Share

Chapter 2

last update Huling Na-update: 2021-07-18 12:37:10

No one

My phone beeped again for a reminder. Makakalimutin ako kaya laging naka reminder lahat ng schedule ko. Meetings, class and etc.

"Kanina pa tumutunog yang reminder mo, bakit 'di mo pinapansin?" Zia asked when my phone beeped for the nth time.

"Oo nga. Ano bang meron?" Kianna asked and took my phone.

Napairap na lang ako at binitawan ang ballpen na hawak at pumalungbaba.

"Meeting with assholes Lance and Zeke?!" gulat na basa ni Kianna.

Umirap ulit ako at nagsimula ng magligpit ng gamit. As much as I want to ditch that meeting, unfortunately I can't. My grades is at stake if ever.

"You're meeting those two, Sam? Why? Are you dating one of them? " gulong tanong ni Kianna.

Seriously? Ganyan ba ang tingin niya sa akin? Tsk. Di ko papatulan mga yun ano.

"Whoa. Dating them? Diba, you hate to the core? Even before Zeke hurt Kian?"

"Tss. It's for the research, 'kay? Yung sinasabi ko na research sa inyo before. Unfortunately, sila ang groupmates ko." explain ko at kinuha na ang cellphone ko na hanggang ngayon hawak-hawak pa rin nila.

"W-what? Grupo mo s-sila? Which means, you have to spend time with t-them? With Z-zeke?" bulol na tanong ni Kianna.

I gave her my infamous death glares. Dapat malaman niya na hindi ko nagustuhan yang tanong niya. Yang tonada niya.

"Why, Kianna Jean Dela Cruz? Got a problem with that? Ano, affected pa rin?" inis na tanong ko.

"Ha?! Hindi ah! Naka move-on na ako oy! Tinatanong ko lang." hindi makatinging sagot niya sa akin.

Tss. This girl. Tanga talaga sa pag-ibig. Ah, no, tanga talaga pagdating kay Zeke.

"Ewan ko sayo, Kianna. Alis na nga ako," ani ko at naglakad na palayo.

Sa kiosk ang usapin namin kahapon. We're going to talked about the research ang what would be our set-up. Tss. Sarap hindi pumunta eh. Kung hindi lang talaga ako babagsak.

This is an important research sa university. Ewan ko ba. Engrossed na engrossed sila sa research na 'to. But well, bahala sila. Initially, sumali talaga ako dito because of the experience na rin and the plus grades na makukuha ko. And I was recommended by our dean kayo ayun. Hindi ko naman kasi inaasahan na magiging magkagrupo ko yung mga gunggong na yun. Kung alam ko lang.

Hindi masyadong malayo ang kiosk kaya agad akong nakarating. They're already there, waiting. Good, susuntukin ko sila if pinaghintay nila ako. Hindi pinag-aantay ang reyna, as my mother said.

"Grabe naman Shiobvian, alam naming may galit ka sa amin pero, seryoso? Isang oras mo kaming pinaghintay!" pambungad sa akin ng asunggot. Inirapan ko lang siya at umupo na.

"Mabuti nga't pumunta pa ako eh."

May mga pagkain sa mesang nasa harap. Mukhang kanina pa talaga sila dito. May mga plastic ng junkfoods na ubos na.

"Ang sama mo talaga Shiobvian."

"Whatever." ani ko at kinuha ang maliit ko na notebook kung saan nakalagay ang mga notes ko about sa research na ito. "Let's proceed na at para matapos agad."

"Okay, boss!" sinamaan ko siya ng tingin kaya itinaas niya ang dalawa niyang kamay. He smile inwardly and drink his can coke.

"So, according to the research head, we need to see each other at least thrice a week. Go out and know one another. " basa ko sa notes ko. Urgh.

"Walang kaso naman yun. Lagi naman kaming nagkikita ni Lance kaya walang problema." binaba ko ang notebook na hawak at sumandal sa upuan. Hmm.

"Yup. Ang problema lang is ikaw Shiobvian. Ano ba ang sched mo? Para malaman namin."

Tss. Nakakainis na talaga. I can't stand sitting here with this two assholes. Nakakairita presence nila.

"Look, Sam. I know na may galit ka sa akin, sa amin, because of what happened -" buti aware ka. Asshole. "Pero can we please set it aside? Di rin namin ginusto na maging magkagrupo tayo."

The nerve?

