Share

CHAPTER 16 - MAKING HER CRAZY

Agad niyang pinahiran ang mga luha sa mga mata niya habang hinayaan ang lalaki na umiiyak. Bakit nga ba siya umiiyak? Hindi niya mabilang kung ilang minuto silang ganun ang set-up; nakayakap sa beywang niya si Theon at umiiyak habang siya ay lihim na nagdasal na sana ay maibsan ang sakit na naramdaman nito. Buong akala niya rati, lahat ng tao na nagpapakasal ay masaya. Sila 'yun tao na nakita na ang 'The Half' pero sa sitwasyon na nasaksihan niya ngayon, maling-mali pala siya. 

Natigilan siya nang maramdamang nakatulog ang lalaki habang nakayakap sa kaniya. Marahan niyang sinilip ang mukha nito at tama nga siya, nakatulog na ito. Napabuntunghinga siya at inisip na napuno na siguro ito kaya naglasing. Nagpasya siyang ihiga na lang ang lalaki sa sofa bed ng dahan-dahan. Amoy na amoy niya ang masangsang na alak pero tiniis niya. Kailangan ni Theon ang presinsya niya ngayon habang nasa emotional state ito. 

Kumuha siya ng throw pillow

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status