Home / Romance / The Monster CEO's Twins / Chapter 27 (Part 2/2)

Share

Chapter 27 (Part 2/2)

Author: Blissy Lou
last update Huling Na-update: 2022-01-05 23:46:21

Nang imulat ko ang aking mga mata’y malabo at purong puti ang naaaninagan ko hanggang sa unti-unting lumilinaw ito. Isang puting kisame ang sumalubong sa aking paningin. Muli akong napapikit at hinawakan ang aking ulo nang kumirot ito. Napansin ko na tila may kung anong bagay sa kamay ko. Doon ay nakita kong may nakakabit ng dextrose dito.

Iniikot ko ang aking paningin. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa hospital ako. Ang tanong lang ay paano ako nakarating dito? Inisip ko ang huling nangyari pero hindi ko ito matandaan. Sa tuwing pinipilit ko ito ay mas lalong kumikirot ang aking ulo. Napapikit ako dahil sa sakit.

Pagmulat ko ay napabaling ako sa kaliwang bahagi kung saan hindi ko nadaanan ng tingin kanina. Napakunot-noo ako. Hindi ko inaasahan ang taong ngayon ay nakikita ko. Nakasandal siya sa di-kahabaan at malambot na sopa. Nakapikit ang mga mata habang

Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 28 (Part 1/2)

    Naging mabilis ang mga araw. Walang humpay ang trabaho mapa-araw man o gabi. Naging magaan ang trabaho ko sa Fonteverde Corporation dahil sa tulong ng mga katrabaho ko. Mahirap ngunit sobrang 'laking bagay talaga ang naitulong nila para sa akin. Sa gabi naman, walang humpay na paroroon at parito sa loob ng club at sabayan pa ng mga toxic na mga customer. Aaminin ko, mahirap gawin. Hindi lang masakit sa paa at katawan maging sa ulo dahil sa mga pasaway na customers. Habang tumatagal din ay maraming nagpapapansin sa akin. Karamihan pa ay puro matatanda. Nanginginig na lang ako sa sobrang inis at minsan ay hindi ko mapigilan ang sariling mapairap sa hangin. Sa kabila noon, naging madalas na rin ang pagkikita namin ni Mr. Fonteverde. Minsan ay napapadaan siya sa departamento namin o hindi kaya ay naabutan ko ang likod niyang papaalis na. Minsan ko rin siyang nahu

    Huling Na-update : 2022-01-06
  • The Monster CEO's Twins   Chapter 28 (Part 2/2)

    Sunod-sunod kaming pumasok sa loob ng isang kuwarto kung saan ginaganap ang bawat pagpupulong. Nauna ang babaeng sinundo pa kami kanina, na akala ko ay bagong sekretarya ni Mr. Fonteverde, ngunit ng makita na naroroon si Mr. Salazar Samson na nakaupo sa gilid ay baka kung kanino lang sekretarya ito’t pinasundo lang kami. Isa-isa rin kaming bumati sa mga malalaking taong naroroon pagkapasok. Ang iba sa kanila ay gumaganti rin ng ngiti na aming ibinabahagi sa kanila. Ang iba naman ay tila walang pakialam sa presensya namin na kahit tumambling pa kami ay walang epekto. Iilan pa lamang ang nasa loob ngunit tumungo pa rin ako sa gitna para hintayin ang iba pa. Wala rin ang C.E.O ng kumpanya. Akala ko ba'y naghihintay na ang lahat? Kibit-balikat na lang ako sa isiping iyon. Umupo na rin sa gilid ang mga kasamahan ko kasama ang magandang babae na may salamin. Nakahanda na ang laptop at projector maging ang mga gamit na kakailanganin katulad ng mga printed papers. Napunta an

    Huling Na-update : 2022-01-07
  • The Monster CEO's Twins   Chapter 29 (Part 1/2)