"Look, Ezekiel. May galit talaga ako sayo at I'm glad na aware ka. Hindi mo ginusto? Lalo naman ako 'no. Tss. Why am I minamalas ba?" inis na ani ko. Ayaw ko na.

"Hindi lang naman ikaw nag may ayaw ng set-up na to! Ewan ko nga bakit galit na galit ka sa amin eh! Even before my issue with Kianna. Galit ka na sa akin, sa amin!"

Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay. Hah! Bwiset talaga siya!

"Zeke, stop it na. She's still a girl."

At hindi nakatulong ang lintik na Lance na yan. So what if I'm a girl huh?

"What? Ano ngayon kung babae ako? Hindi lang pala kayo gago eh, sexist din! Mga bwiset!"

"Shiobvian, that's not what I mean, okay? Can you two please stop this argument?" pumagitna na si Lance sa amin. Nag-iinit na ang pisngi ko because of this conversation.

"No, Lance! Nakakainis na kasi yang babae na yan. I get it na galit siya because of what I did pero it's not enough reason para ganituhin niya tayo!" tumataas na ang boses ni Zeke kaya nanlaki ang mata ko. "Paghintayin?! Isang oras?! Nakakainis ka na! Kung ayaw mo sa amin, ayaw ko rin sayo!" pinalo niya pa ang lamesa kaya napatalon ako at umalis ito.

Natulala naman ako. I've never been scolded. Never. Pa. Akong. Sinigawan. Ever.

“Shiobvian..." nanginginig na napalingon ako kay Lance. Nakatayo siya malapit sa akin. My lips shivered because of what happened. Some may say na sobrang OA ko pero, no... I got scared… I’s scared.

"Hey, Shiobvian, I'm here." lumuhod sa harap ko si Lance at ngumiti.

There's something in his eyes na hindi ko mabasa. Nakatingin ito sa akin using his gentle eyes. Hinawakan niya ang kamay ko kamit ang isa niyang kamay at nasa buhok ko naman ang isa. There's something sa paraan ng paghagod niya sa buhok ko na naging dahilan ng pagtulo ng luha ko.

I sobbed. I never cried sa harap ng hindi ko kakilala. In fact, minsan lang ako nakikitang umiyak. Ako nga daw ang pinakamatatag at matapang sa aming magpipinsan. Hindi nila nakitang umiyak ako ng umalis si mama, hindi rin nila akong lumuha ng namatay si abuela. Ngayon lang talaga. Ngayon lang talaga na umiyak ako at may taong nakasaksi.

"Shhh. It's okay," kinabig niya ako at niyakap. He's still kneeling in front of me. Nasa dibdib niya ako habang umiiyak. "Shiobvian..." mahinang bulong niya sa akin.

"I-i was s-scared. I t-thought he w-will hurt m-me..." nanginginig na sambit ko kay Lance. He continues caressing my hair and I can't deny na nakakagaan ito sa pakiramdam. Para niya akong hinehele.

"Shh. He will not hurt you, okay? I will not let that happen. No one can hurt you while I'm here. No one, Shiobvian. Remember that. No one will hurt you. " bulong nito sa akin na mas lalong nagpatulo sa luha ko.

Umiyak lang ako ng umiyak habang tinatahan naman ako ni Lance. Hindi ko namalayan ang oras - kung ilang oras ba kami sa ganoong posisyon. Basta nakatulog na lang ako sa kakaiyak at marahil sa labis na pagod.

Nagising ako ng may marinig na mga boses. Parang nagtatalo sila over something. I slowly open my eyes and saw an unfamiliar ceiling. This is not my room. Kulay puti ito unlike my color pink room. Agad akong bumangon at kinapa ang suot. Thanks God, kumpleto pa naman ang damit ko.

"Bakit nandito yan, Lance? Akala ko ba mainit dugo sa atin niyan?" mahinang bulong na narinig ko naman.

"Nakatulog nga kasi kaya dinala ko rito. Hindi ko mahanap yung pinsan niya eh." boses ni Lance ang sumagot.

"Ha? Close na kayo? Nasabi mo-" naputol ang sasabin ng isa ng biglang may pumasok na lalaki sa kung saan.

"S-sam? Gising ka na pala!" tumango lang ako sa nagsalita. I know him by face, hindi ko lang maalala kung anong pangalan. He's one of Lance buddies.

Lumabas naman si Lance sa pinanggalingan nung lalaki. Kasunod niya ang dalawa pa niyang kaibigan. Kumunot ang noo ko. Where am I? Bakit nandito ang mga asunggot na 'to?

