"Master..." "Kamusta si Alyssa?" "Buong araw pong namalagi ang Young Miss sa Yssa International. Nakipagmeeting po s'ya sa kanyang mga managers. Mag-a-alaskuwatro na po ng hapon nang s'ya ay umalis doon kasama si Jaycee. Sa kasalukuyan po nasa Suncrest ang Young Miss. Mag-oovernight stay po s'ya sa villa ni Miss Celine Larrazabal." "Ganun ba. Ipagpatuloy lang ang palihim na pagbabantay kay Alyssa hanggang sa makabalik ako." "Okay po, Master Clyde." Nagbilin pa ng ilang importanteng bagay si Mark kay Simon bago n'ya tinapos ang tawag na iyon. Sa kasalukuyan nasa isang mahalagang misyon si Mark. Isang notorious syndicate na matagal ng sinusubaybayan ng kanyang grupo ang napag-alaman nilang may isasagawang malawakang transakyon sa loob ng Metro City. Ang transakyon na ito ay may kinalaman sa droga at mga dekalibreng mga baril. "Leader, ayon sa informant natin bukas sa ganap na alas-kuwatro ng hapon magaganap ang malawakang transakyon sa Crimson District." "Isagawa na natin ang pla
Mabilis na natapos ang meeting ni Alyssa. Kaya naisipan muna n'yang mag-ikot-ikot sa kahabaan ng Crimson District. Dalawang naglalakihang shopping malls kasi ang matatagpuan sa lugar na iyon. Ang Indigo at Purple Haven. Nagtungo si Alyssa sa Indigo partikular sa VIP section nito. Ang section na iyon ay inilaan para sa mga kilalang personalidad sa buong Metro City. Makakapagshopping sila dito ng walang gumabambala sa kanilang privacy at seguridad. "Good afternoon, Young Miss." Bati kay Alyssa ng mga staff sa section na iyon. "Good afternoon, too." Sagot ni Alyssa sa mga ito. Kilala si Alyssa ng mga staff. Dahil isa sa mga major shareholder ng Indigo ang mga Araneta. "Is Director Rivera present at the moment?" Tanong ni Alyssa sa isa sa mga staff roon. "Yes, Young Miss. I'll inform her immediately that you're here." "Okay." Nag-ikot-ikot at tumingin-tingin muna si Alyssa sa mga nakadisplay roon habang hinihintay n'yang dumating si Director Ingrid Rivera. Si Director Ingrid Riv
"atapos makuha ang dalawang briefcase, nagpaalam na ang grupo ni Mr. Yan. Iyon ang pagkakataong hinihintay ng buong team ni Mark."Freeze..." Deklara ni Mark bago pa makalabas ng abandonadong building ang grupo ni Mr. Yan. Nakapaikot sa kanila ang ibang miyembro ng Crimson District Police na s'yang naging katuwang nila Mark sa operasyon na iyon."Anong ibig sabihin nito?""This is a buy-bust operation. All of you were under arrest." Sabi ni Mark kay Mr. Yan. "Sumama na lang kayo ng maayos para wala ng masaktan." Napansin kasi ni Mark na parang gusto pang nanlaban ng mga tauhan ni Mr. Yan.Sa huli, tahimik na lang na sumunod si Mr. Yan at ang mga tauhan nito. Isa-isa silang pinusesan at isinakay sa mobile police car. "Saglit..." Sabi ni Mark ng mamukhaan n'ya ang tatlo sa mga kumidnap kay Alyssa mula sa mga grupo ng mga tauhan ni Mr. Yan."Leader, bakit po?""Ihiwalay mo ang tatlong 'yon na nasa dulo." Utos ni Mark."Okay po, Leader." At sa ibang sasakyan nga isinakay ang tatlong tinu
