(N/A:
Ang susunod na mangyari ay bahala na kayo. Ihanda ang kutsilyo at itak)
Natawa siya ng mapakla nang tumuntong ang oras ng alas dose nang gabi. Wow! Walang Zyd na dumating, walang asawa niya ang bumati man lang sa kaniyang birthday. Nag-iwan siya ng note sa ref na birthday niya at sa bahay nila Sheena ang munting celebration pero wala, walang Zyd Caiden McCluskey . Masyado ba siyang umasa na darating ito?
Kanina pa nagpaalam si Henrik at umalis, mabuti pa ang binata. Kahit busy itong tao, may oras ito sa kaniya at nagdala pa ng gift. Si Hera at Trixie, umalis na rin dahil maaga ang mga 'to bukas sa Coffee Shop habang naunang nagpaalam si Sheena at nang kaniyang tiyahin at asawa nito matulog. Siya na lang ang mag-isang taong nakatayo sa balcony at matamang naghihintay na biglang susulpot ang lalaki.
Napabuntunghinga siya. It's okay, birthday lang naman ito eh. Walang special kasi nga, birthday lang niya. Kaya n
Sa isang mumurahing hotel si Lianne bumagsak. Ayaw niyang bumalik sa bahay ng kaniyang tiyahin at baka mahabang sermon ang abutin niya rito pag makita siyang bitbit ang kaniyang mga gamit. Iniwan niya rin sa ibabaw ng kama ang contract nila ni Zyd at nag-iwan siya ng note na gusto niya ng divorce. After sa nangyari, magpakatanga pa ba siya? Nasa Pittsburgh siya, wala sa Pinas para magpakamartyr pa. Sa Pinas lang uso ang marupok.Mabilis niyang pinahiran ang luha na lumabas sa mga mata niya. No, 'di deserved nito iyakan. Dahil ang totoo, kung siya tanga, si Zyd mas tanga! Ginago na nga ito ng ilang beses ng ex, sige pa rin. Well, hindi niya iyon kawalan. Nabasag nga puso niya atnasaktan but doesn't mean na magpakarupok siya. Inayos niya ang sarili at pinangakong hindi siya iiyak na habang nakatingin sa salamin.May mga kalmot at mga sugat lang naman siya pero keri lang. Malayo sa atay, 'di nakakalason. Tinamad siyang gamutin ang kan
Napatingin si Lianne sa malaking salamin at napangiti. Kakayanin niya ang training kahit sobrang nahihirapan siya. Hindi naman siya pang-model ang dating pero dahil sa laki ng tiwala ni Fritz sa kaniya at sa kailangan niya ng trabaho para mabuhay rito sa Pittsburgh, kailangan niyang yakapin ang opportunity na iyon. Papatunayan niyang ang pinay na tulad niya ay may kayang ipagmalaki.Ang nakasaad sa contract, sa Catalog and Commercial Model siya ilalagay. Dahil hindi siya matangkad, hindi siya pwede sa Fahion or sa Run Away. Wala naman problema iyon kay Lianne, kahit maging tagahugas lang siya ng baso at plato okay na sa kaniya. Malaki naman rate ng dollar pag naging peso.It's now or never! Ngayon niya ipapakita sa lahat na hindi lahat ng pinay, kayang api-apihin. Lahat ng babae ay may iba't ibang kagandahan, maputi man o maitim. After all, hindi sa kulay nabi-base ang kagandahan ng isang babae, nasa puso ito at kabutihan ng loob. And that gave her
Napakuyom ng kamao si Zyd nang makitang sumakay si Lianne sa kotse ni Gustavvson. Napangisi siya. Lumabas na nga ang totoong kulay ng babae. Madilim ang anyo na pinaharurot niya ang sasakyan pabalik ng bahay.Agad siyang dumeritso sa kwarto ng babae at kinuha ulit ang contract na iniwan ni Lianne at ang sulat. Mabilis niyang nilamukos iyon at binato sa malapit na trashbin. Fuck! Ang lakas ng loob nitong umalis sa kaniyang poder after ng ginawa nito?Nagsimulang kumuyom ang kaniyang kamao at pilit kinalma ang sarili. Ang lakas ng loob nitong sabihin sa kaniya sa sulat na hindi siya nito gustong makasama at si Henrik Gustavvson ang lalaking gustong gusto nito. Na ginamit lang siya kapalit ang pera at citizenship ng babae. Na hindi na ito naghabol ng pera dahil kaya nitong perahan ng mas malaki si Gustavvson, mas gwapo ito kesa sa kaniya at sawang-sawa na ito sa kaniya kaya aalis na ito sa kaniyang buhay. Na huwag niya itong guluhin pa kahi