"Gising ka na pala, Shiobvian. May pagkain sa hapag. You wanna eat bago ka umuwi?" nakangiting aya sa akin ni Lance.

Napaiwas ako ng tingin. Ngayon lang ako dinapuan ng hiya. Shit! Umiyak ako sa harap ng lalaking ito. Nakakahiya ka, Samantha Shiobvian!

"Where am I? Why am I here?" tanong ko. Nalilito pa rin ako kung bakit ako nandito. Malay ko ba kung may masama silang balak sa akin.

"In our HQ. Don't worry malapit lang 'to sa school. And dinala kita dito cause you dooze off after the incident kanina." napalingon ako sa kanya. Akala ko sasabihin niya na umiyak ako sa harap ng mga friends niya. Sasapakin ko talaga siya.

"Incident? Anong incident?" usisa ng isa pang pamilyar na lalaki. These guys are his friends at kasamahan sa frat. Nasa poder ako ng mga taong kinaiinisan ko. Damn.

"I need to go home." naaalarmang ani ko at hinagilap ang bag ko na hindi ko makita. Shit, saan ba yun?

Hinawakan naman ni Lance ang braso ko at marahang hinila pa harap sa kanya. He smiled gently. Ayan na naman yang mga ngiti niyang yan.

"We won't eat you, okay? Mukhang mga gago lang yang mga yan pero mababait naman." Lance assured pero hindi pa rin ako panatag. Ito ang problema, nakatatak na sa utak ko na lahat ng tao ay masama. Mahirap na magtiwala.

"Hoy, Lance. Makasalita to. Parang di tayo magkaibigan ha." tumawa lang si Lance at tiningnan ako.

Hinila niya ako patungo sa pinanggalingan nila kanina. Kitchen pala yun na dugtong sa dinning area. Pinaghila niya ako ng upuan at inalalayang umupo. Na conscious naman ako sa ginawa niya lalo na ng timukso siya ng mga kaibigan niya. Heck, ayaw kong isipin nila ng may something sa amin ano. Baka may girlfriend pa ‘to at mabansagan pa akong kabit. No way.

"Shiobvian, this is Ares, Sean and Zeus." isa-isa niyang tinuro ang mga lalaking nakatayo, ngumiti naman sila sa akin. "Unfortunately, they're my friends." humalakhak si Lance kaya napangiti ako. May something talaga sa kanya na nakakahawa ang vibes niya.

"Hoy! Kanina ka pa ha!" alma naman ni Ares.

"Sus! Palibhasa umaabante na yang si Master Lance!" tawa naman ni Zeus na agad tinakpan ni Sean ang bibig. Hindi ko naman nakuha ang sinabi ni Zeus kaya lumingon ako kay Lance at naabutan kong masama ang tingin niya kay Zeus.

Weird.

I can't believe na I'm having dinner with these guys. Like, I don't like these guys from day one. Ayaw ko sa guts nila at masyado silang too much for me. Kaya ayaw ko sa kanila. Hindi ko naman talaga sila hate, sadyang ayaw ko lang mapalapit sa kanila cause I can smell danger kapag malapit sila. Nagalit lang ako kay Zeke nung nalaman ko na naging sila ni Kianna at sinaktan niya ito. Nadamay lang si Lance sa inis ko kasi sumabat siya noon sa cafeteria.

"Alam mo, Sam. Hindi naman talaga kami babaero. Sadyang lapitin lang talaga." iningusan ko si Ares.

Sandali ko pa lang sila nakasama at nasabi ko agad na siya yung tipo ng playboy na hindi tinatago ang bituka. Yung tipong sasabihin niyang playboy siya at wala siyang kasalanan kung pinatulan mo siya at masaktan ka. Cuz after all, alam mong playboy siya pero sumugal ka pa rin.

"Tsk. Still, pumapatol ka sa iba't-ibang babae. Gross. Paano kung magkasakit ka?" nandidiring tanong ko.

Nasa harap ko si Ares at katabi ko naman si Lance, katapat niya si Sean at nasa kabilang dulo si Zeus. Sinadya ata nilang ilayo sa akin eh. Hindi ko lang alam kung bakit.

"Oy hindi ah! May taste naman ako at tsaka hindi ako pumapatol ng kung sino-sino lang." depensa naman nito sa sarili. Mas lalo kaming natawa dahil doon.

"Sus, Ares. Lahat ata ng naka-saya, pinapatulan mo eh! Remember yung matandang babae sa bar? Sinukan mong umiscore eh!" tudyo naman sa kanya ni Lance. Ngumiwi naman ako dahil doon.

