya ni Magnar sa ilalim ng tubig. Galit itong nagsisigaw sa mukha niya habang sinuntok ulit ang kaniyang mukha at niyugyog ang kaniyang balikat."Stupid! Are you trying to kill yourself?! Gago ka na ba talaga, ha, Gal? Tangina mo! Tangina mo talaga!"Nagmulat siya ng mata at nakita niya si Magnar na galit na galit. Nakaupo na ito sa kaniyang tabi at basang-basa. Dahan-dahan siyang bumangon at napahawak sa kaniyang panga. Ngayon siya ulit nakatikim ng suntok mula sa kaibigan."Masakit," usal niya.Napasinghot naman ito at binatukan siya. "Tangina mo Gallagher!""Nasaan ang pinapakuha ko sa'yong beer?""Wala ka ng stock ng beer sa ref mo. May magdadala rito maya-maya lang at darating."Nagkibit siya ng balikat at pinunasan ang gilid ng labi. Nalasahan niya ang kaniyang sariling dugo na nagmula roon. Sa suntok marahil na binigay sa kaniya ni Magnar."Ano ba ang nasa isip mo?""I just wanna rest. Kahit isang gabi lang.
Limang buwan nagdaan. Walang nagbago sa pakikitungo sa kaniya ni Marie. Mas lalo itong naging malamig sa kaniya nung lumipat na ang mga ito sa Manila at sunod pa rin siya nang sunod. Nagmukha siyang aso sa kakasunod sa dalaga. Pinayuhan na rin siya ni YX pero hindi siya nakinig.Binigyan siya nito ng bakasyon at pinakiusapan ayusin niya ang kaniyang sarili pero mahirap yata gawin ang sinabi nito. Mabilis lang sabihin pero sa bawat gabing nagdaan, dahan-dahan siyang tinutupok ng sarili niyang kalungkutan.Tulad ngayon, nasa sariling penthouse siya sa Manila at mag-isang umiinom habang nakatingin sa kalawakan sa gabing iyon. Pang-ilang bote niya na ito ng beer at malakas-lakas na ang tama niya.Natatawa siya habang paulit-ulit na lumilitaw sa isipan niya ang magandang mukha ni Marie. Natatawa siya pero ang sakit na kaniyang naramdaman ay hindi kayang pawiin sa ilang bote ng beer na kaniyang ininom."Marie!!!" malakas siyang napasigaw. Nasa terasa siya at walang makakarinig kahit magwala
Ang lawak ng ngiti ni Gallagher nang maihanda niya ang adobo at dalawa pang niluto. Mabango pero ingat si Magnar, dahil may nilagay siyang pagsisihan nito ng buong buhay. Nagpipigil siyang humalakhak. Umarte siyang kalmado nang umakyat siya sa hagdanan. Susunduin niya lang ang kaibigan at ihatid ito sa kamatayan.Sinadya niya munang daanan ang silid ni Marie at nakita niyang nando'n pa rin ang pagkain sa labas kung saan niya iniwan. Napabuntunghinga siya. inuna niyang kunin ito at bumaba papuntang kusina. Naawa siya sa lutong pagkain niyang hindi man lang nagawang tikman.Nilagay niya sa hugasan ang tray nang magsalita na sa likuran niya si Magnar. Kasunod nito si Marie at mukhang giinawa nitong proteksyon ang babae laban sa kaniya. Ngumisi siya sa isip. Gano'n nga, hangga't nasa paligid ang dalaga hindi niya ito dadapuan ng daliri."Luto na ba Gal?"Huminga muna siya ng sama ng loob bago tumango. "Yeah.""Good! Kasi gutom na ako.""Kumain ka na bago ko ihampas lahat 'yan sa'yo."Ning
Mabilis pa sa kidlat ang naging pagtakbo ni Gallagher sa bintana ng sala para totoong silipin kung nandito nga ba ang walang hiyang kaibigan niya. napamura siya ng malakas nang makita itong nakangiti, umakyat sa bakod at nagwagayway ng puting bandila. May suot itong puting damit na may nakatatak na pangalan niya at peace sign. Nagdilim ang kaniyang mukha. May gana pa talagang umarteng kaibigan sila ngayon. Kung alam lang ni Magnar na nung nakaraan araw pa siya gigil na gigil na pilipitin ang leeg nito hanggang sa mangisay ng tuluyan at layuan ang babaeng mahal niya!"Tanginang gagong 'to! Nagpakita pa talaga—" Hindi niya natuloy ang iba pa na sasabihin nang marinig niya ang mga yapak na nagmula sa hagdanan.Paglingon ni Gallagher, ang walang emosyong mukha ni Marie ang kaniyang nakita. Deri-deritso itong nagtungo sa pintuan na hindi siya nakikita o sadyang ayaw lang siyang tingnan.Gusto niyang harangan ang pintuan para huwag itong lumabas at baka makita nito si Magnar pero hindi niya