Niyakap pang muli ni Mark si Alyssa. Pagkatapos ay naupo silang dalawa na magkatabi sa couch. "So...how are you for the past few days na wala ako?" "Mark...alam kong alam mo kung ano ang sagot sa tanong na 'yan." Sabi ni Alyssa dito. "How come? Di ba nga wala ako ng ilang araw?" "Mark, I know you too well. Kaya alam kong there's someone na nagrereport sa'yo regarding my whereabouts." Direktang sabi ni Alyssa habang nakatingin kay Mark. "Sorry." "It's okay. Alam ko namang concern ka lang sa safety ko." Sabi ni Alyssa dito. "By the way, kamusta nga pala 'yung lakad mo?" "Naging maayos at successful naman." "Successful naman pala. Eh, bakit parang hindi ka masaya sa naging resulta?" Sabi ni Alyssa nang mapansin n'yang may kakaiba sa reaksyon ni Mark. "I don't know." Sabi ni Mark. "Pero parang smooth masyado 'yung naging resulta ng operasyon namin. I expected it earlier na may worst scenario na mangyayari kaso wala naman." "Maybe because you overthink. Napangunahan mo na kasi an
"Care to tell me what you're thinking?" Napatingin si Alyssa sa nagmamanehong si Mark. "Kanina ka pa kasi tahimik." "Bakit ganun, Mark? I feel so helpless." Sabi ni Alyssa sa binata. "Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. 'Yun bang parang wala akong magawa sa mga nangyayari. Nang makita ko 'yung tatlong kidnappers kanina, akala ko magkakaroon na ng kasagutan ang mga katanungan ko. Akala ko matatapos na kung anuman ang mga nangyayari sa akin. Ayon pala, it's just the beginning. Marami pa palang mangyayari na hindi ko inaasahan." "Sweetheart..." "No. Ayaw ko mang maliitin ang sarli ko. Pero 'yun talaga ang nararamdaman ko sa ngayon." "Sweetheart..." Itinabi muna ni Mark ang kotse sa gilid ng daan saka bumaling kay Alyssa. "Sweetheart, makinig ka sa akin. Mareresolba natin ang problemang ito. Huwag mong isipin na nag-iisa ka. Nandito ako at ang pamilya mo. Hindi ka namin pababayaan." Niyakap ni Mark si Alyssa. "Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa'yo." Napaiyak na ng tuluyan
"Hi! Yssa.""Celine." Sabi ni Alyssa nang makalapit ito sa kanilang puwesto at nakipagbeso-beso. "Kumain ka na ba?""Katatapos lang, but thanks anyway." Sagot ni Celine. "By the way, sasadyain talaga dapat kita sa condo mo kung hindi kita nakita today.""Why?""Gusto kang kunin ni Erica na magmodel ng mga bagong disenyo n'yang wedding dress.""Sure. Kailan ba kamo 'yun?""This coming month ang alam ko." Sagot ni Celine. "Hayaan mo, sasabihan ko kaagad s'ya na tawagan ka para sa iba pang detalye.""Okay.""Paniguradong matutuwa si Erica kapag nalaman n'yang pumayag ka." Masayang sabi ni Celine. "Alam mo namang idol na idol ka ng kapatid kong 'yun.""Alam ko naman 'yun. Kaya nga hindi ko s'ya bibiguin sa nais n'ya.""Talaga! Salamat, Yssa." Sabi ni Celine at niyakap si Alyssa. "Mauuna na nga rin pala ako." Kapagdaka'y nagmamadaling paalam ni Celine. "Naalala kong may kailangan pa nga pala akong gawin.""Okay. See you some other time then.""Yeah." Sabi ni Celine. "Saka alam ko namang nak
"Hindi kita masasamahan bukas." Sabi ni Mark kay Alyssa habang nasa elevator silang dalawa patungong penthouse. "It's alright." Sagot ni Alyssa. "Kasama ko naman si Jaycee."Biglang hinila ni Mark si Alyssa payakap sa kanya. Hindi iyon inaasahan ng dalaga kaya napasubsob s'ya sa dibdib nito."Where are your reflexes, sweetheart?" Bulong ni Mark kay Alyssa."Ha??" Naguguluhang sagot ni Alyssa.Natawa si Mark. "Sabi ko..." Hindi itinuloy ni Mark ang kanyang sasabihin bagkus ay hinalikan na lang n'ya si Alyssa sa labi.The kiss was gentle at first until it became deep and passionate. Alyssa wanted to resist, but her body urged her to respond. She kissed back to Mark with the same passion. "Sweetheart..." Sambit ni Mark. "We need to stop now or else..."Natauhan si Alyssa at biglang nahiya. Isinubsob n'ya ang kanyang namumulang mukha sa dibdib ni Mark. "Nakakainis ka talaga. You always tease me."Natawang muli si Mark. "Cause I find it amusing, sweetheart." Mahinang bulong nito sa dalag