"Yeah! Nakakadiri ka talaga Ares!

"Kasi akala ko bata pa! Hindi naman kasi halata." natawa naman ako dahil doon. Damn, I can't even imagine! "Tahimik, Lance. Baka may masabi akong hindi dapat eh!"

Natahimik naman si Lance kaya napalingon ako sa kanya. He's throwing death glares na naman. Ano bang meron?

"Ops. Shut up tayo dyan, okay? Lagot kayo mamaya," bulong ni Sean pero rinig ko naman. Hilaw na ngiti ang binigay niya sa akin. I shrugged and let it pass. Bahala nga sila.

After awhile, nag-aya na si Lance na iuuwi na ako. Napalingon ako sa wrist watch ko at nakitang quarter to 10 na. Natagalan kami sa pagkain dahil na rin sa kwentuhan nila. I had fun, I must admit. Hindi ko inakalang makakasabay ko yung mga friends ni Lance.

Siguro natamaan lang talaga ako sa sinabi Zeke? Parang narealize ko lang na I'm being irrational na. Well, hindi ko pa rin sila fully gusto, okay. Pero I'm trying naman na maging open sa kanila. Like kanina. They're not that bad naman pala. Mali lang talaga ang impression ko sa kanila.

"Anong oras ba ang curfew mo?" biglang tanong ni Lance sa gitna ng byahe. He volunteered na ihatid ako kahit hindi naman kailangan. I can always call our driver or I can even commute. Sadyang ayaw niya lang kasi delikado na raw.

"Wala. Ang mahalaga ay nasa maayos ako na kalagayan."

Unlike sa ibang anak ng politicians, maswerte pa rin ako na hindi mahigpit sila dad at granddad. Pero alam ko naman na always na may nakasunod sa amin. It's better that way nga lang. Walang annoying bodyguards and such.

"Wala? You mean kahit hindi ka umuwi, okay lang?" tumango naman ako na ikinakunot ng noo niya. "Nasubukan mo ng hindi umuwi sa inyo?"

"A couple of times. Unplanned sleepovers and such and minsan lang naman talaga ako umuuwi sa bahay namin. We're living sa condo, with Zia and Kianna." tumango naman si Lance pero mukhang may malalim na iniisip.

In no time, nakarating na kami sa basement ng condo. Kinalas ko na ang seatbelt ko pero parang may malalim na iniisip pa rin si Lance. Ano naman kaya yun? At bakit kaya ako curious?

"Gotta go, Lance. Thanks sa ride at thanks rin kanina." ani ko at nginitian siya. Nilingon niya ako at ngumiti na rin.

Bumaba na ako at kinawayan ulit siya at nagsimula ng maglakad palayo sa sasakyanan niya. Napahawak ako sa dibdib ko, why is it beating so loud? Kinakabahan ako? Bakit?

This is weird.

Ang weird ko ngayong araw.

First, umiyak ako sa harap ni Lance. Second, nakasama kong magdinner ang barkada niya minus Zeke na galit ata sa akin. Third, I can converse with Lance na, na may matino kaming mapag-usapan. Lastly, kinakabahan ako dahil sa lintik na Lance na yun.

Really, what the hell is happening to me? Baliw na ba ako? Or malapit na? Urgh. Sinasabi ko na nga bang hindi ako tatagal na matino kapag makasama ko yung mga yun.

Hindi pa nakatulong

na nagecho sa utak ko ang sinabi niya kanina.

No one can hurt you while I'm here. No one, Shiobvian. Remember that. No one will hurt you.

Malapit na siguro talaga akong masiraan ng bait.

Kaugnay na kabanata

  • The Moon in His Eyes   Chapter 3

    SorryNagising ako na medyo magulo ang utak. Kagabi ko pa iniisip yung tunkol sa nangyari kagabi. I think kasalanan ko rin naman at some point eh. Maybe I pushed some bottons kaya nagkaganoon.Today's Wednesday and I have a class at 9:00 am. Bumangon na ako at naghanda. Ako na lang mag-isa kasi maagang umalis ang dalawa because they two had 7:30 class.Sanay naman na ako tuwing ganito, minsan sumasabay ako sa kanila lalo na lung maaga akong nagising or may kailangan asikasuhin sa school as a school pub. But today, late akong nagising dahil napuyat ako kakaisip kagabi.Naligo at nag-ayos na ako para hindi mahuli sa klase. I missed breakfast kasi nagmamadali na talaga ako. Natagalan ako sa shower kakaisip tungkol sa nangyari. Urgh. This problem fucked my mind too much.The drivers out kasi pinacheck yung isang car. No problem naman iyon cuz I know how to drive. Tinatamad lang talag

