Share

Chapter 32.1 - Spell

Halloween party came, excited ang lahat at sa labas palang ng school ay tanaw na ang mga estudyanteng naka costume. May superheroes, supervillains, at iba pang mga characters na mapapanood sa tv.

"Ouch, Theodore! Lumayo ka nga sa'kin, natutusok ako ng kuko mo!" reklamo ni Zoraidah.

May matutulis kasi na hawak si Theodore at parte daw 'yon ng wolverine costume niya. Si Zoraidah naman ay may hawak na tungkod dahil witch siya at may hawak naman na mansanas si Astraea. They looked gorgeous. Si Maeve ay nakasuot ng kapa at may red na guguhit sa labi na nagsisilbing dugo raw, si Zoraidah ang may gawa no'n. Maleficent costume naman ang akin at may hawak din akong trident. Si Amion naman ay hindi man lang nag effort. Wala siyang nabiling costume nung nakaraan. Akala ko pa naman ay partner kami.

Sabay sabay kaming pumasok sa loob. Marami agad ang bumabati sa'min lalo na't kasama ko ang dalawang Montgomery, si Theodore and Maeve na sikat sa school, at si Zoraidah na bagong salta. Halos lahat
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status