Matapos makausap ni Mark si Alyssa, nagtext s'ya kay Matt upang sabihin dito na mauuna na s'yang umalis at i-send na lamang nito ang report na nakuha nila sa kanyang email.Habang binabagtas ni Mark ang corridor, biglang tumunog ang fire alarm. Nataranta at nagkagulo ang mga shoppers sa Indigo."Huwag po kayong magpanic." Kalmadong sabi ni Mark sa mga shoppers. "Dito po ang gawi patungong emergency exit. Huwag po tayong magtulakan." Itinuro ni Mark sa mga nakakasalubong n'yang shoppers ang emergency exit. Mayamayapa'y napagawi ang kanyang tingin sa VIP Section. Naalala n'yang may sariling nga palang emergency exit ang section na 'yun."Miss Torres...""Master Clyde...""Paki-assist ang mga VIPs natin sa emergency exit.""Opo, Master." At mabilis itong tumalima upang asistehan ang mga VIPs na naroroon.Umikot si Mark sa buong VIP Section upang masigurong walang maiiwang tao roon."Master Clyde..." Tawag ng mga saleslady kay Mark habang papalapit ang mga ito sa kanya."Kumusta kayo?" Ta
"Magandang araw, Young Miss.""Magandang araw, Sir Mark." Bati ng mga kasambahay sa kanilang dalawa."Dumating na ba ang mga kapatid ko?" Tanong ni Alyssa sa isa sa mga kasambahay."Bukod tanging ang Third Young Master at si Miss Celine pa lang ang naririto, Young Miss.""Talaga!" Masayang reaksyon ni Alyssa. "Where is Celine? Kasama ba ni Kuya Dave?""Nagpapahinga siya sa silid ko, brat." Bungad na sagot ni Third Young Master Dave habang pababa ito sa grand staircase."Kuya Dave..." Lumapit si Alyssa dito at yumakap. "Good thing at okay na talaga kayo ni Celine.""Yeah.""I'm happy for you, Kuya Dave." "Thanks, brat.""By the way, where's mom?" Tanong ni Alyssa."She's in the kitchen." Sagot nito saka bumulong. "Brat, masama na ang tingin sa akin ni Mark.""Kuya... he's not jealous of you."Natawa si Third Young Master Dave. "Are you sure? Eh, parang any minute ay titimbuwang na lang ako dito."Natawa na rin si Alyssa sa sinabi nito. "Maiwan ko na nga kayong dalawa. I'll look for mo
"Hello..." Sagot ni Alyssa sa kabilang linya. Kasalukuyan silang nasa loob ng private elevator ni Mark ng tumawag ang secretary niyang si Grace. "Ipapakuha ko na lang kay Jaycee mamaya... okay... umhh... alright... bye."Matapos ibaba ni Alyssa ang tawag na iyon, katahimikan ang bumalot sa paligid. Nakakailang na katahimikan. Feeling ni Alyssa nasu-suffocate siya. Para kalmahin ang sarili, dahan-dahan siyang huminga ng malalim. Inhale. Exhale.Nang kalmado na siya, pinakiramdaman niya si Mark. Chill lang itong nakatayo sa tabi niya habang nagpipipindot sa cell phone nito. Napaismid si Alyssa."Kaasar 'tong lalaki na 'to." Bulong niya sa sarili. "Sobra na nga ang pagka-akward ko dito, samantalang siya walang pakialam. Kainis...""Are you saying something, sweetheart?""Wala." Mabilis na sagot ni Alyssa. "Bakit ba ang bagal yata ng elevator ngayon?"Natawa at napapailing na lang si Mark sa sinabi niya.Sa mansyon ng mga Araneta..."Celine... hija, how are you?" Bungad na tanong ni Madam