    Sa bawat pagbuka ng bibig ko ay ang pagtango ng lahat. Lumalawak na rin ang mga ngiti ng mga kasamahan ko. Ngunit ang mas binibigyan ko ng pansin sa lahat ay ang ekspresyon, kilos at reaksyon ni Mr. Fonteverde. Mula sa paghawak niya sa kaniyang baba, pagpatong ng siko sa table at pagsalo ng ipinagpatong niyang mga kamay sa baba hanggang sa paglapag niya ng kaniyang kaliwang kamay sa table kung saan ang mga daliri niya sa kamay ay kaniyang binababa-taas na tila nagpapatugtog ng piyano. Kung minsan ay napapasingkit na lang ang kaniyang mga mata. Minsan naman ay binubuklat ang folder pagkatapos ay titingin sa akin. Sa lahat ay siya talaga ang kakaiba na hindi ko makuha-kuha ang ekspresyon at kilos. Blanko ito’t walang ipinagbago. Hindi ko alam kung nagustuhan niya ba o hindi. Na tama lang ba? Sakto? O puros nonsense lamang ang lahat para sa kaniya. “I believe people will patronize our product when it is what

    Huling Na-update : 2022-01-08
  • The Monster CEO's Twins   Chapter 29 (Part 2/2)

    “No, Sir! Sir!” Pagpupumiglas ko ngunit malakas ang matanda. Hindi ko alam kung bakit mas malakas pa ito sa akin. Kung pagbabasehan nga naman ang katawan ay mukhang nagbabatak ito ng katawan. Nang muli akong magpumiglas ay nagulat ang lahat sa mabilis na nangyari. Napasinghap ang lahat ng nakasaksi gayon din ako nang biglang may tumamang kamao sa mukha ng matanda at bumulagta siya sa konkretong sahig. Napahawak ako sa aking bibig ng makita ang dugo sa gilid ng kaniyang labi at kamay pagkatapos niya itong hawakan. Halos ang lahat ay nakatingin sa bahagi ko, ngunit hindi sa akin kundi sa taong katabi ko. Kaya ng ibaling ko sa kaniya ang aking tingin ay mas namilog ang mga mata ko nang tuluyang makita ang taong hindi ko inaasahan na sasaklolo sa akin sa mga manyakis na matatandang ito. Napakadilim ng kaniyang mga mata na ang hirap basahin. Hindi ko inaakala na sa lahat ng tao rito ay siya ang tutungo sa kinaroroonan ko upang ipagtangg

    Huling Na-update : 2022-01-09
  • The Monster CEO's Twins   Chapter 30 (Part 1/2)

    “Astrid!” Kaagad naman akong napatayo sa aking kinauupuan rito sa loob ng aking cubicle sa opisina dulot ng gulat sa nagawang pagsigaw. “Astrid!” Tuluyan ko na ngang nakita kung sino ang sumisigaw nang tuluyan siyang makapasok sa cubicle. “Lianna, bakit?” tanong ko at hinawakan ang kaniyang balikat dahil sa napahawak siya sa kaniyang mga tuhod at hingal na hingal. Saan ba ito galing at ano ang pinaggagawa’t mukha siyang pinagkaisahan ng mga bruha sa daan? Nang tuluyang makabawi sa pagkahingal ay tumayo siya ng tuwid upang harapin ako. Ngumiti siya sa akin ng pagkalawak-lawak. “Anong ngiti naman ’yan?” kunot-noo kong tanong. “Hulaan mo,” pambibitin niya. “Huwag mo nga akong gino-good time at stress pa ako ngayon,” wika ko habang nililigpit ang gamit ko dahil kailangan ko pang pumunta sa shop para kumustahin ang products na inilabas namin, na magtatatlong araw na ngayon. Kinakabahan na ako dahil hindi

    Huling Na-update : 2022-01-10
  • The Monster CEO's Twins   Chapter 30 (Part 2/2)

    Inikot ng aking paningin ang buong mansyon pagkaupo ko sa sopa. Iniwan muna ako sandali rito ni Manang Olivia pagkatapos niya akong pagbuksan ng gate kanina. Susunduin daw niya si Hera sa ’taas, na kagaya pa rin ng dati ay nagkukulong lang sa kaniyang kuwarto. Ipinagtataka ko lang, ilang buwan lang nang huli akong nanggaling dito at mukhang may nagbago sa malaking bahay lalo na ang interior design ng mansyon. Hindi ko alam kung ngayon ko lang ba ito napansin o may pinagbago talaga? Naging contemporary style ito na bumagay naman, ngunit nagmukha yatang simpleng bahay lang ang mansyon. From elegant to sleek and simple space na ba ito? But I like the combination of color—gold and silver. “Tutor Astrid!” Naagaw na lang ng sumigaw na bata ang buong atensyon ko at ng tumingala sa itaas ay tuluyan ko na siyang nak