Blangko ang mukha ni Marie nang tingnan siya nito at tanggap ni Gheron iyon. Siya ang gumawa ng bagay na ikakamuhi sa kaniya ng dalaga kaya hindi siya pwedeng magreklamo kung pahihirapan siya nito. Babalik siya sa una kung saan at kung paano siya nito kinausap pero mahihirapan siya ngayon."Fidel...""Oh?" mabilis na lumapit si Fidel kay Marie nang tawagin ito ng dalaga. Kakapasok lang nito sa pintuan at may dalang mga prutas na pinamili."Paalisin mo ang taong 'yan." Tumingin ito sa kaniyang gawi at tinuro siya."Marie..." Napatingin sa kaniya si Fidel."Ang pagkakaalam ko, ikaw lang ang tunay kong kapatid. Kung gano'n, anong ginagawa ng taong 'yan dito? Paalisin mo," muling sambit ng dalaga at blangkong tumingin sa kesame."Gheron?"Ngumiti siya sa lalaki. "Yeah, I understand. Sige, alis muna ako." Sandali siyang sumulyap sa dalaga at lihim na nabuntunghinga kahit ang totoo ayaw na ayaw niyang umalis.Mabigat ang balikat nang lumabas siya at nagpasyang sa loob ng kotse na lamang siy
"Putangina ka! Paano ka nakarating d'yan sa probinsya ni Marie?"Tiningnan lang ng masama ni Gheron si Magnar. Akala nito hindi siya babawi sa ginawa nito? Maghintay lang ito."Kung hindi ka panay sulpot at pangingialam sa buhay pag-ibig ko, Magnar, hindi ako magkakaganito!" napakuyom ang kaniyang kamao. Nag-uusap sila sa pamamagitan ng hologram watch niya."Bakit ako?"Nag-dirty sign siya sa lalaki. Hindi sila kaibigan ngayon. Magkaaway sila ng lalaki at tama na ang tatlong araw na parusa nito sa kaniya. Pinagbibigyan lang niya ang ginawa nito para sa kasalanan ginawa niya kay Marie. Pero nangangako siyang babawi. Babawi siya para kay Marie."Huwag mong ipakita sa'kin ang mukha mo Magnar kapag nagmahal ka rin! Dahil gagawin ko rin miserable ang buhay mo. Hayop ka! Alam mong ikaw ang pinagseselusan ko, panay ka pa rin lapit sa babaeng gustong-gusto ko. Hindi ka talaga totoong kaibigan!"Isang malakas na tawa naman ang ginawa nito na parang hindi siya nito binugbog at kinulong ng tatlo
Mabilis pa sa kidlat ang paglapit sa kaniya ng lalaking tinakasan niya sa Japan. Ayaw niyang makita ang mukha nito kaya anong ginagawa nito sa harapan niya? mabilis niyang iniwas ang sarili sa lalaki. Wala siyang pakialam sa walang ampat na paglabasan ng mga dugo sa kaniyang noo."Tangina! Anong ginawa niyo kay Marie?" boses iyon ni Fidel pero nanlalabo ang kaniyang mata dahil na rin siguro sa luha kaya hindi niya makita ito.Pilit siyang tinulungan ni Gheron pero pinapaalis niya ang kamay nito. Kahit ang paghawak lang sa kaniya ay hindi niya ito pahihintulutan."Marie...""Umalis ka na Gheron! Bakit ka pa nandito?!" Tinulak niya ang lalaki pero hindi ito natinag. "Bumalik ka na sa kung saan impyerno ka galing!" Binangga niya ito para padaanin lang siya at hindi naman siya nabigo, binigyan siya nito ng daan.Ang puso niya, tuluyang nawala. Nagkawasak-wasak. Hindi lang ang lalaki ang nanakit sa kaniya, pati na rin ang inakala niyang pamilya. Pamilya pero wala siyang halaga.Mabilis siy