Ding Dong! Ding Dong!"Are you expecting someone?" Tanong ni Alyssa kay Mark ng marinig ang tunog ng doorbell."That must be Simon." Sagot ni Mark. "Sweetheart, pagbuksan mo naman s'ya. Tatapusin ko lang 'to." Kasalukuyan silang nagliligpit ng pinagkainan noon."Sure." Sagot ni Alyssa saka tumalima patungo sa main door. Bago binuksan ni Alyssa ang pinto ay tumingin muna siya sa monitor. Kita kasi roon kung sino ang taong nasa labas. Si Simon nga iyon. Pinindot ni Alyssa ang passcode ng pinto saka ito binuksan."Simon... pasok ka." "Magandang araw, Young Miss." Bati nito."Magandang araw din. Nasa kusina si Mark. Doon ka na dumiretso." Sabi ni Alyssa dito. "Didiligan ko lang sandali itong mga halaman."Tumango lamang si Simon at nagtungo na sa loob."Master Clyde..." Bati ni Simon kay Mark ng makita niya ito sa kusina. Lumingon si Mark sa kanya."Anong bago?" "Narito na po ang resulta ng DNA testing?" Saka inabot ni Simon ang isang brown envelope. Mabilis na binuksan ni Mark ang env
"Jaycee... huwag mo na akong sunduin. Nandito na ako sa parking lot ng Le Grande. Sa penthouse na lang muna ako tutuloy ngayong gabi." "Sige, Young Miss." "Tatawagan na lang kita bukas ng umaga kapag magpapasundo na ako." "Noted, Young Miss." Matapos ibalik ni Alyssa ang kanyang cellphone sa bag ay lumabas na siya sa kanyang kotse. Akmang isasara na niya ang pinto ng maramdaman niyang hindi siya nag-iisa. Nakita niya mula sa reflection ng bintana ng kanyang kotse na may taong papalapit sa gawing likuran niya. Nakasuot ito ng itim na face mask at jacket na may hood. Marahan niyang isinara ang pinto at nagpanggap na hindi ito napansin. Mabilis na sinugod siya nito. Ngunit alerto naman niyang nailagan. May hawak pala itong patalim. Tumama ang patalim sa bintana ng kanyang kotse. "Sinong nag-utos sa'yo na gawin ito?" Tanong niya dito. Hindi ito sumagot bagkus ay muli na naman siyang inundayan ng patalim. Sa pagkakataong iyon, lumaban na siya. Pinatamaan niya ng isang malakas na si
"Master Clyde." Bati ni Simon sa kanya bago nito iniabot ang isang folder. "Iyan ang lahat ng impormasyong nakalap ko." Kaagad na binuklat at binasa niya ang nilalaman ng folder. "May alam si Uncle George?" "Yes, Master Clyde. Kaya mas makabubuti kung personal n'yo siyang kakausapin tungkol dito." Mabilis na tumayo si Mark mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair. "Before I go, ask someone to look for Alyssa." "Yes, Master Clyde." Sa mansiyon ni Master George... "Master, a man named Mark Montenegro was looking for you." "Have him in." "Yes, Master." Makalipas ang limang minuto ay natanaw na nga niya si Mark na papalapit. "Uncle George." Bati ni Mark sa kanya. "Mark." Ganting bati niya dito. "Have a seat." Muwestera niya dito na maupo. "What can I do for you?" "Uncle George, I need to talk to you." "Alright." Sagot niya dito. "Bring it on." Mataman niyang tiningan si Mark. Kita niya sa facial expression nito na importanteng bagay ng kanilang pag-uusapan. Inabot sa kanya
"Hey! What happened?" Nag-aalalang tanong ni Alyssa. She was on another commitment during the accident happened. Kaya nagmamadali siyang nagtungo sa ospital ng malaman niya ang nangyari kay Celine. "One of the girls accidentally pushed her. Tumama ang tiyan niya sa kanto ng mesa. Then... then, I saw some blood in between her legs." Garalgal ang boses na kuwento ni Erica. Halatang pinipigilan lang nitong umiyak sa harap niya. "Good thing, Third Young Master Dave passed by. He helped us." "Thanks, God." Sambit ni Alyssa. "Ate Alyssa... is Ate Celine pregnant?" Tanong ni Erica. Tumango si Alyssa bilang tugon dito. "Bakit hindi niya sinabi sa akin?" "She was about to." Sagot ni Alyssa sabay buntong hininga. "After daw ng fashion show niya sasabihin sa'yo. Busy ka daw kasi sa preparation kaya ayaw niyang sumabay." "Si Ate talaga..." "Alam mo naman ang ugali ng Ate mo? Hindi ba?" "Yeah. Matigas ang ulo." Sagot ni Erica. "Sino po ang kamag-anak ng pasyente?" Mayamayapa'y tanong ng n