    Huling Na-update : 2022-01-11
  • The Monster CEO's Twins   Chapter 31

    Third Person’s P.O.V Pagkababa niya sa kaniyang sasakyan matapos itong iparada sa garahe sa loob ng kaniyang property ay kaagad siyang pumasok sa malaking bahay. Habang papasok ng bahay ay hinawakan niya ang kaniyang batok at inikot-ikot ito upang maibsan man lang ng kaunti ang pagod at pagkirot ng kaniyang likod dahil sa maghapong pagkakayuko dulot ng paglalaro ng golf. Hindi naging madali ang araw niya ngayon dahil grabe rin ang ginawa niyang pakikisama sa isang malaking tao na kilala rin katulad niya sa industriya at larangan ng pagnenegosyo. Nakikipagkaibigan siya sa taong ito dahil sa hinaharap ay panigurado na magagamit niya ang taong ito sa kaniyang kompanya. Ganoon naman talaga sa mundong ginagalawan niya. Kaibigan ka kung may kailangan sa ’yo. Hindi lamang kasi basta kilala lang ang taong ito kundi mayroon na rin itong limang pinatayong bagong

    Huling Na-update : 2022-01-12
  • The Monster CEO's Twins   Chapter 32

    Ava’s P.O.V Halos hindi ko maigalaw ang aking pagkain dahil sa tensyong nararamdaman ko sa aking paligid. Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko. Hindi ko masabi-sabi. Sa buong buhay ko ay tila ngayon lamang ako naloko ng ganito katindi. Hindi ko alam na ang kasama ko sa buong limang taon na pagtakas sa taong kinatatakutan ko noon ay pinsan pala ng taong tumulong sa akin, na naging kaibigan ko at inaama pa ng aking anak. Sa kaniya ko ibinuhos ang lahat. Sa kaniya ko sinabi lahat-lahat maging ang mga karanasan at paghihirap ko, pagkatapos ngayon ay malalaman kong dumadaloy rin pala sa kaniya ang dugo ng pamilyang kinamumuhian ko? Paano niya ako naloko? Pare-parehas lang sila! “I really like sea foods!” wika ng anak kong si Herald na nagpabaling ng aking atensyon sa kaniya. Nakaupo siya sa gitna namin ni Jem

    Huling Na-update : 2022-01-14

Pinakabagong kabanata

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 83.3: Ang Pagwawakas

    Nagulat ako nang mapansin ang pagliwanag ng sahig na kinaaapakan ko. May liwanag na hugis palaso na tila ba nais akong sundan ang guhit na iyon. Pakiramdam ko ay tila ba nasa loob ako ng isang malaking silid na computer-based ang sahig dahil sa biglang paglitaw ng liwanag nito. Pinaglalaruan ba ako ng kung sino? Sinundan ko ang naturang arrow at tumigil iyon sa isang hugis bilog. Nang tingnan ko ang naturang liwanag ay may mga letra na biglang lumitaw roon. ‘Thank you for making me smile everytime I frown...’ Muli ay lumitaw ang arrow na liwanag sa sahig at tinuro na naman ako sa panibagong daan. Tila wala sa sarili na sinundan ko ang liwanag na iyon at tumigil sa liwanag na tatsulok ang hugis. Gaya ng unang hugis ay may mga letra ring lumabas doon. ‘Thank you for being a strength at my weakest...’ Muli ay lumitaw ang liwanag na arrow at muling gumuhit ang kahabaan niyon sa sahig na sinundan ko naman. Dinala ako niyon sa hugis parisukat na sahig. Muli

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 83.2: Ang Pagwawakas

    “Maraming salamat din sa ’yo,” tugon ko.Mula sa malayo ang tingin ay inilipat niya ito sa akin at ngumiti.“You are special to me, Ava. Kaya ingatan mo rin ang sarili mo. Alam kong matapang kang babae at matalino. Kaya alam kong kaya mong ipagtanggol ang sarili mo. Pero sana minsan turuan mo rin ang sarili mong sumandal sa iba. Hindi ka nag-iisa sa laban.”“Bawasan din ang pagiging kampante sa sarili na kaya mo, minsan matuto ka ring sumuko at tanggihan ang mga bagay na mahirap gawin. Hindi kasi lahat ng bagay ay kaya at kakayanin mo, minsan kaya mo nga pero masakit na.”“Narito naman kasi kami na handa kang tulungan pero binabalewala mo. Pinapamukha mo sa amin na wala kaming silbi para sa ’yo para akuin ang lahat ng pasanin na bitbit mo. Bilang kaibigan, nakatatampo. Pero dahil kinaya po nga, binabati kita. Ngunit sa susunod sana ay kumatok ka na. Ang kaibigan ay hindi lang maaasahan sa purong