Agad niyang hininto ang sasakyan sa tabi ng kalsada at tinawagan si Hudson. Kakausapin lang niya ang kaibigang Doctor at Mechatronical Engineer. Kung hindi siguro siya maagang naging addict sa Hockey, baka naging Captain siya ng barko."Hey, Zyd.""Yow bud, can you help me trace a woman's location?" bungad niya rito.Natawa ito sa kabilang linya at ilang segundo bago sumagot. "Her name is Lianne Elhouette Vergara McCluskey.""Fuck! How you——""I knew everything," simpleng sagot nito sa kabilang linya at natawa, "I'll send her locations right away. Plus I'm giving you an app for free where of course, you could locate her anywhere."Napabuntunghinga siya at napasandal ang ulo sa head rest, "Okay, thank you." pinatay niya ang tawag at ilang beses napabuntunghinga. Bumalik siya sa Hospital. Kailangan niyang kausapin si Zig at may ipapakiusap siya rito.Dumaan muna siya
Nahabag si Lianne sa sitwasyon ni Mrs. McCluskey. Parang kinuyom ang puso niya sa kalagayan nito ngayon na sobrang nangayat at nanghihina. Naging mabait itong mother in law niya kahit hindi niya kasundo ang anak nitong babae. Sa tuwing nagkikita sila nito dati, alagang-alaga siya. Tinuring din siya nitong anak kaya ang makita itong halos hindi makabangon, labis na naglungkot sa kaniya.Ginanap niya ang kamay nito at pinipigilan ang sariling 'wag umiyak sa harap nito. Bigla siyang nakaramdam ng konsensya sa isiping, lagi siya nitong hinahanap."Ma'am...""Y-you always call me t-that... Ca-call me... Mommy..."Marahan siyang tumango at ngumiti. Nagpaalam naman si Zyd at lumabas ito habang sila lang dalawa ni Mrs. McCluskey sa loob ng pribadong room. Agad siyang humingi ng pasensya sa mabait na ginang at ngumiti lang ito. May inabot ito sa kaniyang singsing."T-the 4rth generation of family heirl
Ngumiti lang siya sa sinabi ni Mrs. McCluskey at hindi na nagsalita pa. Hinanda niya ang gamot at ang tubig, oras na nito para inumin ang gamot."Lianne...""Po?"Ngumiti ito at hinaplos ang kaniyang buhok, "I like you. Please, don't change." Tumango siya bilang sagot sa sinabi nito at hinarap nito si Zyd sa kabila. "Zyd... Why won't you tell her right now, right there, how much you love her?" pagalit na tanong nito kay Zyd.Namumulang nagtaas ng tingin si Zyd at nakatingin sa kaniya. Halos hindi siya nito kayang tingnan habang siya, walang pakialam. Mahal? Kung sinabi siguro nito dati nung nasa Paris sila, baka namatay pa siya sa kilig at umuwing Pittsburgh na parang naka-drugs. Well, tapos na sila sa gano'ng stage. Hindi sila mga bata ni Zyd, wala sila sa high-school na puro habul-habulan at laruan ng feelings. Punyetang pagmamahal iyan! Nakapag-move on na ba ito?!"Mom, El
Natatawang pinugpug ng halik ni Lianne ng ang batang karga-karga niya. Ang cute ba naman kasi nito! Isali pa na sobrang cute nitong tumawa at nakakawala ng stress."How are you baby, ha? Why so cute talaga? Hmm? Ang cute mo!" pinanggigilan niya ang kawawang pisngi nito at leeg habang humahalakhak naman ito.Parang dati lang, ang liit pa nito at karga-karga pa niya. Ngayon, ang bilis ng panahon. Napangiti siya at hinaplos ang makapal nitong buhok."Hoy babae! Inaaswang mo na naman ang anak ko." nakabusangot ang mukha ni Hera nang lapitan siya nito. Galing ito sa restroom at sandaling umihi.Ang lakas ng tawa niya at pabirong binatukan ang babae, "Halatang hindi ka madamot sa anak mo, no?""Malamang! Ang gwapo-gwapo kaya ng anak ko. Tatay ba naman niya ay American, sinong 'di gwapo ang lahi?"Nag-ikot siya ng mata at inismiran ito. Totoo naman talaga. Nakapag-asawa ito ng Americ