    Huling Na-update : 2021-07-18
  • The Moon in His Eyes   Chapter 1

    ResearchIt was another boring Monday. I really hate Mondays. Why? I dunno. I just really hate it. For me, Tuesday’s the start of my week. 'Wag kayong makialam, it's my calendar.Nasa gilid kami ng soccer field ng school. May malaking puno doon kaya hindi mainit at masarap ang ihip ng hangin kaya gustong-gusto kong tumambay dito. It’s like our favorite tambayan.May wooden bench and table naman kaya komportable. I also liked it here dahil malayo sa mata ng lahat. Obviously, everyone knows me. Alam ng lahat kung sino si Samantha Dela Cruz. Sino bang hindi? I'm a granddaughter of the president and my dad's a senator. Everyone respects me but I know, only a few can be trusted."Sammy, may assignment ka na dun sa psyche? Pwede pacopy?" I rolled my eyes and get my Psyche notebook and handed it to Kianna.Masayang kinuha niya ito at agad na kinopya ang sagot sa assignment n

    Huling Na-update : 2021-07-18

Pinakabagong kabanata

  • The Moon in His Eyes   Chapter 3

    SorryNagising ako na medyo magulo ang utak. Kagabi ko pa iniisip yung tunkol sa nangyari kagabi. I think kasalanan ko rin naman at some point eh. Maybe I pushed some bottons kaya nagkaganoon.Today's Wednesday and I have a class at 9:00 am. Bumangon na ako at naghanda. Ako na lang mag-isa kasi maagang umalis ang dalawa because they two had 7:30 class.Sanay naman na ako tuwing ganito, minsan sumasabay ako sa kanila lalo na lung maaga akong nagising or may kailangan asikasuhin sa school as a school pub. But today, late akong nagising dahil napuyat ako kakaisip kagabi.Naligo at nag-ayos na ako para hindi mahuli sa klase. I missed breakfast kasi nagmamadali na talaga ako. Natagalan ako sa shower kakaisip tungkol sa nangyari. Urgh. This problem fucked my mind too much.The drivers out kasi pinacheck yung isang car. No problem naman iyon cuz I know how to drive. Tinatamad lang talag

  • The Moon in His Eyes   Chapter 2

    No one My phone beeped again for a reminder. Makakalimutin ako kaya laging naka reminder lahat ng schedule ko. Meetings, class and etc. "Kanina pa tumutunog yang reminder mo, bakit 'di mo pinapansin?" Zia asked when my phone beeped for the nth time. "Oo nga. Ano bang meron?" Kianna asked and took my phone. Napairap na lang ako at binitawan ang ballpen na hawak at pumalungbaba. "Meeting with assholes Lance and Zeke?!" gulat na basa ni Kianna. Umirap ulit ako at nagsimula ng magligpit ng gamit. As much as I want to ditch that meeting, unfortunately I can't. My grades is at stake if ever. "You're meeting those two, Sam? Why? Are you dating one of them? " gulong tanong ni Kianna. Seriously? Ganyan ba ang tingin niya sa akin? Tsk. Di ko papatulan mga yun ano. "Whoa. Dating them? Diba,

  • The Moon in His Eyes   Chapter 1

    ResearchIt was another boring Monday. I really hate Mondays. Why? I dunno. I just really hate it. For me, Tuesday’s the start of my week. 'Wag kayong makialam, it's my calendar.Nasa gilid kami ng soccer field ng school. May malaking puno doon kaya hindi mainit at masarap ang ihip ng hangin kaya gustong-gusto kong tumambay dito. It’s like our favorite tambayan.May wooden bench and table naman kaya komportable. I also liked it here dahil malayo sa mata ng lahat. Obviously, everyone knows me. Alam ng lahat kung sino si Samantha Dela Cruz. Sino bang hindi? I'm a granddaughter of the president and my dad's a senator. Everyone respects me but I know, only a few can be trusted."Sammy, may assignment ka na dun sa psyche? Pwede pacopy?" I rolled my eyes and get my Psyche notebook and handed it to Kianna.Masayang kinuha niya ito at agad na kinopya ang sagot sa assignment n

DMCA.com Protection Status