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 83.1: Ang Pagwawakas

    “Salamat po.”“You’re welcome,” nakangiti at magkasabay na tugon nina Hera at Herald sa batang ulila nang bigyan nila ito ng isang set na gamit pang eskuwela, na may kasamang laruan na naaayon sa kasarian ng bata kung ito ba ay babae o lalaki.Sunod-sunod na nakapila ang sari-saring mga bata sa kanila na mayroong malawak na ngiti sa kanilang mga labi at hindi na makapaghintay pa na tanggapin ang para sa kanila. Samantala ang mga nakakuha na ay nakaupo na sa kani-kanilang upuan at pinapakita sa kasama ang mga gamit na natanggap nila kahit na pare-pareho lang ay tila ba pinapasikat pa rin nila sa isa’t isa. Nakatutuwang tingnan.“Marami po talagang salamat, Mr. at Mrs. Fonteverde sa tulong ninyo sa mga bata at sa donasyon po ninyo sa ampunang ito. Malaking bagay po ito sa mga bata.” Pagkuha sa aming atensyon ng Senior Sister na siyang namumuno ng bahay-ampunan na napili ng kambal na lugar pagdarausan para sa kanilang

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 82

    Isang mahigpit na yakap at dampi ng mga labi ang nagpaputol sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog. Napangiti ako nang manuot sa aking ilong ang natural niyang amoy. Simula nang maamoy iyon noon ay ito na ang naging paborito kong amoy. Nang imulat ko ang aking mga mata’y tumama sa akin ang sinag ng araw na nagmumula sa salaming dingding. Naalala kong hinayaan lang pala namin itong nakabukas kagabi para mapanood ang di-mabilang na mga tala na kumikislap sa kalangitan. Hanggang sa tumungo na nga kami sa bagay na kalimitang ginagawa ng mag-asawa. “Good morning, Love. I love you,” bulong niya sa aking tainga dahilan upang dumaloy sa buong sistema ko ang init ng kaniyang hininga nang dumampi ito sa leeg ko. Hindi ko napigilang mapapikit dahil sa sensasyon na bumubuhay ulit sa aking katawang-lupa. Naalala ko tuloy ang ginawa namin kagabi at ngayon nga’y gu

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 81.2

    “Love, tutal ay naging bukas na rin tayo sa isa’t isa para pakinggan ang sarili nating mga dahilan at doon ay nagkaroon tayo ng pagkakaunawaan. Bakit hindi natin hayaang pakinggan din ang iyong tiyo sa kaniyang mga sasabihin para naman maunawaan din natin ang bahagi niya? Love, kasi kung puro na lang galit ang nasa puso natin, hinding-hindi tayo uusad. Magiging ganito tayo habang-buhay.” Napayuko ng ulo si Alas dahil sa mga sinabi ko.“Please, hayaan natin siyang magsalita para sa sarili niya at doon na lang tayo huhusga. Ang hirap kasing humusga na lang na wala naman tayong alam sa mga pinagdaanan niya.” Tumingin ako kay Jemuel na kagaya rin ni Alas ay nakayuko na.“Wala akong magandang rason o dahilan na magsisilbing depensa sa sarili dahil mga mali naman ang ginawa ko.” Napatingin ako kay Mr. Segundo sa sinabi niya.“Mr. Segundo, hindi ako naniniwala na wala lang lahat ng mga ginawa mo. Alam kong may pinag