TULAD ng kaniyang pinangako sa kaniyang unica hija, nasunod ang gusto nitong magpunta ng ice rink kasama si Henrik. Nung una, nangangamba siya na makikita ang anak niya sa public pero iniisip niya... Mas mahalaga ang kasiyahan ng anak niya kesa sa iniisip ng iba. Hanggang ngayon natatawa pa rin siya sa nangyaring sagutan nila ni Kate sa restroom ng resort..."Did I heard it right? That ugly ducky called me monster?!" Mabilis na hinila siya ni Kate sa balikat kaya napaatras siya at tinuro ang kaniyang anak."Kids don't lie," simpleng sagot niya.Tinaasan siya nito ng kilay at hinawakan ang kaniyang braso. "So you're telling——""Let go Kate or I'll shove your face on the floor," seryusong saad niya at mariing tiningnan"Then why not try it? Remember, you're a murderer."Napanting ang kaniyang teynga. Biglang nagsiakyatan ang dugo sa kaniyang ulo. Nanganga
“Ano? Okay na ba kayong dalawa? Mabuti naman at makakatulog na ako ng mahimbing nito. Hindi na ako susundutin ng konsensya ko.” nakahingang saad ni Magnar. Nakaharap sa mga ito ang phone niya at naka-live pa rin ang mga ito gamit sa Facebook niyang kagagawa lang kanina. Gamit niya ang pangalang 'Magnesiumʼ. “Mga ka-viewers, 'yan pala ang dalawang lovebirds. Nagkasakitan muna bago nagbalikan. Kita niyo ang dalawang 'yan? Parang mga tanga lang. Ayawan bago balikan. Kaya ayuko magmahal kasi ganiyan mangyayari sa'kin—— awts! Tangina mo nambato pa!” inis na lumayo siya sa mga ito. Vlogger siya ngayon. “Kilala niyo ang lalaking 'yan? Kaibigan ko 'yan na pinagselusan ako. Hahah. Bobo amputa! Anyways, maganda kasi ang Mariebabes pancakes honey loves so sweet niya kaya ganiyan siya kabaliw.”“Umalis ka nga rito!” asik sa kaniya ni Gallagher.“Masaya ka lang, eh. Taena mo ito na, aalis na!” mabilis niyang saad nang akmang batuhin siya nito ng prutas.Lumayo siya sa mga ito at nagtungo sa sala.
Sabay silang nagtawanan dalawa ng babaeng mahal niya at para mas lalong mapapasana all ang kaibigan, walang sabing tinawid niya ang pagitan ng labi nila ni Marie. Kung alam lang pala niya na sa ganitong paraan siya papatawarin ng dalaga, nag-live na siya sa facebook at nagkunwaring tumalon mula sa roof top ng building noon."Don't be mad at me Gal, Marie. Ang totoo niyan, buong mundo ang nakapanood sa inyo ngayon.""The hell?!""Ano!""Isang buong gabi lang ito." Humalakhak ito. "I'll delete it by morning, swear." Nagtaas ito ng kamayna parang nangangako.Hindi na sila umimik dalawa. Muli niyang hinarap ang dalaga at tinawid ulit ang pagitan ng kanilang labi at mariin itong hinalikan. Parang may fireworks ang kaniyang puso nang tugunin nito ang halik na binigay niya at mas marubdob na paraan. Halik na kay tagal nilang tinitimpi ang isa't isa at wala silang pakialam kung nasa live video sila ni Magnar. Maiinggit ito.Natigil lang sila nang tumunog ang kaniyan tiyan. Natawa siya nang du
Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Gallagher nang maiahon siya ni Magnar sa ilalim ng tubig. Galit itong nagsisigaw sa mukha niya habang sinuntok ulit ang kaniyang mukha at niyugyog ang kaniyang balikat."Stupid! Are you trying to kill yourself?! Gago ka na ba talaga, ha, Gal? Tangina mo! Tangina mo talaga!"Nagmulat siya ng mata at nakita niya si Magnar na galit na galit. Nakaupo na ito sa kaniyang tabi at basang-basa. Dahan-dahan siyang bumangon at napahawak sa kaniyang panga. Ngayon siya ulit nakatikim ng suntok mula sa kaibigan."Masakit," usal niya.Napasinghot naman ito at binatukan siya. "Tangina mo Gallagher!""Nasaan ang pinapakuha ko sa'yong beer?""Wala ka ng stock ng beer sa ref mo. May magdadala rito maya-maya lang at darating."Nagkibit siya ng balikat at pinunasan ang gilid ng labi. Nalasahan niya ang kaniyang sariling dugo na nagmula roon. Sa suntok marahil na binigay sa kaniya ni Magnar."Ano ba ang nasa isip mo?""I just wanna rest. Kahit isang gabi lang.