Niyakap na lamang ni Alyssa si Celine bilang tanda ng pakikisimpatya at pagbibigay ng suporta dito. Ang suporta niya bilang kaibigan na laging maaasahan ay malaki ang maitutulong sa aspetong emosyonal nito sa ngayon lalo pa at nais ni Celine na palakihin ang anak nito ng mag-isa. "Thanks, Yssa." Sabi ni Celine. "Ano ka ba. Wala iyon." Sagot ni Alyssa dito. "Magkaibigan tayo at magiging inaanak ko ang batang iyan. Nasabi mo na rin ba kay Erica ang tungkol dito?" "Hindi pa. Pero alam niyang nagpakonsulta ako." Sabi ni Celine. "Sa mga susunod na araw ko na lang sasabihin sa kanya. Masyado pang busy si Erica sa fashion show para abalahin ko pa." "Kumain na nga lang tayo." Sabi ni Alyssa. "My treat." Kinabukasan sa Araneta Shooting Range... Maaga pa lamang ay abala na si Third Young Master Dave. Marami siyang kailangang i-review at pirmahang dokumento. Ilang araw din kasi siyang hindi nakapunta sa opisina dahil sa iba pa niyang aktibidad. "Third Young Master..." "Yes?" "Nakagayak
"You're nine weeks pregnant."Paulit-ulit sa isipan ni Celine ang sinabing iyon ni Doktora Mendoza. Ngayon pa lamang nagsi-sink in sa kanya ang mga katagang iyon matapos siyang lumabas sa clinic nito."Anak... s1orry kung nabigla ako sa pagdating1 mo." Bulong ni Celine habang hawak ang kanyang tiyan. "Masaya ako kahit hindi ko ito inaasahan. Huwag kang mag-alala hindi kita pababayaan."Bumuntong-hininga muna si Celine bago niya pinaandar ang kanyang kotse. Sa kanyang condo muna siya ngayon uuwi. Nais niya kasing mapag-isa. Saka na niya sasabihin kay Erica ang kanyang kalagayan.Pagdating ni Celine sa kanyang condo ay naupo muna siya sa couch. Nakaramdam siya ng pagod at parang nais niyang matulog. Tumingin siya sa kayang wristwatch. Ayon doon ay mag-aalas tres na ng hapon. "Anak... umidlip muna tayo." Bulong ni Celine sa kanyang tiyan.Inalis ni Celine ang kanyang sandals at saka nahiga sa couch. At ilang sandali pa lamang ay nakatulog na siya.Sa mansyon ng pamilya Araneta..."Ate Z
"Hello, everyone." Bungad na pagbati ni Third Young Master Dave sa mga taong nasa silid ni Laura. "Nahuli ka na naman, Kuya Dave." Sagot ni Alyssa dito. "I know, and I'm sorry for that." Sabi nito. "Ang importante nakahabol ako. Nasaan na ba ang pamangkin ko?" "Narito na po siya." Sagot ng nars habang papasok ito sa silid karga ang isang sanggol. "Oh! There you are.' Excited na sabi ni Third Young Master Dave at kinuha ang sanggol mula sa nars. "Kuya Dave... baka mabitawan mo." "Brat... relaxed. Hindi ko siya mabibitawan." Sabi ni Third Young Master Dave sa kapatid. "He's right, brat." Sang-ayon naman ni Second Young Master Xander dito. "Sanay na sanay si Dave magkarga at mag-alaga ng mga bata. Noong maliit ka pa, siya ang madalas na nag-aalaga sa sa'yo." "You're right, Xander." Natatawang sabi ni First Young Master Kyle. "Natatandaan ko pa noon kung gaano kabilis patigilin ni Dave si Alyssa sa pag-iyak. Habang tayo ay hindi malaman ang gagawin." "Talaga?" Hindi makapaniwal