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 81.1

    Dahil sa mga katotohanang naihayag ay walang sino man ang naglakas-loob na kumibo. Binalot kaming tatlo ngayon ng nakabibinging katahimikan. Isang tao lang pala ang siyang puno’t dulo ng mga ito. Dahil sa kaniya ay halos magdusa kaming lahat.Tiningnan ko si Alas na ngayon ay nakayuko lang at nakatuon sa tasa ng kape ang atensiyon. Sa aming dalawa ay siya itong tunay na nabilog at naloko ng taong iyon. Buong buhay niya ay ang taong iyon na ang kaniyang tinatakbuhan at pinagkakatiwalaan. Nakaramdam ako ng awa sa aking asawa. Naaawa ako sa kaniya sapagkat pinaglaruan lang siya ng mga taong nasa paligid niya at iyong mga taong kinakapitan pa niya.“Kung alam n’yo lang kung gaano kaganda ang relasyon ng mga magulang ninyo noon. Kaya nga hindi ko alam kung bakit nadala sila sa panunukso ng isang Segundo. Napakagahaman talaga ng taong iyon. Kahit noon pa man ay may nararamdaman na akong hindi maganda sa kaniya. Hindi nga ako nagkamali, nagtagumpay nga siyan

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 80

    “HAPPY BIRTHDAY!” sabay-sabay naming sigaw pagkabukas ng pintuan ng bahay. Pagkatapos niyon ay bumungad sa aming paningin ang naka-wheelchair na si Jemuel. Sumabog din ang confetti na pinaputok namin at nagsiingay ang mga bata gamit ang torotot na humahaba ang dulo sa tuwing hinihipan. Namilog ang mga mata ni Jemuel dahil sa labis na pagkagulat. Samantalang ang kaniyang ina na nasa likod niya, at may hawak ng hawakan ng wheelchair na sakay niya, ay malawak ang pagkakangiti. “W-What the...” hindi niya halos mabigkas ang mga katagang iyon. Maya-maya’y isang liwanag ang kumislap sa harapan niya. “Hey, Kheil. You look handsome on your photo,” komento ni Alas sa larawang nakuha roon sa kamera na hawak-hawak niya habang naglalakad papalapit sa pinsan.

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 79.2

    HAWAK-HAWAK ni Alas ang kamay ni Jemuel habang nasa loob ng isang silid sa pribadong ospital na iyon. Ilang araw na ang nakalipas matapos ang kaguluhang iyon ngunit hindi pa rin nagigising ang isa man kina Ava at Jemuel. Sabi naman ng doktor ay ligtas na mula sa kapahamakan ang dalawa ngunit hindi pa rin maintindihan ni Alas kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang mga ito.Si Segundo Fonteverde ay sumailalim sa isang operasyon dahil sa natamo nito ngunit ligtas na rin naman daw ito sa kapahamakan. Ang importante ay buhay pa rin ang demonyong tiyuhin at anumang oras ay pupuwede pa rin niyang singilin. Wala siyang balak na singilin ang matanda sa sarili niyang mga kamay. Batas na mismo ang naghahanap dito at mas mabuti iyon dahil mararanasan nito ang bunga ng kasamaang ginawa nito sa buong buhay ng tiyuhin.Si Jemuel ang unang nais niyang makausap upang makipag-ayos rito. Sa dinami-dami ng kasalanan at sakit ng loob na ginawa sa kaniya ng pinsan ay tila

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 79.1

    “HULI KAYO! DITO lang pala kayo nagtatago, ha,” sigaw ng isang armadong lalaki. Halos mapasinghap sa gulat sina Shaelza at ang kambal nang makita ang lalaki sa kanilang likuran. Naroroon pa rin kasi sila at nagtatago sa likod ng naglalakihang bakal. Natatakot silang lumabas dahil baka mahagip ng ligaw na bala ang isa man sa kanila. Bukod doon ay wala rin silang dalang anumang armas upang ipanlaban sa mga armadong kalalakihan. May mga bata pa siyang kasama kung kaya’y limitado lang ang bawat galaw niya. Napasigaw silang tatlo nang tutukan sila ng baril ng lalaking iyon. Kasunod ng isang nakabibinging pagputok ng baril ay ang pagkakatumba sa sahig ng armadong lalaking may balak na bumaril sa kanila. “Ayos lang ba kayo? Ang mga bata, okay lang ba?” tanong ni Jemuel mula sa likuran ng natumbang lalaki. Siya pala ang bumaril sa taong iyon kaya bumulagta sa konkretong sahig ang lalaki. Iniligtas ni Jemuel ang buhay nila. “Maraming salamat, Jemuel. Oo, ayos

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status