Limang buwan nagdaan. Walang nagbago sa pakikitungo sa kaniya ni Marie. Mas lalo itong naging malamig sa kaniya nung lumipat na ang mga ito sa Manila at sunod pa rin siya nang sunod. Nagmukha siyang aso sa kakasunod sa dalaga. Pinayuhan na rin siya ni YX pero hindi siya nakinig.Binigyan siya nito ng bakasyon at pinakiusapan ayusin niya ang kaniyang sarili pero mahirap yata gawin ang sinabi nito. Mabilis lang sabihin pero sa bawat gabing nagdaan, dahan-dahan siyang tinutupok ng sarili niyang kalungkutan.Tulad ngayon, nasa sariling penthouse siya sa Manila at mag-isang umiinom habang nakatingin sa kalawakan sa gabing iyon. Pang-ilang bote niya na ito ng beer at malakas-lakas na ang tama niya.Natatawa siya habang paulit-ulit na lumilitaw sa isipan niya ang magandang mukha ni Marie. Natatawa siya pero ang sakit na kaniyang naramdaman ay hindi kayang pawiin sa ilang bote ng beer na kaniyang ininom."Marie!!!" malakas siyang napasigaw. Nasa terasa siya at walang makakarinig kahit magwala
Ang lawak ng ngiti ni Gallagher nang maihanda niya ang adobo at dalawa pang niluto. Mabango pero ingat si Magnar, dahil may nilagay siyang pagsisihan nito ng buong buhay. Nagpipigil siyang humalakhak. Umarte siyang kalmado nang umakyat siya sa hagdanan. Susunduin niya lang ang kaibigan at ihatid ito sa kamatayan.Sinadya niya munang daanan ang silid ni Marie at nakita niyang nando'n pa rin ang pagkain sa labas kung saan niya iniwan. Napabuntunghinga siya. inuna niyang kunin ito at bumaba papuntang kusina. Naawa siya sa lutong pagkain niyang hindi man lang nagawang tikman.Nilagay niya sa hugasan ang tray nang magsalita na sa likuran niya si Magnar. Kasunod nito si Marie at mukhang giinawa nitong proteksyon ang babae laban sa kaniya. Ngumisi siya sa isip. Gano'n nga, hangga't nasa paligid ang dalaga hindi niya ito dadapuan ng daliri."Luto na ba Gal?"Huminga muna siya ng sama ng loob bago tumango. "Yeah.""Good! Kasi gutom na ako.""Kumain ka na bago ko ihampas lahat 'yan sa'yo."Ning
Mabilis pa sa kidlat ang naging pagtakbo ni Gallagher sa bintana ng sala para totoong silipin kung nandito nga ba ang walang hiyang kaibigan niya. napamura siya ng malakas nang makita itong nakangiti, umakyat sa bakod at nagwagayway ng puting bandila. May suot itong puting damit na may nakatatak na pangalan niya at peace sign. Nagdilim ang kaniyang mukha. May gana pa talagang umarteng kaibigan sila ngayon. Kung alam lang ni Magnar na nung nakaraan araw pa siya gigil na gigil na pilipitin ang leeg nito hanggang sa mangisay ng tuluyan at layuan ang babaeng mahal niya!"Tanginang gagong 'to! Nagpakita pa talaga—" Hindi niya natuloy ang iba pa na sasabihin nang marinig niya ang mga yapak na nagmula sa hagdanan.Paglingon ni Gallagher, ang walang emosyong mukha ni Marie ang kaniyang nakita. Deri-deritso itong nagtungo sa pintuan na hindi siya nakikita o sadyang ayaw lang siyang tingnan.Gusto niyang harangan ang pintuan para huwag itong lumabas at baka makita nito si Magnar pero hindi niya
Blangko ang mukha ni Marie nang tingnan siya nito at tanggap ni Gheron iyon. Siya ang gumawa ng bagay na ikakamuhi sa kaniya ng dalaga kaya hindi siya pwedeng magreklamo kung pahihirapan siya nito. Babalik siya sa una kung saan at kung paano siya nito kinausap pero mahihirapan siya ngayon."Fidel...""Oh?" mabilis na lumapit si Fidel kay Marie nang tawagin ito ng dalaga. Kakapasok lang nito sa pintuan at may dalang mga prutas na pinamili."Paalisin mo ang taong 'yan." Tumingin ito sa kaniyang gawi at tinuro siya."Marie..." Napatingin sa kaniya si Fidel."Ang pagkakaalam ko, ikaw lang ang tunay kong kapatid. Kung gano'n, anong ginagawa ng taong 'yan dito? Paalisin mo," muling sambit ng dalaga at blangkong tumingin sa kesame."Gheron?"Ngumiti siya sa lalaki. "Yeah, I understand. Sige, alis muna ako." Sandali siyang sumulyap sa dalaga at lihim na nabuntunghinga kahit ang totoo ayaw na ayaw niyang umalis.Mabigat ang balikat nang lumabas siya at nagpasyang sa loob ng kotse na lamang siy
"Putangina ka! Paano ka nakarating d'yan sa probinsya ni Marie?"Tiningnan lang ng masama ni Gheron si Magnar. Akala nito hindi siya babawi sa ginawa nito? Maghintay lang ito."Kung hindi ka panay sulpot at pangingialam sa buhay pag-ibig ko, Magnar, hindi ako magkakaganito!" napakuyom ang kaniyang kamao. Nag-uusap sila sa pamamagitan ng hologram watch niya."Bakit ako?"Nag-dirty sign siya sa lalaki. Hindi sila kaibigan ngayon. Magkaaway sila ng lalaki at tama na ang tatlong araw na parusa nito sa kaniya. Pinagbibigyan lang niya ang ginawa nito para sa kasalanan ginawa niya kay Marie. Pero nangangako siyang babawi. Babawi siya para kay Marie."Huwag mong ipakita sa'kin ang mukha mo Magnar kapag nagmahal ka rin! Dahil gagawin ko rin miserable ang buhay mo. Hayop ka! Alam mong ikaw ang pinagseselusan ko, panay ka pa rin lapit sa babaeng gustong-gusto ko. Hindi ka talaga totoong kaibigan!"Isang malakas na tawa naman ang ginawa nito na parang hindi siya nito binugbog at kinulong ng tatlo
Mabilis pa sa kidlat ang paglapit sa kaniya ng lalaking tinakasan niya sa Japan. Ayaw niyang makita ang mukha nito kaya anong ginagawa nito sa harapan niya? mabilis niyang iniwas ang sarili sa lalaki. Wala siyang pakialam sa walang ampat na paglabasan ng mga dugo sa kaniyang noo."Tangina! Anong ginawa niyo kay Marie?" boses iyon ni Fidel pero nanlalabo ang kaniyang mata dahil na rin siguro sa luha kaya hindi niya makita ito.Pilit siyang tinulungan ni Gheron pero pinapaalis niya ang kamay nito. Kahit ang paghawak lang sa kaniya ay hindi niya ito pahihintulutan."Marie...""Umalis ka na Gheron! Bakit ka pa nandito?!" Tinulak niya ang lalaki pero hindi ito natinag. "Bumalik ka na sa kung saan impyerno ka galing!" Binangga niya ito para padaanin lang siya at hindi naman siya nabigo, binigyan siya nito ng daan.Ang puso niya, tuluyang nawala. Nagkawasak-wasak. Hindi lang ang lalaki ang nanakit sa kaniya, pati na rin ang inakala niyang pamilya. Pamilya pero wala siyang halaga.Mabilis siy